14 na Bagay na 'wag mong Habulin By Brain Power 2177


Photo by Juliano Ferreira: https://www.pexels.com/photo/man-running-beside-mirror-wall-1777792/


Likas na sa ating mga tao ang naghahabol ng mga bagay bagay. Gayunpaman, kung gagawa tayo ng hindi magandang pagpili sa kung ano ang hahabulin, ang ating pagkabigo ay maaaring magdulot ng kawalang-kasiyahan at pagkadi-kontento. 'Yan ang dahilan kung bakit dapat kang mag-isip nang mabuti bago mo subukang maghabol ng anumang partikular na layunin sa buhay. Ang gayong pagnanais ay maaaring hindi maglalapit sa 'yo sa kung ano talaga ang gusto mo. Upang matiyak na maiiwasan mo ang mga walang kabuluhang pakikipagsapalaran, nag-compile ako ng listahan ng ilan sa mga pinakakaraniwan.


NUMBER 1
PERA


Magkaroon ng tamang pangmalas sa pera. “Ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay” (1 Timoteo 6:10). Hindi naman isyu rito ang mismong pera. Ang pera ay kailangan nating lahat para pangalagaan ang ating sarili at ang ating pamilya. Ang isyu rito ay kung naghahabol ka na ng pera dahil iniibig mo na ito. Dahil sa pag-ibig na 'yan, ang pera ay nagiging panginoon, o diyos, ng isang tao.

Ang mga taong naghahangad ng kayamananan bilang susi sa tagumpay ay naghahabol lamang sa hangin. Hindi lamang ito nagdudulot ng kabiguan, nagdadala pa ito ng maraming kirot. Dahil sa pagnanasang yumaman, madalas na isinasakripisyo ng mga tao ang kanilang kaugnayan sa pamilya at mga kaibigan. Ang iba naman ay hindi na halos makatulog dahil sa kaiisip o pag-aalala. Kapag ginawa mo ang pera na iyong panginoon, malilinlang ka nito. Akala ng mga tao na ang kayamanan ay nagdadala ng kaligayahan, pero hindi naman 'yon totoo. Binubuyo ka lang nito na maghangad ng higit pa.

Hindi ko sinasabi na walang mahalagang papel ang pera sa pang-araw-araw na buhay ng mga ordinaryong tao. Sobrang napakahalaga ng pera. Patuloy tayong nagsusumikap para sa mas maraming kayamananan dahil naniniwala tayo na malulutas nito ang lahat ng ating mga problema. Pero ang totoo, hindi ka makokontento. Kapag kasi naabot mo na ang target mo, maghahabol ka pa e. Hindi 'yan matatapos. 


NUMBER 2
KAPANGYARIHAN


Konektado pa rin ito sa kayamanan. Kapag sobrang yaman mo, siyempre makapangyarihan ka rin. Ang problema sa panlabas na kapangyarihan, ito ay panandalian: kapag nawalan ka ng pera, posisyon at ari-arian, mawawalan ka rin ng kapangyarihan. Kung itinali mo ang iyong pagkakakilanlan sa mga bagay na 'yon, para kang mababaliw, mawawala ka sa 'yong katinuan, kung lalayuan ka na ng mga tao. Naghahangad kasi ang mga tao ng kapangyarihan at impluwensya dahil akala nila ito ang paraan upang makamit ang isang kasiya-siyang buhay. Sabi pa nila kapag mayroon kang kapangyarihan, mayroon kang higit na kontrol sa 'yong sariling kapalaran at kaya mong payukuin ang iba. Ngunit ang kapangyarihan ay isang ilusyon lamang dahil hindi ka naman malakas kung wala ka nito. Ito ay isang puwersa na nagbabago sa paglipas ng panahon. Paano kung mawawala na ang kapangyarihan mo? May magagawa ka pa ba? Wala na kasi nakadepende ka lang sa 'yong mga pag-aari.


NUMBER 3
MAGING PERPEKTO


Kontrolado ba ng perpeksiyonismo ang iyong buhay. Ang perpeksiyonismo​ ay ang paniniwala na ang isa ay kailangang maging lubos na perpekto sa lahat ng kaniyang ginagawa​ pero ito ay nagpapahirap sa isipan ng maraming tao. Ang mga perpeksiyonista ay laging nababalisa na baka sila magkamali. Mayroon silang napakataas na mga pamantayan. Kung ang iyong mga pamantayan ay napakataas, maaari itong humadlang sa 'yo na kumilos. Baka masumpungan mo na iniiwasan mo ang paggawa ng anumang bagay na bago. O baka ipagpaliban mo ang paggawa ng mahahalagang bagay dahil natatakot kang mabigo. Baka madama mo pa nga na tinatanggihan mo ang sinuman na hindi nakatutugon sa 'yong mga pamantayan, at maaaring masumpungan mo ang iyong sarili na walang mga kaibigan. “Huwag kang maging sobrang matuwid o mag-astang napakatalino. Bakit mo ipapahamak ang sarili mo?” (Eclesiastes 7:16). “Walang taong matuwid, wala kahit isa” (Roma 3:10).

Ang sinumang nagsisikap na maging lubos na perpekto ay mabibigo. Maaari rin itong humantong sa labis na pagdurusa at kawalang-pag-asa. Pwede ka namang mag improve, 'wag ka lang maghangad na maging perpekto ka.


NUMBER 4
TAGUMPAY


Bago ka maghabol ng tagumpay, dapat alam mo kung ano ang tagumpay para sa 'yo. Iba iba kasi tayo ng kahulugan sa tagumpay. Ang pagpopokus sa pag-asenso, pagkakaroon ng maraming pera o ari-arian ay hindi nakapagpapabusog ng kaluluwa. Kung pera lang ang magiging sukatan ng tagumpay, napakababaw nito at wala ring maidudulot na kasiyahan sa bandang huli. Tandaan mo, ang huwad na tagumpay ay nakasalig sa nakikita ng tao; ang tunay na tagumpay ay nakasalig sa tamang pamantayan. Maaari nating husgahan ang iba dahil sa kanilang kakulangan nito, o kagalitan ang ating sarili sa hindi pagkamit nito, ngunit ang tagumpay ay lubos na hindi matukoy sa konteksto ng buhay. Dahil iba ang ibig sabihin ng tagumpay para sa ating lahat, at dahil maaaring magbago ang mga pananaw na ito sa paglipas ng panahon, hindi natin dapat subukang habulin ito.


NUMBER 5
KALIGAYAHAN


Alam mo ba na kapag ginawa mong goal ang kaligayahan ay maaaring mas nakakasama ito sa 'yo? Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang paghabol sa kaligayahan ay maaaring makapagpapahina sa 'yo ay dahil sa pagsisikap na makamit ang kaligayahan, nakatuon ka sa kung ano ang wala sa 'yo sa halip na magpasalamat sa kung ano ang mayroon ka. Kapag naramdaman mong parang may kulang sa 'yo, hindi kataka-taka kung bakit hindi ka pa rin masaya hanggang ngayon. Sa halip, maging mapagpasalamat. In order for us to create joy and contentment in our lives, we must expand our definition of happiness. It isn't always sunshine and rainbows. 


NUMBER 6
PAGKABATA


Kahit ano pang anti-aging ang ipahid mo sa 'yong katawan, hindi ka na babalik sa pagkabata. Lahat naman tayo ay papunta sa kamatayan. Hindi naman kita tinatakot. Nagsasabi lang ako ng totoo. Ginagawa ng mga scientist ang lahat para hindi mamamatay ang tao pero na-realize nila na lahat tayo ay tatanda at mamamatay. Nang magsimulang umepekto ang kasalanan sa unang mag-asawang sina Adan at Eva, hindi na nila mailipat ang kasakdalan sa kanilang mga supling. Ang kasalanan ay malalim na iniukit sa genes ng ating unang mga magulang. Kaya nga, sila’y maaari lamang magluwal ng di-sakdal na mga supling. Yamang ang lahat ng kanilang anak ay ipinaglihi pagkatapos na magkasala sina Adan at Eva, ang kanilang mga supling, tayong lahat ay nagmana ng kasalanan at kamatayan. Ang subukang kumapit sa kumukupas na kaluwalhatian ng nakaraan ay walang kabuluhan. Ang magagawa na lang natin ay yakapin ang mga alaala, ngunit tanggapin natin na ang ating pagtanda ay hindi maiiwasan. Maaari kang maging bata sa puso at bata sa pag-iisip, ngunit hindi ka palaging bata sa katawan.


NUMBER 7
KASIKATAN


Hindi naman masamang sumikat. Ang masama ay sumikat ka dahil sa kamalian na iyong ginawa. Ginagawa ngayon ng maraming tao ang lahat para lang sumikat. Gusto nilang idolohin sila ng mga tao. Binabago na nila ang kanilang istilo para lang magustuhan. Kung usapang social media, nagpopost lang ng kung anu-anong content para lang sumikat. Kahit alam nilang mali ang kanilang ginagawa. Ito ang dahilan kung bakit ang paghahabol ng kasikatan ay nagpapabagsak ng kaligayahan ng tao. Kaya 'wag kang maghabol ng kasikatan.


NUMBER 8
MGA PAG-AARI


Sinasabing kakaunti lang ang kailangan ng tao, pero walang katapusan naman ang kaniyang mga gusto. Para sa marami, hindi nila makita ang pagkakaiba ng mga bagay na kailangan nila at ng mga bagay na gusto lang nila. Ano ba ang kaibahan? Ang isang “pangangailangan” ay bagay na mahalaga para mabuhay ka, gaya ng pagkain, pananamit, at tirahan. Ang isang “kagustuhan” ay bagay na nais mong makuha, pero hindi naman kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay. 'Wag mong ibuhos ang iyong atensiyon at panahon sa materyal na mga bagay. Ang materyalismo ay udyok ng mga pagnanasa, priyoridad, at pokus sa buhay ng isa. Dahil dito, naghahangad tayo ng mas marami pang materyal na pag-aari. Pero miserable ang buhay ng mga umuubos ng kanilang lakas para sa materyal na mga bagay dahil pagpapalugod lang sa sarili ang iniintindi nila. At mas malala pa, napupunô sila ng problema.


NUMBER 9
PAGSANG-AYON


Aminin na natin na lahat tayo ay gustong may sumang-ayon sa atin. This is part of being human. But what you really need to seek for, is self approval. We all need to become our best friends. To become your best friend, start by having real conversations with yourself. Treat yourself like if you were his/her best pal. Sinasabi ko 'yan sa 'yo dahil kung sakali mang walang taong sumang-ayon sa 'yo, hindi ka na maaapektuhan dahil mahal mo na ang sarili mo. Learn to be happy with yourself. Learn to be confident in yourself and the fact that you are a good person, that you can do anything that you put in your mind to. You have to record some good self talk to overcome the negative stuff going on inside yourself.


NUMBER 10
SUWABENG BUHAY


Hindi kailanman magiging suwabe ang takbo ng buhay. 'Wag kang mag expect kung ayaw mong masaktan. Life isn’t always sunshine and roses, palagi nating naririnig ang quote na 'yan. Minsan madilim ang pinagdadaanan natin, minsan nasa matinik tayong sitwasyon. Minsan inuulan tayo, minsan naman binabagyo tayo. The big part of having a successful life, is learning how to cope with the lessons that life has to teach us. Throughout our lives we keep rising and falling, picking up important lessons along the way. When you come across failures, try to learn from it and try to overcome it with lots of courage. Kung may kadiliman, may kaliwanagan. Kung may problema, mayroon din namang solusyon. Walang katiyakan ang buhay. Kaya 'wag kang mag expect ng suwabeng buhay dahil madidismaya ka lang. 


NUMBER 11
PAGKAKAIBIGAN


'Wag kang maghabol sa taong ayaw kang maging kaibigan. Makakatulong ang pagkakaroon ng kaibigan para maging masaya at makabuluhan ang buhay. Ang mabubuting kaibigan ay may magandang impluwensiya sa isa’t isa at nakakatulong sila para mas maging mabuting tao tayo. Pero napakahalagang piliing mabuti ang mga kakaibiganin natin. Masama ang resulta kapag mali ang pinili nating kaibigan. Ang ganiyang mga kaibigan ay iimpluwensiya sa atin na gumawa ng di-matatalinong desisyon at sisira ng magaganda nating katangian. Ang isang mabuting kaibigan ay tapat, mapagmahal, mabait, at bukas-palad. Ang isang tunay na kaibigan ay maaasahan kapag mayroon tayong problema. At hindi siya magdadalawang-isip na paalalahanan tayo bago pa man tayo makagawa ng isang maling hakbang o desisyon. 


NUMBER 12
KARELASYON


'Wag kang maghanap ng karelasyon dahil hindi mo 'yan makikita. Hayaan mong natural na mangyayari 'yan sa buhay mo. 'Wag kang desperado. You don't need to search for love because love is around you. Love is even in the small little things that we often ignore. You just need to recognize love. Just feel it. It has to be felt. Pero bago ka maghanap ng special someone dapat alam mo na kung paano mahalin ang sarili mo. The decision is up to you but you ought to be wise enough to take your decisions yourself.


NUMBER 13
PANALO


'Wag kang maghabol ng panalo kasi hindi sa lahat ng oras ay mananalo ka. We need to learn how to look at everyday struggles, in the same way we look at life. Every day, we get up and go about our lives. Hindi na mahalaga kung panalo o talo tayo sa laban ng buhay, ang mahalaga ay kung gaano kasaya ang ating paglalakbay dahil marami tayong matututunan. Ang buhay ay parang isang parade. Nag-eenjoy ka man o hindi sa parade, dadaan lang ito sa paningin mo.


NUMBER 14
MATAGUMPAY NA DESTINASYON


Tandaan mo na iba-iba ang ating wakas. Minsan may malungkot na wakas, minsan masayang pagwawakas. Hindi natin alam ang mangyayari bukas. Sabi ni Ralph Waldo Emerson, life is a JOURNEY, not a DESTINATION. It can be interpreted as a healthy balance between doing and being, between planning and letting go, between producing results and going through the required processes.

Ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng pait, sakripisyo, pagdadalamhati, kaligayahan at pag-asa. Nabibigyang pagpapakahulugan natin ang buhay na katulad ng isang gulong na minsan nasa ibabaw, minsan naman sa ibaba. Ang gulong na 'yon ay hindi maaaring maglakbay sa isang daan na banayad lamang patungo sa kanyang patutunguhan. Sapagkat inaasahan na tayo ay makararanas ng lubak-lubak na daan na susubok sa ating katatagan. Katulad ng gulong ang buhay natin ay haharap din sa iba't ibang pagsubok na hindi natin alam kung anong klaseng daan ang naghihintay na mararaanan. Maaaring banayad sa simula pagkatapos ay maging malubak sa kalaunan. Isa lamang ang ating pinanghahawakan, kontrolado natin ang ating buhay anumang pagsubok ang ang ating kinasasadlakan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177