10 Things You Need To Stop Wasting Time On By Brain Power 2177

Huwag mong sayangin ang iyong oras sa mga bagay na ito Photo by Anastasiya Vragova: https://www.pexels.com/photo/an-alarm-clock-on-bedside-near-a-sleeping-woman-8346006/ Kung ang kakilala mo ay lalapit sa 'yo at manghingi ng P100, siguro ayaw mong magbigay. O kung magbigay ka man, hindi naman bukal sa puso. Paano kung may isa kang kakilala na inimbitahan kang sumama sa kanilang bonding moment, siyempre tuwang-tuwa ka. Kahit gaano ka pa ka-busy, bahala na, 'di ba? Balik nga tayo sa halimbawa, sa unang halimbawa, ayaw mong magbigay ng P100. Sa pangalawang halimbawa, tuwang-tuwa kang ibinigay ang iyong oras kahit may ginagawa ka pa. Tandaan mo, makikita mo ulit ang pera pero ang oras na nawala ay hindi mo na ma-recover. Ganyan naman tayo, 'di ba? Nagi-guilty tayo dahil bumili tayo ng mga kagamitan tapos nagsasawa rin naman tayo. Pero bakit hindi tayo nagi-guilty na nagsasayang tayo ng oras sa kaka-scroll sa ating Social Media feeds kahit wala namang importante sa tinitignan na...