10 BAGAY na Dapat Mong Iwasan By Brain Power 2177

Iwasan mo ang 10 bagay na ito Photo by Vie Studio: https://www.pexels.com/photo/person-holding-letters-4439421/ Tatanungin muna kita, MASAYA ka ba? Y'ong totoong masaya? Ang kaligayahan ay isang bagay na sinisikap nating lahat na makamit. Kung gusto nating sumaya, dapat tanggap rin natin na ang buhay ay parang bula, napakaikli lang. Dapat tanggap rin natin na may mga pasakit at paghihirap sa buhay natin. Malaki ang epekto ng ating mga habits sa kalidad ng ating buhay. Ang ating mga habits ay direktang nakakaapekto sa ating kaligayahan at maaaring nakakaapekto rin kung bakit tayo malungkot. Ang KALUNGKUTAN at DEPRESYON ay magkaiba. Ang depresyon ay malalim na kalungkutan na hindi mawawala kaagad. Ang kalungkutan naman ay mababaw lang na emosyon na nagreresulta lang kung may mga nangyaring hindi maganda. Kung ang depresyon ay pwedeng gamutin, gan'on din ang kalungkutan. Kaya heto na ang 10 HABITS na kailangan mong iwasan para sumaya ka. NUMBER 1 REKLAMADOR Ang palaging pagrerekl...