10 Habit na Hindi mo Dapat Gawin Ngayong 2025 By Brain Power 2177


Photo by Kampus Production from Pexels


Kung ano ang ating ginagawa araw-araw, 'yan din ang magbubunga sa hinaharap. 'Yan ang rason kung bakit napakaPOWERFUL ng ating habits. 'Yan din ang rason kung bakit kailangan nating baguhin ang ating habit. Heto na ang 10 TOXIC HABITS na kailangan mong tanggalin sa buhay mo.


NUMBER 1
SOBRANG PAG-AALALA

Photo by Liza Summer from Pexels


Normal lang naman mag-alala pero kung palagi na lang, kahit sa maliliit na bagay, siguro naging habit mo na 'yan. Pero napakadaling sabihin na tanggalin ito, 'di ba? Pero mahirap kontrolin ang ating sarili. Palagi tayong nag-aalala sa iba't-ibang bagay. Ito ang isa sa mga nagpapahina sa atin. Kapag nag-aalala ka na, sasabay din ang anxiety. Kaya mas lalo kang manghihina. Napakatoxic ng habit na ito. Pero hindi ko naman sinasabi na totally mawawala ang pag-aalala. Kasi ang pag-aalala ay naka-encode na sa DNA natin e. Ang sabi ko lang ay yung sumobra na ang hindi pwede. Ang kaibahan lang natin ngayon at sa mga tao noong unang panahon, noon nababahala sila baka may sumugod sa kanilang kaharian. Ngayon ang dami na, nababahala tayo sa ating trabaho, sa ating pamilya, sa ating kalusugan, kung paano kumita ng pera, at ang dami pang ikinababahala natin. Para bang ang pag-aalala ay walang katapusan. Pati nga sa ulam ay nag-aalala tayo. Hindi natin alam kung ano ang uulamin natin mamaya, 'di ba? Gusto ko lang na i-apply mo ito sa 'yong buhay. Ihiwalay mo ang mahalaga at hindi mahalagang bagay. Doon ka lang magpokus sa MAHALAGA. Hindi mo na kailangang mag overthink. Kung may mga problema na kailangan ng aksyon, aksyonan mo kaagad para hindi na magpatung-patong ang alalahanin.

Remember that your perception drives your worry. You are the only one who can assign meaning to things. So if you assign worry to a lot of things try to practice reframing it to something more productive. Isipin mo ang mga bagay na ikinababahala mo. May maiisip ka bang ibang paraan tungkol sa sitwasyon mo? Halimbawa, nag-aalala ka dahil wala kang pambayad sa mga bills mo, isipin mo kung ano ba ang pwedeng mangyari? Papatayin ka ba? Hindi naman, 'di ba? Mawawala lang ang mga bagay sa 'yo kung wala kang pambayad. Ang punto ko lang naman ay KUMALMA ka. Kasi ang solusyon ay makikita mo kung walang nakabarang pagkabahala sa isip mo. Worry and fear are all valid human emotions. Pero kung sumobra na, ikaw ang magdurusa.


NUMBER 2
NAGPAPAKONTROL KA SA NAKARAAN MO

Photo by Anete Lusina from Pexels


Ang nakaraan natin ay minsan kalaban natin kung palagi nating iniisip. Tayong lahat naman ay nakakaranas na ng matinding sitwasyon. Yung sitwasyon na kinamumuhian natin. Some of us have even experienced trauma from these events. Many of us get stuck in the past because of our need for certainty. Kailangan nating makaramdam ng katiyakan upang maiwasan natin ang sakit at upang maging komportable ang ating pamumuhay. Dapat mong alamin, kung ano ba talaga ang pumipigil sa 'yo? Ano ba ang nasa nakaraan na hindi mo mabitawan? Isipin mo rin kung bakit kailangan mong mag move on. What exactly are you holding on to? Iniisip mo pa rin ba ang ex mo? May galit ka pa ba sa kaibigan mo? Kung alam mo kung ano ang pumipigil sa 'yo, mas madali mong mabitawan ang sitwasyong 'yon. This is one of the most important parts of the process because it will help you stay committed to letting go of the past.

Hinding-hindi mo masasalubong ng maayos ang kinabukasan mo kung nakatali ka pa sa nakaraan mo. If you don’t take the time to examine and change your habits, life starts to happen TO YOU instead of FOR YOU. Kahit napakatalino mong tao, kahit madiskarte ka, kung ang laman ng isipan mo ay tungkol sa nakaraan lang, TALO ka na kaagad. Turuan mo ang iyong sarili na tumungtong sa kasalukuyan. Remember, the present is the only time that matters. The future only exists in your imagination – it isn’t real. The past only exists in your memory – and memories can be tainted with falsehoods. The only thing that is real is what is happening right now.


NUMBER 3
AYAW MONG MAGBAGO

Photo by Anete Lusina from Pexels


Isa ito sa mga nagpapahina sa 'yo. Bakit? Nakakasawa ang pabalik-balik na routine. Ayaw mo ng pagbabago. Ayaw mong umunlad. Ang daming magagandang payo ng iba't-ibang mga life coach na hindi mo sinusunod. Alam mo ba kung bakit? Kasi takot ka. Bakit takot ka na maging iba? Takot ka bang magbago ng routine? Takot ka ba na baka hindi ka komportable sa bago mong gagawin? Change scares people. Individuals tend to find security in traditional approaches to life and situations. May 3 rason kung bakit ayaw nating magbago, kung bakit ayaw nating umalis sa nakasanayan nating buhay.

#1 REASON is TAKOT TAYO SA MAARING MANGYARI.

#2 REASON is TAKOT TAYONG MAWALAN. Iniisip mo kasi kung paano kung hindi mag wo-work ang bago mong ginagawa.

#3 REASON is MAHIRAP MAGBAGO. Kasi umabot pa ng ilang buwan o taon bago mo makita na may nagbago na.

Ito ang dahilan kung bakit umaayaw ka dahil nasanay ka na sa buhay mo ngayon. Dapat alam mo ang iyong buong potensyal. May potensyal ka e. Hindi mo lang nararamdaman kasi nakapokus ka lang sa nakasanayan mong buhay.


NUMBER 4
SOBRANG NEGATIBO MO

Photo by Alex Green from Pexels


Sobrang nakakapanghina ito both mental and emotional. Always notice the GOOD in your life. Write down one positive characteristic of yourself. Kaya ka naging negatibo ay dahil sa mga negatibong nakikita mo sa mundo. The longer and more frequently you get your fixes from negative sources, the longer you’re gonna be negative about everything. Ang daming negatibong pangyayari sa mga balita. May giyera, may virus, ang dami pa. Halos lahat ng balita ay negatibo. Pati na sa social media. Lalo na sa mga taong toxic. Ang daming source ng negativity at lahat ng 'yon ay pupunta sa utak mo. But stop expecting things to go right or wrong. Just let them unfold. Kapag palagi mong iniisip na pangit ang magiging resulta sa mga ginagawa mo o iniisip mo na baka mabibigo ka, pinapakain mo lang ng negatibo ang utak mo. Just let things unfold without any particular expectations. Let them happen. Let life happen.


NUMBER 5
PALAGI KANG NAGDADAHILAN

Photo by Alex Green from Pexels


Manghihina ka sa buhay kung ganito ang istilo mo. Mas nakakapagod magdahilan kaysa sa umaksyon. Ginamit mo ang takot bilang dahilan mo. Tigilan mo na ang pagdadahilan. Panahon na ngayon para magbago. Sometimes we use excuses simply because we don't want to commit to something, or maybe because we are lazy and like to procrastinate instead of doing something. Each and every one of us has done it, in every aspect of our lives. You need to understand that the more you use excuses, the harder it will be to get things done. Alam mo ba kung bakit palagi kang nagdadahilan? Kasi wala kang GOAL sa buhay o hindi sapat ang MOTIBASYON mo. When you start doing something, you need to have a clear goal. That goal has to bring you some kind of satisfaction upon reaching it, thus motivating you to walk the path towards it. When you have the proper goals, make sure you find the proper motivation as well, because without these two, you will be stuck with your excuses and you won’t really achieve anything in your life.


NUMBER 6
SOBRANG SERYOSO MO

Photo by cottonbro from Pexels


Yun bang sa sobrang seryoso mo, halos lahat may meaning sa 'yo kahit wala naman talaga. Taking things personally is emotionally draining. 'Wag mong masyadong seryosohin kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa 'yo. Kung may nasabi man sila, ipinapakita lang nila kung anong klase silang tao. It really is not anyone’s business that people think of you. You should worry about what you think of yourself. Sa oras na wala ka ng paki sa sasabihin ng iba, makakaramdam ka ng kalayaan. Dapat kilalanin mo ng mabuti ang sarili mo at dapat alam mo ang tunay mong halaga. Kung kilala mo ang sarili mo, hindi ka madaling maapektuhan. As I've said, it's not about you. It's almost always about them. 'Wag mo silang patulan. Tinitira ka nila dahil nasa itaas ka na. 'Wag kang bumaba sa kanilang lebel para lang makipagtalo sa kanila. Don't be part of that toxic problem. Take the high road, and let it wash off of you.


NUMBER 7
WALA KA SA TAMANG LANDAS

Photo by veeterzy from Pexels


Kung halos araw-araw parang wala kang gana, ibig sabihin na ang landas na tinatahak mo ay hindi mo gusto. Does life just happen to you? Or do you make life happen? Imaginin mo lang na umuwi ka na galing sa trabaho at tinanong kita kung kumusta ang buong araw mo. Isa lang ang maisasagot mo, nakakapagod. Para bang hindi mo naisip ang kulitan with friends during break time. Parang hindi ikaw ang nagkokontrol sa buhay mo. You need to STOP and REFLECT. Magpahinga ka muna saglit. Para naman mapokus mo ang iyong atensyon. You can reflect on your life. Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay? Masaya ka ba sa ginagawa mo ngayon? May resulta na ba sa ginagawa mo? Nakapokus ka ba sa goal mo o naguguluhan ka na ngayon? Bakit ka naguguluhan? We are prisoners of our busy minds; STOPPING for a while sets yourself free. Being mindful is not difficult, remembering to be mindful is difficult. But when we remember to be mindful, we increase our happiness and energy.


NUMBER 8
KINIMKIM MO ANG GALIT


Isa ito sa mga nakakapanghina sa atin. Bakit? Negatibong enerhiya ito na lumalamon sa buong utak mo. Ang gawin mo lang, alamin mo kung bakit ka galit? Ang dahilan ba ng galit mo ay makokontrol mo o hindi? O ang galit mo ba ay dahil sa taong hindi mo na makikita ulit? Gaya ng galit ka sa taong nakasalubong mo sa daan na hindi mo na makikita ulit. Importante kasing malaman kung bakit ka galit para madali mong ma-proseso ang iyong emosyon. Normal lang magalit pero hindi normal ang magkimkim nito. Kung galit ka sa isang tao, hanggang doon na lang. 'Wag mo ng dalhin pag-uwi sa bahay kasi wala naman ang taong 'yon sa bahay mo. Hindi mo na man siya nakikita, 'di ba? Para saan pa? Ikaw lang ang magdurusa sa sarili mong reaksyon. Kung nagkimkim ka ng galit, hindi lang lakas ang hihigupin nito, pati ang emostional state mo ay magiging toxic na rin. Kahit medyo na-offend ka sa aksyon ng iba, siyempre natural lang naman 'yon, but my point is try to take an empathic perspective rather than acting like a victim. Kontrolin mo ang galit mo bago ka lalamunin nito. You are the only person who is in control of your feelings.


NUMBER 9
NEGATIBO ANG NAKAPALIGID SA 'YO

Photo by Pixabay from Pexels


Sobrang nakakapanghina kung napapalibotan ka ng negatibong mga tao, negatibong environment. Humans have a strong need for safety and security and look for those attributes in their environment. We also look for physical comfort, such as an environment with the right temperature. In addition, we seek an environment that is psychologically comfortable: for example, environments that are familiar, but offer the right amount of stimulus. Paano ka sasaya, paano ka uunlad, kung ang environment mo ay nakakapanghina? Hindi ko naman sinasabi na lumayas ka, lalo na kung wala kang malilipatan. Pwede ka namang manatili diyan. Hayaan mo na napapalibotan ka ng negatibo pero 'wag mong hayaan na maapektuhan ka. Napakahirap nito pero wala ng ibang choice kung wala ka ng ibang mapupuntahan. Be in the environment and yet live in your private space. Smile at the external negative forces and keep a positive mindset. Hindi mo makokontrol ang nasa labas pero makokontrol mo ang nasa loob. Kapag kasi stay cool ka lang, stay positive ka lang, mapapansin rin 'yan ng mga tao. At ang kagandahan pa nito, mahahawa sila sa pagkapositibo mo. Dapat ang pagkapositibo mo ang mananaig. Hindi dapat ikaw ang matalo sa pagkanegatibo nila.


NUMBER 10
UNHEALTHY ANG KINAKAIN MO

Photo by RODNAE Productions from Pexels


May mga pagkain kasi na masarap pero sisira ng iyong mental health. Masarap ang junk foods, 'di ba? Pero ang tanong, nakakatulong ba o nakakasira ng ating kalusugan? Nakakasira ng ating kalusugan. Pati na sa utak natin. Healthy eating is essential for MEMORY, MOOD, and FOCUS — the brain uses more than 20% of our caloric needs. Hindi ako ang nagsabi niyan. Ang mga neurologist. Ang mga pagkain ay literal na gasolina sa ating utak. Kung healthy ang kinakain natin, healthy din ang ating utak. Ang daming pagkain na nakakasama sa utak natin, pagkain na may sobrang fats, sobra ang sugar, sobrang asin, at preservatives na nakakapinsala ng ating katawan. Pakiusap, ingatan mo ang iyong utak. Your brain is kind of a big deal. As the control center of your body, it’s in charge of keeping your heart beating and lungs breathing and allowing you to move, to feel and to think. That’s why it’s a good idea to keep your brain in peak working condition.

Kung healthy ang kinakain mo, hindi diyan nagtatapos, samahan mo rin ng sapat na pagtulog. Dahil sa sobrang busy na natin sa buhay, parang nakakalimutan na nating matulog. Sleep is absolutely essential to brain health, to your energy and to your physical health.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

God Is Talking To You (Don't Ignore These Signs) By Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177