8 Tips To Overcome Insecurity By Brain Power 2177





Siguro naitatanong mo sa 'yong sarili, bakit sobrang insecure ko? Why do I feel so insecure? Sasagutin natin 'yan sa videong ito.

When I was in my teens, sobrang insecure ko sa sarili ko. Kapag ako’y kasa-kasama ng mga tao, lagi akong nag-aalala tungkol sa aking hitsura, kung ano ang aking sinasabi, ang pagkilos ko, nag-aalala rin ako kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa akin. I was insecure all the time. Pero nagbago ako noong pinili kong magbago. Life is a choice. Kung ayaw mong ma-insecure, dapat baguhin mo rin ang pag-iisip mo. Dahil lahat ng kilos mo ay galing sa isipan mo. Pero bago pa 'yan mangyari, alamin muna natin kung ano ba ang insecurity. Insecurities are the causes behind feelings of uncertainty about yourself. You can experience insecurity regarding any aspect of your life, whether that's physical appearance, relationships, financial stability, or professional skills. Kahit alam mong sobrang talented mo at alam mong may nagmamahal sa 'yo, kapag insecure ka, feeling mo pa rin walang nagmamahal sa 'yo. Feeling mo pa rin na may kulang sa 'yo. If you feel bad about how you look or doubt your value, you may shy away from social situations or experiences that would test your abilities.

May 3 uri ng insecurities:
PERSONAL INSECURITY
PROFESSIONAL INSECURITY
RELATIONSHIP INSECURITY

Pag-usapan natin ang 3 'to.

Una, PERSONAL INSECURITY. Ito yung negatibo ang pagtingin mo sa 'yong sarili. Yun bang hindi mo gusto ang iyong hitsura, hindi mo gusto ang iyong lifestyle, kinikwestyon mo na ang iyong pagkatao, palagi mong ikinokompara ang iyong sarili. Sa madaling salita, hindi ka confident sa sarili mo.

Pangalawa, PROFESSIONAL INSECURITY. Ito yung wala kang tiwala sa kakayahan mo para gawin ang ang trabaho mo. Palagi kang nagdududa sa sarili mo. Pinapalampas mo ang opportunity dahil wala kang tiwala sa kakayahan mo.

Pangatlo, RELATIONSHIP INSECURITY. Ito yung negatibo ang pagka-attach mo sa isang tao. Akala mo sobrang pagmamahal 'yon pero maling pagmamahal pala kasi nakakasakal na ang kinikilos mo. Sa sobrang takot mong iwanan, pilit mo ng kinokontrol ang isang tao. You can become irrationally jealous or try to control the other person to avoid losing them. That's not real love. That is an anxious attachment. Palagi ka na lang naghahangad ng atensyon at affirmation.

May itatanong lang ako sa 'yo at gusto kong aminin mo sa sarili mo kung ano ang tunay mong naramdaman:

Ang takot ba na mabigo ang humahadlang sa 'yo sa paggawa ng mga bagay na talagang nais mong gawin?

Naiinggit ka ba sa tagumpay ng iba?

Nag-aalala ka bang labis sa kung ano ang palagay sa 'yo ng iba?

Hindi ka ba komportable na makipagkilala sa mga tao?

Nagdaramdam ka ba kapag ikaw ay pinipintasan?

Kung gayon marahil ikaw man ay pinahihirapan ng matinding kirot ng insecurity. Saan nga ba nagmumula ang damdaming ito?

Una, alamin mo na ang pagkadama ng insecurity ay universal. Ibig kong sabihin, tayong lahat ay may insecurities. Lahat tayo ay ipinanganak na hindi perpekto at sa gayon ay madaling makadamang may kulang sa atin o feeling natin na wala tayong halaga. Lahat tayo ay nakakaranas ng insecurity lalo na sa harap ng mga bagong hamon. Normal na makaramdam tayo ng matinding pagdududa sa sarili kapag bago pa lang tayo sa trabaho o bago pa lang tayo pumasok sa isang relasyon. Ngunit ang insecurity ay may malaking negatibong epekto sa buhay natin kung negatibo na lang palagi ang ating iniisip. When you constantly feel unsure of yourself, you may turn negative self-talk into reality. Lalo na sa mga kabataan, sila ang pinakamahina because they are in the midst of a period of rapid physical growth and change. Ang pagbabagong ito, which is hindi natin kontrolado, ay napaka intense, demanding, at nakakatakot. And that person can’t see the light at the end of the tunnel and has no idea what’s coming at him next. Ang kakulangan ng kontrol ay nagiging sanhi ng insecurity at stress.

Pangalawa, IMPLUWENSIYA NG MGA KAIBIGAN AT PAMILYA. Your home environment. Ang pamilya dapat ang unang mag guide at magbigay ng emotional support. Kung hindi mo maramdaman 'yan sa pamilya mo, 'yan ang rason kung bakit hindi ka confident ngayon. Pinag-uutusan nga ng Bibliya ang mga magulang, sa Colosas 3:21,

“Kayong mga ama, huwag ninyong inisin ang inyong mga anak para hindi sila masiraan ng loob.”

Sa kasamaang palad, ibinubuyo ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak sa galit sa pagpapasailalim sa kanila sa walang-katapusang pamimintas, hindi ibinibigay ang kinakailangang papuri at pagmamahal. Ang pamimintas ng mga magulang ay maaaring kadalasan ay humantong sa insecurity. And if you’re still receiving negative messages, this will only reinforce your feelings of insecurity.

Maaari ring panghinain ng iyong mga kasama ang iyong self-confidence sa pamamagitan ng laging pagtukso sa 'yo o pagpintas sa 'yong hitsura o kilos. May nag chat sa akin kahapon, sabi niya na nakakapanghina daw ng loob! Palagi niyang sinisikap na makibagay. Ayaw kasi niyang layuan siya ng mga kaibigan niya. Naiintindihan ko ang naramdaman niya. Because all of us want to be liked. Everybody wants people to like them, right?

Anuman ang mga dahilan ng insecurity, it's simply a part of growing up and may never disappear completely. Pero tandaan mo na ang sobrang pagkabahala mo sa 'yong hitsura, reputasyon, o mga kakayahan ay sisira ng iyong confidence kahit na sabihin mo pa na isa kang matatag na adulto. Insecurities have the potential to damage both your self-perception and your relationships. May mga taong pinagtatakpan nila ang kanilang insecurity sa pagpapakita ng huwad na katapangan, ng pangahas na kasuotan para magmukhang astig. Pero deep inside, insecure pala sila. Pero paano mo ba madadaig ito? Narito ang 8 TIPS upang matulungan kang mabawasan at mapagtagumpayan ang insecurity.


NUMBER 1
ALAMIN MO ANG IYONG
POSITIBONG MGA KATANGIAN


Hindi man perpekto ang hubog ng katawan mo, hindi ka man sexy, 'wag mong masyadong isipin 'yon. Sa positibo mong katangian ka magpokus. You have developed the qualities of love, joy, peace, long-​suffering, kindness, goodness, faith, mildness, self-​control. Ang mga katangiang ito ay walang hanggang mas mahalaga kaysa anumang pisikal na mga katangian at maaari pa ngang tumulong sa 'yo na kamtin ang pagsang-ayon ng Diyos.


NUMBER 2
MAG SET KA NG MAKATOTOHANANG
MGA TUNGUHIN


'Wag kang mag set ng mga goals na imposibleng kamtin. Kasi kung sobrang taas ng goal mo, mafu-frustrate ka lang kung hindi mo maabot 'yon. Dapat realistic ang goals mo. When you set realistic goals, you allow yourself to grow and feel empowered. Kung may na-set ka ng goal, then create an action plan to reach it, working toward them with structure and intention. Hindi mo kinakailangang maging valedictorian sa klase upang maging isang magaling na estudyante o maging manlalaro sa Olympic upang masiyahan sa sports. Pwede ka namang sumaya kahit wala kang mataas na achievements. Pero 'wag mo namang ilagay ang iyong mga tunguhin na napakababa dahil lang sa takot kang mabigo. Ang kabiguan ay maaaring magsilbing isang paraan ng pagkatuto. 'Wag kang matakot mabigo. Noong bata pa tayo, natuto tayong lumakad sa pamamagitan ng pagsupil sa hilig na matumba, 'di ba?


NUMBER 3
'WAG MONG IKOMPARA
ANG SARILI MO SA IBA


As Eleanor Roosevelt once said: “No one can make you feel inferior without your consent.” Napakaganda rin ng payo ng Galacia 6:4,

“Suriin ng bawat isa ang sarili niyang mga pagkilos. Sa gayon, magsasaya siya dahil sa mga nagawa niya, at hindi dahil ikinumpara niya ang sarili niya sa ibang tao.”

Kapag ba ang isang tao ay mas maganda pa sa 'yo, mayroong mas magarang mga damit, o mas matalino kaysa sa 'yo, ibang bang sabihin na mas mabuting tao siya kaysa 'yo? Ang totoo ay hindi mahalaga sa Diyos ang panlabas na anyo. Nakasulat sa 1 Samuel 16:7, na ang pagtingin ng tao ay hindi gaya ng pagtingin ng Diyos. Ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero ang Diyos ay tumitingin sa puso. So embrace yourself as you are. No one is good at everything. Lahat tayo ay may kalakasan at may kahinaan din. And that doesn't make us any less worthy of love and respect. Comparing yourself to others is one of the core reasons many people have a negative self-image. Nakikita mo ang mga kaibigan mo na may asawa na at mga anak, ang iba ay stable na financially, or they get professional recognition before you do at feeling mo napag-iwanan ka na ng panahon. But remember: everyone works at their own pace and everyone is on a unique path to success. Celebrate your wins without measuring whether they're bigger or smaller than those of your friends.


NUMBER 4
IWASAN MONG MAINGGIT


“Ang inggit ay kabulukan sa mga buto.” (Kawikaan 14:30) at ito'y nagbubunga ng insecurity. Sa halip, matutong “Makipagsaya sa mga nagsasaya; makiiyak sa mga umiiyak.” (Roma 12:15). Kung gagawin mo ito, ang iba ay hindi mahihilig na magsabi ng negatibong mga komento tungkol sa 'yong mga tagumpay. Kung ano ang ginagawa mo sa mga tao, 'yan din ang gawin nila sa 'yo.


NUMBER 5
MAKIHALUBILO KA SA IBANG TAO


Pero hindi ko sinasabi na kung sinu-sinong tao na lang ang samahan mo. Mamili ka pa rin ng taong sasamahan mo. Lalo na kung spiritwal ang pag-uusapan. Surround yourself with encouraging people. Kung na-appreciate ng kaibigan mo, kasamahan at pamilya mo ang iyong talento at kung chini-cheer ka nila palagi, sila ang tunay mong kakampi sa buhay. Keep these people close. When you’re struggling with insecurities, they can act as sounding boards and motivators to remind you how wonderful you are. Let go of people that fuel your insecurities. Perhaps you work in a toxic environment or notice red flags in a friend or partner. You may find that a person or place pushes on your insecurities, bringing you down. It could be time to take a step back and protect your mental health.


NUMBER 6
TANGGAPIN MO ANG MGA PAGPUNA
NANG HINDI NASISIRAAN NG LOOB


“Huwag mo ring dibdibin ang lahat ng sinasabi ng mga tao.” (Eclesiastes 7:21) lalo na kung gusto nilang ibagsak ka. Pero kung ang pagpuna ay matuwid, humanap ka ng mga paraan upang ikapit ito sa buhay mo. “Ang taong marunong ay nakikinig at kumukuha ng higit pang instruksiyon.” (Kawikaan 1:5). “Mga mangmang lang ang humahamak sa disiplina at karunungan. (Kawikaan 1:7) Maaaring magkulang ka sa isang bagay, subalit hindi ka niyan ginagawang bigo bilang isang tao. Pero kumusta naman kung ang pagpuna ay galing sa mga magulang? Tungkulin ng mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak. Pero kung inaakala mong ito ay sumobra na, di-makatuwiran, o humihiya, marahil maaari mong piliin ang isang mahinahong sandali upang ipakipag-usap ang mga bagay-bagay sa mga magulang mo at ipaalam mo sa kanila kung paano ka naaapektuhan ng kanilang mga salita.


NUMBER 7
HUWAG KANG MATAKOT NA MAGING IBA


'Wag mong hayaan na kinokontrol na nila ang kilos mo, ang pananalita mo, pananamit, at pag-aayos mo. Kasi kung takot ka na maging iba at hinayaan mo na sila ang magdikta ng buhay mo, higit ka pa sa alipin. Don’t be afraid of being different, be afraid of being the same as everyone else. Ayaw kasi nating maging iba dahil ayaw nating maging malungkot. Kapag kasi iba ka, wala masyadong tao ang lalapit sa 'yo. Ayaw natin ng gano'ng feeling. Ayaw nating titirahin tayo ng iba. Ayaw nating pagtawanan tayo. We just want to fit in thinking that it will get us far when in reality it won't. All it does is leave you feeling empty. Why? Because you're trying so hard to be something you're not. You're chasing things that don't really matter to you. That's exhausting! So just be yourself, okay?


NUMBER 8
PAGHANDAAN MO ANG PROBLEMA


Dapat handa ka sa lahat ng panahon. Kasi alam naman natin na palaging may problema sa buhay. Mga problemang hindi natin inaasahan. Ang kaibigan natin ngayon ay kaaway na natin bukas. Ang akala nating mahal natin sa buhay ay naging toxic na. Magkakaproblema ka rin sa pera. Kahit na sobrang qualified mo sa trabaho, pwedeng iba ang susungkit ng pangarap mong posisyon. These situations happen to everyone, but you don’t have to let them drive negative self-perceptions. 

Realizing these 8 facts can help you overcome insecurity. When you understand that feeling like you can’t get ahead is part of life, you can more quickly acknowledge and move past situations that test your skills or willpower — without taking them personally. Ang mga mungkahing ito ay walang alinlangang makatutulong. Subalit huwag mong asahan na ang confidence ay mangyayari sa isang araw lang. Hindi madaling baguhin ang sarili natin. Habaan mo lang ang iyong pasensya. Asahan mo ang mga hadlang, at sikapin mong 'wag pagbigyan ang pagkaawa-sa-sarili. Sa takdang panahon masusumpungan mo na ikaw ay mas confident na at hindi ka na insecure.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177