5 Paraan Para Mapakalma ang Iyong Isipan By Brain Power 2177


Photo by Luddmyla .:
https://www.pexels.com/photo/light-city-landscape-sunset-14707145/


Kailangan mo ng tanggalin ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip dahil 'yan ang pumigil sa 'yo na makaabante. May mga negatibong sitwasyon na mahirap tanggalin sa buhay natin kaya ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip ay nakadikit pa rin sa 'tin. Kapag negatibo ka sa buhay, halos hindi mo rin makokontrol ang iyong puso at isip. Nawawalan ka ng interes sa pagkamit ng iyong mga layunin, at ang negativity na bitbit mo pa rin hanggang ngayon ay makakasira ng mood mo. Hindi ka magiging masaya kung nakatira pa rin ito sa kalooban mo. Kaya ngayon pa lang, tanggalin mo na ito.


NUMBER 1
'WAG MONG BALEWALAIN
ANG IYONG EMOSYON


Lahat tayo ay may emosyon. Bahagi na ito ng ating pagkatao. Pero bakit may mga tao pa rin na pilit tinatago ang kanilang emosyon? Siguro dahil nasasanay na tayo sa standard ng lipunan. Kapag nagpapahayag ka ng emosyon, markado ka na isa kang mahinang tao. Kaya binalewala na lang natin. Umaasta tayo na parang wala lang. Ang pagkaintindi natin sa emosyon ay isang problema. Pero hindi natin alam na tayo ang problema. Kasi tayo ang may kakayahang kontrolin ang ating emosyon. Ano ang mangyayari sa mga emosyon na pinigilan? Kapag binalewala mo o iniiwasan mo ang iyong emosyon, ang enerhiya ng emosyong 'yon ay mananatili sa katawan mo. Ito ang dahilan kung bakit negatibo ang pananaw mo sa buhay. Kasi ang negatibong emosyon ay hindi mo pinalabas. Kung damhin natin ang kalungkutan, kung tanggapin natin ito, gagaan ang puso natin. Tandaan mo, 'wag mong kimkimin ang negatibong emosyon. 'Wag mong hayaan na ang emosyon mo ang magkokontrol sa 'yo. Hindi porket negatibo ang emosyon ay wala na itong silbi sa ating buhay. Pero kapag sumobra naman, kapag hindi mo na ito makokontrol, magdudulot ito ng stress. I want you to remember that emotions are not permanent. Minsan masaya, minsan malungkot na naman. Learning how to feel your feelings takes practice. Be patient with yourself.


NUMBER 2
SANAYIN MO ANG IYONG ISIPAN


Ang iyong isip at puso ay konektado. Kung ano ang laman ng isipan mo, ang puso ay apektado. Kung negatibo ang iniisip mo, negatibo rin ang mararamdaman mo. Ang lahat ay nagsisimula sa isipan. When you repeat negative thoughts or a bad experience over and over in your mind, you begin to lose sight of the positive things around you. Kung may naiisip ka na magpapababa ng mood mo, ibahin mo kaagad. Ibaling mo ang iyong isipan sa pag-iisip ng mga bagay na makakapagpasaya sa 'yo. Alam kong hindi ito madali kaya nga ang sabi ko ay SANAYIN mo. Always focus on the big picture in life. Goal setting is one way to do this. Move on and realize that you have the power to change and do better. Oo magkakamali ka pero hindi ito sapat na dahilan para mag-isip ka ng negatibo. Tanggapin mo na may kahinaan ka rin. Tao ka lang. Walang perpektong tao. Learn to be okay with navigating the gray areas of life. Remember to be flexible. Madali kasing ma-proseso ang pangyayari sa kalooban natin kung tanggap natin na bahagi na ito ng ating buhay. Sanayin mo ang iyong isipan na maging matatag sa oras ng kahinaan. Palagi mong tandaan na lahat ng nangyayari ay pansamantala lang. Kung malungkot ka ngayon, kung may galit ka, darating ang araw na kalmado na ulit ang isipan mo. Magbabago ang takbo ng sitwasyon kung sanayin mo lang ang iyong isip. Don't take things too personally.


NUMBER 3
'WAG MONG HANAPIN
ANG KALIGAYAHAN SA LABAS


Kung gusto mong mawala ang negatibong emosyon at negatibong pag-iisip mo, palitan mo ng kaligayahan. Nasa loob mo na ang kaligayahan. Wala sa labas. Hindi mo lang nakikita kasi nababalot ito ng kadiliman. Lahat tayo gustong lumigaya. Pero mali ang itinuturo ng lipunan sa atin. Sabi nila, magiging maligaya lang daw tayo kapag may marami tayong kaibigan, kapag mayaman na tayo, may maganda tayong trabaho. Oo masaya naman tayo sa mga bagay na 'yan. Pero pansamantala lang 'yan. Hindi 'yan magtatagal. Instead of trying to find happiness from outer circumstances, we should look inside ourselves. When understood and applied in the right way, it can lead you to a happy and content life. Positive thinking can help to create our happiness.


NUMBER 4
MAGPASALAMAT KA ARAW-ARAW


Notice the GOOD THINGS in your life and identify the things you are grateful for. Imposible naman kung walang mga kasiya-siyang bagay ang nangyari sa 'yo, 'di ba? Sino ba ang pasasalamatan mo? Siyempre ang Diyos. Always thank God for everything you are living and will be living. Remember this,

THANKING GOD IN EVERYTHING,
WILL GET YOU THROUGH ANYTHING

The reason why I want you to remember that phrase is because I want you to remember to focus on God and not your circumstances. 

If joy comes only in perfect circumstances we are in trouble, we're doomed to a life without joy.  'Yang mga kaligayahan na nakikita natin sa social media, hindi naman palagi silang masaya e. Hindi natin alam ang kanilang sitwasyon sa likod ng camera. Kaya 'wag kang maniwala na may mga taong walang problema. Lahat tayo ay may problema. The good news is God wants to bring joy into our lives regardless of circumstances and His joy is a source of strength.

Kung magpapaapekto ka sa mga pangyayari, siguradong mawawala ang iyong kagalakan. Kung hindi ka na nagagalak, siguradong manghihina ka. Kung mahina ka na, mawawalan ka ng kakayahang lumaban at kung hindi ka na lalaban, talo ka. Therefore it’s important to guard your joy regardless of circumstances. The more you understand joy the more you will live in the strength of our God. It’s a blessing you need to cherish and work on growing it. You will be able to see happiness in the little things you ignored before, and your heart will be filled with kindness and warmth again. It’s a great way to end your emotional negativity.


NUMBER 5
'WAG KANG UMASA
NA MAGING PERPEKTO ANG LAHAT


Hindi magiging perpekto ang sitwasyon. Lalo ka na. You don’t need to be perfect to live the kind of life you came here to live. You just need to be honest with yourself about what matters to you and then build the courage to create your life from that passionate base. Hindi mo na kailangan na maging perpekto para mahalin mo ang iyong sarili. May kalakasan ka at may kahinaan ka rin. That's what life is all about. It’s not about being without fault or failure, but how you rise and keep going anyway that leaves a positive impact on the world around you. Ganyan ang realidad. Minsan umuulan, minsan umaaraw. Regalo ng Diyos ang buhay, kahit ang dami mang nakakabaliw na sitwasyon na nangyayari sa atin. Life is perfectly imperfect, no matter what happens, because life is LIFE. It’s incredible that we’re here at all. We get sucked into perfection for one very simple reason: We believe perfection will protect us. Paano ka magiging masaya, paano matatanggal ang negatibo sa loob mo kung naghahangad ka ng ILUSYON? If we want to live and love with our whole hearts and engage in the world from a place of worthiness, our first step is practicing the courage it takes to own our stories and tell the truth about who we are.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177