5 Tips Para Mabawasan Ang Pag-aalala By Brain Power 2177

Sobra ka bang nag-aalala? Nakakasamâ sa kalusugan mo at nakakasamâ din sa emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito. Kaya may mga tip akong sasabihin sa 'yo para mabawasan ang sobra mong pag-aalala NUMBER 1 BAWASAN MO ANG PANONOOD, PAGBABASA, O PAKIKINIG NG MASASAMANG BALITA Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa isang masamang pangyayari. Kung magbababad ka sa masasamang balita, lalo ka lang matatakot at mas lalo ka pang mag-aalala. Lalo na sa panahon ngayon, ang daming negatibong balita. Nakakaadik tumingin sa bago at nakakagulat na mga balita. Pero hindi magandang makasanayan 'yan. Basahin natin ang Kawikaan 17:22 , “Ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.” Pag-isipan mo nga, kailangan mo ba talagang laging maging updated sa mga balita? NUMBER 2 'WAG MONG SAYANGIN ANG IYONG ORAS Dapat may schedule ka sa mga gawain mo. Magtakda ka ng oras ng paggising, oras ng pagkain, paggawa ng gawaing...