Posts

Showing posts from June, 2024

8 Tips To Overcome Insecurity By Brain Power 2177

Image
Ano ba ang dahilan ng insecurity? Siguro naitatanong mo sa 'yong sarili, bakit sobrang insecure ko? Why do I feel so insecure? Sasagutin natin 'yan sa videong ito. When I was in my teens, sobrang insecure ko sa sarili ko. Kapag ako’y kasa-kasama ng mga tao, lagi akong nag-aalala tungkol sa aking hitsura, kung ano ang aking sinasabi, ang pagkilos ko, nag-aalala rin ako kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa akin. I was insecure all the time. Pero nagbago ako noong pinili kong magbago. Life is a choice. Kung ayaw mong ma-insecure, dapat baguhin mo rin ang pag-iisip mo. Dahil lahat ng kilos mo ay galing sa isipan mo. Pero bago pa 'yan mangyari, alamin muna natin kung ano ba ang insecurity. Insecurities are the causes behind feelings of uncertainty about yourself. You can experience insecurity regarding any aspect of your life, whether that's physical appearance, relationships, financial stability, or professional skills. Kahit alam mong sobrang talented mo at alam mo

Paano Ko Haharapin ang Depresyon? By Brain Power 2177

Image
Paano Ko Haharapin ang Depresyon? Ibang iba ang takbo ng ating buhay kapag may depresyon tayo. Para bang wala nang makapagpasaya sa buhay mo. Kahit walang dahilan, iyak ka nang iyak araw-araw. Umiiwas ka na sa mga tao at halos hindi ka na kumakain. Nahihirapan kang matulog at nahihirapan ka ring mag-concentrate. Ikaw mismo mararamdaman mo na may mali na sa 'yo. Ano’ng nangyayari sa ’kin? Babalik pa kaya ako sa dati?’ Ang depresyon ay hindi biro. Kaya ang maipapayo ko sa 'yo ay 'wag mong solohin ang problemang ito. Makipag-usap ka sa taong pinagkakatiwalaan mo.  Kunwari, naligaw ka sa isang delikadong lugar. Madilim na lugar at may mga taong naghihintay lang ng pagkakataong mambiktima. Ano’ng gagawin mo? Puwede ka namang mag-isang humanap ng paraan para makaalis. Pero hindi ba mas maganda kung hihingi ka ng tulong sa isang pinagkakatiwalaan mo? Ang depresyon ay para ding isang delikadong lugar. Totoo, nalulungkot tayo paminsan-minsan at lumilipas din 'yon. Pero kung nagt

7 Bagay na Dapat Mong i-Let go By Brain Power 2177

Image
7 Bagay na Dapat Mong i-Let go Maraming bagay ang hindi natin makokontrol at 'yan ang pag-uusapan natin ngayon. Kapag bibitawan mo ang mga bagay na ito, siguradong gagaan ang buhay mo. Kung ang problema mo ay may solusyon, hindi na kailangang mag-alala. Pero kung ang problema mo ay walang solusyon, ang pag-aalala ay hindi rin makakabuti sa 'yo. Nakakasamâ sa kalusugan at emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito. Bagama't may kontrol tayo sa ilang mga bagay na mararanasan natin, ang karamihan sa mga ito ay mangyayari lang ng biglaan. At kailangan nating matutunan kung paano mag-adapt kapag nangyari ang mga bagay na hindi natin kontrolado. Ang pag-uusapan natin ngayon ay mga komon na mga bagay na hindi natin makokontrol na maaari nating makaharap sa buhay. NUMBER 1 ANG PAGTANDA Marami ang natatakot tumanda. Bakit tayo matatakot e tayong lahat naman ay tumatanda. Walang makakakontrol nito. Sa pag-asang makahanap ng m

Huwag Mong Gawin Ang 10 Bagay na Ito Kung Gusto Mong Maging Iba By Brain Power 2177

Image
Huwag Mong Gawin Ang 10 Bagay na Ito Kung Gusto Mong Maging Iba Kung gusto mong maging iba, 10 bagay ang 'wag mong gawin. NUMBER 1 PINIPEKE ANG CONFIDENCE Marami tayong naririnig na mga advice na FAKE IT TILL YOU MAKE IT . Sabi nila na dapat tayong lumabas at umasta na parang confident tayo and eventually those feelings will become our reality. Gumana ito sa ilan, sa ilang sitwasyon. Pero hindi ito gagana sa karamihan. Hindi layunin ng isang tunay na confident na tao na magmukhang confident. Natural silang umasta kasi confident sila sa kanilang sarili, comfortable sila sa kanilang sariling balat, at ayaw nilang mag-aksaya ng oras sa isang bagay dahil lang sa tingin ng ibang tao ay astig 'yon. A cool person is effortlessly cool. Hindi mo mapipeke ang kaastigan o confidence. So faking confidence is a bad idea. Kahit sa tingin ng mga tao ay confident ka pero alam mo sa sarili mo na shaky ka underneath. Conduct yourself professionally. Magdamit ka ng maayos. Magsalita ka ng maayos.

Gawin mo Ito Upang Hindi Ka Maapektuhan ng Mga Taong Toxic By Brain Power 2177

Image
Gawin mo Ito Upang Hindi Ka Maapektuhan ng Mga Taong Toxic May mga taong toxic ba na nakapalibot sa 'yo? Pag-usapan natin ngayon ang 10 TIPS para hindi ka maapektuhan. Totoo na may mga taong nakaka-drain ng energy natin. Hindi ka komportable kung nasa tabi sila. Wala rin silang pakialam sa feelings mo. Pero wala lang ito sa kanila dahil iba din ang kanilang emosyon. Hindi sila sensitive sa feelings ng ibang tao. Pero hindi pwedeng ganyanin ka lang nila. Gusto mo bang discomfort ang maramdaman mo araw² dahil sa mga ginagawa nila sa 'yo? You need to be the one to shore up your defenses so you can get through life without other people disturbing your peace. Ibig kong sabihin, dapat tigasan mo ang iyong damdamin para hindi ka maapektuhan. You can just let their words slide off your back as you move through life. Pero hindi ito madaling gawin. It will take some practice. Kailangan mong isipin araw² na hindi ka dapat magpapaapekto. Hanggang sa mapansin mo na parang manhid ka na sa k