7 Bagay na Dapat Mong i-Let go By Brain Power 2177





Maraming bagay ang hindi natin makokontrol at 'yan ang pag-uusapan natin ngayon. Kapag bibitawan mo ang mga bagay na ito, siguradong gagaan ang buhay mo.

Kung ang problema mo ay may solusyon, hindi na kailangang mag-alala. Pero kung ang problema mo ay walang solusyon, ang pag-aalala ay hindi rin makakabuti sa 'yo. Nakakasamâ sa kalusugan at emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito. Bagama't may kontrol tayo sa ilang mga bagay na mararanasan natin, ang karamihan sa mga ito ay mangyayari lang ng biglaan. At kailangan nating matutunan kung paano mag-adapt kapag nangyari ang mga bagay na hindi natin kontrolado. Ang pag-uusapan natin ngayon ay mga komon na mga bagay na hindi natin makokontrol na maaari nating makaharap sa buhay.


NUMBER 1
ANG PAGTANDA


Marami ang natatakot tumanda. Bakit tayo matatakot e tayong lahat naman ay tumatanda. Walang makakakontrol nito. Sa pag-asang makahanap ng mabisang gamot laban sa pagtanda, namuhunan ang mga kompanya ng gamot upang makatuklas ng bagong panlunas dito. Maraming nag-aalala kung paano mapapabagal ang kanilang pagtanda. Kahit anong klaseng moisturizer ang ilagay natin sa mukha, kahit anong anti-aging cream, kahit magpa-cosmetic surgery ka pa, hindi ito magpapahinto sa proseso ng pagtanda. Ang lahat ay nasisira at kasama na ang ating mga katawan. Hindi ito maiiwasan at bagama't maaari nating pabagalin ang ilang mga signs ng pagtanda sa pamamagitan ng pag-aalaga sa ating kalusugan, lahat tayo ay malalagasan pa rin ng buhok at magkakaroon ng mga wrinkles. Walang saysay na ma-upset ka tungkol sa pagtanda. Each line on your face is a testament to difficulties you’ve overcome, or wonderful times that made you smile. Bukod pa rito, ang pagtanda ay isang napakalaking privilege. Kasi isipin mo, maraming tao ang namatay nang bata pa at gusto nila na magkaroon sila ng mas maraming oras. Hindi ka ba masaya dahil umabot ka pa sa edad na 'yan? Hindi man natin makokontrol ang pagtanda pero 'wag nating pabayaan ang ating sarili. Alagaan mo ang iyong sarili sa abot ng iyong makakaya sa pamamagitan ng pagkain ng maayos at regular na pag-eehersisyo, at dapat kang manatiling malakas at malusog lalo na sa panahon ng kahirapan. Ngunit tanggapin mo na hindi mo makokotrol ang darating na pangyayari.


NUMBER 2
PANGYAYARI NA HINDI MO INAASAHAN


Lahat ng pangyayayri sa mundo ay nakakagulat. Ngayon ay masaya tayo. Bukas ay magkakaproblema na naman tayo. Ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit sa ating lahat. Kahit gaano tayo kabait, kahit gaano tayo ka-positibo sa buhay, may negatibo pa ring mangyayari na hindi natin inaasahan. Kasi ang mga bagay na 'yon ay hindi natin kontrolado. Life is filled with the unexpected. Depende na sa bawat tao kung paano nila haharapin ang pagsubok sa buhay. Kahit anong oras, may makikita kang hindi mo magugustuhan, may maririnig kang hindi kanais-nais o nakakasakit sa 'yo and it’s not the world’s responsibility to prevent you from feeling discomfort. Kung sobrang nahihirapan ka sa buhay dahil sa mga pangyayaring hindi mo inaasahan, magpatulong ka. Pero hindi ibig sabihin na kaya nilang pakalmahin ang emosyon mo. Makakatulong sila pero nasa sa 'yo pa rin ang kontrol sa sarili mo. Don't give your strength and putting your wellbeing in others’ hands. Kapag natutunan mo kung paano mag react sa mga negatibong pangyayari, ang mga bagay na nagpapabigat sa buhay mo ngayon ay magaan na lamang sa hinaharap dahil kontrolado mo na ang reaksiyon mo.


NUMBER 3
PAGBABAGO


Lahat ng bagay ay magbabago. Hindi natin 'yan makokontrol. Hindi natin mauutusan ang panahon na manatili sa gano'ng sitwasyon. Ang puno na kayang yumuko sa hangin ay mas malamang na makaligtas sa bagyo. Dapat ganyan ka rin ka-flexible. Dapat mong matutuhang makibagay sa mga pagbabago na wala kang gaanong kontrol o wala ka nang magagawa. Ang gusto kasi nating mangyari ay palaging masaya lang. Kapag kasama natin ang ating mahal, gusto nating tumigil ang oras. Gusto nating masaya lang. Gusto nating maramdaman palagi ang positibong pangyayari. But those things are often wonderful because they last for a very short time. Nakakabitin. By acknowledging their temporary nature, we appreciate them more authentically. Kahit ano pa ang gagawin mo, hindi mo maiiwasan ang pagbabago. Sa malao’t madali, mararanasan mo ang hindi mo gustong mararanasan. Pero hindi naman masama ang lahat ng di-inaasahang pangyayari. At ang ilang pagbabago na parang masama sa simula ay baka maging kapaki-pakinabang. Gayunman, nahihirapan ang karamihan na harapin ang pagbabago—mabuti man ito o masama. Takot kasi tayo sa pagbabago dahil hindi ito kasiya-siya o hindi natin gusto. Halimbawa, ayaw nating magbago ang takbo ng ating katawan. Ayaw nating magkasakit. Ayaw din nating magkasakit ang ating mga mahal sa buhay. Hindi natin gustong isipin ang ganitong uri ng pagbabago dahil masasaktan tayo, ngunit mahalagang maging realistic tayo tungkol sa hindi maiiwasang problema. Dapat matuto kang makibagay. Ang katatagan ay ang kakayahang bumangon mula sa di-magandang pangyayari o makibagay sa pagbabago. Hindi lang makakayanan ng taong matatag ang isang bagong sitwasyon kundi nakikita rin niya ang waring hadlang at itinuturing itong isang pagkakataon. Live in the present moment. Enjoy what’s going on as it’s happening and flow with change. At ang nakaka-excite sa pagbabago, hindi natin alam na ang susunod na mangyayari ay maaaring mas madali kaysa sa inaasahan natin, 'di ba? Mas mabuting tanggapin mo ang realidad kaysa sa hayaang mangibabaw sa 'yo ang negatibong mga kaisipan.


NUMBER 4
DESISYON NG IBANG TAO


Isa sa mga nakapagpa-stress sa akin noon ay yung pinilit kong kontrolin ang desisyon ng ibang tao. Palagi ko silang sinabihan na 'wag gawin 'to, ito ang gawin mo. Pero na-realize ko na ang personal nilang desisyon ay hindi ko hawak. Naiinis rin ako kung kinikontrol ng ibang tao ang desisyon ko sa buhay. Dapat maunawaan natin na iba iba tayo ng pananaw sa buhay. Iba iba tayo ng nilalakbayan. Minsan iniisip mo na alam mo kung ano ang makakabuti sa buhay nila at posibleng tama ka sa iniisip mo. Ngunit mayroon silang karapatan na gumawa ng kanilang sariling paraan sa buhay, at kung mahal mo talaga sila, tatanggapin mo 'yon. Tanggapin mo kahit na ang kanilang mga interes ay walang pagkakahawig sa kung ano ang mas gusto mo para sa kanila. You don’t need to agree with them or support their decisions, but you can refrain from insulting them or wishing them poorly. Instead, simply wish them happiness, and keep your eyes on your own path. Pero may exception. Halimbawa may asawa ka na, tapos may desisyon ang asawa mo na feeling mo ay negatibo 'yon at maapektuhan ang pagsasama niyo, pwede kang makialam. Pwede mo siyang pagsabihan.


NUMBER 5
ANG OPINYON NILA TUNGKOL SA 'YO


Tandaan mo, hindi mo makokontrol kung ano ang iniisip ng ibang tao, kung ano ang opinyon nila tungkol sa 'yo. Ang tanging makokontrol mo lang ay ang iyong reaksyon. Hindi lahat ng nami-meet natin ay magugustuhan tayo. Hindi rin lahat magugustuhan natin. May ibang tao na titirahin ang ating pagkatao, gagawan tayo ng issue, makikialam sa mga desisyon natin. May iba ring walang paki sa buhay natin. We have absolutely no control over what others think or feel about us. All we can do is control how we behave toward them. Walang saysay na magalit sa mga taong ayaw sa atin, sa mga taong hindi sang-ayon sa mga choices natin. They don’t have to support our beliefs, and it doesn’t matter whether they validate anything we feel, think, or do. Halimbawa sasabihin mong magaling ka sa bagay na 'to pero kung hindi sila sang-ayon sa sinasabi mo, hindi ibig sabihin na mali sila dahil hindi sila naniniwala sa 'yo, may sarili lang talaga silang opinyon. Hindi mo naman sila haters because every individual is entitled to their own beliefs, and that includes how they think and feel about others. Kung hindi mo gusto ang sinasabi ng isang tao tungkol sa 'yo, may opsyon kang huminto sa pakikipag-ugnayan sa kanila anumang oras. Or, simply stop caring about their opinions of you.


NUMBER 6
ANG KINABUKASAN


Hindi natin mahuhulaan kung ano ang mangyayari bukas. Hindi natin makokontrol kung ano ang maaaring mangyari. Walang saysay na masyadong ma-attach tungkol sa kung paano gagana ang anumang partikular na sitwasyon, dahil minsan hindi mangyayari ang inaasahan natin. Hindi ito nangangahulugan na walang kabuluhan na gumawa ng anumang mga plano, ngunit sa halip ay 'wag masyadong ma-attach sa resulta ng mga plano mo. Just focus on the process. Kung medyo tagilid ang plano mo sa buhay, ibahin mo lang ang iyong strategy. Kadalasan, nagbabago ang mga sitwasyon in ways that ultimately serve us best, even if they don’t seem that way in the moment. Sinasabi ko ito sa 'yo para hindi ka gaanong masaktan. Napapansin ko kasi ngayon na maraming tao ang sobrang na-attached sa mga bagay-bagay. They envision their perfect job. They envision their relationship a certain way and are shattered if those daydreams get crushed. Kung hindi man nangyari ang inaasahan mo, may iba pa namang paraan. Hindi mo man nakuha ang gusto mo pero nakuha mo naman ang kinakailangan mo. Panalo ka pa rin, 'di ba?


NUMBER 7
KAMATAYAN


Maraming tao ang natatakot sa kamatayan, at ang takot na 'yon ay may impluwensya sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Napaparalisa sila sa kakaisip ng mga WHAT IF. Remember this, ALL SUFFERING COMES FROM ATTACHMENT. Therefore, learning to let go is an important part in leading a happier life and if we can realise and accept that one day we will die, eases the need to hold onto something that we know one day will have to let go of. Bakit ka matatakot mamatay kung ito'y mangyayari anumang oras? This is why I embrace and accept that nothing is permanent and that everything changes. Understanding and learning about this has been quite liberating. Kung takot ka sa kamatayan, hindi ka magkakaroon ng peace of mind at kaligayahan. Lahat naman tayo ay mamamatay and making peace with that is the best way to ensure that fear surrounding it has no hold over you. Habang buhay ka pa, gawin mo ang mabuti. Pasayahin mo ang Diyos. Live your life in a way that ensures that you’ll have few regrets when your time comes, and appreciate every moment you have.

Gaya ng natutunan mo sa videong ito, hindi na kailangang labanan ang alinman sa mga hindi maiiwasang karanasang ito sa buhay. Kung hindi ka naa-attach sa mga bagay na ito, mas mababa ang epekto nito sa 'yo kapag bumabangga na ito sa 'yong buhay. Stay present, drink plenty of water, stretch daily, and enjoy every moment you have. Don't worry. Everything will be okay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177