Paano Labanan Ang Depresyon? By Brain Power 2177





Mahalagang Paalala:

Medical Disclaimer:

Kasama sa videong ito ang impormasyong nauugnay sa mga paksang pangkalusugan, gaya ng sakit sa isip, stress, pagtulog, depresyon, therapy. 
Bago gamitin ang alinman sa mga impormasyon na magagamit sa pamamagitan ng video na ito, inirerekomenda ko na kumunsulta ka sa isang Mental Health Provider.
Ang video na ito ay hindi dapat isipin o umasa sa anumang paraan bilang payo sa mental health. Ang impormasyong ibinigay sa pamamagitan ng video na ito ay hindi inilaan upang maging isang kapalit sa professional medical advice, diagnosis o paggamot na maaaring ibigay ng iyong sariling rehistradong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Maraming salamat.

Kapag sinusumpong ka ng depresyon, siyempre mawawala na rin ang interes mo sa mga bagay-bagay. Pati sa mga bagay na gustong-gusto mong gawin, mawawala na rin ang gana mong gawin 'yon. Parang gusto mo lang matulog. Feeling mo ay wala ka ng kwentang mabuhay. Madalas feeling mo, walang nagmamahal sa 'yo. Marami kang naiisip na negatibo. Feeling mo wala kang halaga, at feeling mo, pabigat ka lang sa iba.

Ang mas masaklap ay yung inisip mo nang magpakamatay. Pero ayaw mo naman talagang mamatay. Ang gusto mo lang ay matapos ang ganitong pakiramdam. Ang tanging tumatakbo sa isip mo ay wala kang pakialam sa mundo at wala ring pakialam ang mundo sa 'yo.

I was 19 when I experienced depression. May antidepressants akong iniimom at psychogical therapy din. Pero hindi naman gan'on ka-severe ang depression ko yung umabot na sa suicidal thoughts. Wala namang gan'on. Ang sa 'kin lang, nawalan ako ng gana. Halos lahat ng symptoms naramdaman ko except lang sa suicidal thoughts. Paminsan-minsan, nakadarama tayong lahat ng kalungkutan. Pero ang nararanasan kong depresyon ay pabalik-balik at nagtatagal nang ilang linggo o ilang buwan. Para akong nasa malalim at madilim na hukay, at hindi ako makaahon. Yung mga taong hindi alam ang depresyon, akala nila imbento lang ito. Depression is real. Para kang masisiraan ng ulo, at hindi mo kilala ang sarili mo.

Lalo na sa panahon ngayon, nakaaalarma ang pagdami ng mga taong may  depresyon. Minsan kasi akala mo normal na kalungkutan lang ang naramdaman mo, pero napansin mo lang n'ong umabot na sa punto na sobrang baba na ng pagtingin mo sa 'yong sarili, at feeling mo wala kang halaga at wala ka ng pag-asa. Madalas na gusto mong mapag-isa, hindi ka na makapag-concentrate at madali ka na ring makalimot, at ang pinakamalala ay nag-iisip ka ng masama o nagtatangka kang magpakamatay, at may iba pang sintomas na di-maipaliwanag ng mga doktor. Kapag ang mga mental-health professional ay nagsuspetsa na may depresyon ang isa, karaniwan nang tinitingnan nila ang kombinasyon ng mga sintomas na tumatagal nang ilang linggo at nakaaapekto na sa kaniyang araw-araw na rutin.

Ang depresyon ay resulta ng maraming pinagsama-samang sanhi. Maaaring epekto ito ng pagtrato ng ibang tao, epekto ito ng stress, or it results from a complex interaction of social, psychological and biological factors. Halimbawa sa,

PISIKAL, kadalasan nang namamana ang depresyon. Ipinakikita nito na ang genes ay may malaking papel, at malamang na nakaaapekto sa kemikal na proseso sa utak. Maaari ding salik ang sakit sa puso, pabago-bagong hormone level, at drug abuse na maaaring maging sanhi ng depresyon o magpalala sa depresyon. Halimbawa rin ang,

STRESS, totoo naman na nakabubuti ang kaunting stress. Take note sa word na KAUNTI ha? Hindi ko sinabing SOBRA, ibang usapan na 'yon. Kapag kasi TULOY-TULOY o SOBRA na ang stress, makasasama ito sa katawan at isip na kung minsan ay nagiging sanhi ng depresyon, lalo na sa isang kabataang nagdadalaga at nagbibinata. Gayunman, hindi pa rin matukoy ang eksaktong sanhi ng depresyon at maaaring hindi lang iisa ang dahilan.

Ang ilang sanhi ng stress na maaaring mauwi sa depresyon ay ang paghihiwalay o pagdidiborsiyo. Parehong nasasaktan ang dalawang panig. Ang humiwalay at ang hiniwalayan. At ang pagkamatay ng mahal sa buhay rin, ay nakaka-depress din. Nakaka-depress din ang pisikal o seksuwal na pang-aabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit, o problema sa pagkatuto. Yun bang nilalayuan ka ng tao dahil nabobohan sila sa 'yo. Ang sakit n'on. Peedeng mauwi 'yan sa depresyon. Nakaka-stress din kapag sobrang taas ang inaasahan ng mga tao sa atin. Napi-pressure tayo e. Tapos alam nating nahihirapan tayo pero pinipilit na lang natin para sa kanila. Tayo ang kawawa sa sitwasyong 'yan. Posibleng dahilan din ang pambu-bully, sobrang pagkabahala sa kinabukasan. Pero ang tanong, kung madepres ang isang tao, ano ang makatutulong?


NUMBER 1
ALAGAAN MO ANG IYONG ISIP AT KATAWAN


Kapag di-gaanong malala ang depresyon o kahit malala na ang iyong depresyon, magagamot ka pa rin ng mental health professional. Pwede ring magamot 'yan sa pamamagitan ng counseling. Kailangan mo talagang pumunta sa Doktor kung alam mong hindi mo kaya. Utos 'yan ni Jesus sa 'yo. Sabay nating basahin ang Marcos 2:17,

“Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot,
kundi ang mga maysakit.”

Kung malakas ka, hindi mo na kailangan ng doktor. Kung mahina ka, kailangan mo na ng doktor upang matulungan ka, upang gumaling ka. Kapag binalewala mo ang iyong sakit, puwedeng maapektuhan nito ang anumang bahagi ng iyong katawan, pati na ang utak mo! Kaya ito ay nagiging depresyon sa kakaisip mo sa 'yong sakit na hindi pa gumagaling. Makabubuti rin kung babaguhin mo ang iyong lifestyle dahil magkaugnay ang ating isip at katawan.

Kung may depresyon ka, gumawa ka ng hakbang para alagaan ang kalusugan mo. Halimbawa, kumain ka ng masusustansiyang pagkain, matulog ka nang sapat, at regular kang mag-ehersisyo. Napalalabas ng ehersisyo ang mga kemikal na magpapaganda sa mood mo, ang ehersisyo ang magpapalakas sa 'yo, at magpapasarap pa sa tulog mo. Alamin mo rin ang nagiging dahilan o mga senyales na susumpungin ka ng depresyon at gumawa ka ng mga hakbang para maiwasan ito. May positibong epekto rin kung ika'y makipag-usap sa taong mapagkakatiwalaan mo. Makatutulong ang pagdamay ng mga kapamilya at kaibigan para mas makayanan mo ang depresyon, at posibleng mabawasan ang sintomas nito. Kung ayaw mong makipag-usap dahil nahihiya kang i-share sa iba ang nadarama mo, pwede mo ring isulat kung ano ang iniisip mo at kung ano ang nadarama mo, nakakatulong din kasi sa akin 'to e kaya ito rin ang payo ko sa 'yo. Siyempre ito ang mas effective, tiyaking nasasapatan ang espirituwal na pangangailangan mo. 'Wag mong kalimutan ang Diyos. Manalangin ka at siguradong mapagaganda Niya ang pananaw mo sa buhay. Sinabi ni Jesu-Kristo: “Maligaya ang mga nakauunawa na kailangan nila ang Diyos.”Mateo 5:3.

Pero kahit depress ako noon, pinilit ko pa ring isipin o pagpokusan ang tumulong sa ibang tao. Dahil d'on gumaan ang loob ko e. Mas hindi ko naisip ang sarili kong problema. Alam kong hindi 'yan madaling gawin pero malay mo diyan gagaan ang loob mo. At sabi ko nga, nakakatulong din ang pananalangin at pagbabasa ng Bibliya. Subukan mong ibuhos ang laman ng puso mo sa Diyos, tingnan natin kung hindi ba gagaan ang loob mo. Siguradong malaki ang pagbabagong maramdaman mo. Kapag kasi kinausap mo ang Diyos sa sa pamamagitan ng pananalangin at babasahin mo ang Kaniyang Salita, ang Bibliya, makikita mo at mararamdaman mo na mahalaga ka sa Kaniya at nagmamalasakit Siya sa 'yo. Pangako, maging positibo ang pananaw mo sa hinaharap kung gagawin mo lang 'to.

Bakit sigurado ako sa mga pinagsasabi ko? Dahil ang Diyos ang lumikha sa atin, kaya lubos Niyang nauunawaan na nakaaapekto sa ating pananaw at nadarama ang ating kinalakhan, ang ating karanasan sa buhay, at ang ating genes. Kayang-kaya Niya tayong alalayan. Puwede niyang udyukan ang sinumang may simpatiya para tulungan tayo. Hindi lang 'yan, darating din ang panahon na pagagalingin ng Diyos ang lahat ng iniinda nating sakit. Nakasulat 'yan sa Isaias 33:24,

“At walang nakatira doon ang magsasabi: “May sakit ako.”

Nangangako ang Diyos na papahirin Niya ang bawat luha sa mga mata natin, at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati at ang pag-iyak at ang kirot (Apocalipsis 21:4). Talagang nakapagpapatibay 'yan!

Para sa mga magulang na nanonood ng videong ito,

Tanggapin ninyo ang katotohanan na ang mga nadedepres na kabataan, inyong mga anak, ay maaaring nahihirapang magsabi ng kanilang nadarama, o baka hindi nila naiintindihan ang nangyayari sa kanila. Baka hindi pa nga nila alam ang mga sintomas ng depresyon.

Posibleng ang senyales ng depresyon na makikita ninyo sa mga anak ninyo ay iba sa mga adulto. Kaya maging alisto po kayo sa malalaking pagbabago sa kanilang behavior, sa kanilang eating habits, sa kanilang mood, pagtulog, o sa pakikihalubilo ng inyong anak—lalo na kung ang mga ito ay tumatagal na nang ilang linggo.

Huwag po ninyong bale-walain kapag may sinasabi siya tungkol sa pagpapakamatay o kung may pahiwatig ng pagpapatiwakal. O 'wag po kayong tumawa. Akala niyo lang kasi biro lang o sobrang OA lang nila pero TOTOO po ang DEPRESYON.

At kung nagsususpetsa ka na may depresyon ang iyong anak, yun bang hindi lang basta sumpong, pag-isipan mo kung makabubuting magpatingin sa doktor.

Tulungan po ninyo ang inyong anak na sundin ang panggagamot, at bumalik po kayo sa doktor kung makita ninyong hindi bumubuti ang kalagayan niya o kung may masamang epekto ang gamot.

Bilang pamilya, magkaroon po kayo ng magandang rutin sa pagkain, pag-eehersisyo, at pagtulog.

Lagi po kayong makipag-usap sa inyong anak, at tulungan siyang harapin ang anumang senyales na maaaring mauwi sa depresyon.

Lagi po ninyong ipadama sa inyong anak kung gaano niyo po sila kamahal dahil kapag nadedepres siya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya, nahihiya siyang magsalita sa kanyang nararamdaman, at pakiramdam niya ay wala siyang halaga.

Para naman sa mga kabataan o adulto na may depresyon, gumawa po kayo ng “Emotional First-Aid Kit” na PANLABAN SA DEPRESYON. Isang emotional first-aid kit, na may mga bagay na nakapagpapagaan ng pakiramdam, na may teksto sa Bibliya, na may kantang nagpapakalma sa 'yo, at may positibong artikulo at magandang karanasan.

Makatutulong kasi ang paggawa ng “emotional first-aid kit” para makontrol mo ang iyong iniisip at nadarama. Depende naman sa 'yo kung isama mo ba ang mga bagay na ito:

1. Numero ng mga taong gusto mong tawagan kapag nalulungkot ka

2. Mga paborito mong kanta na nakapagpapasaya at nakapagpapagaan ng loob mo

3. Mga kasabihang magsisilbing inspirasyon at mga artikulong nagbibigay ng pag-asa

4. Listahan ng mga teksto sa Bibliya na nakapagpapagaan ng pakiramdam, gaya nito: Awit 34:18; 51:17; 94:19; Filipos 4:6, 7

5. Mga bagay na magpapaalaala na may nagmamahal sa 'yo

6. Isang diary kung saan nakasulat ang mga positibong pananaw mo pati na ang iyong magagandang karanasan




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177