10 Mahalagang Hakbang Para Simulan Ang Panibagong Buhay By Brain Power 2177





Gusto man natin o hindi. May mangyayari talaga sa buhay natin na hindi natin gusto. Siguro naranasan mo ng namatayan ng mahal sa buhay. Biglaan at hindi inaasahang pangyayari. Siguro'y nasisante ka sa trabaho. Anuman ang mapait mong karanasan sa buhay, heto ka pa rin ngayon, LUMALABAN. Sobrang pagod ka na ba sa buhay? Takot ka bang gawin ang mga bagay na gusto mo? Excited ka ba sa mga gagawin mo? Natataranta ka na ba sa 'yong sitwasyon? Minsan naiisip mong sumuko na lang pero naiisip mo rin na ang dami mong responsibilidad. May mga taong umaasa sa 'yo. Minsan hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo. Kumalma ka muna. Huminga ka ng malalim at damhin mo ang iyong emosyon. Slow down your thoughts. Isa lang talaga ang permanente sa buhay natin, ang PAGBABAGO. May positibong pagbabago at may negatibong pagbabago rin. Wala tayong magagawa kundi ang umabante pa rin. Kaya ginawa ko ang videong ito para makapagsimula ka ulit kung ikaw man ay nadurog ng sitwasyon.


NUMBER 1
BUMITAW KA NA SA NAKARAAN MO


Nandito ka na sa panibagong kabanata ng buhay. Dito ka na sa kasalukuyan magpokus. Isara mo na ang kahapon mo. Hindi mo na mababalikan ang nakaraan. Hindi ito libro na pwede mong balikan ang nakaligtaan mong chapter. Wala ng balikan sa realidad ng buhay. Isa lang ang direksyon natin, PAABANTE lang. Upang makapagpokus ka sa susunod na yugto ng iyong buhay, kailangan mong bitawan ang iyong nakaraan. Hindi ka makakapagpokus sa pagsulong at paglikha ng bagong kuwento kung ang iyong mga kamay ay mahigpit na nakakapit sa nakaraan. 'Wag mong guluhin ang buhay mo. 'Wag mong gawing komplikado ang iyong buhay. Bitawan mo ang nakaraan. 'Wag mong hulaan ang hinaharap. Sa NGAYON ka magpokus dahil sa oras na ito ka nabubuhay.


NUMBER 2
PAGNILAYAN MO
KUNG ANO ANG GUSTO MONG MAGING


May kalayaan kang magdesisyon kung ano ang gusto mong maging. But the question is, how can you become the person you want to be and the person that you want in your life? Kapag alam mo na ang gusto mong mangyari sa buhay mo, dapat alam mo rin na napakasakit ng proseso at dapat mahaba rin ang pasensya mo dahil hindi mo makukuha ang gusto mo o hindi magbabago ang takbo ng iyong buhay sa isang tulog lang. Dapat baguhin mo muna ang environment mo. Lumayo ka sa mga taong toxic at sa mga taong unproductive. Uulitin ko ang tanong, ano ang gusto mong maging? Anong uri ng buhay ang gusto mo? Nasa 'yo ang pagpili. May kalayaan ka na maging anuman ang gusto mong maging. 'Wag kang magmadali kung hindi mo pa alam kung ano ang gusto mo. Bigyan mo ng oras ang sarili mo upang pag-isipan ito nang mabuti. Kung magbubukas ka ng bagong kabanata bilang resulta ng pagkamatay ng isang mahal sa buhay, huwag kang magmadali sa paggawa ng anumang marahas na desisyon habang ikaw ay nagdadalamhati. Hindi ito ang oras para gumawa ng malalaking pagbabago. Gayunpaman, huwag manatiling nakadikit sa madilim na sitwasyon.


NUMBER 3
GAWIN MO KUNG ANO ANG GUSTO MO


Basta't mabuti lang at wala kang tinatapakang tao, gawin mo. Kasi maraming tao ngayon na sobrang sipag pero kapag tinatanong mo kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay, wala silang maisagot dahil hindi nila alam kung ano ang gusto nila. May iba nga umabot na lang ng 50 years sa mundo pero hindi pa rin nila alam ang gusto nilang gawin sa buhay. Madali lang naman malaman kung ano ang gusto mong gawin. Magpokus ka sa kung ano pinagkakainteresan mo. Ano ba ang gusto mong gawin pero hindi mo pa nasimulan? May kurso ka bang gustong tapusin? May trabaho ka bang gustong subukan? May lugar ba na gusto mong puntahan? Bago ka sumulong, dapat alam mo na ang lahat ng gusto mo. Gumawa ka ng listahan ng kung ano ang gusto mong maranasan, kung saan mo gustong pumunta, kung ano ang gusto mong gawin. Isulat mo 'yan lahat, malaki man o maliit, na gusto mong gawin sa bagong yugto ng iyong buhay. Tandaan mo, na ang ikaw ang may-akda ng sarili mong buhay.


NUMBER 4
SUMUBOK KA NG PANIBAGONG BAGAY 


May naiisip ka bang gawin o gustong subukan pero hindi mo pa ginagawa? Ngayon na ang panahon para subukan mo na 'yon. Kung hindi ka susubok ng panibagong bagay, isang patunay 'yan na nilimitahan mo ang iyong kakayahan. Limits keep you from expanding your world. Some limits are good. But trying new things builds a wealth of memories and experiences on which we base our opinions. People are often scared to try new things. Getting past that fear builds self-confidence. Kung mayroon kang anumang bagay na gusto mong subukan, ngayon ang tamang oras upang subukan ito. Ang iyong bagong kabanata ay hindi pa rin nakasulat. Sulatan mo ang mga blankong pahina ng kahit anong gusto mo. Additionaly, trying new things can improve mental and physical health.


NUMBER 5
KAYANIN MO


Sa pagpasok mo sa sitwasyong hindi mo pamilyar, may isang mahalagang tool na kailangan mo upang magtagumpay. Kung wala ang tool na ito, tiyak na mabibigo ka sa simula pa lang. Ang tool na ito ay nagtataglay ng susi sa isang kahanga-hangang karanasan sa buhay. Ano ang tool na ito? Ang KAYA KO ITO attitude. Maraming nagtagumpay sa ganitong attitude. Halimbawa si

Cristiano Ronaldo, walang naniniwala sa kanya na maging professional footballer. Pero nagtiwala siya sa kanyang sarili na magtagumpay siya. Naniwala siya sa kanyang kakayahan. Kinaya niya ang lahat.

Mary Kom, dahil lang sa siya'y babae, walang naniniwala na magiging magaling siyang boksingero. Kahit ang kanyang ama. Pero alam niya na makakaya niya.

Thomas Edison, yes, the one who gives the whole world a gift of light. Maraming beses na siyang nabigo. Pero hindi siya sumuko. Bakit? Dahil alam niyang posible ang pangarap niya. Naniwala siyang kaya niya. Now we can see his invention everywhere we go. From our home to street lights. And we read about him in our school Books.

Napansin mo ba kung gaano ka-confident ang mga matagumpay na tao? Grabe ang tiwala nila sa kanilang sarili, 'di ba? May tiwala sila sa kanilang kakayahan. Naniwala sila na walang imposible para sa kanila. Kaya minsan akala natin mapagmataas sila pero confident lang pala sila sa kanilang sarili. Ang kailangan mo para maging matagumpay sa susunod na kabanata ng iyong buhay ay matibay na paniniwala na makakaya mo ito.  Kailangan mong magkaroon ng tiwala sa 'yong sarili. Pananalig na magiging okay ka kung magtagumpay ka, pananalig na mayroon kang kakayahan upang magtagumpay, ngunit pati na rin ang pananalig na magiging okay ka kung mabigo ka. Kailangan mong maniwala na ang iyong hinahangad na gawin ay posible and you have what it takes to do it.


NUMBER 6
LUMAYO KA SA MGA TAONG TOXIC


Kung papasok ka sa panibagong yugto ng buhay, 'wag mong isama ang mga taong toxic sa paglalakbay mo. Baguhin mo ang iyong circle of friends. Walang magandang mangyayari sa buhay mo kung sila pa rin ang kasama mo. Alam kong mahirap tanggalin ang mga taong toxic sa buhay natin. But it can also be incredibly empowering. Mahihirapan ka sa umpisa dahil hindi ka sanay na mag-isa. Iniisip mo na baka hindi ka magtagumpay dahil wala ng natira sa buhay mo. Gayunpaman, may ilang bagay na maaari mong gawin upang matulungan ka sa 'yong paglalakbay. Una, mahalagang magpokus ka sa pangangalaga sa sarili mo at pagpapabuti sa sarili mo. Maaaring kabilang dito ang mga bagay tulad ng ehersisyo, masustansyang pagkain, at pagkakaroon ng sapat na tulog.  Mahalaga rin na magpokus ka sa pagbuo ng isang positibong pag-iisip at pagbuo ng tiwala sa sarili. Pangalawa, mahalagang mag set ka ng goal para sa 'yong sarili at lumikha ka ng isang plano upang makamit ang mga ito. Maaaring kabilang dito ang parehong panandalian at pangmatagalang layunin, at maaaring nauugnay sa 'yong trabaho, personal na buhay, o anumang bagay na mahalaga sa 'yo. It's also important to surround yourself with a supportive community. Sabi ko kanina, mahirap kapag lumayo ka sa mga taong toxic, mas lalong mahirap kung nilayuan mo ang mga taong hindi naman gaanong toxic. Tandaan mo, layuan mo ang mga taong ayaw kang magbago dahil gusto nila na katulad ka pa rin ng dati. Yung dati na walang pangarap sa buhay. Doon ka dumikit sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa 'yo. Kahit sa mga mababang sandali ng iyong buhay, nandiyan pa rin sila para sa 'yo.


NUMBER 7
NEVER STOP LEARNING


Learning is important for many reasons, including personal growth and development, staying current with new information and technologies, and being able to adapt to changing circumstances. Ang isang bagong kabanata ay nangangailangan ng maraming pag-aaral. Natututo ka ng mga bagong gawi at kasanayan na kakailanganin mo para sa 'yong mga bagong karanasan. Yung iba kasi tumigil na sa pagkatuto noong natapos na nila ang kolehiyo. Sa sandaling huminto tayo sa pagkatuto, nagsisimula nating matutunan kung ano ang gusto ng iba na matutunan natin. Ito ang dahilan kung bakit tayo napupuno ng mga nakalilitong ideya. Madali nila tayong papaniwalain dahil wala tayong sapat na kaalaman. In reality, most people stop learning after high school or college graduation. Which is a shame, because real learning happens after those two events. Dito mo na matutunan kung sino ka, kung ano ang iyong mga kalakasan at kahinaan, kung anong karera ang naaangkop sa 'yong mga natatanging talento at kasanayan, at marami pang iba na matutunan mo. Ang nakalulungkot, karamihan sa mga tao ay hindi kailanman nauunawaan ang mga bagay na ito. They drift through life, doing something they hate, working for the weekends when they can do what they love, and barely scrape by. Life is not meant to be lived that way. Hindi ko naman sinasabi na palaging madali ang buhay. Maraming oras na mahihirapan tayo. But it’s too short to do things you’re not suited for and hate. Make learning a part of your daily life. Tanggapin mo na magkakamali ka ng paulit-ulit dahil marami kang matutunan sa mga pagkakamali mo. Isipin mo noong araw na gusto mong matutong mag bisikleta. Marahil ay nadapa ka at nasimot ang iyong mga siko at tuhod. Ngunit ang pananabik sa pagsakay sa 'yong bisikleta ay nagpapanatili sa 'yong magpokus sa pakatuto. Kaya't sa tuwing nabangga at nasaktan mo ang iyong sarili, bumangon ka pa rin para subukang muli, sa pagkakataong ito ay may mas magandang ideya ka na kung paano magbalanse, magpedal, at magmaneho. Ganyan dapat tayo ngayon. Be open to learning new skills, learning from your mistakes, learning in general.


NUMBER 8
YAKAPIN MO ANG TAKOT


Ang takot kasi natin ay hindi mawawala kaya yakapin na lang natin. Ang pinakamatapang na tao ay hindi matapang dahil wala silang takot. Matapang sila dahil hindi nila hinahayaan na pigilan sila ng takot. Palaging may dapat ikatakot. Takot sa kabiguan, takot sa tagumpay, takot na pag-iwanan ng panahon, takot sa pagkakamali. Walang oras na ikaw ay ganap na walang takot at handa para sa susunod na hakbang sa 'yong paglalakbay. Palaging may takot sa harap natin. Embracing your fears means accepting and facing them rather than avoiding or suppressing them. It can involve acknowledging the fear, understanding its source, & finding ways to cope with or overcome it. Remember that embracing your fears is a process and it may take time and effort. It's important to be patient and kind to yourself as you work through this process.


NUMBER 9
YAKAPIN MO ANG PAGBABAGO


Walang permanent sa mundo. 'Yan ang good news. Bakit? Kahit ang negatibong sitwasyon ay hindi permanente. Kaya 'wag kang matakot sa pagbabago. Tandaan mo 'yan palagi. Just acknowledge that it is the reality. Don’t get emotional about it. Though initially change is difficult to accept but remember accepting change is the sign of growth. Hindi pa uso ang cellphone noon, ngayon halos lahat nakayuko sa kakatutok sa screen. Halos lahat ngayon ay may computer na sa bahay. Pwede na tayong magbayad online. Pwede na tayong bumili online. All of these are the outcome of development and growth. Apart from that if you are not accepting the change then you are the loser. Change doesn't mean giving up the values, giving up the discipline, mannerism, respect and etiquette. It means accepting the developments and looking at the things from scientific and logical angles rather than accepting them without questioning.


NUMBER 10
ENJOYIN MO LANG ANG BUHAY


Habang buhay ka pa, magsaya ka. Enjoyin mo lang ang proseso. Enjoyin mo ang iyong paglalakbay. Pero may mga panahon na naguguluhan at napapagod na ako sa proseso ng buhay. Tapos nakapokus na lang ako sa resulta ng pinagagawa ko. Normal lang naman na ganito ang ating nararamdaman. Life will get in the way and bring you down sometimes. Things will go wrong or not work out, and you will question it all. To be passionate about something, you do it no matter the outcome. And when passion wanes, your 'WHY' reminds you to press on. Wala kasing punto kung magpapatuloy pa rin tayo, kung babaguhin natin ang ating habit, kung hindi natin ini-enjoy ang proseso. The process is every step of the journey. Including the process of growing our business, the process of working on projects and the process of working toward specific goals. Things are changing quickly. But it shouldn’t be so fast that you don’t enjoy the wind of change.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177