10 Katotohanan na Magpapadali ng Iyong Buhay By Brain Power 2177





Kung nahihirapan ka na sa buhay mo ngayon, bumaling ka sa 10 katotohanang ito para matulungan ka.

Natural lang naman na darating ang mga panahong napakahirap salubungin. Darating ang mga problemang hindi natin inaasahan at hindi napaghandaan. Kaya dapat may karunungan tayo o wais tayo para malampasan natin ang mga mahihirap na hamon sa buhay. Hindi sapat na maging matatag ka lang, dapat may karunungan ka din. Kapag kasi wais tayo, makakapag-isip din tayo ng tamang desisyon sa buhay. Kaya narito ang 10 katotohanan na tutulong sa 'yong paglalakbay.


NUMBER 1
HABAAN MO ANG IYONG PASENSYA


Minsan kasi kapag may problemang dumating natataranta tayo, magagalit tayo. Pinipilit nating itama ang mali. Kumalma ka lang, okay? Alam ko ang sasabihin mo,

“Paano ako kakalma e down na down na ako sa buhay?”

“Wala akong mapagsasabihan ng problema ko.”

“Matinding break up ang naranasan ko ngayon.”

“Nawalan ako ng trabaho.”

Alam kong 'yan ang reaksyon natin. Naaalala ko nga noon na dumaan ang matinding problema sa buhay ko, tapos financially broke pa, nawalan ako ng pasensya sa buhay. Gusto ko agad-agad makukuha ko ang gusto ko para naman sumaya na ako. Pero alam mo, hindi wais na desisyon na madaliin mo ang lahat. Kailangan mo ng mahabang pasensya. Kailangan mong kumalma. Kapag kasi natataranta ka, hindi ka makakapag-isip ng maayos o hindi ka makakapag-isip ng tamang desisyon. At 'yan pa ang dahilan na mas lumala ang sitwasyon mo. May mga pangyayari kasi sa buhay na hindi ka na kailangang mag react. Minsan kailangan mo ng kaunting panahon para mag cool down ang sitwasyon. Dapat wais ka sa gano'ng istilo. Lalo na kung wala ka pang naiisip na solusyon sa problema mo, 'wag kang magpadalos-dalos. May mga oras kasi na hindi natin alam kung ano ang gagawin natin. Hayaan na lang natin muna. Kapag kumalma na ang isipan mo, doon na papasok ang solusyon. Kaya kailangan mo talaga ng mahabang pasensya. Basahin natin ang Kawikaan 22:3,

“Nakikita ng matalino ang panganib at nagtatago,
Pero tulóy lang ang mga walang karanasan
at pinagdurusahan ang epekto nito.”


NUMBER 2
NAKAYANAN MO ANG PROBLEMA MO NOON


May mga problema tayo sa buhay noon na akala natin hindi natin maso-solusyonan. Pero na-solusyonan pala. Katulad lang din ito ngayon. Akala kasi natin, wala na tayong magagawa pero talagang mayroon. Naiisip lang kasi natin 'yan kasi sabi ko nga kanina, natataranta kasi tayo e. Tandaan mo, habang buhay ka pa, palaging may problemang darating sa buhay mo. 'Yan ang katotohanan na kailangan mong tanggapin. At tanggapin mo rin ang katotohanan na ang lahat ng 'yon ay makakaya mo. Madali kasing makakalimutan kung gaano tayo katatag kung nalulunod na tayo sa mga problema. Noon nga naghiwalay kami ng girlfriend ko, akala ko hindi ako makakapag move on. Pero nakayanan ko e. Tapos marami pa akong napupulot na aral about relationship. Siyempre masasabi mo,

“Pero ang problema ko noon ay madali lang kompara ngayon.”

Totoo. Pero balik tayo sa #1, na habaan ang iyong pasensya. Kailangan mong isipin na ang sinabi mong MADALI mong problema noon ay inaakala mong mahirap solusyonan noong una, 'di ba? Katulad lang din 'yan ngayon. Magkaiba man ang sitwasyon pero magkatulad pa rin ang hahantungan, ang ma-SOLUSYONAN mo ito. 'Wag ka ring matakot sa mga problema mo ngayon dahil isa 'yang malaking leksyon sa buhay mo. Magagamit mo 'yan sa hinaharap. Kung naguguluhan ka man ngayon at sukong-suko ka na, 'wag mong kalimutang manalangin sa Diyos. Basahin natin ang Awit 145:18, 19,

“Ang Diyos ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya,

Ibinibigay niya ang naisin ng mga natatakot sa kaniya,
Dinirinig niya ang paghingi nila ng tulong,
at inililigtas niya sila.”

Napakalinaw ng nakasulat sa Awit, 'di ba? Hindi ba nakaaantig ng puso 'yan?


NUMBER 3
LILIPAS DIN 'YAN


Palagi nating naririnig ang phrase na, THIS TOO SHALL PASS. Ginamit 'yan ni Abraham Lincoln. Pero nakasulat ba ito sa Bibliya? Hindi ito makikita sa Bibliya. Although not directly from the Bible, THIS TOO SHALL PASS ay isang napapanahong paalala na ang mahirap na panahon na maaaring pinagdadaanan natin ay hindi magtatagal. Hindi man word for word pero halos magkalapit lang ang kahulugan. Basahin natin ang 2 Corinto 14:17, 18,

“Dahil kahit panandalian at magaan ang kapighatian,
nagdudulot ito sa atin ng kaluwalhatian na walang katulad
at walang hanggan;

habang pinananatili nating nakapokus ang ating mga mata,
hindi sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na di-nakikita.
Dahil ang mga bagay na nakikita ay pansamantala,
pero ang mga bagay na di-nakikita ay walang hanggan.”

Kita mo 'yan? Ang mga bagay na nakikita natin sa mundong ito ay pansamantala lang. Lilipas din ang lahat ng 'to. Pati na ang mga mahihirap na sitwasyon. Ang buhay natin ay parang gulong. Minsan nasa itaas, minsan nasa ilalim. Ang mga nasa itaas, pwedeng babalik sa ilalim at ang mga nasa ilalim ay pwedeng makaangat. Maaaring matagal pang mangyari 'yon pero makakarating ka rin do'n.


NUMBER 4
MAYROONG SOLUSYON SA PROBLEMA MO


Minsan kasi hindi tayo makakapag-isip ng solusyon dahil blanko ang utak natin. Pero totoo na ang bawat problema ay may solusyon pero tandaan mo ang 2 ito:

Una, may solusyon nga pero ang minsan ang solusyong 'yon ay hindi mo gusto.

Na-gets mo ba ang punto ko? Halimbawa na lang natin sa nakaraan ko, may girlfriend kasi ako noon, isa siyang Muslim. Ang solusyon para magkatuluyan kami ay dapat mag convert ako. Which is hindi ko gusto ang solusyon na 'yan. Pero kahit hindi ko gusto ang solusyon na 'yan, ginawa ko pa rin para maka-move on na kami. Ang punto ko lang, minsan may mga solusyon na hindi natin gustong gawin pero kailangang gawin para wala ng problema.

Pangalawa, kahit nasolusyonan mo man ang problema mo, magkakaroon ka na naman ng bagong problemang haharapin.

Sabi ko nga kanina, hindi matatapos ang problema. Halimbawa, corruption. May solusyon naman but the solutions are all complex and tough to implement. Even if you solve problems, you will always have more. Tandaan mo rin na walang perpektong solusyon. Minsan ang solusyon ay siya pang dahilan upang manganak ang problema. We're always going to be stuck in problem solving, but if we didn't have any problems to solve, life wouldn't be worth living!


NUMBER 5
HINDI KA NAG-IISA


Akala mo lang nag-iisa ka kasi hindi ka humingi ng tulong. Sino-solo mo lang ang lahat ng problema. Sigurado naman ako na may tutulong sa 'yo kung magsabi ka lang na problematic ka. May mga kaibigan ka naman, 'di ba? May pamilya ka. Pero paano kung wala kang masasandalan? Mayroon pa rin. Ang Diyos ang masasandalan mo. Basahin natin ang Isaias 41:10,

“Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako.
Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo.
Papatibayin kita, oo, tutulungan kita,
Talagang aalalayan kita.”

Tinitiyak ng Diyos na susuportahan ka Niya anumang problema ang dumating sa buhay mo. Kaya hindi ka nag-iisa. Nakikita Niya ang mga pinagdaraanan mo at nakikinig Siya sa mga panalangin mo. Tinutulungan ng Diyos ang mga mananamba Niya na maging panatag—ipinapaalala Niya sa atin na Siya ang Diyos natin at itinuturing Niya tayong mga lingkod Niya. Kaya makakatiyak tayo na anuman ang mangyari, kikilos ang Diyos para sa atin. Ginagamit ng Diyos ang Kaniyang Salita, ang Bibliya, para palakasin at tulungan tayo. Halimbawa, may praktikal na payo na mababasa sa Salita ng Diyos para sa mga may pinagdaraanang problema, gaya ng kahirapan, sakit, o pagkamatay ng mahal sa buhay. Puwede ring gamitin ng Diyos ang Kaniyang banal na espiritu, para tulungan tayo na makapag-isip nang malinaw at hindi malunod sa problema.


NUMBER 6
'WAG MAGING MAGASPANG SA SARILI MO


'Wag kang magalit sa sarili mo. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Kung may mali ka mang nagawa, tanggapin mo ng maayos. You should stop being so hard on yourself dahil maaari itong makapinsala sa 'yong pisikal at mental na kalusugan. Kaya inirerekomenda ko sa 'yo na gumawa ka ng mga bagay na nakakapagpakalma ng kalooban mo kung negatibo ang sitwasyon mo. Hindi ko alam kung ilang taon ka na ngunit kailangan mong alamin ang positibo at kapaki-pakinabang mong katangian upang magamit mo ito para gumaan ang iyong pakiramdam. Katulad ko noon, wala akong kompiyansa sa sarili ko. Pero hindi ko tinali ang sarili ko sa opinyon ng mga tao at kung ano ang inaasahan nila sa 'kin. Basta ginawa ko lang ang best ko araw-araw. Tearing yourself down doesn’t help the situation, and it won’t help you. Tao ka lang. Tao lang tayo. Magkakamali tayo ng paulit-ulit. Ganyan na ang buhay e. May mga pagkakamali mang hindi na maayos pero malampasan mo pa rin at may matutunan ka sa mga pagkakamali mo.


NUMBER 7
NAPAKA-IMPORTANTENG ALAGAAN MO
ANG IYONG SARILI


Lalo na sa panahong lugmok ka sa kahirapan. Dapat mong yakapin ang sarili mo sa mga panahong 'yon. Sarili mo ang kakampi mo sa bawat laban. Kailangan mong alagaan ang sarili mo. Paano mo ba inalagaan ang partner mo? Gano'n din dapat ang pag-alaga mo sa sarili mo. Self-care is a crucial need. Makakatulong ito na ma-reduce ang anxiety mo at maging mabuti ang mood mo. Examples of self-care would be eating better and healthier, exercising, having a skin care routine, drinking water, basically treating yourself to what is right for your body and mind. It's all about loving yourself.


NUMBER 8
MAGPOKUS KA SA NGAYON


Mas lalong mabubuo ang problema mo kung palagi kang nakapokus sa mga bagay na hindi pa nangyayari. Lalo na kung nakapokus ka doon sa mga bagay na nangyari na dahil hindi mo na mababalikan 'yon. Made-depress ka. Magkaka-anxiety ka. Pero may mga tao kasing nagsasabi na kung hindi daw iisipin ang kinabukasan, wala ka raw mararating. Totoo naman pero hindi kasi nila naiintindihan ang punto. Magpokus tayo sa araw na ito, gawin natin ang lahat ng ating makakaya para sa araw na ito para magbunga ito sa hinaharap. Pero kung pangunahan mo ang hinaharap, 'yon ang hindi pwede dahil magkaka-anxiety ka niyan. Basahin natin kung ano ang sinabi ni Jesus sa Mateo 6:34,

“Huwag kayong mag-alala tungkol sa susunod na araw.”

Napakalinaw, 'di ba? Hindi na kailangang mag-alala ng sobra tungkol sa mga darating na problema. At mas mabuti kung paisa-isang araw lang ang iisipin natin. Tinutulungan lang tayo ni Jesus na huwag masyadong mag-alala o mamroblema tungkol sa posibleng mangyari sa hinaharap. Kapag pinoproblema natin ang mga bagay na wala sa ating kontrol, hindi na tayo magiging masaya at hindi na tayo makakapagpokus sa dapat nating gawin. Tandaan mo na ang oras natin sa mundong ito ay limitado lang. Hindi natin makokontrol ang hinaharap. Hindi na natin mababalikan ang nakaraan. All that you're guaranteed at any moment is the PRESENT. So make use of it accordingly.


NUMBER 9
MAY MATUTUTUNAN KA
SA BAWAT PROBLEMA


Sabi ni John Milton, EVERY CLOUD HAS A SILVER LINING. Ito ay nangangahulugan na kahit sa mahirap o negatibong sitwasyon, palaging may positibo tayong makikita. It's a reminder to look for the good in difficult situations and to have hope that things will improve. Sa mahihirap mong panahon, may natutunan kang ilang bagay. Natuto ka kung paano maging independent. Natuto ka kung paano kontrolin ang sarili mo. The key is not to loose hope and never give up. Halimbawa may dalawang tao. Ang unang tao ay hindi pa nakakaranas ng kahirapan. Ang isang tao ay dumaan na sa kahit anong hamon sa buhay. Paano kung ang unang tao ay maghihirap? Madudurog 'yon dahil hindi niya alam kung paano i-handle ang sitwasyon. Ibig sabihin lang nito na ang lahat ay nangyayari para din sa ikabubuti natin. Bawat madilim na panahon ay may hatid na aral sa ating buhay na makakatulong sa ating hinaharap upang makamit ang ating pangarap at para tayo'y maging successful. So I just wanna say that don't think failure as a stoppage, but as a learning phase and move on.


NUMBER 10
MARAMI KANG MAPAPASALAMATAN


Hindi mo kasi napapansin ang mga blessings mo kasi sa ibang bagay ka nakapokus. Nakapokus ka lang sa mga bagay na wala pa sa buhay mo. 'Yon din ang dahilan kung bakit palagi ka na lang nagrereklamo. Aaminin ko ha, napakahirap magpasalamat lalo na kung walang wala ka. Wala ka talagang ibang makikita kundi ang mga bagay na wala sa 'yo. Bilang tao, madali tayong naaapektuhan ng negatibo. Pero hindi imposible na maging grateful. Kasi ang ginagawa ko, every morning, as soon as I wake up, iniisip ko ang tatlong bagay na dapat kong pasalamatan. Buhay pa ako. May trabaho pa ako. Magkaka-pera pa ako dahil may trabaho ako. Tapos kapag kumakain na ako, kahit anong pagkain, halimbawa gulay, kanin, o prutas nagpapasalamat ako sa mga taong nagtanim nito dahil nakakakain ako nang dahil sa kanilang effort. Really go overboard with your appreciation of whatever it is and hold that appreciation in your mind so that it expands. Kapag nasanay ka na sa paghahanap ng mga bagay na dapat mong ipagpasalamat, mas dadami ang blessings mo. Gusto kasi ng Diyos na magpasalamat tayo.

Kailangan nating kontrolin ang ating mga iniisip sa halip na tayo ang kontrolin nito.
Mahirap man ang sitwasyon mo ngayon pero 'wag kang manatili sa ganyang sitwasyon.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177