Paano Ko Haharapin ang Depresyon? By Brain Power 2177





Ibang iba ang takbo ng ating buhay kapag may depresyon tayo. Para bang wala nang makapagpasaya sa buhay mo. Kahit walang dahilan, iyak ka nang iyak araw-araw. Umiiwas ka na sa mga tao at halos hindi ka na kumakain. Nahihirapan kang matulog at nahihirapan ka ring mag-concentrate. Ikaw mismo mararamdaman mo na may mali na sa 'yo. Ano’ng nangyayari sa ’kin? Babalik pa kaya ako sa dati?’ Ang depresyon ay hindi biro. Kaya ang maipapayo ko sa 'yo ay 'wag mong solohin ang problemang ito. Makipag-usap ka sa taong pinagkakatiwalaan mo. 

Kunwari, naligaw ka sa isang delikadong lugar. Madilim na lugar at may mga taong naghihintay lang ng pagkakataong mambiktima. Ano’ng gagawin mo? Puwede ka namang mag-isang humanap ng paraan para makaalis. Pero hindi ba mas maganda kung hihingi ka ng tulong sa isang pinagkakatiwalaan mo? Ang depresyon ay para ding isang delikadong lugar. Totoo, nalulungkot tayo paminsan-minsan at lumilipas din 'yon. Pero kung nagtatagal na ito, mas mabuting humingi ka ng tulong. Ang maganda sa pakikipag-usap sa magulang o iba pang pinagkakatiwalaang mas matanda sa 'yo ay malalaman mo kung paano nila nalampasan ang mga negatibong emosyon at malamang na mabibigyan ka nila ng magandang payo.

Paano kung akala mong normal na kalungkutan lang ay sakit na pala? Kung nade-depress ka na araw-araw, baka clinical depression na 'yan o major depression na kailangang ipagamot. Ang mga sintomas ng clinical depression ay katulad na katulad din ng karaniwang pagbabago ng mood ng isang tao, pero kadalasan nang mas matindi at nagtatagal. Kaya kung ganyan ang nararamdaman mo, bakit hindi mo sabihin sa mga magulang mo o sa taong pinagkakatiwalaan mo na gusto mong magpa-checkup? Bawat isa sa atin ay nalulungkot sa pana-panahon, pero ang clinical depression ay isang nakapanghihinang sakit na nagtatagal at nakaaabala sa pang-araw-araw na gawain ng isang tao. Pansinin na iba’t iba ang opinyon ng mga eksperto tungkol sa kung alin ang NORMAL NA KALUNGKUTAN at kung alin ang DEPRESYON. Pero may mga tao na talagang nagkakaroon ng sobrang negatibong emosyon, na kung minsan ay may kasama pang labis na pang-uusig ng budhi at pagkadama ng kawalang-silbi.

Kung nalaman mong mayroon kang major depression, huwag kang mahiya. Komon na ang depresyon ngayon. Open minded na ang mga tao sa ganitong kalagayan. At nagagamot 'yan! Hindi magbabago ang tingin sa 'yo ng mga tunay mong kaibigan kung depress ka dahil maiintindihan nila ang nararamdaman mo. At 'wag kang mainip. Medyo matagal mawala ang depresyon, at asahan mo nang may masayang mga araw at malungkot na mga araw din.

Binabanggit sa Bibliya na ang mga may sakit ay nangangailangan ng manggagamot. Kaya kung mayroon kang nakapanghihinang sakit sa emosyon, hindi naman masamang kumonsulta sa doktor. Kailangan mo mang magpagamot o hindi, may magagawa ka para maharap ang nagtatagal na kalungkutan. Halimbawa, makakatulong sa 'yo ang regular exercise, masustansiyang pagkain, at sapat na tulog. Makakatulong din kung isusulat mo ang nadarama mo. Isulat mo kung ano ang gusto mong gawin para gumaling, kung kailan mo naharap ang lungkot, at kung kailan hindi. May clinical depression ka man o may pinagdaraanan ka lang, tandaan mo ito: Kung tatanggapin mo ang tulong ng iba at gagawa ka ng mga hakbang para tulungan ang sarili mong gumaling, mahaharap mo ang depresyon.

Makakatulong ba ang Bibliya kung nade-depress ang isang tao? Oo, dahil ang pinakamahusay na tulong ay nagmumula sa “DIOS NA UMAALIW SA MGA NALULUGMOK.”—2 Corinto 7:6

Pag-usapan natin ang 3 tulong na ibinibigay ng Diyos sa mga nade-depress:

Una, bibigyan ka ng Diyos ng LAKAS. Kung hihiling ka ng tulong sa Diyos, AALIWIN ka Niya, hindi sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng problema mo, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay sa 'yo ng lakas para makapagbata. Makakatiyak kang makikinig Siya sa 'yo. Ang Diyos ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; Inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob. Kasi alam ng Diyos kung ano talaga ang nadarama mo kahit hindi mo mahanap ang tamang mga salita para masabi ito sa Kaniya.

Pangalawa, bibigyan ka ng Diyos ng MAHUHUSAY NA HALIMBAWA, gaya ng isang taong depress sa panahon ng Bibliya. Nanalangin sa Diyos ang isang manunulat ng Bibliya: “Mula sa kalaliman ay tumatawag ako sa iyo, O Diyos.” (Awit 130:1). Nakayanan ng salmista ang panlulumo, o depresyon, dahil inalala niyang ayaw ng Diyos na labis tayong mapabigatan ng panunumbat ng ating budhi. Sinabi Niya sa Diyos: Kung mga pagkakamali ang binabantayan mo, O Diyos, Sino ang makatatayo? Dahil sa 'yo ay may tunay na kapatawaran, Para ikaw ay lubos na igalang.” (Awit 130:3, 4).

Pangatlo, bibigyan ka ng Diyos ng PAG-ASA. Bukod sa pagbibigay sa atin ng kaaliwan sa ngayon, nangako ang Diyos na aalisin Niya ang lahat ng problemang nagdudulot ng depresyon. Kapag natupad na ang pangakong 'yon, “Ang dating mga bagay [kasama na diyan ang depresyon] ay hindi na maaalaala pa,
At mawawala na ang mga ito sa puso mo”. (Isaias 65:17).

Sa panahon natin ngayon, marami ang nade-depress. Kaya dapat patibayin natin ang mga pinanghihinaan ng loob, alalayan natin ang mahihina, at maging mapagpasensiya tayo sa lahat. Magsalita tayo nang may pang-aliw sa mga taong nade-depress. Kasi hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Ang kahapisan ng mga tao ay higit na malubha, at mas maraming tao higit kailanman ang nade-depress. Subalit dapat bang mabigla pa tayo diyan? Hindi naman, sapagkat ipinakikilala ng Bibliya ang mga ito na “MGA HULING ARAW” at tinatawag ang mga ito na “ANG MGA PANAHONG MAPANGANIB NA MAHIRAP PAKITUNGUHAN.” (2 Timoteo 3:​1-5) Inihula ni Jesu-Kristo na sa mga huling araw, magkakaroon ng “NAKATATAKOT NA MGA TANAWIN.”

Pagka ang mga tao ay nakararanas ng nagtatagal na pagkabalisa, pagkatakot, pamimighati, o ng gayong iba pang negatibong mga damdamin, sila ay kadalasang depress. Ang dahilan ng depresyon o labis na kalungkutan ay maaaring ang kamatayan ng isang minamahal, pagdidiborsyo, pagkawala ng trabaho, o ang palaging pagkakasakit. People also become depressed when they develop a sense of worthlessness, when they feel they are a failure and have let everyone down. Kahit sino ay maaaring masiraan ng loob sa isang nakaiigting na kalagayan, subalit pagka nakadama ng kawalang pag-asa ang isang tao at hindi niya kayang alpasan ang masamang kalagayan, maaaring magkaroon siya ng matinding depresyon.

Ang mga tao noong sinaunang panahon ay nakadama rin ng gayong damdamin. Si Job ay nakaranas ng pagkakasakit at personal na kasawian. Kaniyang nadama na siya’y pinabayaan na ng Diyos, kaya siya ay nagpahayag ng pagkamuhi sa buhay. Si Jacob ay na-depress sa waring pagkamatay ng kaniyang anak, ayaw pa nga niya na i-comfort siya at humiling pa na mamatay na sana siya. Nakadama rin ng pagkakasala sa isang malubhang pagkakamali si Haring David. Sabi pa niya: “Naghihirap ang kalooban ko at lumong-lumo ako; Buong araw akong naglalakad na malungkot.” (Awit 38:6). Halimbawa rin si Hana. Nagkaroon siya ng MAPAIT NA KALULUWA (1 Samuel 1:10) ibig sabihin ng MAPAIT NA KALULUWA ay PUNO NG DALAMHATI at MATINDING SAMA NG LOOB. Minsan, nalipos ng pamimighati si propeta Elias anupat hiniling niya sa Diyos na kunin na ang buhay niya (1 Hari 19:4). Kaya maliwanag na kahit ang tapat na mga lalaki at babae noong panahon ng Bibliya ay nade-depres din paminsan-minsan.

Sa ngayon, marami ang nade-depress dahil sa pinahihirapan nang husto ang kanilang mga sarili, sinisikap nilang sundin ang isang pang-araw-araw na rutina na higit sa kanilang mental, emosyonal, at pisikal na kakayahan. Maliwanag ang kaigtingan, na may negatibong mga kaisipan at damdamin, ay makaaapekto sa katawan at magiging dahilan ng pagka di-timbang ng kemikal sa utak, sa gayon ay lumilikha ng depresyon.

Kasalanan ba ng isa kung nadedepres siya? Itinuturo ng Bibliya na ang sakit ay resulta ng pagrerebelde ng unang mag-asawa. Dahil sa minanang di-kasakdalan mula kay Adan, tayong lahat ay nagkakasakit, pisikal man o emosyonal. Bilang resulta, sinasabi ng Bibliya na “ang lahat ng nilalang ay patuloy na dumaraing na magkakasama at nasasaktang magkakasama hanggang ngayon.” (Roma 8:22)

Without a doubt, the Bible's advice to SPEAK CONSOLINGLY TO THE DEPRESSED SOULS is the very best. Kailangang malaman mo na ang iba ay nagmamalasakit sa 'yo. Kailangan mong marinig na may magsabi sa 'yo, ‘Nauunawaan kita; bubuti ka rin.’ Di ba ang sarap nun? Ang isang tao na nade-depress ay kadalasang nangangailangang magkusa na maghanap ng isang maunawaing tao na mapagtatapatan. Yun bang tao na mabuting tagapakinig at sobrang haba ng pasensya. Kailangang iwasan niya na magsermon sa depress na tao o magsalita na may paghatol, gaya ng, ‘Hindi ka dapat makadama ng ganiyan’ o, ‘Iyan ay maling saloobin.’ Ang damdamin ng taong nade-depress ay mahina, at ang gayong nakasisirang-loob na mga komento ay lalo lamang makapagpapalumo sa kaniya.

Ang isang taong depress ay maaaring makadama ng kawalang-halaga. Subalit, kung depress ka ngayon, dapat alalahanin mo na ang talagang mahalaga ay kung papaano pinahahalagahan ng Diyos ang taong depress. Halimbawa si Jesus. Ipinalagay ng mga tao na si Jesu-Kristo ay WALANG HALAGA, ngunit hindi nito binago ang kaniyang tunay na halaga sa Diyos. Magtiwala ka, kung papaanong mahal ng Diyos ang Kaniyang sinisintang Anak, mahal ka rin Niya.​ You cannot always control your circumstances and bad things are bound to affect you at times. But you can develop a practical strategy so that negative feelings do not dominate your life.

Si Jesus ay naawa sa mga namimighati at kaniyang tinulungan sila na makita ang halaga ng kanilang sarili. Kaniyang ipinaliwanag na maging ang maliliit, walang-halagang mga maya, ay pinahahalagahan ng Diyos. “Walang isa man sa kanila ang nalilimutan sa harap ng Diyos.” (Lucas 12:6). Gaano pa kaya ang kaniyang pagpapahalaga sa mga tao na gumagawa ng kaniyang kalooban! “Maging ang mga buhok ng ating mga ulo ay biláng niya lahat.”​ (Lucas 12:​7).

Maaaring mahirap para sa isang taong labis na nade-depress, na nadaraig ng kaniyang mga kahinaan at mga pagkakamali, na maniwalang siya’y pinahahalagahan ng Diyos. Tiyak na maaaring nadarama Niya na siya’y hindi karapat-dapat sa pag-ibig at pagmamalasakit ng Diyos. Our hearts may condemn us. But is that the determining factor? Hindi. Batid ng Diyos na ang makasalanang mga tao ay maaaring mag-isip nang negatibo at hatulan pa man din ang kanilang mga sarili. Kaya ang kaniyang Salita ay umaaliw sa mga taong lugmok ang puso.

Ang ating maibiging makalangit na Ama ay higit pa ang nakikita kaysa ating mga kasalanan at mga pagkakamali. Batid Niya ang mga kalagayang dapat ipagpatawad, ang ating buong buhay, ating mga motibo at mga hangarin. Batid Niya na tayo’y nagmana ng kasalanan, sakit, at kamatayan at sa gayo’y maraming limitasyon. Ang katunayan na tayo’y nalulungkot at nababagabag sa ating sarili ay isang patotoo na hindi natin nais na magkasala at hindi naman tayo lumalabis. Sinasabi ng Bibliya na tayo ay IPINASAKOP SA KAWALANG-SAYSAY laban sa ating kalooban. Kaya nauunawaan ng Diyos ang ating miserableng kalagayan, at may pagkahabag Niyang isinasaalang-alang ang ating mga kahinaan.​

Ang tulong na kailangang-kailangan ng mga nade-depress ay nagmumula sa pagiging malapít sa maawaing Diyos at sa pagtanggap sa Kaniyang paanyaya na IHAGIS ANG ATING PASANIN SA KANIYA. Tunay na kaya Niyang PALAKASIN ANG PUSO NG MGA NAGDURUSA (Awit 55:​22). Kaya ang Salita ng Diyos ay humihimok na manalangin. Sa pamamagitan ng pananalangin at pagsusumamo ang mga tao ay maaaring maging malapít sa Diyos at magtamasa ng kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan.

Ang praktikal na mga pagbabago sa life-style ay makatutulong din sa 'yo upang mapagtagumpayan ang nakakadepress na kalagayan. Ang pag-eehersisyo, ang pagkain ng masustansiyang pagkain, paglanghap ng sariwang hangin at sapat na pahinga, at pag-iwas sa labis na panonood ng TV ay pawang mahalaga. But sometimes it's impossible to defeat depression completely. Kahit halos nasubukan mo na ang lahat, kasali na ang mga medical therapies. Subalit, makasusumpong ng kaaliwan at pag-asa ang mga nanlulumo sa pamamagitan ng palaging pagbabasa ng Salita ng Diyos, na naglalaan ng tiyak na pag-asa ng nananatiling kaginhawahan sa lahat ng mga sakit ng tao.

Pero may pag-asang ibinibigay ang Bibliya na di-kayang ibigay ng sinumang doktor. Ano ito? Ang pangako ng Diyos na isang mapayapang bagong sanlibutan kung saan wala nang sakit at karamdaman, pati na depresyon.—Apocalipsis 21:4.

At kahapon nag research ako tungkol sa depresyon at natutunan ko ang iba’t ibang klase ng depresyon at iba-iba ang paraan ng paggamot sa iba’t ibang klase ng depresyon.

Una ay ang MAJOR DEPRESSION, may matindi itong mga sintomas na maaaring tumagal nang anim na buwan o higit pa kung hindi magpapagamot at apektado nito ang halos lahat ng gawain ng pasyente sa araw-araw.

Pangalawa ay ang BIPOLAR DISORDER, tinatawag ding manic depression. Bigla na lamang nagbabago ang mood ng pasyente​—nagiging hyperactive nang matagal-tagal na panahon saka dumaranas ng matinding depresyon.​

Pangatlo ay ang DYSTHYMIA, bagaman ang dysthymia ay hindi kasinlala ng major depression, may mga sintomas ito na nagpapahirap sa pasyente na gawin ang kaniyang rutin sa araw-araw. Ang ilan ay maaari ding dumanas paminsan-minsan ng major depression.

Pang-apat ay ang POSTPARTUM DEPRESSION. Ito ay isang nakapanghihinang problema sa emosyon na nakaaapekto sa maraming ina matapos silang manganak.​

Panglima ay ang SEASONAL AFFECTIVE DISORDER. Ito ay malamang na resulta ng kakulangan ng liwanag ng araw sa panahon ng taglagas at taglamig. Karaniwan nang nawawala ang disorder na ito sa panahon ng tagsibol at tag-araw.

Paano kung pakiramdam natin ay wala tayong halaga kaya naiisip natin na hindi pakikinggan ang ating panalangin? Dahil sa depresyon, baka maisip natin na hindi sapat ang mga pagsisikap natin na palugdan ang Diyos. Pero nauunawaan ng ating makalangit na Ama kung gaano karupok ang ating emosyon. Kahit na hinahatulan tayo ng ating mga puso, mabibigyang-katiyakan natin ang ating mga puso na ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay.

Paano kung hindi natin masabi ang ating nadarama dahil gulung-gulo ang ating isip? Kung hindi mo na alam ang sasabihin mo dahil sa bigat ng nadarama mo, huwag kang susuko! Laging lumapit sa Ama ng magiliw na kaawaan at Diyos ng buong kaaliwan at tandaan na nauunawaan Niya ang iyong nadarama at mga pangangailangan. Kung minsan, kapag naguguluhan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa panalangin. Pero alam kong naiintindihan at tinutulungan ako ng Diyos.

Hindi naman sinasabi ng Bibliya na inaalis ng Diyos ang lahat ng ating problema sa ngayon. Pero nagbibigay ang Diyos ng lakas para makayanan natin ang lahat ng bagay. Pati na ang depresyon.

Ang Kasulatan ang pangunahing pinagmumulan ng espirituwal na lakas na makakatulong sa mga dumaranas ng depresyon. Pinahahalagahan naman natin ang medikal na tulong. Pero higit sa lahat, nakita natin ang kahalagahan ng pagbabasa ng Salita ng Diyos sa ating espirituwalidad at araw-araw na buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177