Posts

7 MENTAL TRICKS To Stop Overthinking By Brain Power 2177

Image
Paano itigil ang OVERTHINKING? Photo by  EKATERINA BOLOVTSOVA  from  Pexels Ang overthinking ay ito yung nag-iisip ka ng sobra tungkol sa mga bagay na hindi mo makokontrol. Tulad ng nag-iisip ka sa nakaraan mo at sa hinaharap mo. Palagi mong iniisip ang mga WHAT IF at KUNG ANO ANG DAPAT MONG GINAWA. Iniisip mo rin kung anong gagawin mo sa HINAHARAP. Sa kakaisip mo sa dalawang PANAHON na ito, nakakalimutan mo na ang isang PANAHON. Ang PANAHON ng NGAYON. Tandaan mo, hindi mo maaayos ang nakaraan at hindi mo mahuhulaan ang kinabukasan. 'Wag mong sobrang laliman ang iniisip mo dahil mapupunta ka sa DEPRESYON niyan. And speaking of DEPRESSION, alam mo naman siguro kung anong klaseng problema nito. Problemang pangkaisipan at madadamay ang iyong pisikal dahil nakakapanghina ito. Para ka lang bumubuo ng mga problema na hindi naman talaga umiiral in the first place. Hindi naman lahat ng pag-ooverthink ay masama. Ang masama lang do'n ay kung hindi ka na makakakilos dahil napuno na ...

10 WAYS To Show Your Self Love By Brain Power 2177

Image
Unahin mo muna ang sarili mo Photo by  Andrea Piacquadio  from  Pexels Kung gusto mong ipakita ang pagmamahal mo sa iba, simulan mo munang pakitaan ng pagmamahal ang sarili mo. Ang pundasyon ng pag-ibig ay nagsisimula sa kalooban mo. Paano ka makakapagbigay kung kulang ka? Kung walang-wala ka? Halos lahat alam na alam na ang konseptong ito. Pero bakit marami pa rin sa atin ang hindi nagmamahal sa sarili natin? Why do we ignore our own needs? Dahil sobrang abala na tayo sa maraming bagay. Umabot na sa punto na napapabayaan na natin ang ating sarili. Ang iba ay busy sa kanilang mga anak, may iba din na busy sa pag-aalaga ng kanilang mga magulang. Inuuna na natin ang iba kaysa sa sarili natin. Pero wala namang masama d'on. WALANG MASAMA SA GINAGAWA MO . Pero ang tanong, kung hindi natin alam kung paano alagaan ang sarili natin, paano natin maaalagaan ng tama ang iba? Heto na ang 10 PARAAN para maiparamdam mo sa 'yong sarili na mahal mo ito. NUMBER 1 PURIHIN MO ANG IYONG SAR...

10 Habit na Hindi mo Dapat Gawin Ngayong 2025 By Brain Power 2177

Image
10 TOXIC HABITS Photo by  Kampus Production  from  Pexels Kung ano ang ating ginagawa araw-araw, 'yan din ang magbubunga sa hinaharap. 'Yan ang rason kung bakit napaka POWERFUL ng ating habits. 'Yan din ang rason kung bakit kailangan nating baguhin ang ating habit. Heto na ang 10 TOXIC HABITS na kailangan mong tanggalin sa buhay mo. NUMBER 1 SOBRANG PAG-AALALA Photo by  Liza Summer  from  Pexels Normal lang naman mag-alala pero kung palagi na lang, kahit sa maliliit na bagay, siguro naging habit mo na 'yan. Pero napakadaling sabihin na tanggalin ito, 'di ba? Pero mahirap kontrolin ang ating sarili. Palagi tayong nag-aalala sa iba't-ibang bagay. Ito ang isa sa mga nagpapahina sa atin. Kapag nag-aalala ka na, sasabay din ang anxiety. Kaya mas lalo kang manghihina. Napakatoxic ng habit na ito. Pero hindi ko naman sinasabi na totally mawawala ang pag-aalala. Kasi ang pag-aalala ay naka-encode na sa DNA natin e. Ang sabi ko lang ay yung sumobra na ang hindi pw...