Mahalin mo ang Iyong Sarili By Brain Power 2177


Photo by Vinicius Wiesehofer:
https://www.pexels.com/photo/photo-of-woman-wearing-blue-zip-up-jacket-1090387/


Kung gusto mong ipakita ang pagmamahal mo sa iba, simulan mo munang pakitaan ng pagmamahal ang sarili mo. Paano ka makakapagbigay kung kulang ka? Bakit marami pa rin sa atin ang hindi nagmamahal sa sarili natin? Why do we ignore our own needs? Dahil sobrang abala na natin sa maraming bagay, napapabayaan na rin natin ang ating sarili. Heto na ang 10 PARAAN para maiparamdam mo sa 'yong sarili na mahal mo ito.


NUMBER 1
PURIHIN MO ANG IYONG SARILI


Kung walang pumupuri sa 'yo, bakit hindi mo gawin mismo sa sarili mo? You build yourself up. Compliment yourself! Focus on your GOOD QUALITIES and find a way to embrace every aspect of yourself. Now is the time to stop being SELF-CRITICAL and avoid engaging in NEGATIVE SELF-TALK. Be kind to yourself, engage in POSITIVE SELF-TALK, and focus on your STRENGTHS. It’s time to stop comparing yourself to other people and stop complaining, and start complimenting.


NUMBER 2
GAWIN MO KUNG ANO ANG GUSTO MO


'Wag mong sayangin ang bawat segundo ng iyong buhay kasi kahit anong oras, pwede kang mawala sa mundong ito. Kaya gawin mo kung ano ang gusto mo, kung ano ang nagpapasaya sa 'yo. If you do, you will feel a deeper sense of purpose. When you don’t love being where you are, you will feel disconnected, pessimistic, and make more mistakes. You will feel indifferent and not care as much. Bakit mas inuuna mo pa ang mga bagay na wala namang kabuluhan? Paano mo nasabing mahal mo ang iyong sarili kung wala kang oras na pasayahin ang sarili mo?


NUMBER 3
MATUTO KANG “HUMINDI”


Kung ayaw mo, ayaw mo. Hindi pwedeng umu-o ka dahil takot ka na baka magalit ang iba. Live your life for you not for anyone else. Don’t let the fear of being judged stop you from being yourself. Mahalaga ba na pini-please mo ang ibang tao? Sa tingin mo ba ay mapi-please mo silang lahat? Alamin mo ang iyong halaga. Dapat alam mo rin na ang iyong opinyon ay mahalaga rin. If you live your life depending on other people’s approval, you will never feel free and you will never be truly happy. Isa lang din ang ibig sabihin niyan, hindi mo mahal ang sarili mo. Learning to say NO has been one of the best things I have done for myself. Not only has it challenged me to overcome my fear of rejection, it has helped me feel in control. At gusto ko ring 'yan ang mararamdaman mo.


NUMBER 4
MAGPOKUS KA SA KALAKASAN MO


Natural na ito sa mga tao. Palagi nating iniisip ang kahinaan natin. Nakakalimutan na natin ang kalakasan natin. Sabi ni Bob Marley,

“You never know how strong you are
until being strong is your only choice.”

Wala namang tao na kaya niya ang lahat ng bagay. Pero lahat ng tao ay may kakayahan sa isang bagay. Nakuha mo ba ang punto? Everybody has their strengths and weaknesses in all areas of life. Mas mabuti kung alam mo kung saan ka mas mahusay. Alam mo naman siguro kung saan ka magaling, 'di ba? Ngunit kung minsan ay mahirap tukuyin kung ano ang ang mga tunay na lakas mo


NUMBER 5
MAGPATULONG KA


Magpatulong ka kung nahihirapan ka na at tanggapin mo ang tulong kung may tumulong man. Alam ko na sasabihin mo na,

“KAYA KO NAMAN E.”

Tao ka lang. Napapagod ka din. Nabibigatan. Don't trap yourself into shouldering every responsibility that comes your way. Totoo na darating ang oras na hindi mo makakaya ang ginagawa mo.


NUMBER 6
'WAG KANG MAG-ALALA NG SOBRA


Lahat naman tayo ay nag-aalala, natatakot, nai-stress, pero kailangan nating bitawan ito. Sa totoo lang, ang sobrang pag-aalala ay nagdudulot ng sakit. Physical illness. Sasakit ang ulo natin, minsan sumasakit ang tiyan at maninikip ang ating lalamunan. Mararamdaman mo rin ang sobrang pagod kahit sakto naman ang tulog mo. Hindi ka makakapag concentrate ng maayos. Bumibilis ang pintig ng iyong puso. Tukuyin mo kung ano ang makokontrol mo at kung ano ang hindi mo makokontrol. Kasi minsan, y'ong mga bagay na pinag-aalala natin ay wala naman sa ating kontrol. Masasayang lang ang oras natin. Ang dami nating WHAT IFs na naiisip. Isipin mo lang kung ano ang makokontrol mo. This can help you be more proactive when there is something you can do. Plus, this mindset can help release your worry when you discover there’s nothing you need to do about the situation.


NUMBER 7
'WAG MONG i-DOWN ANG SARILI MO


'Yan pa lang kitang kita na kung mahal mo ba ang sarili mo. Putting yourself down can be damaging to your self-esteem and self-confidence. Bakit mo ba dina-down ang sarili mo? Siguro nakaramdam ka ng pagka-insecure sa sarili mo, o naniniwala ka na wala kang kwenta.

'Yan pa lang, ipinapakita mo na hindi mo mahal ang iyong sarili kasi sinasaktan mo e. Binubully mo ang sarili mo. To build your self-esteem, it’s important to talk about yourself in a healthy manner. Believe you are worthy and quit the self-bullying. Treat yourself as you would to a good friend and respect yourself. Replace negative words with positive words.


NUMBER 8
MAG RELAX KA


Isa ito sa mga paraan na maipakita mo na mahal mo ang iyong sarili. Lumayo ka muna sa maingay na mundo. Gumugol ka ng oras ng mag-isa. Pwede ka ring matulog saglit, lalo na kung pagod na pagod ka na. It can help you recharge, which will in effect make you feel much more energised. Slowing your breathing down is one way of ensuring your body is relaxed. The moment you breathe in deeply, it sends a message to the brain to relax. This then immediately slows an increased heart rate and blood pressure. It also reduces the production of stress hormones. Kapag gawin mo ito, siguradong kakalma ka.


NUMBER 9
NGUMITI KA


Ngumiti ka dahil mahal mo ang sarili mo, 'di ba? SMILING IS SO POWERFUL. Smiling is good for your health in a number of ways. It can REDUCE STRESS, HELP HEART HEALTH, LOWER BLOOD PRESSURE, and BOOST YOUR IMMUNE SYSTEM by DECREASING CORTISOL in the body. A simple smile, prompts the brain to produce endorphins and serotonin, causing positive emotions.


NUMBER 10
MAHAL KITA


Pwede bang sabihin mo 'yan sa sarili mo? MAHAL KITA. Gusto mong sabihin 'yan sa iba pero sa sarili mo, hindi mo magawa? Bakit? Hindi mo ba nasabi dahil wala kang nakikitang kagandahan sa sarili mo o sa anyo mo? The reason why I want you to say “I LOVE YOU” to yourself is because YOU DESERVE IT. You are a MASTERPIECE. Not only are you great, you are great just the way you are. You have likely accomplished a lot in your life and you deserve love. So, why not leave yourself an “I love you” note as a reminder?




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177