10 REASONS Why You're Happy Alone by Brain Power 2177


Photo by Quang Anh Ha Nguyen from Pexels


Living alone can be a great way to learn about yourself. Ang ilan ay gustong mapag-isa dahil gusto lang nilang mapag-isa. Ang ilan din ay pinili nilang mag-isa dahil gusto lang nila ng katahimikan. Ngunit para sa karamihan naman, hindi man nila ginustong mag-isa, pero kailangan nilang gawin 'yon. Gaya ng mag-aabroad sila. Hindi nila ginusto ang mag-isa sa ibang bansa pero nagsasakripisyo sila para makasuporta financially sa kanilang mga mahal sa buhay. Pero kung hindi lang tayo magpokus sa kalungkutan kung nag-iisa tayo, marami tayong matutunan. Matutunan natin ang pagiging INDEPENDENT. Mas marami tayong makikitang importanteng bagay. Mas madali nating makontrol ang ating sarili at malaya rin tayo sa gusto nating gawin.

Ang ilan ay nakitira sa ibang bahay. May ilan din, sila ang nagpapatira sa bahay nila. Gusto kasi nila na may kasama sila sa bahay. Minsan gusto nila ng kasama para may kahati sa bayarin pero minsan din dahil nababagot sila at nalulungkot kapag nag-iisa lang kaya nangangailangan sila ng kasama. But there are times in life when living alone may be the best answer. Kung ito pa ang unang pag-iisa mo, siguro'y malulungkot ka pa pero dahan-dahan mong mararamdaman ang kalayaan. Kung iniwan ka man ng taong mahal mo, dahan-dahan mo ring maramdaman ang gaan ng iyong dibdib. Kahit ano pa ang dahilan ng iyong pag-iisa, isa lang ang kahahantungan nito, magiging matiwasay ang buhay mo. Ang sarap maging malaya. Parang nakakalungkot mang isipin ang pag-iisa pero may benefits kang makukuha kung nag-iisa ka.


NUMBER 1
MAGIGING INDEPENDENT KA

Photo by Andres Ayrton from Pexels


Kapag mag-isa ka lang, matututo kang banggain ang lahat ng problema nang ikaw lang. Matutunan mong balikatin ang mga responsibilidad, gaya ng pagbabayad ng mga bills, magluto, maglinis. 'Di ba't napakasarap kapag ganyan ang buhay? Wala ng manghuhusga at maging mas malakas ka at mas malayang tao ka. Kung nasanay ka ng umasa sa ibang tao, dito mo matutunan o dito mo mahuhubog ang iyong kompiyansa sa sarili. Sapagkat napagtanto mo na walang taong makakahulma ng iyong bagong karater kundi ang sarili mo lang. Magiging independent ka na rin emotionally. Matutunan mong gumawa ng desisyon nang mag-isa.


NUMBER 2
SARILI MO LANG ANG AMO MO

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Siyempre walang mag-uutos sa 'yo at wala ring magagalit kung magkakamali ka. Walang ibang tao na magsasabi kung ano ang dapat mong gawin at kung ano ang hindi mo dapat gawin. Ikaw lang ang makakapili kung ano ang dapat gawin. Ikaw lang din ang makakapag desisyon. Ikaw lang din ang namamahala ng iyong oras. Kung gusto mong gumala at mag-enjoy, wala ka ng permisong hihingin pa. Kung gusto mong matulog na lang, walang magagalit sa 'yo. Kung ano ang kakainin mo, walang makakapigil sa 'yo. Kahit anong oras ka kumakain, kahit ilang beses ka pang kumain, ikaw lang ang makakadecide nun. At siyempre wala ka ring ma-isturbong tao. Di ba't napakasarap mamuhay kung walang umaabala sa 'yo at wala ka ring naaabalang ibang tao? Ito'y literal na KALAYAAN.


Recommended Article: Why Being Alone Is A Good Thing



NUMBER 3
WALANG MANGHUHUSGA SA 'YO


Kapag namumuhay kang mag-isa walang manghuhusga sa 'yo. Hindi mo kailangang mabuhay na palagi na lang nakasunod sa mga pamantayan ng ibang tao. Malaya kang magkalat. Malaya ka sa lahat ng bagay. Siyempre 'wag mo lang gawin ang makakasira ng iyong buhay. Wala kang maririnig na ingay sa bahay o sa buhay mo. Kung hindi mo gustong magluto, wala ring makakapagsabi na sobrang tamad mo na. Kahit tinatamad ka naman talaga, walang magagalit sa 'yo. Ito naman ang gusto natin, 'di ba? Ang KALAYAAN.


NUMBER 4
MAY PERSONAL SPACE KA

Photo by riciardus from Pexels


Ito ang isa sa pinakagusto ko sa pag-iisa. Walang makakapag interrupt sa akin. May mga oras kasi na gusto nating mag-isa muna. Kapag may taong sasama, siyempre maiirita tayo. Having personal freedom and your own space can be wonderful. Hindi lang personal space, may pribadong buhay ka rin. Lahat naman tayo ay may sikreto sa buhay. May ginagawa tayo na tayo lang ang nakakaalam. Kahit nga sahod natin ay hindi natin ipinapaalam sa iba, 'di ba? Kasi gusto natin ng privacy. Kung gusto mong matulog na nakahubad lang, komportable ka na gano'n kasi pribado ang kwarto mo. The peace, the quiet and the mental solitude can help you recover from the stresses of daily living. Kung may personal space tayo, marami tayong maiisip na mga bagong ideya. Sa ngayon kasi, wala kang maiisip na positibo sa buhay dahil ang ingay² ng iyong mundo. Wala ka kasing personal space.


NUMBER 5
WALA KANG DAPAT SANG-AYUNAN

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Nakakabad trip kasi kung may kasama ka palagi dahil hindi ka makakatanggi. Kahit na tumanggi ka, pipilitin ka pa rin nila na sumama o gumawa ng mga bagay na gusto nila pero hindi mo naman gusto. Kung hindi ka sumama o kung hindi mo gagawin ang utos nila, pagsasabihan ka na kill joy ka. Kaya ang sarap mamuhay mag-isa dahil walang pumipilit sa 'yo. Wala ka ring sang-ayunan at wala ka ring tatanggihan. Living alone can be very peaceful. When you live alone you don’t have to compromise to fit in with someone else. Ang masama kasi, maingay na nga ang ulo mo, madadagdagan pa ng ingay ng ibang tao. Kaya maraming tao ang pumipili na mamuhay nang mag-isa na lang kaysa sa maraming bias na papasok sa buhay nila. You don’t need to fit in to anyone else’s timetable. Magagawa mo naman ang mga bagay kahit mag-isa ka lang. Basta't gawin mo lang kung ano ang nakakapagpagaan ng buhay mo.


NUMBER 6
MATUTUTUHAN MONG MAHALIN
ANG IYONG SARILI




Kapag mamuhay ka nang mag-isa matutunan mong pahalagahan ang iyong sarili at ang iyong ugali. Matutunan mo rin na maging masaya nang mag-isa. Hindi naman ako mag-isa sa buhay. Pero may personal space ako. May alone time ako. Mas masaya pa akong sumama sa sarili ko kaysa sa sumama sa ibang tao, lalo na yung mga taong napakaingay. Kung mag-isa ka man ngayon dahil nasa abroad ka, magsaya ka pa rin dahil natutunan mong maging independent sa buhay at may natutulungan ka pa. Oo mahirap man pero 'wag kang magpokus sa negatibong sitwasyon, do'n ka magpokus sa positibong epekto na naibahagi mo sa mga tao, lalo na sa pamilya mo. 


NUMBER 7
MATUTUTUHAN MONG MAGPAKATOTOO

Photo by Daniel Reche from Pexels


Kapag namuhay ka kasama ang ibang tao, lalong lalo na kung ang taong 'yon ay toxic, wala kang mararating sa buhay. Bakit? Kasi palagi na lang ang mga ideya nila ang masusunod. At hindi ka makakapag voice out kung ano ang gusto mo dahil ipapaubaya mo na lang kung ano ang kagustuhan nila para wala ng gulo. Patuloy mong binabago ang iyong mga ideya upang mapaunlakan ang mga hinahangad nila at opinyon ng ibang tao. Siyempre gusto mo ring magustuhan ka nila. Hindi mo gusto na mapataob mo sila. Gusto mo na lang tanggapin ang opinyon nila kahit hindi ka naman sang-ayon.

Minsan kasi nag-iisip tayo kung paano maging perpekto. Nag-iisip din tayo kung ano ang ating gagawin para magustuhan tayo at matanggap nila tayo. Sa oras na palagi kang nag-iisip kung paano ka tanggapin ng ibang tao, dito ka mawawala sa tamang landas. Kasi abalang-abala ka na sa paggawa ng mga bagay para mapasaya ang iba at nakalimutan mo ng gawin ang mga bagay para sa ikakaunlad mo.


Recommended Article: 10 TIPS To Being Happy Alone


Kapag mamuhay ka ng mag-isa, hindi mo kailangang mag-alala sa kung ano ang tingin ng ibang tao sa 'yo. Walang maaapektuhan sa iyong ginagawa. Hindi mo kailangang sumunod sa kung ano sa tingin mo ang gusto nila para sa 'yo. Dahil may sarili kang kagustuhan sa buhay. You will learn to just be yourself.


NUMBER 8
MATUTUNAN MONG TANGGAPIN NG BUO
ANG IYONG SARILI


Sa oras na mag-isa ka lang, makikita mo ang tunay mong pagkatao at madali mo ring matanggap ang iyong sarili. Malalaman mo kung ano ang kahinaan mo, kung ano ang mga pagkakamali mo sa buhay, kung ano ang mga pagkukulang mo, madali mong matanggap ang lahat ng 'yon. When you start to be yourself you will practice far more self-acceptance and self-love. Matutunan mo ring magtiwala sa kakayahan mo. Bakit madali mong matanggap? Dahil wala kang ibang iniisip kundi sarili mo lang. You develop your own ideas and opinions. Malalaman mo rin kung ano ang iyong kakayahan. Mawawala rin ang iyong paki sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao kasi nga KILALA mo na ang sarili mo.


NUMBER 9
ANG BUHAY MO AY SA 'YO LANG


Pinaka advantage sa buhay mag-isa ay wala kang kahati sa desisyon. Wala kang kahati sa bahay, wala kang kahati sa kalayaan. Malaya ka sa lahat ng bagay. Kung nakatira ka sa bahay na ikaw lang, sa 'yo lang din ang C.R. Hindi mo na kailangang maghintay kung kailan matatapos ang ibang tao sa paggamit ng C.R. Kapag naglilinis ka rin, walang tao ang makakapagkalat ulit. Lahat ay nasa sa 'yong mga kamay.


NUMBER 10
IKAW ANG BAHALA KUNG ANO
ANG GAGAWIN MO


Ikaw lang ang pumipili kung gusto mong mag-ingay o kung gusto mong manahimik. Gusto mong magpatugtog o hindi. Manonood ka ba ng TV o hindi. Ikaw ang amo sa 'yong buhay. You can have your living space as you please. Kung malaya ka kasi sa buhay, magaan rin ang iyong mentalidad. Living alone gives you much more control over your environment than when you are living with others. You can have your home however you like it. Kahit na tinatamad ka, kahit magkalat ka, malaya kang gawin kung ano ang gusto mong gawin. Whatever suits you. Kung gusto mong mag decorate, walang magsasabi na pangit ang decoration mo kahit pangit naman talaga. Walang magsasabi na hindi dapat ganito. Your home reflects your personality alone.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177