10 Rason Kung Bakit Ginagamit Ka Lang Nila By Brain Power 2177



Sa buhay, hindi lahat ng tao ay kakampi natin. Hindi lahat sumang-ayon sa atin. Minsan dumidikit sila sa atin para tayo'y gamitin. Tini-take advantage nila ang kabaitan natin. Minamanipula tayo at niloloko lang pala tayo. Maaari tayong manipulahin sa pamamagitan ng mga pekeng papuri, mga pambobola at minsan din may sasabihin silang hindi maganda para manghina tayo. Sa katunayan, madalas ginagamit nila ang ibang tao upang makakuha ng isang bagay o upang palawakin ang kanilang sariling interes. Pero ginagawa nila ito ng palihim. Hindi mo mapapansin na ginagamit ka na pala nila. Inosente kasi silang kumilos. Noon pa ito nangyayari. Mas lalo lang lumala ngayon. May mga tao kasing ganito ang ugali. Lahat tayo ay ginagawa ito paminsan-minsan, sinasadya man o hindi. Panoorin mo ang buong videong ito at malalaman mo ang 10 dahilan kung bakit manggagamit sila ng tao at kung paano maiiwasan ang mga taong ito.


NUMBER 1
MAY GUSTO SILANG MAKUHA SA 'YO


Ito ang isa sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit sinasamantala ka nila. May nakita kasi silang bagay na nasa sa 'yo at gusto nilang magkaroon din ng bagay na 'yon. Ayaw nila ng libreng pagkakaibigan. Gusto nilang makakuha ng kapalit. Gusto nila ng pabor. At ang mas masaklap, kapag may pera ka. Sa pera sila nakatutok. Sabi ko nga kanina, ginagamit ka nila nang hindi mo namamalayan. Halimbawa may idea ka, tapos sinasabi mo sa taong 'yon ang idea mo, gagamitin niya ang idea mo at siya ang mag-eexecute nun para malampasan ka niya. Ginagawa nila 'yan kasi wala naman silang pakialam sa 'yo. They only think of themselves. Wala silang pakialam kung sinong tao ang gagamitin nila basta't makuha lang nila ang kanilang gusto. It's just part of their personality. Dumikit lang sila sa 'yo kasi may layunin silang dapat matupad sa pamamagitan ng tulong mo na hindi mo namamalayan na sila pala ang magpapabagsak sa 'yo. Kaya dapat mag-obserba ka sa mga kinikilos nila. Pagmasdan mo kung paano nila tinatrato ang ibang tao at tingnan mo kung talaga bang nagki-care sila sa ibang tao, kung gayon, bakit sa 'yo lang sila dumikit? Hindi ka ba nagtataka? Huwag kang magpagamit.


NUMBER 2
GUSTO NILANG KONTROLIN KA


Gusto nilang dumikit sa 'yo dahil alam nilang madali kang kontrolin. Halimbawa gagamitin ka nila para lang makapasok sila sa trabaho. Kapag nakapasok na sila, wala ka ng lugar sa buhay nila. Minsan din ginagamit ka nila para matakasan nila ang kanilang kamalian kasi alam nila na naniniwala ka na wala silang nagawang mali. Dahil magaling silang magpaawa. Ganyan ka nila kinokontrol. Minsan din kinokontrol ka nila dahil may pera sila. Magpapagawa sila sa 'yo ng gusto nila at babayaran ka nila. Kahit ayaw mong gawin 'yon, mapipilitan ka lang kasi sa pera ka na nakapokus. Siguro nakikita nila ang kasakiman mo kaya naiisip nila na madali ka nilang kontrolin gamit ang kanilang pera. Kung may perang involve, maraming tao ang nagnanais nito at susubukan nilang makuha ito sa anumang paraan na kinakailangan. May mga tao ring akala mo mabait, hindi pala. Yung mga taong palaging nagbibigay sa 'yo, akala mo udyok ng kabutihan 'yon. Yun pala ay may kapalit. Madali kasing naiimpluwensiyahan ang mga tao kapag may ganong involve na. Gagawin mo ba ang lahat, kahit masama, kapag may perang kapalit? Magpapakontrol ka ba sa kanila? Minsan nangyayari ito sa relasyon. Kahit hindi niya mahal ang isang tao, dumikit na lang siya at nagpapakontrol para lang sa pera. Para sa ikakayaman lang niya.


NUMBER 3
MINAMANIPULA KA NILA


Pareho lang ba ang manipulation at control? Hindi. Ang taong minamanipula ay may kalayaang gumawa ng kagustuhan niya pero hindi niya alam na ginagamit lang pala sila. Ang taong kinokontrol ay walang kalayaang gumawa ng gusto niya dahil ang controller ang masusunod. Gaya ng sinabi ko kanina na babayaran ka lang ng pera para ipagawa sa 'yo ang bagay na 'yon. Mamanipulahin nila ang iyong emosyon at iyong aksyon. May sasabihin silang maganda para madali kang maniwala sa kasinungalingan nila. Umaasta silang concern sila sa 'yo. Pero ang totoo, hindi naman nila gusto na tulungan ka. Gusto nilang ilihis ang pag-iisip mo. Sa oras na makapasok ang mga taong ito sa buhay mo, mahihirapan kang tanggalin sila kasi hindi mo mapapansin kaagad ang negatibong kinikilos nila kasi nga umaasta silang concern sa 'yo. Babaliktarin nila ang kwento para paniwalaan mo sila, para lang hindi sila managot sa kanilang kasalanan, at mangangako pa 'yan na tutulungan ka nila pero hindi naman totoo. Have enough confidence in yourself to actively deal with manipulative people as soon as you spot them. You deserve to be happy and no one should take that away from you.


NUMBER 4
PAGSASAMATALAHAN KA NILA


Gagamitin ka nila kasi nakikita nila na sobrang bait mo. Uulitin ko, walang pakialam ang mga taong ito sa buhay mo. Marami na ang mapagsamantala ngayon. Mga kaibigan mo, kasamahan mo, at ang mas masakit, pamilya mo pa mismo ang mapagsamantala. Dumidikit sila sa 'yo dahil sobrang bait mo, sobra mong mapagbigay, at dahil nakikita nila ang kahinaan mo. They can take advantage of you for their own benefit. Nagti-take advantage sila dahil wala silang alam sa buhay. Wala silang sariling diskarte. So please respect yourself. Kung alam mong ginagamit ka lang, kumilos ka kaagad. Say something. Speak up for yourself. You have to step up. Be brave. Otherwise it will keep happening. Kung hindi mo sila mapapalayo sa buhay mo, mapapagod ka lang dahil ikaw na lang lahat ang gagawa para sa kanila.


NUMBER 5
DAHIL MAHINA KA


Kapag nakikita nila na mahina ka, gagamitin ka nila. Madali silang makakuha ng mga bagay sa 'yo kasi wala kang magawa. Kaya 'wag mong ipaalam sa iba kung ano ang kahinaan mo dahil 'yon ang gagamitin nila. Learn to have good boundaries. Hindi pwedeng yes ka lang ng yes sa mga request at demand nila. Pwede mo naman silang pagsabihan ng mahinahon. Stop feeling guilty about things that have nothing to do with you. You're not responsible for the actions of others, so beating yourself up about something that someone else does is counterproductive and pushes you farther away from the inner peace that you deserve. Magagawa mo 'yan sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa kanila ng anumang bagay na gusto nila o sa pamamagitan ng paglilinaw na hindi mo gusto ang anumang bahagi ng kanilang ginagawa.


NUMBER 6
MAPAPAKINABANGAN KA


Lalo na kapag may pera ka, palagi silang nandiyan sa tabi mo. Tapos ikaw pa ang masama kung hindi ka magbibigay. Alam kong sobrang bait mo. Alam kong ginagamit ka lang nila. Alam ko ang nararamdaman mo. I was treated the same way a couple of years back. Kung hindi mo sila pagbigyan sa kanilang kagustuhan, sisiraan ka nila. Kung hindi ka na nila kakausapin, hayaan mo lang. Ibig sabihin lang niyan na dumidikit lang sila sa 'yo para sa kanilang mga makasariling pangangailangan at kahilingan. Maghanap ka ng bagong mga tao na mapagkakatiwalaan mo. Huwag mo silang katakutan. Harapin mo sila. Palagi ka nilang kokontrolin kung ipinapakita mong natatakot ka. Hindi naman bawal magalit lalo na kapag intolerable na ang kanilang ginagawa. Kailangang puksain mo rin ang kanilang ego paminsan-minsan. Ipakita mo sa kanila na hindi sila gan'on ka-importante sa buhay mo at kaya mong mabuhay kahit wala sila sa tabi mo.


NUMBER 7
MAHINA SILA


Minsan ginagamit ka nila dahil sila ang mahina, hindi ikaw. Sobrang desperado na nila, wala na silang magawa, at wala na silang kontrol sa kanilang buhay. Kaya ang iniisip nila, IKAW. Dahil alam nilang kaya mo silang tulungan. Sobrang baba na kasi ang tingin nila sa kanilang sarili at wala silang tiwala sa kanilang kakayahan. Wala na silang kakayahang gumawa ng mabubuting desisyon sa buhay. Wala na silang ibang malalapitan, ikaw na lang kasi ang nakikita nila. Nakikita nila ang sobrang kabaitan mo. Katulad sa isang relasyon. May taong malungkot at nagpapaawa para sagutin ng isa. Ginagamit nila ang kanilang kahinaan para maawa ka sa kanila. Sa oras na makapasok na ang mga taong ito at nagiging maligaya na, iiwan ka na nila. Sabi nga nila, kung sino pa ang binuo mo, sila pa ang dudurog sa 'yo. Hindi naman masama ang tumulong pero tumulong ka sa mga taong siguradong nangangailangan ng tulong. Hindi yung mga tao na nagpapaawa lang. Somebody who plays the victim can be doing it to manipulate others - and sometimes this is a sign of narcissistic personality disorder. They get attention through it, and often love and approval too. Ang pinakamabuting paraan upang maiwasan mo sila ay 'wag kang makikipag-ugnayan sa kanila. Malalaman mo naman ang mga totoong nangangailangan ng tulong at yung mga nagpapaka-peke lang.


NUMBER 8
TAKOT SILANG MAG-ISA


Isa kasi sa mga kahinaan ng tao ay ang takot. Gusto nilang dumikit sa 'yo kasi ayaw nilang mag-isa. Kapag tayo'y takot sa sitwasyon o sa bagay man 'yan, ang maiisip natin ay ang tumakbo, magtago at magpapasama tayo sa ibang tao dahil ayaw nating mag-isa. Ito ang dahilan kung bakit ginagamit ka nila dahil ayaw nilang mag-isa sa buhay. Alam kasi nilang hindi nila kayang protektahan ang kanilang sarili dahil wala silang tiwala sa kanilang sarili. Sabi ko nga kanina, lalo na kapag may pera ka, gusto nilang dumikit sa 'yo dahil alam nilang mabubuhay mo sila. Sa totoo lang, ang mga taong may mabubuting puso ay nagiging tanga na rin. Bakit? Iniisip kasi nila na lahat ng tao ay mabuti rin katulad nila. Pero hindi lahat ng tao ay gan'on. Hindi porket ginawan mo sila ng kabutihan ay maibabalik din nila 'yon sa 'yo. Know that humans are selfish. Gusto nating makuha ang lahat ng gusto natin. Kaya gumagamit tayo ng tao para madali nating makuha 'yon. Remember this, when empathy is applied without discretion to all situations, we are giving others an advantage. Kind people need to realize that not everyone is kind. Hindi lahat ng nakikita mong mabubuting tao ay mabuti talaga. Minsan nagkukunwari lang sila. Some of them are predators. And some of those predators are your friends. Kung may VOTE WISELY, mayroon ding USE YOUR HEART WISELY.


NUMBER 9
GUSTO NILANG MAHIGITAN KA


Gusto nilang dumikit sa 'yo para ipamukha sa 'yo na kaya ka nilang higitan. Hindi naman natin maitatanggi na mahilig tayong magkompara. Kapag may nakita tayong mayaman, may kapangyarihan, ikinokompara natin kaagad ang buhay natin sa kanila. Madidismaya tayo sa buhay kapag may mas lamang sa atin. Pero kung dumikit tayo sa mga taong walang kakayahan, tapos palagay natin tayo ang mas lamang, nabo-boost ang ating confidence. Maiisip natin na kung tayo ang mas pa sa kanila, then we can control them. Kaya gusto nating nasa itaas tayo. Bakit may ganitong tao? Dahil sa kanilang insecurities. Kung may insecurities sila, gusto nilang ipakita sa 'yo na confident sila. Kung nakikita nilang may insecurities ka rin, madali kang gamitin nila. Kung alam mong maganda ka, kung alam mong kontento ka na sa buhay at may kompiyansa ka sa sarili mo, tapos may nag-fefeeling superior sa tabi mo, hindi ka maaapektuhan. If you're insecure, it will bother you more what that person thinks. Madali kang tapakan. Gusto kasi nilang higitan ka para matakpan ang kanilang insecurities.


NUMBER 10
MAKASARILI SILA


Ginagamit ka nila para sa kanilang kaligayahan. Ang taong makasarili ay hindi masaya sa kanilang buhay dahil hindi sila nakakaramdam ng tunay na pagmamahal galing sa iba. Kaya ikaw ang ginagamit nila dahil sa tingin nila ay mamahalin mo sila. Sabi ko nga kanina, may mga taong nagpapaawa para lang mahalin. Wala silang pakialam kung sino ka basta't mapapakinabangan ka lang, ayos na sa kanila. Kung ikaw yung tao na sa tingin nila ay walang halaga, tatratuhin ka rin nila ng masama. Mabait lang sila sa mga taong mapapakinabangan. Tanggapin mo na may mga tao talagang ganyan. Pero 'wag kang bumaba sa kanilang lebel. Maiirita ka sa mga kinikilos nila at gusto mo silang suntukin pero 'wag mong gawin 'yon. 'Wag mo silang patulan. Just stop doing favors for them. Palagi kasi silang humihingi ng pabor pero hindi naman sila tutulong kung ikaw na ang nangangailangan. That's just how they operate. Kung humingi sila ng pabor sa 'yo, 'wag kang bibigay kaagad. Assert yourself and make it clear that you don't appreciate being made to feel as if you are not important or as if you are a lower status.

Napakaikli lang ng buhay para makipag-ugnayan pa sa mga taong manggagamit. Spot these types of people around you and learn how to deal with them to protect yourself from being hurt or taken advantage of.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177