10 Bagay na Hindi mo Dapat Gawin By Brain Power 2177


Photo by Monstera Production:
https://www.pexels.com/photo/faceless-black-man-showing-stop-gesture-with-crossed-hands-7114346/


Sa videong ito, pag-uusapan natin ang 10 bagay na hindi natin dapat gawin.


NUMBER 1
PAGYAYABANG


Hindi mo dapat ipagmayabang ang lahat ng mga bagay na nakakamit mo. Karamihan sa mga tao ngayon, ipinagyayabang nila ang kanilang mga branded na damit o iba pang mamahaling pag-aari. Hindi naman masama na mag-enjoy sa perang pinaghirapan mo. Regalo sa 'yan sa atin ng Diyos (Eclesiastes 3:13). Minsan nga may mga taong nagkukunwaring mayaman para lang hangaan sila. Kapag ipinagyayabang mo ang iyong pag-aari, anong uri ng mga kaibigan ang naaakit mo? Mga pekeng tao rin. Naging kaibigan sila ng kayamanan mo, hindi kaibigan mo. Dahil sa pagyayabang mo, lumalapit sila salig sa pansariling interes. Labis ka nilang pinuri at naging mapagkunwari sa 'yo para makakuha ng pakinabang (1 Tesalonica 2:5). 'Yan ang masamang epekto ng pagyayabang. Pero hindi naman lahat ng tao ay mayabang. Sadyang may mga tao lang na umangat ng kaunti ang buhay, lumalaki na rin ang ego nila. Lalo na kapag magagalit sila, biglang labas yaman kaagad. Banggitan ng mga nakamit sa buhay. Nagmamataas na. Nangda-down ng kapwa. Hindi naman pera ang dahilan ng pangit nilang ugali. Dahil lang 'yon sa pag-iisip nilang hindi nila makontrol. Kaya pinapayohan kita ngayon, gaano man kalaki ang kinikita mo, gaano man kamahal 'yang sasakyan mo, anuman ang katayuan mo sa buhay, i-welcome mo ang mga taong nasa paligid mo nang hindi ka nandidiri, nang hindi ka namimili. 'Wag kang pa-importante. Tao ka lang at pareho lang tayong lahat na nakatira sa mundong ito. Tandaan mo, hindi sa lahat ng panahon, pabor sa 'yo ang mundo kaya't 'wag mong gamitin ang iyong kayamanan para sa kasamaan. Ang isa pang leksyon na makukuha natin dito ay kung ipagyayabang ng tao ang kaniyang mga pag-aari ay nakaaakit sa mga magnanakaw. Mas mabuti pang sundin natin ang payo ng Bibliya na huwag ipagyabang ng mayaman ang kayamanan niya (Jeremias 9:23).


NUMBER 2
BUNGANGERA


Isa ito sa mga ayaw ko sa isang tao, yung sobrang madaldal. Sa chat man o sa personal. Introvert akong tao at ayokong sobrang ingay na tao sa tabi ko lalo na kung walang kwenta ang pinag-uusapan. Kaya pinapayuhan kita na kontrolin mo ang iyong dila. Minsan kasi sa sobrang daldal mo, may pagkakataong hindi mo na pinag-isipan ang mga salitang lumalabas sa bibig mo. Siguradong magkakamali ka. Ang problema sa mga taong madaldal, hindi sila nakakapag-isip bago magsalita kapag kinabahan sila. Kapag kalmado naman sila, sobra namang bungangera. Maliit na bahagi lang ang dila ng ating katawan, pero nakapagyayabang ito ng labis. Ang dila ang punô ng kasamaan, dahil pinarurumi nito ang buong katawan at pinagliliyab ang buong landasin ng buhay (Santiago 3:5, 6). Pero 'wag kang mag-alala dahil hindi ka naman perpekto. Minsan may masasabi kang hindi kaaya-aya. Dahil hindi tayo perpekto, madali tayong magkamali kapag nagsasalita. Pero 'wag naman sana nating gamitin ang imperfection na ito para sumobra ng makapagsalita. Kontrolin din natin ang ating dila. Dahil ang nagpipigil ng kaniyang dila ay matalino (Kawikaan 10:19). Tandaan mo, ang mga salitang hindi pinag-isipan ay gaya ng mga saksak ng espada (Kawikaan 12:18). Ang salita na lumalabas sa ating bibig ay katulad ng toothpaste, kapag napiga mo ng sobra, hindi mo na 'yan maibabalik. May mga tao rin naman kasi na gustong magsalita dahil sinusubukan nilang patunayan ang kanilang sarili sa mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa totoo lang, kung tunay kang confident at sigurado sa sarili mo, hindi mo na kailangang sabihin pa sa kanila ang kakayahan mo. Wala ka ng dapat patunayan kasi makikita naman nila ang kinikilos mo. Matutulungan ka ng payong ito na magkaroon ng magandang pananaw sa iba para makontrol mo ang iyong dila at makapag-isip ka bago magsalita. Kahit huli na at nakapagbitiw ka na ng masakit na salita, ang kapakumbabaan ay tutulong sa 'yo na humingi ng tawad. At sa susunod, sikapin mong kontrolin ang iyong dila, okay?


NUMBER 3
KOMPARAHAN


Isa sa mga hindi mo dapat gawin sa buhay ay ang pagkompara sa sarili mo doon sa ibang tao. Kung gagawin mo 'yan, babagsak ang kaligayahan mo. Suriin mo ang iyong mga pagkilos. Sa gayon, magsasaya ka dahil sa mga nagawa mo, at hindi dahil ikinumpara mo ang sarili mo sa ibang tao (Galacia 6:4). Alam mo, hindi maganda ang epekto nito. Baka akalain nating ang halaga ng isang tao ay nasusukat sa tinataglay niya o sa kaya niyang gawin. Baka maging dahilan din ito ng pag-iinggitan at kompetisyon. Pwede mo namang tingnan ang iba pero 'wag sanang umabot sa punto na maiinggit ka na o malulugmok ka na dahil mababa ka sa kanila. Para saan pa ang pagkokompara kung iba't-iba naman ang landas na ating tinatahak, 'di ba? Hangaan natin sila pero 'wag natin silang kainggitan.


NUMBER 4
MAKIKIPAGTALO


Okay naman makipagtalo kung usapang may punto. Pero madalas napupunta ang usapan sa sakitan. Bagaman nagagalit ang ilan dahil ayaw nila sa katotohanan, may iba namang dahilan kung bakit naiinis ang iba. Ang pagkakaroon ng KAUNAWAAN ay tutulong sa atin na manatiling kalmado at huwag personalin ang reaksiyon ng iba. Magpakita pa rin tayo na paggalang. Magsalita pa rin tayo nang may kagandahang-loob. Kahit na pagsalitaan tayo ng masama, dapat na maging mahinahon at may kagandahang-loob ang ating pagtugon. Patuloy nating ipagkatiwala ang ating sarili sa Diyos. Sa halip na makipagtalo, sikaping maghanap ng isang puntong mapagkakasunduan ninyo. Para huwag na siyang magalit pa, baka makabubuting putulin na lang ang pag-uusap ninyo. Kung magsasalita sila, 'wag kang sumabat sa usapan. Lalo na kung opinyon niya ang kanyang ipinaliwanag, 'wag mong gambalain ang tao. Patapusin mo siya. Makinig ka ng mabuti upang malaman ng kausap mo na interesado ka sa side niya. Kung tapos na siyang magsalita, doon mo na ipahayag ang iyong opinyon. Kapag sumasagot ang isang tao bago niya marinig ang mga detalye, Kamangmangan 'yon at kahiya-hiya (Kawikaan 18:13). Kaya't patuloy kang makinig. Huwag mong balewalain o talikuran ang taong nagsasalita, kahit hindi mo gusto ang naririnig mo. Ang matamang pakikinig ay isang paraan ng pagpapakita ng pag-ibig.


NUMBER 5
TSISMIS


Hindi dapat nating gawing misyon sa buhay ang pagtsitsismis. Wala naman tayong mapapala sa kakabalita ng buhay ng iba. Ginugugol mo ba ang iyong panahon sa pagtsitsismisan sa labas? Ang pagtsitsismis ay kaugalian na ng mga babae lamang, tama? Mali! Ang mga lalaki ay mahilig din sa tsismis na gaya ng mga babae. Bakit nga ba kawili-wili ang tsismis? Nakakatuwa kasing malaman kung ano ang nangyari sa buhay ng iba. Ang tsismis ay walang saysay na usapan. May makukuha ka bang aral sa kakapokus ng kahinaan ng ibang tao? ng kanilang kabiguan? at kasawian nila? O baka binabantayan mo ang buhay nila dahil sa sobrang pagka-inggit mo? Tandaan mo, kapag maraming sinasabi, hindi maiiwasang magkamali (Kawikaan 10:19). Tandaan mo rin, ang taong nagkukwento sa 'yo tungkol sa iba ay karaniwang magsasalita sa iba tungkol sa 'yo. Kaya mag-ingat ka dahil kaya ka rin nilang siraan kapag nakatalikod ka o ang masaklap, ikaw ang maninira sa kapwa mo. Kaya konektado pa rin ito sa sinabi ko kanina na kontrolin natin ang ating dila. 'Wag mo namang ibuhos ang iyong oras sa mga bagay na walang kwenta. 'Wag mo ring lagyan ang utak mo ng mga basurang impormasyon. Hindi naman aangat ang buhay mo sa pagtsitsismis. Hindi 'yan nakakatulong sa 'yong pag-angat. Mas makakasakit ka pa sa ibang tao. Kapag may naghahatid sa akin ng tsismis, noon sinabayan ko ang mga ganyan, pero ngayon, tatango na lang ako at ngumiti na lang kasi ayokong maging bastos sa taong kaharap ko pero iniiba ko ang topic na mas importante pa sa tsismis o kung wala akong naisip na topic, hahanap ako ng dahilan para makaiwas sa usapang walang kabuluhan.


NUMBER 6
MAGAGALIT AGAD


Normal lang naman magalit pero kung magalit ka agad nang hindi mo pa alam ang buong storya, 'yan ang hindi normal. Nakakasamâ ang di-makontrol na galit, kapuwa sa taong nagagalit at sa mga taong nasa paligid niya. Nakagagawa ng maraming kasalanan ang taong madaling magalit (Kawikaan 29:22). May nagkokomento sa video ko noon na HINDI RAW NORMAL ANG MAGALIT. Para po sa iyong kaalaman, NORMAL ANG MAGALIT. May pagkakataong makatuwiran lang magalit. Ang tapat na taong si Nehemias ay LUBHANG NAGALIT (Nehemias 5:6). Nagagalit ding ang Diyos. Lumagablab ang galit ng Diyos laban sa Israel (Hukom 2:13, 14). Alam mo ba kung KAILAN MALING MAGALIT? Kapag hindi na ito makontrol o wala sa katuwiran, na madalas nangyayari sa mga taong di-perpekto. Tandaan na mapanganib ang di-makontrol na galit. Kaya kontrolin mo ang iyong galit bago ka makagawa ng isang bagay na pagsisisihan mo. Alisin mo ang galit at huwag ka nang magngalit; Huwag kang mayamot at gumawa ng masama (Awit 37:8). Sabi ko nga kanina, kailangang malaman muna natin ang buong detalye bago tayo gumawa ng konklusyon. Kung pakikinggan nating mabuti ang lahat ng panig, hindi tayo basta-basta magagalit.


NUMBER 7
PAGLARUAN ANG FEELINGS NG IBA


Hindi mo dapat gawin 'yan. May puso ka rin. Paano kung may gagawa niyan sa 'yo? Matutuwa ka ba? Siguradong HINDI. Uso na ngayon ang jowaan. Kahit walang feelings lumalandi pa rin. We want the facade of relationships without the actual work of relationship. Madali tayong sumuko. Madali nating sinasabi na ang dami pang iba diyan. Gusto nating may kasama lang pero hindi naman natin mahal. Gusto lang nating ng sarap hindi ng paghihirap. Hinahawakan natin ang kanilang kamay kahit malamig ang ating pakiramdam. Maraming mga tao ang ganito. Marami na rin ngayon ang nade-depress dahil sa pag-ibig. Kung may pinaglaruan kang tao ngayon, alam kong may puso ka. Stop pretending that you don't have a heart. Stop pretending that you care. Stop pretending that you have feelings for that person. Stop pretending that you're in love with them. Akala mo lang sila ang pinaglaruan mo pero ang tunay na niloloko mo ay ang SARILI MO MISMO. Ang maipapayo ko naman sa 'yo kung ikaw yung pinaglaruan, stand up for yourself by confronting others' bad behavior toward you. Ipaalam mo sa kanila na nasasaktan ka at hindi mo deserve 'yon at hindi mo nagustuhan ang ginawa nila sa 'yo. Tapos umalis ka na. Protektahan mo ang iyong puso.


NUMBER 8
MASAMANG ASAL


Hindi mo dapat isabuhay ang maling asal. Minsan kasi likas na sa atin ang maghiganti. Halimbawa hindi ka nila pinahiram ng pera, hindi ka na rin magpapahiram kung manghihiram sila. 'Yan ang maling asal. Nagiging mabuti o masama ang impresyon sa 'yo ng mga tao depende sa pakikitungo mo sa kanila. Kung maganda ang iyong asal, ituturing ka nilang mature at responsable. Pero kung magaspang ang ugali mo, iisipin ng mga tao na sarili mo lang ang iniintindi mo, kaya baka hindi ka matanggap sa trabaho, at makalampas sa 'yo ang ibang oportunidad. Kapag malupit ka, ikaw mismo ang napapahamak (Kawikaan 11:17). Magpakita tayo ng pag-ibig dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao (Colosas 3:14). Totoong totoo 'yan pagdating sa pakikipagkaibigan. Gusto ng mga tao ang mga indibidwal na mabait makitungo at may magandang asal. Sino ba naman ang gustong makisama sa isang taong magaspang o walang modo? Kung lagi kang magalang, darating ang panahon na baka gumanda ang pakikitungo sa 'yo kahit ng mga taong napakasama ng ugali. Pero kung magaspang ka, kabaligtaran nito ang maaaring mangyari. Kung paano ka humahatol, gayon ka hahatulan at kung paano mo tinatrato ang iba, ganoon ka din nila tatratuhin. Araw-araw tayong nakikisalamuha sa mga tao. Depende sa pakikitungo mo sa kanila kung ano ang magiging tingin at pakikitungo nila sa 'yo. Sa simpleng pananalita, IMPORTANTE TALAGA ANG IYONG ASAL.


NUMBER 9
KINOKONTROL ANG LAHAT


'Wag mong gawin 'yan or else mapapagod ka lang. Kapag umuulan, kahit magagalit ka pa dahil sa mga damit mong hindi natutuyo, hindi pa rin titigil ang ulan. Maraming bagay ang hindi natin nakokontrol pero bakit nagpapaapekto tayo? Nai-stress tayo sa mga bagay na hindi natin nakokontrol. Nagagalit tayo sa haba ng pila sa mall. Nagagalit tayo sa traffic dahil malapit na tayo ma-late. Nagagalit tayo sa mga tao dahil mali ang pagtrato nila sa atin. Nagagalit tayo dahil nasisira ang magandang araw natin dahil sa ulan. Matatawag kang taong HANGAL kung magagalit ka sa mga bagay na hindi mo kayang i-maneho. Hindi lahat ng gusto mo ay mangyayari. Ang taong may kaalaman, kalmado lang sa buhay niya. Dapat maunawaan mo na may mga bagay na makokontrol natin at may maraming bagay ang hindi natin makokontrol.


NUMBER 10
MAPAGPANGGAP


Marami kasi ngayon ang sumasabay sa uso. Binago nila ang kanilang personalidad para pasok sa madla. People are pretending to be someone else because they don't feel good in their own skin. Ganito kasi ako noon e. Sobrang tahimik ko noon, alam 'yan ng mga kaklase ko noon. Wala akong maraming kaibigan kaya binago ko ang sarili ko, sumabay ako sa maiingay na tao para lang pasok ako sa panlasa nila. Pero hindi ako masaya dahil hindi ako 'yon. I did that because I wasn't able to find my true self and I had no idea where to look. Ang natutunan ko sa karanasan ko ay TANGGAPIN MO ANG BUO MONG PAGKATAO at MAHALIN NG BUO ANG SARILI MO. Of course, improve yourself all the time.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177