Huwag kang Magpapakontrol sa Nakaraan mo By Brain Power 2177


Photo by Noelle Otto:
https://www.pexels.com/photo/birds-eye-view-of-a-man-standing-on-grand-canyon-906094/


Kung palagi nating iniisip ang ating nakaraan, magiging kalaban natin ito. Tayong lahat naman ay nakakaranas na ng matinding sitwasyon, 'di ba? Y'ong sitwasyon na kinamumuhian natin. Some of us have even experienced trauma from these events. Many of us get stuck in the past because of our need for certainty. Kailangan nating makaramdam ng katiyakan upang maiwasan natin ang sakit at upang maging komportable ang ating pamumuhay. Dapat mong alamin, kung ano ba talaga ang pumipigil sa 'yo? Ano ba ang nasa nakaraan na hindi mo mabitawan? Isipin mo rin kung bakit kailangan mong mag move on. What exactly are you holding on to? Iniisip mo pa rin ba ang ex mo? May galit ka pa ba sa kaibigan mo? Kung alam mo kung ano ang pumipigil sa 'yo, mas madali mong mabitawan ang sitwasyong 'yon. This is one of the most important parts of the process because it will help you stay committed to letting go of the past.

Hinding-hindi mo masasalubong ng maayos ang kinabukasan mo kung nakatali ka pa sa nakaraan mo. If you don’t take the time to examine and change your habits, life starts to happen TO YOU instead of FOR YOU. Kahit napakatalino mong tao, kahit madiskarte ka, kung ang laman ng isipan mo ay tungkol sa nakaraan mo lang, TALO ka na kaagad. Turuan mo ang iyong sarili na tumungtong sa kasalukuyan. Remember, the present is the only time that matters. The future only exists in your imagination – it isn’t real. The past only exists in your memory – and memories can be tainted with falsehoods. The only thing that is real is what is happening right now.

'WAG MONG PASOBRAHAN
ANG PAGKANEGATIBO MO

Sobrang nakakahina ito, both mental and emotional. Always notice the GOOD in your life. Write down one positive characteristic of yourself. Kaya ka naging negatibo ay dahil sa mga negatibong nakikita mo sa mundo. The longer and more frequently you get your fixes from negative sources, the longer you’re gonna be negative about everything. Ang daming negatibong pangyayari sa mga balita. May giyera, may virus, ang dami pa. Halos lahat ng balita ay negatibo. Pati na sa social media. Lalo na sa mga taong toxic. Ang daming source ng negativity at lahat ng 'yon ay pupunta sa utak mo. But stop expecting things to go right or wrong. Just let them unfold. Kapag palagi mong iniisip na pangit ang magiging resulta sa mga ginagawa mo o iniisip mo na baka mabibigo ka, pinapakain mo lang ng negatibo ang utak mo. Just let things unfold without any particular expectations. Let them happen. Let life happen.

Kung gusto mong maging positibo, dapat positibong tao ang nakapalibot sa 'yo. Sobrang nakakapanghina kung napapalibotan ka ng negatibong mga tao, ng negatibong environment. Humans have a strong need for safety and security and look for those attributes in their environment. Paano ka sasaya, paano ka uunlad, kung ang environment mo ay nakakapanghina? Hindi ko naman sinasabi na lumayas ka, lalo na kung wala kang malilipatan. Pwede ka namang manatili diyan. Hayaan mo na napapalibotan ka ng negatibo pero 'wag mong hayaan na maaapektuhan ka. Napakahirap nito pero wala ng ibang choice kung wala ka ng ibang mapupuntahan. Be in the environment and yet live in your private space. Smile at the external negative forces and keep a positive mindset. Hindi mo makokontrol ang nasa labas pero makokontrol mo ang iyong reaksyon. Kapag kasi stay cool ka lang, stay positive ka lang, mapapansin rin 'yan ng mga tao. At ang kagandahan pa nito, mahahawa sila sa pagkapositibo mo. Dapat ang pagkapositibo mo ang mananaig. Hindi dapat ikaw ang matalo sa pagkanegatibo nila.

'WAG KANG PALAGING MAGDADAHILAN

Manghihina ka sa buhay kung ganito ang istilo mo. Mas nakakapagod magdahilan kaysa sa umaksyon. Ginamit mo ang takot bilang dahilan mo. Tigilan mo na ang pagdadahilan. Panahon na ngayon para magbago. Sometimes we use excuses simply because we don't want to commit to something, or maybe because we are lazy and like to procrastinate instead of doing something. Each and every one of us has done it, in every aspect of our lives. You need to understand that the more you use excuses, the harder it will be to get things done. Alam mo ba kung bakit palagi kang nagdadahilan? Kasi wala kang GOAL sa buhay o hindi sapat ang MOTIBASYON mo. When you start doing something, you need to have a clear goal. That goal has to bring you some kind of satisfaction upon reaching it, thus motivating you to walk the path towards it. When you have the proper goals, make sure you find the proper motivation as well, because without these two, you will be stuck with your excuses and you won’t really achieve anything in your life.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177