Huwag Mong Gawin Ang 10 Bagay na Ito Kung Gusto Mong Maging Iba By Brain Power 2177




Kung gusto mong maging iba, 10 bagay ang 'wag mong gawin.


NUMBER 1
PINIPEKE ANG CONFIDENCE


Marami tayong naririnig na mga advice na FAKE IT TILL YOU MAKE IT. Sabi nila na dapat tayong lumabas at umasta na parang confident tayo and eventually those feelings will become our reality. Gumana ito sa ilan, sa ilang sitwasyon. Pero hindi ito gagana sa karamihan. Hindi layunin ng isang tunay na confident na tao na magmukhang confident. Natural silang umasta kasi confident sila sa kanilang sarili, comfortable sila sa kanilang sariling balat, at ayaw nilang mag-aksaya ng oras sa isang bagay dahil lang sa tingin ng ibang tao ay astig 'yon. A cool person is effortlessly cool. Hindi mo mapipeke ang kaastigan o confidence. So faking confidence is a bad idea. Kahit sa tingin ng mga tao ay confident ka pero alam mo sa sarili mo na shaky ka underneath. Conduct yourself professionally. Magdamit ka ng maayos. Magsalita ka ng maayos. 'Wag mong sayangin ang oras mo.


NUMBER 2
'WAG MONG SABAYAN ANG USO


Ang daming tao na naghahabol sa uso. Kung ano ang uso, ginagawa. Hindi ko naman sinasabi na 'wag kang bumili ng fashionable clothes, 'wag kang bumili ng latest gadget, o 'wag kang pumunta sa bagong tambayan, may sarili ka namang desisyon para gawin 'yon. Pero dapat alamin mo muna kung ano ang purpose mo. Alamin mo kung ano ang sitwasyon, kung ano ang goal mo, at kung ano ang consequence kung ayaw mong sumabay sa uso. May malaking risk din kasi. Trends often emerge for a reason, and they may represent what is currently popular or in demand. By not following them, you may miss out on potential opportunities or you may face challenges in gaining acceptance. Ang punto ko, gawin mo ang isang bagay, uso man o hindi, basta't gusto mo. Bilhin mo ang isang bagay uso man o hindi. Kainin mo ang pagkain dahil gusto mo hindi dahil sikat na pagkain ito ngayon. Pumunta ka sa isang lugar hindi dahil may sikat na tao na palaging tumatambay do'n. Be yourself. Don’t try to be someone you’re not. Embrace your uniqueness and share your true personality with the people.


NUMBER 3
'WAG KANG MAGPA-IMPRESS


Ang taong tunay na confident ay hindi umaasa sa validation ng iba upang tumaas ang kanilang kompiyansa sa sarili. Ganito ako noon e. I have done that as well so don't feel too bad. I think that sometimes it is a thing we do subconsciously without realizing it. May mga tao kasing nagpapa-impress dahil doon sila nakakakuha ng kompiyansa sa sarili. Masarap din naman na may mga taong bilib sa 'yo o may gusto sa 'yo. Ramdam mo ito, 'di ba? But now, if you like me, then great. If you don't, that's your problem. Ang punto ko lang dito, if we put too much energy into impressing others or trying too hard to “look good” or “act good”, we are wasting our energy on something that makes no sense. Natutunan ko sa buhay na kung gusto nilang makasama ka, sasamahan ka talaga nila, 'di ba? And those who don't care about you or are jealous of you, will always find some of your faults no matter how hard you try to satisfy their expectations. Ibig sabihin, hindi mo mapi-please ang lahat. Kapag gagawin mo 'to, may mamumuna. Kapag hindi mo gagawin, may masasabi pa rin sila. If you know who you are and you respect yourself before anyone else, there isn't a person who can damage your self-esteem since you understand that their opinion is well, just an opinion. Nothing else.


NUMBER 4
'WAG KANG MAG POST NG MGA HINDI DAPAT


Halos lahat tayo ay may social media accounts. Ginagamit natin ang socmed kapag may bibilhin tayo, kapag may gusto tayong i-upload, may i-post at may gusto tayong i-comment. Wala namang mali sa social media sites. Ang mali ay tayong mga gumagamit. Halos lahat shini-share na natin. Oversharing is a growing problem. May mga bagay o pangyayari na para sa 'yo lang. At hindi naman lahat ma-impress sa mga post mo. Ang mga taong tunay na may narating sa buhay, tahimik na ang mga 'yan. Hindi rin sila gaanong nagpo-post. Mas mahilig lang 'yan mag shared post kaysa buhay nila ang kanilang ipinapangalandakan. Pero iba na ngayon e, halos lahat ng tao pi-nost na lahat ng buhay nila. They wanted to make videos of literally everything they do. But the sad reality is, NOBODY REALLY CARES. Pero may kalayaan ka naman na gawin ang gusto mo.


NUMBER 5
'WAG MONG MASYADONG SERYOSOHIN
ANG PANGYAYARI


Natural naman na gusto nating respetuhin tayo ng iba. Social creatures tayo e. Kaya natural lang din na masasaktan tayo kapag may nag criticize sa atin. Enjoyin mo lang ang buhay. Ano man ang nangyari sa buhay mo, dadaan rin 'yan. Paano kung may nang-iinsulto sa 'yo? It has nothing to do with you. Ano man ang sinasabi nila, ano man ang ginagawa nila, ano man ang opinyon nila tungkol sa 'yo, nanggaling lang din 'yon sa utak nila. Hindi dahil sa kinikilos mo. Kahit nga may naririnig kang negatibo sa ulo mo, 'wag mo pa ring paniwalaan. Don't take anything personally because by taking things personally you set yourself up to suffer for nothing. Enjoyin mo lang ang buhay. Dapat magaan lang. 


NUMBER 6
'WAG KANG MAGREKLAMO SA BUHAY


Maraming tao na palaging nakapokus sa kamalian nila, sa mga kakulangan sa kanilang buhay. Mas lalong gugulo ang buhay mo kung sa negative side ka nakapokus. Instead of complaining about the challenges you are facing, your time is better spent finding a solution and putting that solution into action. Kapag kumilos at aksyonan mo ang iyong problema at hindi ka na lang magrereklamo, maaari itong humantong sa isang malaking pagbabago sa kalidad ng iyong buhay. Dapat cool ka lang. Halimbawa may problema ka sa buhay, pwede ka namang tumawag sa matalik mong kaibigan. Kung ang problema mo ay pinansiyal, pwede kang su-mideline. Kung ang problema mo ay katawan mo dahil tumataba ka na, make a plan and follow through with it. If you want something, work hard for it and don't complain along the way.


NUMBER 7
'WAG KANG MAKIPAGTSISMIS


Masama bang pag-usapan ang ibang tao? Depende. Kasi kung karaniwang usapan lamang ito, may mga pagkakataong hindi naman ito masama. May pakinabang naman sa pakikipagkwentuhan. Halimbawa, malalaman mo kung sino ang ikakasal o kung sino ang nanganak kamakailan. Napag-uusapan natin ang iba dahil interesado tayo at nagmamalasakit sa kanila. Ingat lang tayo kasi ang karaniwang kwentuhan ay pwedeng mauwi sa tsismisan. Paano mo makokontrol ang iyong sarili kapag nangangati ang dila mo na magkalat ng tsismis? Mahahalata mo naman kung ang usapan ay nauuwi na sa tsismisan. Kapag gano'n na ang nangyayari, kaya mo bang kontrolin ang bibig mo? Kung hindi, tandaan mong nakapipinsala ang tsismis. Totoo namang maaaring makasakit ang mga salita. Sinasabi pa nga ng Bibliya na MAY ISA NA NAGSASALITA NANG DI-PINAG-IISIPAN NA GAYA NG MGA SAKSAK NG TABAK (Kawikaan 12:18). Kaya dapat ka munang mag-isip nang mabuti bago ka magsalita! Mahirap magpreno kapag napapasarap na ang usapan tungkol sa ibang tao. Pero GAWIN MONG TUNGUHIN ANG MAMUHAY NANG TAHIMIK AT ASIKASUHIN ANG SARILING GAWAIN (1 TESALONICA 4:11).


NUMBER 8
'WAG MANG JUDGE


'Wag mong i-judge kung ano ang gustong gawin ng ibang tao, kung ano ang kanilang background, kung ano ang kanilang paniniwala, kanilang opinyon at kung ano ang kanilang hitsura. You need to understand and value the fact that everyone is different, and that conformity is the enemy of diversity. Kung hindi ka man sang-ayon sa mga pinipili nila, sa mga ginagawa nila, sa mga pinaniniwalaan nila, 'wag mong ipamukha sa kanila na superior ka. Respect people’s differences and their right to be, their right to think, or act however they see fit, so long as it does not harm you or anyone else.


NUMBER 9
'WAG KANG UMASTANG SUPERIOR


Kapag umaasta kang superior, maraming negative consequences. Pwedeng ito ang sisira ng inyong relationship. Ipinapakita mo lang na kulang ka ng empatiya. It can make you less likely to consider other people's feelings, perspectives, and needs, which can harm your ability to build meaningful connections with others. 'Wag mong isipin na mahalaga ka kaysa sa iba. Ipasok mo sa utak mo na hindi ka sentro ng atensyon. Hindi ikaw ang dapat unahin. Tapos 'wag kang mainggit kung may mas nakakaangat sa 'yo. In summary, acting superior to others can damage relationships, hinder personal growth, and create barriers to genuine connections with people. It is important to cultivate humility, empathy, and respect for others to foster positive and meaningful interactions in both personal and professional settings.


NUMBER 10
'WAG KANG MANATILI SA COMFORT ZONE


Kung mananatili ka sa comfort zone mo, hindi mo ma-discover ang kakayahan mo. Pero totoo naman na madali lang gawin ang isang bagay kung alam mo ang outcome. However, you can discover more of yourself when you challenge yourself. Matutuklasan mo ang iyong mga kalakasan at matutong ma-overcome ang iyong mga kahinaan. Alam ko na napakadaling gawin ang nakasanayan mo at alam mo na ang resulta. Pero hindi ka maggo-grow habang sumusunod ka sa isang landas na pamilyar na. Hindi ka gaanong matututo sa mga karanasan at kaganapan kapag pareho lang ang mga ito. Alam kong makikipag-argue ka na hindi kinakailangang mabigo bago magtagumpay, ngunit ang ilan sa mga pinakamahusay na kwento ng tagumpay ay mula sa mga taong sumubok at nabigo. Comfort zone ang rason kung bakit hindi ka magtatagumpay. Comfort is simply comforting. Relax lang, stress-free. Ang downside ay kapag nasa comfort zone ka, magiging tamad ka na. Kapag tinatamad ka na, mawawala na rin ang pagiging creative mo. Hindi mo hinahabol ang mga goals mo. In conclusion, go outside the barrier you have placed upon yourself. Just on the other side of fear and doubt could be everything you have ever wanted to do and achieve.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177