Baguhin mo na ang Buhay mo By Brain Power 2177


Photo by Jenkin Shen:
https://www.pexels.com/photo/man-in-jacket-sitting-alone-by-white-table-15555362/


Kung ayaw mong magbago ang buhay mo, manghihina ka. Bakit? Nakakasawa ang pabalik-balik na routine. Ayaw mo ng pagbabago. Ayaw mong umunlad. Ang daming magagandang payo ng iba't-ibang mga life coach na hindi mo sinusunod. Alam mo ba kung bakit hindi mo sinusunod? Kasi takot ka. Bakit takot ka na maging iba? Takot ka bang magbago ng routine? Takot ka ba na baka hindi ka komportable sa bago mong gagawin? Change scares people. Individuals tend to find security in traditional approaches to life and situations. May 3 rason kung bakit ayaw nating magbago, kung bakit ayaw nating umalis sa nakasanayan nating buhay.

#1 REASON is TAKOT TAYO SA MAARING MANGYARI.

#2 REASON is TAKOT TAYONG MAWALAN. Iniisip mo kasi kung paano kung hindi mag wo-work ang bago mong ginagawa.

#3 REASON is MAHIRAP MAGBAGO. Kasi umabot pa ng ilang buwan o taon bago mo makita na may nagbago na.

Ito ang dahilan kung bakit umaayaw ka dahil nasanay ka na sa buhay mo ngayon. Dapat alam mo ang iyong buong potensyal. May potensyal ka e. Hindi mo lang nararamdaman kasi nakapokus ka lang sa nakasanayan mong buhay.

'Wag mong masyadong seryosohin ang walang kwentang bagay. Yun bang sa sobrang seryoso mo, halos lahat may kahulugan sa 'yo kahit wala naman talaga. Taking things personally is emotionally draining. 'Wag mong masyadong seryosohin kung ano man ang sinasabi ng ibang tao sa 'yo. Kung may nasabi man sila, ipinapakita lang nila kung anong klase silang tao. It really is not anyone’s business what people think of you. You should worry about what you think of yourself. Sa oras na wala ka ng paki sa sasabihin ng iba, makakaramdam ka ng kalayaan. Dapat kilalanin mo ng mabuti ang sarili mo at dapat alam mo ang tunay mong halaga. Kung kilala mo ang sarili mo, hindi ka madaling maaapektuhan. As I have said, it's not about you. It's almost always about them. 'Wag mo silang patulan. Tinitira ka nila dahil nasa itaas ka na. 'Wag kang bumaba sa kanilang lebel para lang makipagtalo sa kanila. Don't be part of that toxic problem. Take the high road, and let it wash off of you.

Kung halos araw-araw parang wala ka ng gana, ibig sabihin na y'ong landas na tinatahak mo ay hindi mo gusto. Does life just happen to you? Or do you make life happen? Imaginin mo lang na umuwi ka na galing sa trabaho at tinanong kita kung kumusta ang buong araw mo. Isa lang ang maisasagot mo, NAKAKAPAGOD. Parang hindi ikaw ang nagkokontrol sa buhay mo. You need to STOP and REFLECT. Huminto ka muna saglit. Para naman mapokus mo ang iyong atensyon. You can reflect on your life. What do you like? Are you enjoying what you are doing? What’s going on? Are you focused or distracted? Why? We are prisoners of our busy minds; STOPPING for a while sets yourself free. Being mindful is not difficult, remembering to be mindful is difficult. But when we remember to be mindful, we increase our happiness and energy.

Kung may galit ka mang kinimkim, bitawan mo na 'yan. Ang galit sa kalooban natin ay isa sa mga nakakapanghina sa atin. Bakit? Negatibong enerhiya ito na lumalamon sa buong utak mo. Ang gawin mo lang, alamin mo kung bakit ka galit? Ang dahilan ba ng galit mo ay makokontrol mo o hindi? O y'ong galit mo ba ay dahil sa taong hindi mo na makikita ulit? Gaya ng galit ka sa taong nakasalubong mo sa daan na hindi mo na makikita ulit. Importante kasing malaman kung bakit ka galit para madali mong ma-proseso ang iyong emosyon. Normal lang magalit pero hindi normal ang magkimkim nito. Kung galit ka sa isang tao, hanggang doon na lang. 'Wag mo ng dalhin pag-uwi sa bahay kasi wala naman ang taong 'yon sa bahay mo. Hindi mo na man siya nakikita, 'di ba? Para saan pa? Ikaw lang ang magdurusa sa sarili mong aksyon. Kung nagkimkim ka ng galit, hindi lang lakas ang hihigupin nito, pati ang emotional state mo ay maging toxic. Kahit medyo na-offend ka sa aksyon ng iba, siyempre natural lang naman 'yon, but my point is, try to take an empathic perspective rather than acting like a victim. Kontrolin mo ang galit mo bago ka lalamunin nito. You are the only person who is in control of your feelings.

Kung malinis na ang emosyon at memtalidad mo, 'wag mong kalimutang linisin ang iyong katawan. 'Wag kang kumain ng basura. Ang ibig kong sabihin, may mga pagkain kasi na masarap pero sisira ng iyong mental health. Masarap ang junk foods, 'di ba? Pero ang tanong, nakakatulong ba o nakakasira? Nakakasira ng ating kalusugan. Pati na sa utak natin. Healthy eating is essential for MEMORY, MOOD, and FOCUS — the brain uses more than 20% of our caloric needs. Hindi ako ang nagsabi niyan. Ang mga neurologist. Ang mga pagkain ay literal na gasolina sa ating utak. Kung healthy ang kinakain natin, healthy din ang ating utak. Ang daming pagkain na nakakasama sa utak natin, pagkain na may sobrang fats, sobra ang sugar, sobrang alat, at preservatives na nakakapinsala ng ating katawan. Pakiusap, ingatan mo ang iyong utak. Your brain is kind of a big deal. As the control center of your body, it’s in charge of keeping your heart beating and lungs breathing and allowing you to move, to feel and to think. That’s why it’s a good idea to keep your brain in peak working condition.

Kung healthy ang kinakain mo, hindi diyan nagtatapos, samahan mo rin ng sapat na pagtulog. Dahil sa sobrang busy na natin sa buhay, parang nakakalimutan na nating matulog. Sleep is absolutely essential to brain health, to your energy and to your physical health.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177