14 Reasons Kung Bakit Huwag Mong Bigyan ng Oras ang mga Taong Toxic By Brain Power 2177

Huwag mong sayangin ang iyong oras sa mga taong toxic Ang bawat taong pinagugulan mo ng oras ay siyempre nakakakuha ng kaunting lakas mo. Kapag binigay mo sa kanila ang iyong oras at lakas, nakakatanggap ka rin ng mga bagay mula sa kanila, mabuti man 'yon o masama. Kapag sumama ka sa mga taong toxic, mauubusan ka talaga. Kaya ang mga taong mulat na sa katotohanan ay natuto na sa buhay. Hindi nila hinayaang makapasok ang mga taong toxic sa buhay nila. Dapat mamili ka ng mga taong binigyan mo ng panahon. Hindi mo kailangang hayaan ang mga taong toxic na maka-distract sa 'yong buhay. Marami kang makakasalamuhang negatibong tao. Nasa sa 'yo na kung paano mo lilimitahan o kung bakit ka lalayo sa kanila. Alam mo kung ano ang mapait? Minsan ang mga taong toxic ay mga kaibigan mo o kamag-anak mo pa. Mas lalong mahirap lumayo kapag gan'on. Kahit nahihirapan kang bitawan sila, tandaan mo na ang paglaya mula sa kanilang impluwensya ay makatutulong sa 'yo na umunlad. Kaya '...