10 Bagay na Hindi mo Dapat Gawin By Brain Power 2177

10 BAGAY NA HINDI MO DAPAT GAWIN Photo by Monstera Production: https://www.pexels.com/photo/faceless-black-man-showing-stop-gesture-with-crossed-hands-7114346/ Sa videong ito, pag-uusapan natin ang 10 bagay na hindi natin dapat gawin. NUMBER 1 PAGYAYABANG Hindi mo dapat ipagmayabang ang lahat ng mga bagay na nakakamit mo. Karamihan sa mga tao ngayon, ipinagyayabang nila ang kanilang mga branded na damit o iba pang mamahaling pag-aari. Hindi naman masama na mag-enjoy sa perang pinaghirapan mo. Regalo sa 'yan sa atin ng Diyos (Eclesiastes 3:13) . Minsan nga may mga taong nagkukunwaring mayaman para lang hangaan sila. Kapag ipinagyayabang mo ang iyong pag-aari, anong uri ng mga kaibigan ang naaakit mo? Mga pekeng tao rin. Naging kaibigan sila ng kayamanan mo, hindi kaibigan mo. Dahil sa pagyayabang mo, lumalapit sila salig sa pansariling interes. Labis ka nilang pinuri at naging mapagkunwari sa 'yo para makakuha ng pakinabang (1 Tesalonica 2:5) . 'Yan ang masamang epekto ng pa...