10 Desisyon na Pagsisisihan mo Pagdating ng Panahon By Brain Power 2177


Photo by Anete Lusina:
https://www.pexels.com/photo/young-sad-woman-with-closed-eyes-5723265/


Pagdating ng, siguro mga 5 years to 10 years, gusto mo bang makadama ng pagsisisi dahil sa mga desisyon na iyong nagawa? Siyempre ayaw natin ng gan'ong feeling. Kung gusto mong mamuhay ng walang pinagsisisihan, panoorin mo ang videong ito hanggang sa matapos.


NUMBER 1
MALING TAGUMPAY ANG HINANGAD MO


Ano ang ibig sabihin ng pagiging matagumpay sa buhay? Itanong mo 'yan sa mga tao at makikita mong iba-iba ang sagot nila. Para sa marami, ang tagumpay ay ang pag-asenso sa kabuhayan, o pagkakaroon ng magandang propesyon, o edukasyon. Sinusukat naman ito ng iba ayon sa husay nilang makisama sa kanilang mga kapamilya, kaibigan, o katrabaho. Iba iba kasi tayo ng kahulugan na ibinigay dito. Para sa 'yo, ano ba ang tagumpay? Paano mo masabing matagumpay ka na? Kasi kung maling tagumpay ang sinundan mo sa buhay, hindi ka magiging masaya kapag naabot mo na ito. Nahuhulma kasi tayo ng lipunan. Ipinapakita sa TV, sa social media, sa magazine, na ang tagumpay ay pagkakaroon ng maraming pera. Para sa akin, ang importante ay kung itinuturing tayo ng Diyos na matagumpay, yamang nakasalalay sa pagsang-ayon Niya ang kaligtasan natin. Pero ang ginawang sukatan ng tagumpay ngayon sa lipunan ay hindi lang pera, kabilang dito ang prestihiyo, katanyagan o kapangyarihan. Pero ang makasanlibutang kayamanan ay pansamantala lang. Alam naman natin na lahat ng kasikatan ay naglalaho. Ang sikat ngayon, bukas ay laos na. Ang nagtagumpay sa negosyo noong isang taon, sa susunod na taon ay bangkarote na. Hindi ko naman hinahangad na mangyayari ito sa mga tao. Nagsasabi lang ako ng totoo na hindi permante ang tagumpay na hinangad ng tao. Araw-araw, umiikot ang mundo, at ang nasa tuktok ngayon, mayamaya ay nasa ilalim na. Pero hindi naman hinatulan ni Jesus na magsikap tayo sa buhay. Hinimok lang niya tayo na ibaling ang ating pagsisikap sa ibang direksyon. Gusto nating magtagumpay ayon sa pangmalas ng Diyos. Pinaaalalahanan tayo ni Jesus na maaari tayong pumili kung ano ang ititaguyod natin. Itataguyod natin kung ano ang nasa puso natin, kung ano ang mahalaga sa atin.


NUMBER 2
PINAPAHANGA ANG IBA


Sa sobra nating pagpapasikat, itinago na natin ang tunay nating pagkatao para lang mapahanga natin sila. Halos lahat kasi tayo ay nagnanais na mapuri. Ang mga papuri ay nakapagpapasaya sa atin, nakapagpapadama sa atin na may nagagawa tayo. Ang pagkadama na sinasang-ayunan tayo ay nakapag-udyok pa nga sa atin na pagbutihin pa ang ating ginagawa. Kabaligtaran naman nito ang ating nadarama kapag nahiwatigan nating hindi tayo sinasang-ayunan ng ilang tao. Dahil sa malamig na pakikitungo o pamimintas ng iba, maaaring masira ang ating determinasyon. Ang pangmalas ng iba tungkol sa atin ay maaaring magkaroon ng matinding epekto sa pangmalas natin sa ating sarili. Tapos mapagtanto mo kung bakit sinayang mo ang iyong oras sa paghahabol ng mga papuri at ang pagsisisihan mo pa ay pinipeke mo na ang iyong sarili para lang magustuhan ka ng mga tao. Hindi natin kailanman maaaring ikompromiso ang ating pagkatao para sang-ayunan tayo ng iba; at hindi rin tayo maaaring magpaimbabaw para pahangain sila. Dapat nating tanggapin na imposibleng mapalugdan ang lahat. You can build trust and loyalty by being YOURSELF.


NUMBER 3
HINDI KA NAGBIBIGAY


Magsisisi ka pagdating ng araw dahil hindi mo alam ang tunay na kaligayahan ng pagbibigay. Sa buhay, hindi pwedeng kuha ka lang ng kuha, tanggap ka lang ng tanggap. Dapat marunong ka ring magbigay ng iyong oras, lakas, at pagmamahal. Magkaugnay ang pagbibigay at kaligayahan. Iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay. 'Wag kang magbigay dahil masaya ka. Dapat masaya ka dahil nakapagbigay ka. Hindi naman kailangan ang malaking halaga para makapagbigay, ang mahalaga ay tamang motibo. Kapag mabait ang isang tao, siya mismo ang nakikinabang (Kawikaan 11:17). Ang isang taong mabait ay bukas-palad at handang magbigay ng panahon, lakas, pagmamahal, at iba pa. Kung magiging kaugalian mo ito, marami kang pakinabang. Isa na rito ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan. Ano ang koneksyon ng pagbibigay sa ating kalusugan? Bakit may gayong mga resulta? Dahil ang PAGKAMAHABAGIN, KAGANDAHANG-LOOB, at KABAITAN ay tumutulong para maiwasan ang mga negatibong damdamin. Nakababawas din ng stress ang pagbibigay at pinabababa nito ang blood pressure. Tandaan mo, ang pagbibigay at pagtulong sa iba ay nagdudulot ng malaking kagalakan.


NUMBER 4
KINIMKIM MO ANG NEGATIBONG EMOSYON


Talagang magsisisi ka kung hindi mo mailabas ito dahil ito ang kakain sa kaligayahan mo. Magdidilim ang iyong buhay. Ang pagkimkim ng negatibong emosyon ay parang sugat na nilagyan mo ng bandage, oo hindi mo nakikita dahil natakpan mo na, pero hindi ito naghihilom. Kailangan mo ng gamot. Kung may taong nananakit sa atin, siyempre hindi tayo matutuwa. Masasaktan talaga tayo sa ginawa ng taong 'yon. Halimbawa na lang hiwalayan para mas madali nating maintindihan. Hiniwalayan tayo ng taong mahal natin. Nahihiya tayong aminin na nasaktan tayo. Dahil iniisip natin na dapat hindi ito malaman ng mga tao o sa ex natin para hindi lumaki ang ulo niya. Ano ang ginawa natin? Nagkukunwari tayong masaya. Tinago natin ang negatibong nararamdaman natin at hindi 'yon nakabubuti sa atin. Sa tingin natin ay matapang na tayo pero ito ang dahilan kung bakit lumala ang ating pag-ooverthink. Mas lalong lumaki ang negatibong emosyon. Mas lalo tayong masasaktan. Hindi na ibang tao ang kalaban natin. Ang ating sarili na ang mismong kalaban natin. You need to process your emotions. Kahit sa tingin mo ay parang tanga ka na sa kakaiyak, you need to acknowledge the true set of emotions you're having, in order to process and move on. Pwede mong isulat ang iyong nararamdaman. Pwede mong ipakipag-usap sa iyong matalik na kaibigan o sa mga magulang mo mismo. It may be odd at first, but it will become more natural over time as it becomes part of your routine.


NUMBER 5
WORK IS LIFE


Madalas naniniwala tayo sa phrase na 'yan. Kayod tayo ng kayod, pinapagod natin ang ating sarili, tumanda na tayo at nagsisisi tayo na naubos ang ating oras sa kakatrabaho. Magkaroon sana tayo ng balanseng pananaw sa pera. Wala namang problema ang kasipagan. Pero masama na ang pagiging workaholic. Mas mabuti ang sandakot na pahinga kaysa sa dalawang dakot ng pagpapakapagod (Eclesiastes 4:6). Kaya hindi tayo dapat magpakasubsob sa trabaho, anupat napapabayaan na natin ang ating pamilya at kalusugan. Wala tayong mapapala kung mamamatay tayo sa kakatrabaho. Sa tingin mo ba'y magluluksa ang boss mo sa 'yo kapag nangyari 'yon? Siguro pero hindi siya magpopokus sa 'yo. Mapapalitan ka niya kaagad. Totoo na ang kasipagan sa trabaho ay aakay sa pagkadama ng kasiyahan, at kapag napasulong mo ang iyong kasanayan, lalo kang magiging masaya sa 'yong trabaho. Pero maging BALANSE. Masiyahan sa pagpapahinga at pagrerelaks. Mas kasiya-siya ito pagkatapos nating magtrabahong mabuti.


NUMBER 6
HINDI MO TINUPAD ANG PANGARAP MO


Tayong lahat ay may pangarap sa buhay. Kapag hindi natin tinupad 'yon, magsisisi tayo sa huli. Kapag tumanda na tayo, palagi nating maiisip, “paano kung ginawa ko 'yon?” Ang masakit, wala ng panahon para gawin 'yon. Ang nakakatuwa sa pagsunod sa pangarap natin, ay may madiskobrehan tayong mga bagay na hindi natin inaasahan. Katulad ko, isa lang naman ang gusto ko sa buhay e. Maging article writer lang ako, ayos na sa akin. Tapos biglang naging Vlogger na ako, tapos nagsusulat na rin ako sa Blog Site ko, at may munting negosyo na rin. Hindi ko inaasahan na mangyari 'to. Pero pranka lang, hindi lahat ng pangarap natin ay matutupad but sometimes that's a good thing. You'll learn something about yourself and be happier because of it. You might even discover a new dream in the process. Kapag hindi natin sinunod ang pangarap natin, wala tayong matutunang bagong bagay. Hindi tayo matuto ng bagong strategy o skills. Hindi tayo mag mature sa buhay. 'Wag kang matakot magkamali. This is how you learn. If you're following your dreams, you'll have an easy time finding inspiration to get up and keep going. You'll feel like your life is complete. You'll feel inner peace when everything fits together. That's why people follow their dreams.


NUMBER 7
TAKOT KA SA PAGBABAGO


'Wag kang matakot sa pagbabago dahil 'yon ang susubok sa kalakasan mo. Huwag tayong mag-alala tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga alalahanin. Sapat na ang mga problema sa bawat araw (Mateo 6:34). Ito ang unang pagbabago na itatak mo sa 'yong isipan. Yakapin mo ang pagbabago dahil lahat ay magbabago sa ayaw mo at sa gusto. You can pretend you can avoid it, but you are only lying to yourself. Fear of the unknown is natural, but it doesn't help very much beyond making a person more prudent. Beyond that, it holds us prisoner and the change STILL happens anyway. Therefore you have a decision to make: RESIST CHANGE and make life difficult or ALLOW CHANGE TO HAPPEN but remain in charge? May mga bagay na magbabago at may mga bagay na hindi mo mababago. Kung matututuhan mong tanggapin ang isang kalagayang hindi mo mababago, malamang na maging positibo ang pangmalas mo sa mga bagay-bagay.


NUMBER 8
PILIT MONG KINONTROL ANG LAHAT


Tandaan mo, hindi lahat makokontrol mo. Mauubos lang ang iyong oras at lakas pero wala pa ring nagbabago. Simula nang magkaroon tayo ng kalayaang magpasya para sa ating sarili, kinokontrol na natin ang bawat aspeto ng ating buhay. Sa totoo lang, maigsi lang ang listahan ng mga bagay na kaya nating kontrolin. Ang makokontrol mo lang ay ang iyong mga gagawin, ang iyong mga sasabihin, ang iyong iniisip, ang trabaho mo, at ang pagpili ng kaibigan. Lahat ng makokontrol mo ay nanggaling mismo sa kilos mo. Ang panlabas na pangyayari ay hindi mo na hawak. The older I get, the more and more I realize that there are always going to be parts of life that are totally out of our control. Keeping ourselves up at night thinking about that, doesn't change it. It just makes us anxious and sleep deprived. So embrace the fact that a lot of life is out of your control and allow yourself to enjoy the journey more.


NUMBER 9
HINDI MO NILAYUAN
ANG MASAMANG KAIBIGAN


Magsisisi ka talaga dahil mapa-praning ka sa kakasama sa maling tao. Pumili ka ng mga kaibigang nagmamahal sa Diyos. Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, Pero ang sumasama sa mga mangmang ay mapapahamak (Kawikaan 13:20). Ang mga kaibigan natin ay pwedeng makabuti o makasama sa atin. Ang tanging paraan para magkaroon ng mabuting kaibigan ay maging isa kang mabuting kaibigan. Hindi pwedeng humihiling ka na sana'y hindi plastik ang kaibigan mo pero isa ka ring plastik na tao. Ang isang malaking tulong sa ating abilidad na magkaroon ng mga mabuting kaibigan ay ang sariling personalidad natin. Nagiging kaakit-akit ang isang tao dahil sa tapat na pag-ibig niya (Kawikaan 19:22). Ang tunay na pagkakaibigan ay nakakamit ng mga taong nagpapakita ng kabaitan. Halimbawa, pagka ipinabatid natin sa iba na tayo’y nagpapahalaga sa kanila, malamang na sila’y magiging interesado sa atin.


NUMBER 10
PALAGI KANG NAG-AALALA


Nang sabihin ni Jesus ang mga salitang nasa Mateo 6:34, tiniyak niya sa mga tagapakinig na hindi nila kailangang mag-alala nang sobra tungkol sa mga darating na problema. At mas mabuti kung paisa-isang araw lang ang iisipin natin. Hindi ibig sabihin ni Jesus na hindi na natin dapat isipin ang mangyayari bukas o hindi na tayo dapat magplano para sa hinaharap. Tinutulungan lang niya tayong huwag masyadong mag-alala o mamroblema tungkol sa posibleng mangyari sa hinaharap. Hindi na kasi tayo magiging masaya kapag inuunahan natin ang pangyayari at hindi tayo makakapagpokus sa dapat nating gawin ngayon. Hindi rin naman natin malulutas ang mga darating na problema kung poproblemahin natin 'yon ngayon. At kadalasan, hindi naman nangyayari ang pinoproblema natin o hindi naman kasinsama ng iniisip natin ang talagang nangyayari. Ang sobrang pag-aalala ay hindi makakapagpaganda o makakapagpahaba ng buhay natin. Sinabi rin niya na kung uunahin natin ang Diyos sa buhay natin, hindi na natin kailangan na masyadong mag-alala tungkol sa mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi pinapabayaan ng Diyos ang mga halaman at hayop, kaya siguradong hindi rin niya papabayaan ang mga naglilingkod sa kaniya.

Pero tama na sa pagsisisi, lahat ng mga nagawa nating mali ay hindi na natin mababago. Nagdaan na ang lahat. And in fact, there's some good in every one of these bad decisions too, if we choose to see it. Tayo'y mga taong di-perpekto. We do good things, we make mistakes, we give back, we are selfish, we are honest and sometimes we lie. Kahit pinagsikapan natin ang lahat, magkakamali pa rin tayo. Once we embrace this and get comfortable with our humanness, making a bad decision tends to conflict a lot less with our new vision of ourselves.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177