10 WAYS To Show Your Self Love By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kung gusto mong ipakita ang pagmamahal mo sa iba, simulan mo munang pakitaan ng pagmamahal ang sarili mo. Ang pundasyon ng pag-ibig ay nagsisimula sa kalooban mo. Paano ka makakapagbigay kung kulang ka? Kung walang-wala ka? Halos lahat alam na alam na ang konseptong ito. Pero bakit marami pa rin sa atin ang hindi nagmamahal sa sarili natin? Why do we ignore our own needs? Dahil sobrang abala na tayo sa maraming bagay. Umabot na sa punto na napapabayaan na natin ang ating sarili. Ang iba ay busy sa kanilang mga anak, may iba din na busy sa pag-aalaga ng kanilang mga magulang. Inuuna na natin ang iba kaysa sa sarili natin. Pero wala namang masama d'on. WALANG MASAMA SA GINAGAWA MO. Pero ang tanong, kung hindi natin alam kung paano alagaan ang sarili natin, paano natin maaalagaan ng tama ang iba? Heto na ang 10 PARAAN para maiparamdam mo sa 'yong sarili na mahal mo ito.


NUMBER 1
PURIHIN MO ANG IYONG SARILI

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Kung walang pumupuri sa 'yo, bakit hindi mo gawin mismo sa sarili mo? Hindi ka pupurihin ng mga tao sa paligid mo, wala ka ring matatanggap na papuri sa social media. You build yourself up. Compliment yourself OUT LOUD! Focus on your GOOD QUALITIES and find a way to embrace every aspect of yourself. Now is the time to stop being SELF-CRITICAL and avoid engaging in NEGATIVE SELF-TALK. Instead, make a concerted effort to be kind to yourself, engage in POSITIVE SELF-TALK, and focus on your STRENGTHS. It’s time to stop comparing yourself to other people and stop complaining, and start complimenting.

Maitanong ko lang, gaano mo ba kadalas pinupuri ang iyong sarili? Hindi mo masagot kasi hindi pa. Kailan ka hindi nag-iisip ng negatibo tungkol sa sarili mo? Hindi mo masagot kasi halos araw-araw ka na lang na may critical self-talk. Bakit umaasa ka na lang palagi na pupurihin ka ng iba? Don't rely on others’ opinions to feel good about yourself. We cannot always base our happiness on somebody else's beliefs or perspectives about ourselves. It’s not legitimate at all. Abalang-abala ang ibang tao sa kanilang buhay tapos ikaw ay naghihintay ng positibong affirmation mula sa kanila para lang ma-boost ang iyong self-esteem? Hindi mangyayari 'yon. When you appreciate your achievements irrespective of how grand or small they are, your looks, communication skills, or even those little things which make you unique from others, you will feel good about yourself. And if you show persistence, you will see a boost in your self-esteem in the coming days.


NUMBER 2
GAWIN MO ANG KAGUSTUHAN MO

Photo by Ivan Samkov from Pexels


Napakaikli lang ng buhay. Hindi natin alam na mamaya wala na tayo. Hindi naman ako nananakot. Katotohanan ito. Kaya 'wag mong sayangin ang bawat segundo ng iyong buhay. Gawin mo kung ano ang gusto mo, kung ano ang nagpapasaya sa 'yo. If you do what makes you happy, you will feel a deeper sense of purpose, be more optimistic, motivated, learn faster, and less likely to be making mistakes. When you don’t love being where you are, the exact opposite will happen: you will feel disconnected, pessimistic, and make more mistakes. You will feel indifferent and not care as much. You don’t feel good about it. Those negative aspects will only hinder your growth long term.

Sa totoo lang, alam naman natin kung ano ang mga kagustuhan natin. Alam natin kung ano ang nagpapa-excite sa atin, kung ano ang nagpapasaya sa atin. Pero mas inuuna pa natin ang mga bagay na wala namang kabuluhan. Halimbawa, imbes na may oras ka pang gawin ang kagustuhan mo, inuuna mo ang paglalaro ng mobile games, inuuna mo ang social media. Paano mo nasabing mahal mo ang iyong sarili kung wala kang oras na pasayahin ang sarili mo?


NUMBER 3
MATUTO KANG “HUMINDI

Photo by lilartsy from Pexels


Kung ayaw mong gawin ang isang bagay, ayawan mo. Humindi ka. Hindi pwedeng umu-o ka dahil takot ka na baka magalit ang iba. Live your life for you not for anyone else. Don’t let the fear of being judged stop you from being yourself. Bakit ka nahihirapang magsabi ng hindi? Halimbawa, niyaya ka nila na mag-inuman o gumala tapos gusto mong sabihin na HINDI dahil alam mong may mahalagang bagay ka pang gagawin, pero umu-o ka na lang dahil baka magalit sila. Ganyan ba ang nararamdaman mo? Ganyan ba ang ginagawa mo? Mahalaga ba na pini-please mo ang ibang tao? Sa tingin mo ba ay mapi-please mo silang lahat? Saying NO does not mean that you are being rude, that you are selfish or unkind. These are all unhelpful beliefs that make it hard to say NO.

Alamin mo ang iyong halaga. Dapat alam mo rin na ang iyong opinyon ay mahalaga rin. If you live your life depending on other people’s approval, you will never feel free and you will never be truly happy. Isa lang din ang ibig sabihin niyan, hindi mo mahal ang sarili mo. Learning to say NO has been one of the best things I have done for myself. Not only has it challenged me to overcome my fear of rejection, it has helped me feel in control. At gusto ko ring 'yan ang mararamdaman mo.


NUMBER 4
MAGPOKUS KA SA KALAKASAN MO

Photo by samer daboul from Pexels


Palagi nating iniisip ang kahinaan natin. Natural na ito sa mga tao. Nakakalimutan na natin ang kalakasan natin. Negatibo na lang ang unang pinapasok natin sa ating isipan. Sabi ni Bob Marley,

“You never know how strong you are
until being strong is your only choice.”

Wala namang tao na kaya niya ang lahat ng bagay. Pero lahat ng tao ay may kakayahan sa isang bagay. Nakuha mo ba ang punto? Everybody has their strengths and weaknesses in all areas of life. Maraming porma ng kalakasan. Pwedeng malakas ang iyong pangangatawan, malakas ang iyong emosyon, ang iyong mentalidad. Ipagdiwang mo 'yan. Pahalagahan mo 'yan.

Mas mainam kung alam mo kung saan ka mas mahusay. Alam mo naman siguro kung saan ka magaling, 'di ba? Ngunit kung minsan ay mahirap tukuyin kung ano ang ang mga tunay na lakas mo. Ang lakas ay tulad rin ng iyong determinasyon, katatagan, o kakayahang ngumiti kahit anong pagsubok ang dumating. Anuman ang iyong lakas, dapat mong tukuyin ang mga ito upang pagtuonan mo ito ng pansin. Paano mo masasabing mahal mo ang iyong sarili kung sa kahinaan ka lang nakapokus?


NUMBER 5
MAGPATULONG KA

Photo by lalesh aldarwish from Pexels


Magpatulong ka kung nahihirapan ka na at tanggapin mo ang tulong kung may nag-aabot man. Kung hindi mo 'yan tanggap, parang hindi mo rin tanggap ang iyong sarili, bakit? Dahil 'yan ang siklo ng buhay. GIVE AND TAKE. Alam ko na sasabihin mo na,

“KAYA KO NAMAN E”

Hindi 'yan ang punto ko. Ang sabi ko kung nahihirapan ka na. Tao ka lang. Napapagod ka rin. Nabibigatan. Don't trap yourself into shouldering every responsibility that comes your way. Aminin mo man o hindi, darating ang oras na hindi mo makakaya ang ginagawa mo. Totoo ito. Kung ang mga business owners ay walang empleyado, lalago kaya ang business nila? Hindi. Hindi nila kayang buhatin ang negosyo nila ng mag-isa.

Asking for help from people does not push you down and  does not make you look inferior. It only lifts you up. Ang mga kaibigan mo, mga katrabaho mo, pati mga kaaway mo, may iba't-iba silang karanasan sa buhay o kasanayan na pwede mong magamit para magtagumpay ka. Ibig kong sabihin, may kaalaman sila na hindi mo alam. May kaalaman ka rin na hindi nila alam. Dito na papasok ang GIVE AND TAKE. Magpatulong ka kung kinakailangan dahil isa ito sa mga paraan na ipinapakita mo kung gaano mo kamahal ang iyong sarili. Dahil hindi mo hinayaan na malunod ka.


NUMBER 6
'WAG KANG MAG-ALALA NG SOBRA


Lahat naman tayo ay nag-aalala, natatakot, nai-stress, pero kailangan nating bitawan ito. Mabigat na ang buhay, 'wag na natin itong idagdag. Maawa naman tayo sa sarili natin. Mahirap sumaya kapag sobra na ang pag-aalala natin. Sa totoo lang, ang sobrang pag-aalala ay nagdudulot ng sakit. Physical illness. Sasakit ang ulo natin, minsan sumasakit ang tiyan at maninikip ang ating lalamunan. Mararamdaman mo rin ang sobrang pagod kahit sakto naman ang tulog mo. Hindi ka makakapag concentrate ng maayos. Bumibilis ang pintig ng iyong puso. Hindi ko na maisa-isa sa sobrang dami ng negatibong epekto ng sobrang pag-aalala.

Alamin mo kung ano ang makokontrol mo at kung ano ang hindi mo makokontrol. Kasi minsan, yung mga bagay na pinag-aalala natin ay wala naman sa ating kontrol. Masasayang lang ang oras natin diyan. Ang dami nating WHAT IF na naiisip. Isipin mo lang kung ano ang makokontrol mo. This can help you be more proactive when there is something you can do. Plus, this mindset can help release your worry when you discover there’s nothing you need to do about the situation.


NUMBER 7
'WAG MONG i-DOWN ANG SARILI MO

Photo by Pixabay from Pexels


'Yan pa lang kitang kita na kung mahal mo ba ang sarili mo. Putting yourself down can be damaging to your self-esteem and self-confidence. Bakit mo ba dina-down ang sarili mo? Siguro nakaramdam ka ng pagka-insecure sa sarili mo, o naniniwala ka na wala kang kwenta, o siguro nasasanay ka na sa pagsasabing,

HINDI AKO MAGALING

BOBO AKO

PANGIT AKO

ANG TANGA KO

WALA AKONG HALAGA

Doon pa lang, pinapakita mo na hindi mo mahal ang iyong sarili kasi sinasaktan mo e. Binubully mo ang sarili mo. Sabi mo masama ang mambully sa ibang tao? Hindi ba masama kapag binubully mo ang iyong sarili?

Oo hindi mo makokontrol ang mga sinasabi ng tao sa 'yo pero makokontrol mo ang sinasabi mo sa 'yong sarili. To build your self-esteem, it’s important to talk about yourself in a healthy manner. Believe you are worthy and quit the self-bullying. Treat yourself as you would to a good friend and respect yourself. Replace negative words with positive words. Sabihin mo sa sarili mo na,

MAY HALAGA AKO

MAGANDA AKO

GWAPO AKO

MATALINO AKO

MATATAG AKO

Sabihin mo 'yan. Bawiin mo yung mga nasabi mong hindi maganda. Ipakita mo sa sarili mo na mahalaga siya sa buhay mo.


NUMBER 8
MAG RELAX KA

Photo by Artem Beliaikin from Pexels


Isa ito sa mga paraan na maipakita mo na mahal mo ang iyong sarili. Lumayo ka muna sa maingay na mundo. Gumawa ka ng sarili mong mundo. Sa malayong-malayo. Gumugol ka ng oras ng mag-isa. Palagi ko na itong sinasabi sa mga video natin, 'di ba? Isa ito sa mga importanteng paraan para makapag relax. Ikaw muna. Kung may mga anak ka na, challenging itong gawin kasi mahirap kapag may palaging nangangailangan sa 'yo. Pero ikaw na lang ang bahala kung saan ka mas komportable. Kahit 2 minutes lang na patahimikin mo ang iyong isipan, ayos na 'yon.

Pwede ka ring matulog saglit, lalo na kung pagod na pagod ka na. It can help you recharge, which will in effect make you feel much more energised. Kung tatanungin mo ako, ang pinakagusto kong gawin para makapag relax ay mag meditate at huminga ka ng malalim. Slowing your breathing down is one way of ensuring your body is relaxed. The moment you breathe in deeply, it sends a message to the brain to relax. This then immediately slows an increased heart rate and blood pressure. It also reduces the production of stress hormones. Kapag gagawin mo ito, siguradong kakalma ka.


NUMBER 9
NGUMITI KA

Photo by Kat Smith from Pexels


Ngumiti ka dahil mahal mo ang sarili mo, 'di ba? SMILING IS SO POWERFUL. Smiling is good for your health in a number of ways. It can REDUCE STRESS, HELP HEART HEALTH, LOWER BLOOD PRESSURE, and BOOST YOUR IMMUNE SYSTEM by DECREASING CORTISOL in the body. A simple smile, prompts the brain to produce endorphins and serotonin, causing positive emotions. Sabi ni Mother Teresa,

“We shall never know all the good that a simple smile can do.”



NUMBER 10
MAHAL KITA

Photo by Artem Beliaikin from Pexels


Pwede bang sabihin mo 'yan sa sarili mo? Gusto mong sabihin 'yan sa iba pero sa sarili mo, hindi mo magawa? Bakit? Hindi mo ba nasabi dahil wala kang nakikitang kagandahan sa sarili mo o sa anyo mo? The reason why I want you to tell I LOVE YOU to yourself is because YOU DESERVE IT. You are a MASTERPIECE. Not only are you great, you are great just the way you are. You have likely accomplished a lot in your life and you deserve love. So, why not leave yourself an “I love you” note as a reminder? Kung may karelasyon ka na ngayon tapos sabi ng mahal mo, “Babe, I'm not good enough” malamang ang sasabihin mo, “Babe, ayos lang 'yon, mahal pa rin kita.” Ang sweet, 'di ba? Nakakadagdag ng kompiyansa sa sarili. Paano naman kung ikaw ang nakaramdam ng NOT GOOD ENOUGH, masasabi mo ba sa sarili mo, “IT'S OKAY SELF, I STILL LOVE YOU.” Masasabi mo ba 'yan? Nakakalungkot isipin na palagi tayong nagsasabi na “MAHAL NA MAHAL KITA” sa iba pero hindi natin masasabi ang matamis na linyang 'yan sa sarili natin. 'Wag naman sanang gano' n na lang.
 
At times, we are our own worst critics. Although we know we set impossible goals, we are hard on ourselves when we fail to reach them. So go ahead and show yourself love – release yourself from that tower you may have locked yourself up in. Let that fairy-tale love story that you deserve come true – only this time, the fairy-tale begins within you.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177