5 Senyales na Kailangan mo ng Baguhin ang Iyong Buhay By Brain Power 2177


Photo by Kindel Media:
https://www.pexels.com/photo/a-stressed-man-massaging-his-temple-7298615/


Kung hindi ka pa bumitaw sa nakaraan mo, kung hindi mo pa pinatawad ang sarili mo, kung hindi mo pa pinatawad ang buong sitwasyon, kung hindi mo pa tanggap na tapos na ang lahat ng nangyari, hinding hindi ka makakaabante.

Lahat naman tayo ay gustong mapabuti ang ating buhay. Ginagawa natin ang lahat para umayos ang buhay natin. Nagnanais tayo ng pagbabago, ngunit kapag tayo ay nahaharap sa pagbabago, umaayaw na tayo.

Gayunpaman, kung naghahangad ka ng pagbabago, kailangan mo munang bitawan ang nakaraan mo upang masimulan mo ang iyong hinaharap. Heto na ang 5 SENYALES na kailangan mong baguhin ang iyong buhay.


NUMBER 1
KUNG NAGSASAWA KA NA


Kung sa palagay mo ay nagsasawa ka na sa pabalik-balik na routine mo, 'yan na ang senyales na magbago ka na ng direksyon. Yun bang pakiramdam mo na parang patay na ang passion mo. Senyales na 'yan. Siyempre hindi naman palaging smooth ang takbo ng buhay. Pero hindi rin ibig sabihin na palagi na lang pagsasawa ang nararamdaman mo. Kung hindi mo gusto ang buhay na natatamasa mo ngayon, magsimula ka ng panibagong buhay at subukan mong tahakin ang ibang landas. Walang masama kung magbabago ka o may babaguhin ka.

There has to be a DRIVE and a PASSION to fuel yourself. Kasi kung kulang ka ng drive, kung kulang ka ng passion, matataob ka sa mga pagsubok sa buhay. I want you to think more about what you are passionate about.

Alam kong may potensyal ka pang nakatago. May maibubuga ka pa. Paano mo mabubuga 'yon kung parehong routine lang ang ginawa mo? Shifting your area of focus in a career or learning how to do things differently can have huge benefits to your own personal goals as well as your mental health. 'Wag kang matakot na may magsabi sa 'yo na nagbabago ka na, oo tama sila, nagbabago ka dahil para ito sa ikakaunlad mo. Don't let them control HOW YOU LIVE. You control your OWN life.


NUMBER 2
AYAW MO NG MAKIHALUBILO
SA MGA TAO


Isa ito sa mga senyales na kailangan mo ng baguhin ang sarili mo. Everyone needs social connections to survive and thrive. Pero hindi ko naman sinasabi na hindi masaya mag-isa. Depende kasi ito sa mga tao. Kung mahilig kang mag-isa, masaya ka. Kung ikaw y'ong tao na hindi sanay mag-isa, madali kang matamaan ng pagkalumbay. Kung pagod ka ng makihalubilo sa mga tao, siguro nawala na ang tiwala mo. Pero gusto kong malaman mo, na may mga positibong tao rin sa mundo. Just open your heart, so you can see the loving people.

Kahit sabihin na nating introvert ka, kailangan mo pa rin ng social interaction. Nilalang tayo para makipag-ugnayan sa isa't-isa. Hindi para magtago. Kung patuloy mong hiniwalay ang iyong sarili mula sa mga tao, siguro ay umiiwas ka lang dahil wala ka ng tiwala sa mga tao. Pero dapat kilalanin mo muna kung sino ang mga taong 'yon. Isolating yourself might feel easier, but it definitely will hinder your opportunities in life and make you feel depressed due to lack of interaction and stimulation from others. Kaya dapat balanse lang sa oras. Hindi pwedeng ikulong mo ang sarili mo. Nasa labas ka nga pero parang nakakulong ang iyong damdamin.


NUMBER 3
PAGOD KA NA


Kapag nakakaramdam ka na ng pagod sa mga pinagagawa mo, ibig sabihin na hindi mo na mahal ang ginagawa mo. Natural lang naman mapagod. Everyone gets to a point where exhaustion takes over the will to live. But since a lot of people don’t openly accept this part of their life, others feel like they’re the only ones who are going through a constant low. Kailangan mong suriing mabuti kung pagod na pagod ka na ba o pagod ka lang sa araw na ito? Madali lang malaman kung pagod na pagod ka na kasi hindi ka na interasado sa mga gawain mo. Parang nararamdaman mo na wala ng kabuluhan ang lahat. Hindi ka na excited sa mga bagay na kinahihiligan mo dati. Para bang bigat na lang ang nararamdaman mo. Kung 'yan ang nararamdaman mo, ibig sabihin pagod na pagod ka na talaga at kailangan mong baguhin ang takbo ng iyong buhay.

Alam kong may gusto kang gawing kakaiba. Give yourself time to figure out the aspects of life that come to your mind when you think about the ‘ideal’ lifestyle. Kasi isipin mo, hindi ka naman pinanganak na pagod na kaagad, 'di ba? Napakasaya mo noon hanggang sa dumating ang panahon na nawawala na ang iyong pagkasabik. Isipin mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo. Think of the times when you lived your life to the fullest. Think about the hobbies and activities you had at this time. Siguro napapagod ka dahil may nawala sa buhay mo. Kung tao man 'yang nawala, hindi mo kasalanan 'yon. Siya ang pumili na bumitaw. Hindi mo makokontrol ang mga sitwasyong 'yan. Kung napapagod ka na sa buhay, hindi mo dapat ito binalewala. Pay attention to your mental health, work hard for your happiness, and stay enthusiastic about the life that you’ve been gifted!


NUMBER 4
WALA NG PAGLILIBANG


Yun bang kain-tulog-trabaho na lang ang routine mo, wala ng oras para sa katuwaan. Kung 'yan na ang buhay mo, baguhin mo na. Hindi porket adulto ka na ay hindi ka na rin pwedeng maglibang. Fun and play should not end in childhood. Adults can play, and should play, and have fun. In fact, there are studies that show the many benefits of playing for adults, which include increased CREATIVITY, PRODUCTIVITY, and FEELINGS OF WELL-BEING. Hindi ko sinasabi na laruin mo ang mga larong pambata. Ibig kong sabihin ay may maraming laro na pwedeng pwede sa edad natin. Decide what FUN means for you.


NUMBER 5
NAGTATAGO KA NA


Ang ibig kong sabihin ay tinatago mo ang tunay mong pagkatao. Kung ganyan ka na, oras na para magbago. Wala kang dapat itago. Wala kang dapat ikahiya. 'Wag mong pekein ang sarili mo para lang matanggap ka. Oo minahal ka nga nila, pero ang pekeng pagkatao mo naman. Paano kung ilabas mo ang totoo mong kulay, lahat sila ay mabibigla. Kaya ngayon pa lang, lumabas ka sa lungga mo. Give yourself permission to be authentic. Kung bakla ka o tomboy ka, mag out ka na. Harapin mo ang takot ng panghuhusga. Para kang masasakal kung hindi mo mailabas ang pagkatao mo. BE SIMPLY YOURSELF and DON'T COMPARE and DON'T COMPETE.

Integrity is really just being truthful about who you are. Just be yourself, exactly as you are.

Alagaan mo ang iyong mental at pisikal na kalusugan. Kapag binalewala mo ang 5 senyales na ito, mahuhulog ito sa depresyon. Kung nakapag desisyon ka ng magbago, dahan-dahan lang. Di baleng mabagal basta't inumpisahan mo lang. Don’t keep doing the same old things and expect life to change. You need to shake things up to make life interesting. If you hide away from the world, you will miss out on all that is bright and beautiful and wonderful.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177