5 Tips Para Mabawasan Ang Pag-aalala By Brain Power 2177





Nakakasamâ sa kalusugan mo at nakakasamâ din sa emosyon mo ang sobrang pag-aalala. Puwede ka pa ngang magkaroon ng mas malalaking problema dahil dito.

Kaya may mga tip akong sasabihin sa 'yo para mabawasan ang sobra mong pag-aalala


NUMBER 1
BAWASAN MO ANG PANONOOD,
PAGBABASA, O PAKIKINIG NG MASASAMANG BALITA


Hindi mo kailangang malaman ang lahat ng detalye tungkol sa isang masamang pangyayari. Kung magbababad ka sa masasamang balita, lalo ka lang matatakot at mas lalo ka pang mag-aalala. Lalo na sa panahon ngayon, ang daming negatibong balita. Nakakaadik tumingin sa bago at nakakagulat na mga balita. Pero hindi magandang makasanayan 'yan.

Basahin natin ang Kawikaan 17:22,

“Ang pagkasira ng loob ay nakauubos ng lakas.”

Pag-isipan mo nga, kailangan mo ba talagang laging maging updated sa mga balita?


NUMBER 2
'WAG MONG SAYANGIN ANG IYONG ORAS


Dapat may schedule ka sa mga gawain mo. Magtakda ka ng oras ng paggising, oras ng pagkain, paggawa ng gawaing-bahay, at pagtulog. Kapag may schedule ka, mararamdaman mong normal ang buhay mo at tutulong 'yan sa 'yo para mabawasan ang pag-aalala mo. Noong bago akong mag resign sa trabaho, wala na rin akong schedule na sinusunod. Nauubos ang panahon ko sa kaka-cellphone. And then nagpasya akong baguhin ang habits ko dahil sayang sa oras. Ginamit ko ang aking oras sa pinakamabuting paraan, kaya gumawa ako ng schedule ng mga dapat kong gawin sa bawat araw. Basahin natin ang Kawikaan 21:5,

“Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay,
Pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.”

May schedule ka ba para maramdaman mong may natatapos ka sa bawat araw?


NUMBER 3
MAGPOKUS KA SA MAGAGANDANG BAGAY


Kung ang laging laman ng isip mo ay mga maling desisyon na ginawa mo noon at mga bagay na ikinakatakot mong mangyari sa hinaharap, lalo ka lang mag-aalala. Mas mabuting mag-isip ng dalawang bagay o tatlong bagay na puwede mong ipagpasalamat. Kapag nagbabasa ako ng Bibliya, naiiwasan kong isipin ang masasamang balita at nakakapagpokus ako sa magagandang bagay. May ilang tao na hindi naniniwala na makakatulong ang Salita ng Diyos pero nakakatulong talaga. Mas lalo nating ma-appreciate ang Diyos. Basahin natin ang Colosas 3:15,

“Ipakita ninyong mapagpasalamat kayo.”


Madalas bang puro negatibong bagay ang naiisip mo at nakakalimutan mo nang isipin ang magagandang nangyayari sa buhay mo?


NUMBER 4
ISIPIN MO ANG IBA


Palagi kong sinabi sa mga videos ko na MAGPOKUS TAYO SA ATING SARILI pero hindi pwedeng umabot sa punto na maging SELFISH na rin tayo. Huwag ibukod ang sarili mo kapag nag-aalala ka, kahit 'yan ang mas madaling gawin. Sa halip, mag-isip ka kung paano mo matutulungan ang iba. Ito ay ipinapayo ko sa 'yo dahil ito rin ang palagi kong ginagawa kapag nalulungkot ako. Sumasaya ako kapag nakakatulong ako sa iba. Nagawan ko na ng mabuti ang iba, nabawasan pa ang pag-aalala ko. Basahin natin ang Filipos 2:4,

“Isipin ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lang ang sa inyo.”

Sino sa mga kakilala mo ang mas nangangailangan ng tulong, at paano mo sila matutulungan?


NUMBER 5
INGATAN MO ANG KALUSUGAN MO


Both mental ang physical health. Konektado ang dalawang ito. Magkaroon ng sapat na ehersisyo at pahinga. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Kung iingatan mo ang kalusugan mo, mas magiging maganda ang pananaw mo sa buhay at makakatulong ito sa 'yo na huwag masyadong mag-alala. Nag eehersisyo ako para maging healthy. Walang kwrenta ang pera kapag madalas kang nagkakasakit, 'di ba? At gumagaan din ang aking pakiramdam. Magri-release kasi ang ating utak ng hormone. Dopamine. It's a happy hormone. Basahin natin ang 1 Timoteo 4:8,

“Dahil may kaunting pakinabang sa pisikal na pagsasanay.”

May kailangan ka bang baguhin sa paraan ng pagkain mo at pag-eehersisyo para mas maging malusog ka?

Bukod sa 5 TIPS na ito, makakatulong din sa atin ang maaasahang mga pangako ng Bibliya tungkol sa isang magandang kinabukasan para mabawasan ang pag-aalala natin.

Nakasulat sa Awit 55:22,

“Ihagis mo sa Diyos ang pasanin mo, At aalalayan ka niya.”

Ibig sabihin, sa pamamagitan ng panalangin, puwede nating ihagis sa Diyos ang pasanin natin, at kasama diyan ang pag-aalala. Sa panalangin, kinakausap natin ang Maylalang, na umaalalay at “NAGPAPATIBAY SA ATIN SA HARAP NG LAHAT NG PAGSUBOK.” (2 Corinto 1:3, 4)

Next is Kawikaan 12:25,

“Ang sobrang pag-aalala ay nagpapabigat sa puso ng tao,
Pero ang positibong salita ay nagpapasaya rito.”

Ibig sabihin nito, makipag-usap ka sa kapamilya o mga kaibigan mo na makakapagpatibay sa 'yo at makakatulong sa 'yo.

Next is Mateo 6:27,

“Sino sa inyo ang makapagpapahaba
nang kahit kaunti sa buhay niya dahil sa pag-aalala?”

Ibig sabihin, kadalasan, walang naitutulong ang pag-aalala. Hindi nito napapabuti ang sitwasyon at hindi rin ito nakakatulong para makaisip ka ng solusyon.

Ang sunod ay isa sa mga paborito kong teksto ang Mateo 6:31, 32,

“Huwag kayong mag-alala at magsabing ‘Ano ang kakainin namin?’
o, ‘Ano ang iinumin namin?’
o, ‘Ano ang isusuot namin?’
Alam ng inyong Ama sa langit na kailangan ninyo ang lahat ng ito.”

Alam ng Diyos ang pangangailangan natin sa pagkain, damit, at tirahan bago pa man natin ito hilingin sa Kaniya.




Follow me

Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177