7 MENTAL TRICKS To Stop Overthinking By Brain Power 2177


Photo by EKATERINA BOLOVTSOVA from Pexels


Ang overthinking ay ito yung nag-iisip ka ng sobra tungkol sa mga bagay na hindi mo makokontrol. Tulad ng nag-iisip ka sa nakaraan mo at sa hinaharap mo. Palagi mong iniisip ang mga WHAT IF at KUNG ANO ANG DAPAT MONG GINAWA. Iniisip mo rin kung anong gagawin mo sa HINAHARAP. Sa kakaisip mo sa dalawang PANAHON na ito, nakakalimutan mo na ang isang PANAHON. Ang PANAHON ng NGAYON. Tandaan mo, hindi mo maaayos ang nakaraan at hindi mo mahuhulaan ang kinabukasan. 'Wag mong sobrang laliman ang iniisip mo dahil mapupunta ka sa DEPRESYON niyan. And speaking of DEPRESSION, alam mo naman siguro kung anong klaseng problema nito. Problemang pangkaisipan at madadamay ang iyong pisikal dahil nakakapanghina ito. Para ka lang bumubuo ng mga problema na hindi naman talaga umiiral in the first place.

Hindi naman lahat ng pag-ooverthink ay masama. Ang masama lang do'n ay kung hindi ka na makakakilos dahil napuno na ang utak mo ng negatibong pag-iisip at masama lang ito kung naging sagabal na ito sa pang-araw-araw na buhay. Napaka-komon ng issue na ito. Ang dami kong natatanggap na mga message about this issue. Hindi raw sila makapag-relax dahil napakaingay ng utak nila. Overthinking is linked to psychological problems, gaya ng depresyon at anxiety. It's likely that overthinking causes mental health to decline and as your mental health declines, the more likely you are to overthink. It's a vicious downward spiral.

Malaki ang pagkakaiba ng overthinking at self-reflection. Kasi yung iba sinasabi nila na nag self-reflect lang daw sila kaya malalim ang kanilang iniisip. Ang self-reflection ay nag-iisip ka tungkol sa sarili mo, kung ano ang gusto mong malaman tungkol sa pagkatao mo, sa talento mo o sa positive attributes mo or you want to gain a new perspective about a situation. Kumbaga, may purpose ang iniisip mo. Ang overthinking naman ay nag-iisip ka sa mga bagay na hindi mo naman hawak o hindi mo kontrolado. 'Yan lang ang kaibahan ng self-reflect at overthink.

Ang tanong ko sa 'yo, naniniwala ka ba na overthinker ka? Palagi mo bang sinisisi ang sarili mo sa mga nangyari? Nagi-guilty ka ba sa mga nasabi mo o sa mga nagawa mo? Kung ang sagot mo sa mga tanong na 'yan ay OO, hayaan mo akong ipaalam sa 'yo ang 7 MENTAL TRICKS na ito para maitigil mo na ang pag-ooverthink mo.


NUMBER 1
AYUSIN MO ANG IYONG PANANALITA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Ano ang ibig kong sabihin? Kapag nag-ooverthink tayo, parang kinakausap natin ang ating sarili ng mga masasakit na salita. Bago ka mag-overthink, isipin mo muna, ang mga salita bang ginagamit mo ay magpapalakas sa 'yo o magpapahina sa 'yo? Kadalasan negatibong salita ang ginagamit ng overthinker, sigurado na ang mga salitang ito ay magpapahina ng emosyon at mentalidad mo. Negative words that you say to yourself are holding you back and can be especially hard to change if you have never asked yourself,

“WHY DO I OVERTHINK?”

Kausapin mo ang iyong sarili bago mo ibahagi sa iba ang nararamdaman mo para malaman mo kung ano na ang nangyari sa kalooban mo. As you get closer to yourself, you build a strong relationship with your mind and thoughts. Make it a habit to control what you believe and to control what you think about because when you say it aloud, it becomes more of a fact than a thought. Alamin mo muna kung ano ang ino-overthink mo. Tandaan mo, ikaw ang in charge sa 'yong emosyon. Kung babaguhin mo ang mga salitang nakakapinsala, magbabago ang buhay mo. Normal lang naman na mag-isip tayo ng negatibong bagay pero hindi normal na wala man lang tayong aksyon sa mga ito.


NUMBER 2
MAGPOKUS KA SA MAKOKONTROL MO
Photo by APEX.GRAPHICS from Pexels


Kadalasan kapag nag-ooverthink tayo, iniisip natin ng sobra ang mga bagay na hindi pa nangyayari. Naguguluhan ka sa mga bagay na 'yon na hindi mo naman talaga makokontrol. Magliliwanag ang isipan mo at magiging peaceful ito kung hindi ka na magpopokus sa mga bagay na hindi mo makokontrol. Oo nakaka-bad trip ang sitwasyon mo pero hindi mo naman 'yan mapapahinto. Hindi mo naman mahuhulaan na may mangyayari sa 'yo, 'di ba? Kasi nga, hindi mo kontrolado ang mga pangyayari. Kung naglalaro ka ng baraha, kapag ba pangit ang baraha mo, isauli mo ba? Hindi. Kailangan mong laruin 'yon. Ganyan na ganyan ang buhay. Kung binigyan ka ng pagsubok, laruin mo. Hindi mawawala ang pag-ooverthink kung hanggang overthink ka lang. Kung nag-ooverthink ka, itanong mo ito sa sarili mo,

“Ano ba itong iniisip ko?”

“Mahalaga ba ito sa akin o hindi?”

“Makokontrol ko ba ito o hindi?”

Halimbawa, ang tagal mag reply ng boyfriend o girlfriend mo. Ano ang naiisip mo? Ang dami. Baka may iba na siya, baka nakikipag-inuman siya. Nakikipaglandian. Baka lumamig na ang feelings niya. Kahit anu-ano na lang ang tumatakbo sa isipan mo. Which is nakakasayang ng iyong lakas kasi hindi mo kontrolado ang galaw ng jowa mo.

Alam mo ba kung ano ang makokontrol mo? Ang OPINYON mo, UGALI mo, LAYUNIN mo, PANGARAP mo at KAGUSTUHAN mo. 'Yon lang. Dapat mo 'yang tandaan para tumahimik na ang isipan mo. Alam mo ba ang hindi mo makokontrol? Ang mga TAO, ang KATAWAN mo, ibig kong sabihin sa KATAWAN ay kung ipinanganak kang DISABLE, hindi mo kasalanan 'yon kasi hindi mo 'yan makokontrol. Hindi naman tayo ang namimili kung saang katawan tayo pumapasok, 'di ba? Hindi rin natin makokontrol ang mga kaganapan sa buhay. Hindi natin makokontrol ang lagay ng panahon. Ang negosyo, kasi hindi natin mapipilit ang mga tao na bibili sa atin e. Minsan matumal ang benta, minsan malakas ang benta. Kung pilit mong kontrolin ang mga bagay na hindi mo makokontrol, masasayang lang ang oras mo, manghihina ka pa. Kahit hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon, isa lang ang magagawa mo, TANGGAPIN mo ito. Tapusin mo na ang pag-ooverthink. Tanggapin mo. Kasi kung tanggap mo na ang sitwasyon mo ngayon, PANALO ka na kaagad. Uulitin ko na naman, ang kahapon ay wala na. Wala ka ng magagawa para maibalik 'yon. Ang kinabukasan ay wala pa, hindi mo pa alam ang maaaring mangyari. Pero NGAYON ay isang panibagong araw at panibagong pagkakataon na tanging makokontrol mo.


NUMBER 3
KONTROLIN MO ANG IYONG ISIPAN
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


Gusto kong malaman mo, 'yang inu-overthink mo, hindi naman positibo 'yan e. Inu-overthink mo ang mga bagay na kinakatakutan mo, inu-overthink mo ang mga bagay na ayaw mong mangyari. That's DESTRUCTIVE. Ang maipapayo ko sa 'yo ay gawin mong habit ang MINDFULNESS. Aminado ako na hindi ito madaling gawin pero napaka-importante. Nagsimula akong mag practice ng mindfulness noong 2012 pagkatapos ng Bagyong Sendong. Sobrang laki ng pinsala ng Bagyong 'yon kaya financially broke kami. Lahat ng taong naapektihan nagsinula ulit sa pinakababa. Kaya pati utak ko apektado. Nakaka-depress ang pangyayari e. Lahat ng negatibo ay nasa isipan ko na. Kaya pinraktis ko ang MINDFULNESS. Ginagawa ko pa rin ito hanggang ngayon. Bakit praktisin natin ang mindfulness? Kasi ito ang paraan para mahuli mo ang iyong negatibong iniisip. Ang mindfulness ay tungkol sa KAMALAYAN. Kamalayan tungkol sa iyong mental at pisikal na estado. Kung hindi bukas ang kamalayan mo, namumuhay ka lang araw-araw na walang alam kung anong nangyayari sa kalooban mo. Kasi ang negatibong pag-iisip ay parang magnanakaw. Tulog ka man o gising, ang magnanakaw ay makakapasok pa rin sa tahanan mo kasi nga wala kang kamalay-malay. Nakuha mo ba ang punto ko? Ganyan na ganyan ang negatibong pag-iisip. Kung hindi bukas ang kamalayan mo, lalamunin ka nito. Paano mo sanayin ang mindfulness? Gawin mo ang MINDFULNESS MEDITATION - pumunta ka sa tahimik na lugar, umupo ka kahit ilang minuto lang. Ipikit mo ang iyong mga mata at obserbahan mo kung ano ang tumatakbo sa ulo mo at obserbahan mo ang iyong katawan kung ano ang reaksyon nito. Habang ginagawa mo ito, tandaan mo, 'wag mong i-analyze ang pinag-iisip mo, 'wag mong husgahan ang sarili mo kung bakit nagkaganito ka, 'wag kang magalit sa sarili mo, 'wag kang makisali sa negatibong kaisipan mo. MAG-OBSERBA ka lang. Hindi naman ako perpekto. Hindi ko naman nabura 100% ang negatibong pag-iisip ko kasi hindi naman 'yon mangyayari. Mga 70% matatanggal mo. Ayos na 'yon. Hindi na masyadong mabigat sa isipan natin. Kung hindi na sila mabigat, kaya mo na silang kontrolin.


NUMBER 4
MAGPOKUS KA SA MAGANDANG NANGYARI
Photo by juan mendez from Pexels


Kahit gaano pa katindi ng sitwasyon mo ngayon, hindi pa rin ako naniniwala na wala man lang magandang nangyari sa 'yo. Mayroon pero hindi mo napapansin kasi nasasapawan ng negatibo. Sa sobrang pag-iisip mo ng negatibo, napaparalisa na ang utak mo. Next time you sense that you are starting to spiral in that direction, stop. Visualize all the things that can go RIGHT and keep those thoughts present and up front. Normal lang naman na matakot tayong mabigo pero dapat hindi tayo manatili sa ganitong pag-iisip. Alam ko na ang dami mong problema ngayon pero magpokus ka sa solusyon. Kung saan ka nakapokus, doon ka rin mapupunta. Kung negatibo ang iniisip mo, sa negatibo ka rin mapupunta. You get more of what you focus on. This is the idea behind the Law of Attraction. Law of Attraction is a principle many high successful people believe in, which holds that the universe sends you more of whatever you are most intent on, whether negative or positive. If you're obsessing about debt, you will get more debt. If you turn your attention to income, you will get more income. Kaya magpokus ka lang sa magandang pangyayari o nangyari dahil kagandahan rin ang lagi mong makikita.


NUMBER 5
HINDI MO MAHUHULAAN
ANG MANGYAYARI
Photo by Anete Lusina from Pexels


Tanggapin mo na hindi mo alam ang mangyayari mamaya. Hindi mo alam ang mangyayari bukas. Lahat naman tayo gusto ng maayos na kinabukasan. Iniisip natin kung gaano kasarap ang buhay kung magtatagumpay na tayo. Tuwang-tuwa tayong isipin 'yon, magkakaroon tayo ng pag-asa. Pero naiisip din natin ang WHAT IF. What if hindi natin matutupad ang pangarap natin? What if ganito lang din ang buhay? Dito na magsisimula ang stress, anxiety, galit, kalungkutan. Kita mo 'yan, napakalaki ng epekto ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Hinuhulaan mo kasi. And it can leave you not enjoying the present moment that you are currently in.

Kadalasan, maaaring hindi tumpak ang iyong mga hula kung ano ang magiging hinaharap mo. Yung mga negatibong posibilidad na iniisip mo ay maaaring maging positibo. Sinasayang mo lang ang iyong oras at lakas sa sobrang pag-iisip na kadalasan ay hindi naman mangyayari. Kasi nga hindi mo kontrolado ang panahon at ang sitwasyon. I believe trying to predict the future will not only leave you very DISAPPOINTED but also ANNOYED at yourself for wasting all the time worrying about the future event. Sa halip na mag-alala ka kung ano ang mangyayari sa hinaharap, magplano ka para mahulma mo ng maayos ang hinaharap mo. Doing that will ensure you stay in the present moment and also help you to remain focus on the present day and not get sidetracked when thinking about the future outcome that might not possibly happen at all. Kung gusto mong malabanan ang anxiety, isipin mo lang ang NGAYON.


NUMBER 6
BUMITAW KA NA SA NAKARAAN MO
Photo by Pixabay from Pexels


Palagi ka bang nag-ooverthink sa nakaraan mo. Yun bang iniisip mo na,

“PAANO KUNG GINAWA KO ITO?”

o iniisip mo na,

“DAPAT GINAWA KO ITO NOON”

Sinasayang mo lang ang iyong lakas dahil ang nakaraan mo ay hindi mo na mababalikan. Kahit anong gawin mo, wala na ang nakaraan. Kung hiniwalayan ka na, kung nakasakit ka, kung ano man ang nagawa mo sa nakaraan, kung ano man ang nagawa ng iba sa 'yo, wala ka ng magagawa d'on. Ang mga aral lang ang mapupulot mo. Hindi mo na mababago ang nakaraan. Ang tanging mababago mo lang ay ang kahulugan na ibinibigay mo dito.

Letting go of the past means you don't let your mistakes control your future decisions and you don't let bad things that have been done to you control your emotions. Patawarin mo na ang mga nananakit sa 'yo, humingi ka ng tawad kung ika'y nakasakit sa iba at bitawan mo na ang galit at poot sa puso mo. 'Yan lang ang tanging paraan na magagawa mo upang mabago mo ang sitwasyon sa nakaraan.


NUMBER 7
MAGPOKUS KA SA NGAYON
Photo by Maurício Mascaro from Pexels


Tapos na tayong bumitaw sa hinaharap, bumitaw na rin tayo sa ating nakaraan. Magpokus na tayo sa KASALUKUYAN, sa NGAYON. Kapag nag-ooverthink ka na, sabihin mo sa sarili mo,

“Hindi ako magpapakontrol sa iniisip ko”

'Wag kang sumama sa isipan mo. Dalhin mo ang iyong atensyon sa NGAYON. Huminga ka ng malalim. Magpokus ka ulit. Magpokus ka kung nasaan ka ngayon. Magpokus ka kung anong nararamdaman mo ngayon. Tingnan mo kung ano ang nasa isipan mo ngayon. Nakaka-stress ba ang mga iniisip mo? Pwedeng pwede mong isulat ang iyong iniisip. Ibuga mo ito lahat sa pamamagitan ng pagsusulat. Ito rin ang ginagawa ko. Our goal is to become more aware of our thoughts and remove ourselves from the “BEING” of our thoughts. Dapat obserbahan mo ang iyong iniisip para maunawaan mo kung ano ito at kung bakit nadarama mo ito. Being present is not easy. It requires practice. Ngunit sa tuwing mapapansin mo na nag-iisip ka ulit sa nakaraan mo o nag-iisip ka tungkol sa kinabukasan mo, subukan mong ibalik ulit ang isipan mo sa kasalukuyan at sabihin mo:

“Wala na akong magagawa sa nakaraan ko
at hindi ko rin kontrolado
kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Ang tanging makokontrol ko lang ay ang NGAYON.
Kaya titigil na ako sa pag-iisip ng nakaraan at hinaharap ko.
I will only think the HERE and NOW.”

This practice will be difficult in the beginning, but as with anything, in due time, it will begin to transform your life and come more naturally. Above all, higher awareness will help you reduce your overthinking.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177