Gawin mo Ito Upang Hindi Ka Maapektuhan ng Mga Taong Toxic By Brain Power 2177





May mga taong toxic ba na nakapalibot sa 'yo? Pag-usapan natin ngayon ang 10 TIPS para hindi ka maapektuhan.

Totoo na may mga taong nakaka-drain ng energy natin. Hindi ka komportable kung nasa tabi sila. Wala rin silang pakialam sa feelings mo. Pero wala lang ito sa kanila dahil iba din ang kanilang emosyon. Hindi sila sensitive sa feelings ng ibang tao. Pero hindi pwedeng ganyanin ka lang nila. Gusto mo bang discomfort ang maramdaman mo araw² dahil sa mga ginagawa nila sa 'yo? You need to be the one to shore up your defenses so you can get through life without other people disturbing your peace. Ibig kong sabihin, dapat tigasan mo ang iyong damdamin para hindi ka maapektuhan. You can just let their words slide off your back as you move through life. Pero hindi ito madaling gawin. It will take some practice. Kailangan mong isipin araw² na hindi ka dapat magpapaapekto. Hanggang sa mapansin mo na parang manhid ka na sa katoxican nila. Pero ang tanong: Paano mo makakamit ang peace of mind?


NUMBER 1
MAG SET KA NG BOUNDARIES


Napakaimportante na mag set ka ng boundaries sa buhay mo. Ang boundary, ito ang nagtuturo sa ibang tao kung paano mo gustong tratuhin at dapat may kabayaran kung hindi nila iginagalang ang boundaries mo. Kabayaran like 'wag mo silang pansinin o 'wag mo silang kausapin. People have different tolerances for what they want in their lives and how they want to be treated. Kaya sabi ko nga na napakaimportanteng mag set ka ng boundaries. Halimbawa, may dalawang magkaibigan na nagjo-joke sa isa't isa dahil sa tingin nila ay nakakatuwa ang harsh jokes. Pero ang pangatlo nilang kaibigan ay sobrang sensitive at ayaw niya ng mga joke na personalan dahil nakakasakit 'yon sa kanya. Reasonable ito para sa unang dalawang magkaibigan na gano'n sila sa isa't isa. Reasonable din para sa ikatlong kaibigan na hindi niya gusto ang mga jokes na 'yon. Hopefully, maiintindihan ng unang dalawang magkaibigan ang kagustuhan ng kanilang pangatlong kaibigan na huwag tumira ng magaspang na salita sa ikatlong kaibigan niya. But the sad thing is, that’s not always how it works. Titirahin pa rin nila ang taong ayaw ng gano'ng bardagulan. Dahil magkaiba ang ating personality. That’s where boundaries enter the picture. Kapag may nai-set kang boundaries, madali ka na ring makaiwas sa mga taong hindi jive sa personality mo. Pero tandaan mo, hindi mo makokontrol ang mga tao pero makokontrol mo kung sino ang pinapasok mo sa 'yong buhay. Kung may mga taong naka-disturbo sa peace of mind mo, lumayo ka na sa taong 'yon.


NUMBER 2
MAMUHAY KA AYON SA VALUES MO


Ibig kong sabihin, dapat alam mo kung ano ang prinsipyo mo sa buhay, kung ano ang standard mo. Sa kasamaang palad, maraming tao ang hindi alam kung ano ang values nila, kung ano ang prinsipyo nila sa buhay. Understanding your values allows you to guide your life in a way that makes sense to you and frees you from unnecessary conflict with others. Kung alam mo ang standard mo, ang values mo, ang prinsipyo mo sa buhay, bakit ka pa makikipagtalo sa mga taong hindi pasok sa standard mo? Bakit ka magpapaapekto sa sinasabi ng mga taong walang prinsipyo sa buhay? May magbabago ba? Hindi ko naman sinasabi na iwasan mo ang pakikipagtalo. Ang iwasan mo ay yung arguments na wala namang kwenta. Normal lang naman na may conflict, kinakailangan natin 'yon para mai-share din natin ang ating point of view sa ibang tao. There will always be people that want to push in on your boundaries that you will need to push back on. Kung walang kwenta ang argumento, 'wag mong sayangin ang oras mo na makipagtalo ka pa. Lalo na sa social media, ang daming arguments na wala namang patutunguhan. All it actually does is allow other people to disturb your peace.


NUMBER 3
PANINDIGAN MO ANG STANDARD MO


Ang isa sa pinakamabilis na paraan upang maging peaceful ang buhay mo ay ang maging upfront tungkol sa values mo. Hindi ko naman sinasabi na ipipilit mo sa mga tao kung ano ang values mo. Gayunpaman, kapag may gumawa ng isang bagay na sumasalungat sa mga values mo, ipaalam mo sa kanila na hindi mo kayang sabayan ang trip nila. Minsan interesado ang mga tao sa ibang pananaw at gusto nilang maunawaan kung ano ang pananaw mo. Ang mga taong ayaw umunawa sa 'yo, hindi talaga 'yan makikinig sa point of view mo. Hindi rin sila interesadong unawain ang punto mo. Kahit makikipagtalo ka pa sa kanila, walang mapupuntahan ang pagtatalo niyo. Once anger hits the table, the conversation typically becomes unproductive and unenjoyable. Kaya okay lang na bitawan mo ang mga taong hindi fit sa buhay mo.


NUMBER 4
MAGPOKUS KA SA POSITIBO


Ang katotohanan ay ang ating pananaw sa mundo ay kadalasang nababalot ng optimismo o pesimismo. Ang kulay ng shade na 'yon ay nakakaapekto sa lahat ng ating tinitingnan.  Halimbawa, kung manonood ka ng balita, makikita mo ang lahat ng kakila-kilabot na nangyayari sa mundo at kung gaano kasama ang mga tao. Walang katapusang mga digmaan, kamatayan, kahirapan, kaguluhan, at mga struggles. Kaya napakahirap magpakapositibo kung negatibo ang palagi mong nakikita. Ngunit ang hindi mo nakikita ay ang napakalaking bilang ng mga taong nag-donate sa charity. May mga taong naglalaan ng maraming oras upang pagandahin ang buhay ng iba. May mga mabuting tao na hindi natin napapansin dahil sa negatibo tayo palaging nakatingin. Hindi ibig sabihin na maraming toxic na tao ang nakapaligid sa 'yo ay wala na ring mabuting tao sa paligid mo. Upang maging positibo, hindi kailangang maging sadyang ignorante o hangal. Ang optimismo ay maaaring kasing simple ng paniniwalang maraming tao ang tunay na gumagawa ng kanilang makakaya at sinusubukang pagandahin ang mga bagay. Madaling kumalma kung nakapokus ka sa positibong side ng buhay.


NUMBER 5
HUWAG KANG MANISI


Own your emotions. "Nagkakaganito ako dahil sa kanya". Talaga ba? Tinutukan ka ba ng baril sa ulo at pinwersa kang magkaroon ng negatibong emosyon? Hindi naman, 'di ba? So ano ang ibig kong sabihin? You are in charge of your emotions. You are also in charge of who you allow into your life to affect your emotions. That’s what boundaries are for. Kahit ano pa ang gawin nilang negatibo sa 'yo, kung hindi ka magpapaapekto, hindi rin maaapektuhan ang emosyon mo. Kasi kontrolado mo ang sarili mo. If you find that another person is causing you negative feelings, you need to ask what you can do about it. Pwede mo silang kausapin na ayaw mong ginaganyan ka nila. Pwedeng bawasan mo ang panahon ng pakikisama sa kanila. Pwede ring tanggalin mo na sila sa buhay mo kung sobrang toxic na nila. Pero tandaan mo, hindi mo hawak o hindi mo kontrolado ang kilos nila. Ang tanging magagawa mo lang ay kung ano ang magagawa mo sa sitwasyon. Kung paano ka mag react. Kailangang ikaw ang gumawa ng pagbabago kung hindi mo gusto ang kinikilos ng ibang tao sa 'yo at wala silang pakialam sa 'yong nararamdaman.


NUMBER 6
'WAG MO SILANG PWERSAHIN


'Wag mo silang pwersahin na gumawa ng isang bagay kung ayaw naman nilang gawin 'yon. Ang pinakamainam gawin ay tulungan mo ang toxic na tao na magbago. Pero hindi mo sila mapipilit na magbago kung ayaw nilang magbago. You can’t force someone to improve a negative perception of life. You can’t force someone to be kind. Ang tanging magagawa mo lang ay tanggapin ang buong pagkatao nila at ikaw na ang bahala kung paano ka mag respond ng maayos sa ipinapakita nilang ugali. Kasi may mga taong toxic na magsasabing,

“Kung ginawa mo lang 'to, masaya na ako.”
“Kung gusto mong tratuhin kita ng maayos, gawin mo muna 'to.”

Napakatoxic, 'di ba? Remember this, it’s not your responsibility to make other people happy, no matter how much they try to put that onto you. Hindi ka nila caretaker. Dapat alam rin nila kung paano i-handle ang kanilang emosyon.


NUMBER 7
HAYAAN MO SILANG MAGKAMALI

Ilang beses ka na bang nakakita ng pagkakamali ng iba at sinabi mong,

“Kung ginawa niya lang 'to, e 'di sana hindi nagkaganyan ang buhay niya.”

It can be frustrating, right? to watch someone you care about making really obvious mistakes or bad decisions. Pero desisyon pa rin nila 'yon. Kahit anong pilit mong turuan sila, desisyon pa rin nila ang masusunod lalo na kung toxic silang tao dahil ayaw nilang makinig kanino man. It’s not up to you to force people to make a decision you would have made. Kasi sa totoo lang, ang TAMANG DESISYON para sa 'yo ay MALING DESISYON para sa kanya at ang MALI sa 'yo ay TAMA sa kanya. Nakuha mo ba ang punto? People need to be able to make their own decisions and mistakes. Real talk lang, mahalaga rin naman ang mga maling nagawa natin dahil doon tayo natuto. That's how we gain more wisdom. Pero kung gawa ka lang ng gawa mga mali, ng paulit-paulit, katangahan na 'yon. Ang punto ko lang dito, 'wag kang ma-frustrate, 'wag kang magalit, 'wag kang ma-bother sa kinikilos ng iba. Tanggapin mo na lang na desisyon nila 'yon. 'Wag mo rin silang tulungan kung mismong sarili nila ay kanilang pinabayaan. Mas lalong gugulo ang buhay mo kung mamimilit ka pa.


NUMBER 8
HAYAAN MO SILA


Hayaan mo silang gumawa ng mali kung 'yon ang gusto nila. Hindi ko naman sinasabi na maging masama tayo. Ang punto ko lang, may mga tao kasing gustong gumawa ng mga bagay na alam nilang mali at hindi mo sila mapipigilan sa kanilang desisyon. Let them think what they want. Let them do what they want.

“Mali ang ginawa ng taong 'to, kailangan ko siyang itama.”

Bakit mo naman itatama kung ayaw nga nilang tumanggap ng aral mula sa 'yo? Let them be wrong if they want to be wrong. There’s nothing wrong with trying to share a bit of correct information with someone who may not have the right idea. But unfortunately, a lot of people have a difficult time being corrected. That kind of thing requires humility and a willingness to listen. Hindi lahat ay may mga gano'ng katangian. 'Wag kang ma-bother kung nais ng isang tao na maging komportable sa kanilang kamangmangan. Totoo, maraming kamangmangan ang nakakapinsala sa mundo. May mga taong gumagawa ng mga kasinungalingan at maling salaysay para siraan ang iba. That, most definitely, needs to be argued with and pushed back against. Pero kung maliit na bagay at hindi importante, kung may mga taong ayaw ng mga payo mo, may choice ka kung paano mo sila i-handle. 'Wag mong sayangin ang oras at lakas mo sa pakikipaghalubilo sa mga mababaw na tao. 2+2=5? The sky is green? Fine, whatever. Get on with your day, and don’t let these people disturb your peace.


NUMBER 9
HINDI MO KAILANGANG MAGLABAS NG OPINYON


Palagi kang may choice na huwag magkaroon ng opinyon. Kasi ang bawat tao'y tila may opinyon tungkol sa lahat ng pangyayari. Magtanong ka sa kahit sino at tanungin mo sila kung ano ang opinyon nila sa ekonomiya, sa politics, may opinyon silang masasabi. Ang kanilang opinyon ay galing lang din sa nababasa nila, galing lang din sa mga naririnig nila. You don’t have to have an opinion on everything. Palagi kasi nating iniisip na mas magaling tayo kaysa kanila. You don’t need to have an opinion. Pwede namang mag share ka ng opinyon sa kanila pero 'wag kang makipagtalo dahil lang hindi pareho ang opinyon niyo.


NUMBER 10
OKAY LANG NA MA-BOTHER


Hindi naman perpekto ang ating buhay. May mga bagay talaga na gumugulo sa isip natin. May emosyon tayong mga tao. Emotions are sometimes messy and sloppy. No matter how much peace you create around yourself, what you cultivate in yourself, and how you navigate other people, there will be times when other people get to you. Imposibleng ganap itong maiwasan sa lahat ng mga bagay na nangyayari sa mundo, sa bahay, sa workplace mo, kahit saan. It’s okay to be bothered at times. You’re not a robot. Don’t tear yourself down just because you have emotions or think you can attain this perfect state of being okay with the uglier parts of the world. In fact, you shouldn’t be okay with people’s uglier aspects.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177