Posts

Showing posts from October, 2023

Ito Ang Hanapin mo sa Isang Kaibigan By Brain Power 2177

Image
May kaibigan ka bang ganito? Ano ang hinahanap mo sa isang kaibigan? Paano ka magiging isang mabuting kaibigan? Ano ang kailangan mo para tumagal ang pagkakaibigan? 'Yan ang pag-uusapan natin sa videong ito. Dahil sa modernong teknolohiya, napakadali na ngayong magkaroon ng daan-daan o libo-libo pa ngang “friends” sa social network. Search lang tayo ng iba't-ibang pangalan sa social media, i-add lang natin, friends na natin sila. At kung ayaw na nating maging “friend” ang isang tao, idi-delete lang natin ang pangalan niya sa ating contact list. Pero friend mo ba talaga ang taong nasa social media? Sa tunay na buhay, napakahirap pa ring makahanap ng tunay na kaibigan. Kahit mas madalas tayo ngayong nakikisalamuha sa iba, bumababa pa rin ang bilang ng ating tunay na malalapít na kaibigan.  Gaya ng marami, marahil ay sang-ayon ka rin na mahalagang magkaroon ng mabubuting kaibigan. Pero alam mo rin na ang pakikipagkaibigan ay hindi lang basta pagki-click ng mga link sa iyong comput...

Lumayo ka sa mga Ganitong Klaseng Mga Tao By Brain Power 2177

Image
Marami na ngayon ang masama Photo by cottonbro studio from Pexels: https://www.pexels.com/photo/light-man-people-festival-5920931/ Hindi na dapat tayong magtaka dahil inihula sa Bibliya na sásamâ ang karamihan sa mga tao sa panahon natin. Ipinapakita din nito na dahil sa pagbabagong 'yan, bababa ang moralidad ng mga tao at babale-walain nila ang magagandang asal. “Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan. Dahil ang mga tao ay magiging makasarili, maibigin sa pera, mayabang, mapagmataas, mamumusong, masuwayin sa magulang, walang utang na loob, di-tapat, walang likas na pagmamahal, ayaw makipagkasundo, maninirang-puri, walang pagpipigil sa sarili, mabangis, napopoot sa kabutihan, taksil, matigas ang ulo, mapagmalaki, maibigin sa kaluguran sa halip na maibigin sa Diyos, at mukhang makadiyos pero iba naman ang paraan ng pamumuhay. Layuan mo sila. (2 Timoteo 3:1-5) Pero inihula din ng Bibliya na hindi lahat ng tao ay magpapadala sa gani...

Paano Labanan Ang Depresyon? By Brain Power 2177

Image
Labanan natin ang depresyon Mahalagang Paalala: Medical Disclaimer: Kasama sa videong ito ang impormasyong nauugnay sa mga paksang pangkalusugan, gaya ng sakit sa isip, stress, pagtulog, depresyon, therapy.  Bago gamitin ang alinman sa mga impormasyon na magagamit sa pamamagitan ng video na ito,  inirerekomenda ko na kumunsulta ka sa isang Mental Health Provider. Ang video na ito ay hindi dapat isipin o umasa sa anumang paraan bilang payo sa mental health. Ang impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng video na ito ay hindi inilaan upang maging isang kapalit sa professional medical advice, diagnosis o paggamot na maaaring ibigay ng iyong sariling rehistradong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Maraming salamat. Kapag sinusumpong ka ng depresyon, siyempre mawawala na rin ang interes mo sa mga bagay-bagay. Pati sa mga bagay na gustong-gusto mong gawin, mawawala na rin ang gana mong gawin 'yon. Parang gusto mo lang matulog. Feeling mo ay wala ka ng kwentang mabuhay. Madala...

Walang Perfect, Lahat Tayo ay Magkakamali By Brain Power 2177

Image
Perfect ka ba? Lahat tayo ay nagkakamali anuman ang ating edad o anuman ang ating karanasan sa buhay. Minsan nagpadalos-dalos tayo sa pagsasalita o minsan kumilos tayo sa di-angkop na panahon, o baka mayroon tayong nakalimutan. Bakit ba tayo nagkakamali? Paano natin haharapin ang kamalian? Maiiwasan ba natin ang pagkakamali? Ang tamang pananaw sa mga pagkakamali ay tutulong sa atin na masagot ang mga 'yan. Kapag may nagagawa tayong maganda, masaya nating tinatanggap ang papuri at iniisip natin na dapat lang tayong purihin. Kapag nagkamali tayo, ito man ay di-sinadya o di-napansin ng iba, hindi ba’t dapat lang na aminin natin 'yon? Para magawa natin 'yan, kailangan natin ang KAPAKUMBABAAN. Kapag sobra nating iniisip ang ating sarili, kapag nilamon tayo ng ating ego, baka hindi natin mapansin ang ating pagkakamali, o baka hindi natin matanggap na may mali tayo at minsa'y isisi pa natin ito sa iba, o itanggi pa nga. Kadalasan nang hindi maganda ang resulta nito. Hindi nito...

10 Mahalagang Hakbang Para Simulan Ang Panibagong Buhay By Brain Power 2177

Image
Bagong kabanata ng buhay Gusto man natin o hindi. May mangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin gusto. Siguro naranasan mo ng namatayan ng mahal sa buhay. Biglaan at hindi inaasahang pangyayari. Siguro'y nasisante ka sa trabaho. Anuman ang mapait mong karanasan sa buhay, heto ka pa rin ngayon, LUMALABAN . Sobrang pagod ka na ba sa buhay? Takot ka bang gawin ang mga bagay na gusto mo? Excited ka ba sa mga gagawin mo? Natataranta ka na ba sa 'yong sitwasyon? Minsan naiisip mong sumuko na lang pero naiisip mo rin na ang dami mong responsibilidad. May mga taong umaasa sa 'yo. Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Kumalma ka muna. Huminga ka ng malalim at damhin mo ang iyong emosyon. Slow down your thoughts. Isa lang talaga ang permanente sa buhay natin, ang PAGBABAGO . May positibong pagbabago at may negatibong pagbabago rin. Wala tayong magagawa kundi ang umabante pa rin. Kaya ginawa ko ang videong ito para makapagsimula ka ulit kung ikaw man ay nadurog ng sit...