8 Times na Dapat Kang Manahimik By Brain Power 2177





May panahon ng pagsasalita
at may panahon rin ng pagtahimik
(Eclesiastes 3:7)

Pero kailan ba dapat natin itikom ang ating bibig? Ito ang pag-uusapan natin sa videong ito.

Kung ang pagsasalita ay pilak, ginto naman ang pagtahimik. Pero iba naman yung nanahimik ka dahil sa takot. Hindi naman 'yon balanseng pamumuhay. Kasi may mga panahon din naman na kailangan nating magsalita. Ang matuwid ay matapang na parang leon, at ang pananatiling tahimik dahil sa kahihiyan o dahil sa pagkatakot ay hindi karunungan. Pero kung nanahimik ka dahil sa isang sitwasyong kailangang manahimik, 'yon ang karunungan. Ito ang sabi ni Job sa 13:5,

“Kung mananahimik lang sana kayo,
Makapagpapakita kayo ng karunungan.”

Karamihan sa mga tao ngayon ay putak ng putak. Sasabihin ang kung anu-ano ng hindi na pinag-iisipan ang kanilang sinasabi. Ito ang sabi ni Santiago sa 1:26,

“Kung iniisip ng isang tao na mananamba siya ng Diyos
pero hindi niya kinokontrol ang dila niya,
dinaraya niya ang sarili niyang puso,
at walang saysay ang pagsamba niya.”

Kaya ngayon ay pag-uusapan natin kung kailan ba dapat tayo manahimik.


NUMBER 1
KAPAG NEGATIBO ANG SITWASYON


Sabi ko nga kanina, mismong sinabi ni Job na karunungan at kaunawaan kapag pinipigilan natin ang ating dila. Kapag kasi may nangyaring negatibo sa buhay natin, ang initial reaction natin ay matataranta. Mapupuno ang isipan natin ng kung anu-anong pag-iisip at baka may masabi pa tayo na hindi makakatulong sa sitwasyon. Ang maipapayo ko sa 'yo ay tumahimik ka para KUMALMA ang isipan mo. Remind yourself that it’s just another day. Allow yourself to feel bad. May bukas pa naman. Kapag kasi magulo ang isipan natin, ang unang lalabas sa bibig natin ay napakasama rin at nakakasakit pa. Ang BUHAY at KAMATAYAN ay nasa KAPANGYARIHAN NG DILA, at 'yan ang dahilan kung bakit kailangan mong manahimik kapag nakatanggap ka ng masamang balita o nasa negatibong sitwasyon ka. Magsalita ka lang kung kalmado ka na para mabuting salita rin ang lalabas sa bibig mo. Put things into perspective. Whatever happens, in whichever situation you’re in, it won’t last forever. All you can do is care about this day. Hindi ka kakalma kung palagi mong iniisip ang magiging resulta nito sa hinaharap. Iniisip mo palagi ang mga bagay na hindi mo kontrolado. Naaalala mo pa ba n'ong nag-overreact ka sa isang tao o naiirita ka sa taong 'yon dahil may nangyaring negatibo sa araw mo? Lahat tayo ay guilty. Kaya napakahalagang matutunan nating tumahimik kapag pangit ang araw natin. Palipasin natin 'to. Kumalma lang tayo. Manalangin tayo sa Diyos at humingi tayo ng gabay sa Kaniya. Ito ang nakasulat sa Awit 141:3,

“Maglagay ka ng bantay sa bibig ko, O Diyos,
Bantayan mo ang pinto ng mga labi ko.”

Hindi ba't napakaganda kung may Diyos na nagbabantay sa bibig natin?


NUMBER 2
KAPAG GALIT KA


Napakaganda ng nakasulat sa Kawikaan 10:19 at sa 11:12,

“Kapag maraming sinasabi,
hindi maiiwasang magkamali,
Pero ang nagpipigil ng kaniyang dila ay matalino.”

“Ang taong may malawak na kaunawaan
ay nananatiling tahimik.”

Isaalang-alang kung paano ipinakita ni Jesus ang KARUNUNGAN at KAUNAWAAN sa pamamagitan ng pananahimik. Yamang alam ni Jesus na mawawalan ng saysay ang anumang sasabihin niya sa kaniyang mga kaaway, SI JESUS AY NANATILING TAHIMIK (Mateo 26:63) Nang litisin si Jesus sa harap ni Pilato, HINDI SIYA SUMAGOT. Minabuti niya na ang kaniyang reputasyon ang magsilbing sagot sa mga ipinaparatang sa kaniya.​ Nang inaakusahan siya ng mga punong saserdote at matatandang lalaki, HINDI SIYA KUMIBO. WALA SIYANG ISINAGOT KAHIT ISANG SALITA (Mateo 27:11-14).

Dapat pagsikapan nating tularan ang ginawa ni Jesus. Pero hindi naman natin masisisi ang sarili natin na mag react lalo na kapag may nagpo-provoke sa atin. Lagi tayong magre-rebut. Marami tayong gustong sabihin para masaktan din ang taong nananakit sa atin, 'di ba? Kapag nasa maigting na situwasyon, maaari tayong makapagsalita nang hindi pinag-iisipan. Sa gayon, baka makapagbitiw tayo ng masasakit na salita na pagsisisihan natin sa dakong huli at mawala ang ating peace of mind. Pero ito pala ang pagkakataon na kailangan nating manahimik. Isang karunungan kung tayo'y mananahimik kapag tayo ay pinupukaw na magalit. Ayon sa Kawikaan 14:29,

“Ang taong hindi madaling magalit
ay may malawak na kaunawaan,
Pero nagpapakita ng kamangmangan ang maikli ang pasensiya.”

Pwede ka namang magalit pero sa wastong paraan. I mean, be strategic with your negative emotions. 'Wag mong hayaan na itulak ka ni Satanas sa madilim na sitwasyon. Gusto kasi Niyang magalit ka ng husto para mawala ang pag-ibig mo sa kapwa. At 'yon pa naman ang utos ng Diyos na mahalin ang ating kapwa.


NUMBER 3
KAPAG INAKUSAHAN KA


Totoo na ang payo na ito ay napakahirap gawin. Kapag kasi inakusahan tayo, sumusugod tayo kaagad. Kaya nga kung may legal matters, MIRANDA WARNING/RIGHTS ang sinasabi ng pulis sa taong nagkasala o akusado para hindi magamit ang kaniyang pinagsasabi laban sa kaniya. Magsalita ka lang ng pribado, hindi sa karamihan kundi sa abogado mo lang. Sabi ko nga kanina, sumagot ka sa wastong paraan. Humingi ka muna ng gabay sa Diyos para makapag-isip ka ng maayos. Para alam mo ang sasabihin mo. Pero kung wala namang saysay ang akusasyon, yung mga akusasyon na walang kwentang paglaanan ng oras, 'wag mo ng sagutin. Pero minsan nakakairita ang mga tao e. Kapag nananahimik ka, guilty ka. Kapag dinipensahan mo ang iyong sarili, guilty ka pa rin kasi nagre-react ka. Kaya nga ang sabi ko, 'wag mong i-prove ang sarili mo sa mga tao. Hindi na kailangan. Ayon sa Kawikaan 9:7,

“Kahihiyan ang naghihintay sa nagtutuwid sa manunuya,
At masasaktan lang ang sumasaway sa masamang tao.”

Sa halip na mahila na makipag-away dahil sa labis na pagkabahala sa mga maling akusasyon, magpokus ka na lang sa paggawa ng mga bagay na magpapasaya sa Diyos. Sagutin natin ang taimtim na mga tao na interesadong malaman ang katotohanan, pero umiwas tayo sa walang-saysay na pakikipagtalo.


NUMBER 4
KAPAG MAY NAKIPAGTSISMIS


'Wag mong dagdagan ang tsismis. 'Wag kang sumama sa kanila. Ito ang nakasulat sa Kawikaan 16:28,

“Ang mahilig gumawa ng gulo ay nagpapasimula ng pagtatalo,
At pinaglalayo ng maninirang-puri
ang malalapít na magkakaibigan.”

May mga tao kasing nakikipaghalubilo sa mga taong tsimosa. Nag-eenjoy silang pagsalohan ang tsismis tungkol sa buhay ng ibang tao. Kapag may nagtsismisan, manahimik ka lang o pwede ka rin umalis. Maingat na KONTROLIN ang usapan! Halimbawa nagmamaneho ka. Dahil sa ilang di-inaasahang pangyayari, baka kailanganin mong lumipat ng linya, o baka kailanganin mong magmenor, o huminto. Kung ikaw ay alisto at maingat, makikita mo ang nasa harapan at magagawa mo ang dapat gawin. Gano'n din sa kuwentuhan. Madali mong mahahalata kung ang usapan ay nauuwi na sa nakasasamang tsismis. Kapag gano'n na ang nangyayari, kaya mo bang lumipat ng linya? Kung hindi, mag-ingat ka​—nakapipinsala ang tsismis. Kailangang mag-ingat ka sa sinasabi mo. Kung hindi mapagkakatiwalaan ang pinanggalingan ng impormasyon, baka nagkakalat ka na ng kasinungalingan. Kapag marami kang sinasabi, mas malamang na makapagsalita ka ng mga bagay na pagsisisihan mo sa dakong huli. Kaya mas mabuti pang makilala ka bilang tahimik na tao kaysa sa isang daldalero o daldalera! Hindi lang basta sinabi ng Bibliya na hindi nice ang tsismis. Sinabi talaga ng Bibliya na MASAMA itong gawin. And that’s something we want to stay far away from. Itaguyod natin ang mga bagay na nagdudulot ng kapayapaan at nakapagpapatibay sa isa’t isa (Roma 14:19) Hindi puro tsismis lang.


NUMBER 5
KAPAG GUSTO MONG MAGREKLAMO


Pwede naman tayong magreklamo minsan para maging maayos ang sitwasyon natin. Pero kung palagi ka na lang nagrereklamo, 'yon ang magpapalala ng sitwasyon. Ito ang nakasulat sa Filipos 2:14,

“Patuloy ninyong gawin ang lahat ng bagay
nang hindi nagbubulong-bulungan o nakikipagtalo.”

Walang-alinlangan na ang labis na mareklamong saloobin ay nakapipinsala, at ito ay hinahatulan sa Bibliya. Ang isang mareklamo ay magdudulot ng pisikal at espirituwal na pinsala sa kaniyang sarili at paghihinagpis doon sa mga pinagtutuunan ng kaniyang mga reklamo. Pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod, na huwag magreklamo tungkol sa dami ng mga pagkakamali na nakikita sa ating kapuwa-tao, kundi maging mapamansin sa malalaking mga pagkukulang na nagagawa natin mismo. Sa katulad na paraan, binatikos ni Pablo ang pagreklamo sa iba bilang HINDI MAPAGPAPAUMANHINAN. Yamang ikaw na nagrereklamo ay nagsasagawa ng gayunding mga bagay. Ang mga paalaalang ito laban sa pagrereklamo ay dapat magpakilos sa atin na umiwas sa di-kinakailangan na pagiging kritiko at pagpapaunlad ng isang mareklamong saloobin.

Kapag kasi palagi tayong nagrereklamo, hindi natin mapapansin ang biyaya ng Diyos. Hindi ka grateful dahil puro mali na lang ang nakikita mo sa buhay mo. Kalooban ng Diyos para sa mga Israelita na sakupin, angkinin at tamasahin ang biyaya ng kanilang Lupang Pangako. Pero karamihan sa kanila ay hindi nakarating do'n dahil sa REKLAMO. Minsan nga nagrereklamo pa tayo sa Diyos kung bakit tayo naghihirap. Just try to always see the positives in life. Sabi ni William Shakespeare, "There is nothing either good or bad but thinking makes it so." So try to train your mind to focus on what's good instead of what's bad. A wake up call would be realizing the unfortunate truth that someone else has it worse and is still happy. But I don't want you to feel like your problems aren't important but just try seeing your glass as HALF FULL instead of HALF EMPTY.


NUMBER 6
KAPAG HINDI MO ALAM ANG KATOTOHANAN


Napakaganda ng nakasulat sa Kawikaan 18:13,

“Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye,
Kamangmangan iyon at kahiya-hiya.”

Maniniwala ka ba kaagad kung ano ang naririnig mo? Ikakalat mo ba? Binabalaan tayo ng Bibliya, basahin natin ang Kawikaan 18:17,

“Mukhang tama ang unang nagdulog ng kaso
Hanggang sa dumating ang kabilang panig at pagtatanungin siya.”

Kaya hindi pwedeng isang panig lang ang pakikinggan mo. Kailangang marinig mo rin ang kabilang panig para malaman mo kung sino ang nagsabi ng katotohanan. Hindi pwedeng salita ka lang ng salita ng walang basehan. Mas mabuting manahimik ka na lang.


NUMBER 7
KAPAG HINDI MO PA ORAS NA MAGSALITA


Sino dito ang gusto ng taong mahilig sumabad sa usapan? Wala. Ayaw natin ng ganoong klaseng tao. Kaya 'wag rin nating gawin. Kahit ang mangmang ay itinuturing na marunong kung nananatili siyang tahimik (Kawikaan 17:28). Kahit excited ka ng mag share ng kwento mo, pigilan mo ang iyong sarili. Hintayin mo munang matapos silang magsalita. 'Wag masyadong madaldal baka may mali ka pang masabi. Pero hindi naman tayo perpekto. Madali tayong magkamali kapag nagsasalita. Ang mga taong madaldal ay mas malamang na makapagsalita ng nakakasakit sa iba. Pero 'wag mong gamitin ang imperfection para dumaldal. Kapag ikaw ang dapat makinig, huwag kang sumabad o tumutol. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong magsalita. Pero sa ngayon, makinig ka lang muna.


NUMBER 8
KAPAG KAILANGAN MONG MAKINIG


May nakapagsabi na ba sa 'yo na “salamat sa iyong pakikinig ha.” Mayroon na ba? Ang isang mabuting tagapakinig ay pinahahalagahan ng halos lahat ng tao. Sa pakikinig nang mabuti, napagiginhawa natin ang mga taong napipighati o napabibigatan dahil sa mga problema. At hindi ba’t nakatutulong sa atin ang pagiging mabuting tagapakinig para mapahalagahan ang mga tao? Ang pakikinig nang may pag-ibig ay isang mahalagang bahagi ng pagsasaalang-alang sa isa’t isa para mapasigla natin ang bawat isa na magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti (Hebreo 10:24).

Gayunman, maraming tao ang hindi marunong makinig. Mahilig silang magpayo kahit wala namang nanghihingi ng payo, mahilig silang maglahad ng kanilang sariling karanasan, o magsabi ng kanilang mga pangmalas sa halip na makinig sa nais sabihin ng iba. Talagang isang sining ang pakikinig. Isa itong sining na maaaring matutuhan sa pamamagitan ng pagsisikap at disiplina. Tiyak na isa itong kasanayan na mahalagang matutuhan. Ang pakikinig na mabuti kapag nagsasalita ang iba ay isang kapahayagan ng ating pag-ibig. Nagdudulot din ito ng kaligayahan sa atin. Kung gayon, isa ngang katalinuhan na linangin ang sining ng pakikinig nang may pag-ibig!

Hindi maikakaila ang kabutihang dulot ng katahimikan. Nagbibigay ito ng pagkakataon para masuri natin ang ating sarili​. Ang pagsuri sa ating sarili ay isang mainam na paraan para mapasulong ang ating pagkatao. Nagdudulot din ito ng kapayapaan ng isip. Nakatutulong ang pagbubulay-bulay para malinang natin ang kahinhinan at kapakumbabaan at mapahalagahan kung ano talaga ang mahalaga sa buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177