10 Things You Need To Stop Wasting Time On By Brain Power 2177


Photo by Anastasiya Vragova:
https://www.pexels.com/photo/an-alarm-clock-on-bedside-near-a-sleeping-woman-8346006/


Kung ang kakilala mo ay lalapit sa 'yo at manghingi ng P100, siguro ayaw mong magbigay. O kung magbigay ka man, hindi naman bukal sa puso. Paano kung may isa kang kakilala na inimbitahan kang sumama sa kanilang bonding moment, siyempre tuwang-tuwa ka. Kahit gaano ka pa ka-busy, bahala na, 'di ba? Balik nga tayo sa halimbawa, sa unang halimbawa, ayaw mong magbigay ng P100. Sa pangalawang halimbawa, tuwang-tuwa kang ibinigay ang iyong oras kahit may ginagawa ka pa. Tandaan mo, makikita mo ulit ang pera pero ang oras na nawala ay hindi mo na ma-recover. Ganyan naman tayo, 'di ba? Nagi-guilty tayo dahil bumili tayo ng mga kagamitan tapos nagsasawa rin naman tayo. Pero bakit hindi tayo nagi-guilty na nagsasayang tayo ng oras sa kaka-scroll sa ating Social Media feeds kahit wala namang importante sa tinitignan natin? Para sa karamihan, ang pera daw ay greatest asset nila. But the reality is your greatest asset is TIME. It doesn't matter how much money you have if you have no time to enjoy it. You will never be able to take your money with you when you finally run out of time. Paano ba natin malalaman kung nagsasayang ba tayo ng oras? Madali lang naman. Kung namumuhay ka araw-araw na walang goal, ang tagal mong gumising, tinatamad ka, nagmamadali kang pumasok sa trabahong hindi mo naman gusto, nagrereklamo ka dahil sa isa mo pang kasamahan, umuwi ka ng bahay na sobrang pagod, nagbubukas ka ng TV o gumagamit ka ng phone hanggang sa mapuyat, you are WASTING YOUR TIME.


NUMBER 1
SOCIAL MEDIA


Hindi naman hindi na pwedeng magbukas ng social media. Pero dapat limitado lang ang paggamit mo dito. Kung sumobra na kasi, doon na maaapektuhan ang iyong mental health. But nothing can ruin you unless you give it enough power to do so. Lilinawin ko lang, hindi ako against sa social media. Ginagamit ko pa nga e para maibahagi ko ang videos at articles ko dito. Social media can be useful too for people. Maraming kumikita dito. Pero ang ibang mga tao, sobrang nagsasayang ng oras dito at nagpupuyat pa sila. Many mental health problems are starting from this. But like I said, it cannot harm you if you don't give enough power and time to it. Real talk lang, kung gumagamit ka ng social media para lang sa wala, nagsasayang ka lang ng oras. Sa totoo lang, ang daming peke sa social media. Halos lahat nagsisimulang magkomparahan. "napakaganda niya" "napakagwapo niya" "napakayaman niya" "napakadami niyang followers" "napakadami niyang views" doon ka na nasasaktan. Nasayang pa ang oras mo, nasasaktan ka pa. It shouldn't be like that. You don't need to compare yourself with others. Kasi hindi ka naman magiging sila. Hindi rin sila magiging ikaw. Real talk, mostly everyone on social media is pretending to have a perfect life and perfect person but believe me they are NOT. Stop spending so much time in front of a screen. Look for other ways to stimulate your mind. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa mga bagay na hindi naman nakakatulong sa 'yo.


NUMBER 2
PUNO NG PAGSISISI


Alam ko na may mga nagawa tayong mga pagkakamali na sobrang hindi nakakatuwa. Nagsisisi tayo kung bakit natin nagawa 'yon. Pero 'wag na nating paglaanan ng oras ang mga bagay na nangyari na. Remember, every day is another chance to change your life. Nang dahil sa ating pagkakamali, doon tayo natututo. It might be a lesson that helps you be more effective and happier in the future, or it could be a new possibility you never even thought to seek. Ang punto ko lang naman ay makakabitaw ka rin sa nakaraan mo at maka-move on ka rin. Tigilan mo na ang kakaisip na sana'y hindi mo nasabi 'yon, na sana'y hindi mo ginawa 'yon. Masasayang lang ang oras mo dahil hindi mo naman 'yon mababalikan. I tend to avoid replaying the past over and over because I have a more pressing concern. And what is that? LIVING IN THE MOMENT. Isipin mo nga ng mabuti, kahit ano pa ang gagawin mo, walang makakapagpabago sa nakaraan. Mas mabuti pang magpokus ka sa araw na ito para mas mahuhulma nito ang iyong kinabukasan. Make each decision with the fullness of heart and mind. Mistakes are lessons learned; they're not meant to be regrets.


NUMBER 3
NABABAHALA SA INIISIP NG IBA


'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kakaisip kung ano ang iniisip ng iba tungkol sa 'yo. This makes you take too much time to make every decision. You are busy thinking about how every decision is going to make someone else feel. Pwede bang paglaanan mo naman ng oras kung ano ang gusto mong gawin sa buhay? Do what makes you happy. Simple lang naman tanggalin ang pakialam mo sa kanila. Itanong mo lang ito sa sarili mo:

"Sila ba ang nagbabayad ng mga bills ko?"
"Sila ba ang nagpapakain sa 'kin?"
"Sila ba ang bumibili ng mga damit ko?"
"Sila ba ang nag-aalaga sa 'kin?"

Kung HINDI lahat ng sagot mo, bakit ka pa natatakot kung anong gawin mo sa buhay? Wala naman silang kinalaman o pakialam sa mga desisyon mo e. Gawin mo lang ang gusto mo basta't hindi ka lang gagawa ng mga bagay na madadamay sila. Oo nakatingin sila sa 'yo and your responsibility is to show them what you want to show, not what they want to watch. Live your life how you want. Kung hindi sila natutuwa sa mga pinagagawa mo sa buhay, ibig sabihin, disappointed sila sa kanilang buhay. Nagre-reflect 'yan e. Hindi kasi sila masaya sa buhay nila kaya ipinapasa nila ang sumpang 'yon. May nakikita ka bang successful at masiyahing tao na nang criticize sa ibang tao? Malabong mangyari 'yon. What someone says about you when they are unhappy with themselves is more about them than it is about you. 'Wag kang gumawa ng desisyon dahil sa mga sinasabi nila sa 'yo. Gumawa ka ng desisyon dahil 'yon ang sabi ng puso't isip mo. Most of all, I am a deeply flawed person. I have a lot of work to do and as such I have no time to waste.


NUMBER 4
MANG TSISMIS


Sobra itong nakakasayang ng oras mo. Naaalala ko pa noon noong ako'y nagtatrabaho pa, halos lahat ng kasamahan ko ay gumugol ng panahon sa pangtsitsismis. Kung gusto mong matapos ng maayos ang trabaho mo, 'wag mong ipasok ang katoxican sa ulo mo. Isang masamang gawain ito. Bakit? Ang taong sinisiraan mo ay walang magawa para linisin ang pangalan niya dahil sinira mo siya ng patalikod ng hindi niya nalalaman. Habang naglalakad ang taong 'yon, hindi niya alam na sirang-sira na pala siya. Hindi ka ba nakonsensya? Kahit pa totoo ang tsismis na 'yon, nobody has the right to violate someone's privacy. Tapos ang taong nagkalat ng tsismis ay tuwang-tuwa pa dahil sentro siya ng atensyon, pero ang hindi alam ng mga tsismosa, lalayuan sila ng mga tao dahil kung nagawa nilang siraan ang isang tao, siguradong sisiraan rin nila ang iba. Kaya kung ikaw ay tsismosa, tigilan mo na ang habit na ito. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakapulot ng baho ng iba. May sariling buhay ka, 'di ba? Alam naman natin na ang oras ang pinakamahalagang resource sa ating buhay. So understand the VALUE OF TIME. Hanapin mo ang tunay mong layunin. Think about ways to accomplish your purpose. Work on them sincerely. Don't think about anything other than your goal.

NUMBER 5
NAKAPOKUS SA NEGATIBO


'Wag mong sayangin ang iyong oras sa kakapokus sa mga negatibong bagay. Ang daming mga WHAT IFS sa isipan mo. Alam ko 'yan dahil nanggaling na ako diyan. Mas marami pa tayong naiisip na negatibo kaysa sa positibo. Isipin mo nga ng mabuti, 'yan bang mga iniisip mong negatibo ay magma-matter ba 'yan sa susunod na linggo? Sa susunod na buwan? Kung hindi, bumitaw ka na. Ito ang technique ko kung nag-iisip ako ng negatibo. Masasayang lang ang ating oras. Channel your energy into something positive. Ang daming bagay na makakapag-angat ng ating kalooban. Yung iba ay nag gi-gym. Ako ay nagsusulat. Pero hindi ko naman sinasabi na masama ang mga WHAT IFS, minsan nakakatulong pa nga para tayo'y makapaghanda sa maaaring mangyari. But spending too much time worrying about what could go wrong might also not be productive. It could adversely affect one’s emotions and could even discourage them from taking any action. Kaya dapat limitado lang ang pag-iisip mo ng worst case scenario. Mag-isip ka man ng negatibong bagay o hindi, may mangyayari naman talagang negatibo e. Hindi natin 'yan maiiwasan. Kaya tama na, okay?


NUMBER 6
NAKAPOKUS KA SA RESULTA


Nagsasayang ka lang ng oras kung nakapokus ka lang sa resulta ng mga ginagawa mo. Magiging miserable pa ang buhay mo. Pwede bang magpokus ka muna sa proseso? Noong bago pa ako sa YouTube, siyempre gusto ko rin naman dumami ang mga subscribers ko pero hindi ako nakapokus kung paano padamihin ang subscribers. Nagpokus ako sa ginagawa ko. Nagpokus ako kung paano magsalita ng maayos sa harap ng camera. I focused entirely on the process. Nagpokus ako sa pagsusulat. Wala akong pakialam kung gaano kagaling mag motivate ang ibang tao dito sa YouTube. Sulat lang ako ng sulat. Basa lang ako ng basa ng libro para may maibahagi sa inyo. Wala akong pakialam kung may manonood ba o wala. Ito lang ang tandaan mo, hindi mo kontrolado ang resulta. Kung sa resulta ka lang nakapokus, masasayang lang ang iyong oras at lakas. Ito ang dahilan kung bakit walang nakamit ang iba. Napapagod na sila sa kakaayos ng buhay nila. Nakapokus sila sa maling priority. But when you choose to focus on the process — your attitude, your actions, your mindset — you shift your focus onto the things you can control. At diyan magsisimulang magbago ang iyong buhay.


NUMBER 7
UMIWAS SA PROBLEMA


Bakit sayang ang oras kung palagi kang umiwas sa problema? Kasi hindi naman mawawala ang problema kapag iniiwasan mo lang. Balang araw aayusin mo rin 'yan. Ngayon mo na lang ayusin para wala na. You cannot achieve everything you want and create the lifestyle you wish for unless you stop avoiding facing your problems in life. Lahat naman tayo ay may problema. Kung wala kang problema, ibig sabihin hindi ka naggo-grow or hindi ka pa lumalabas sa iyong comfort zone. 'Yan ang kagandahan ng problema, malalaman mo kung may pagbabago bang nangyayari sa buhay mo. Bakit mahilig umiwas ng problema ang ibang tao? Kasi takot silang mai-stress pa lalo. Hindi kasi nila alam kung paano solusyonan ang problema. O may tinatakasan lang silang tao. O iniisip nila na baka matalo sila sa problema nila. O umaasa na lang sila na kusang mawawala ang problema. Pero hindi mo ba alam, na sa kakaiwas mo sa iyong problema, mawawala ang iyong confidence. Maaapektuhan ang iyong mental, emosyonal at pisikal na kalusugan. Nagkukunwari ka na lang na masaya. Gusto mo bang mangyari 'yan sa 'yo? Siyempre hindi. Kaya tanggapin mo na may problema ka at solusyonan mo 'yon ngayon. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakatakbo.


NUMBER 8
MAGPA-IMPRESS


Isa ito sa mga nakakasira ng ating buhay. Nakakasayang din ng oras. Kung nasa job interview ka, siyempre kailangan mong magpa impress. Kung sa oras ng pagdi-date, dapat magpa impress ka. Pero sa totoong buhay kung magpa impress ka? Nagsasayang ka lang ng oras. Kasi una sa lahat, may kanya kanya tayong ginagawa sa buhay. Hindi ka interesado sa buhay ko. At gan'on din ako sa buhay mo. As a matter of fact, that's the situation in which TRYING TO IMPRESS is often really annoying, because it takes up time, and you don't want to be rude, so you smile politely, and in the meantime you are LESS than impressed with the person holding you up. Pangalawa, gusto ka talaga ng mga tao o pwedeng hindi ka rin nila gusto. Kung talagang gusto ka nila, hindi na kailangang magpa impress. At kung hindi ka nila gusto, nagsasayang ka lang ng oras sa kaka-impress sa kanila kasi wala naman silang pakialam sa 'yo. Trying to impress people works counterproductive. Just be yourself, okay?


NUMBER 9
SOBRANG KANG NAG-AALALA


Sa Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus at mababasa natin sa Mateo 6:25 ang kanyang sinabi,


Pero normal lang na mabalisa paminsan-minsan ang di-sakdal na mga taong nabubuhay sa sanlibutang ito ni Satanas, pero itinuro ni Jesus sa ating lahat na iwasan ang sobrang pagkabalisa. Bakit? Dahil ang di-kinakailangang pagkabalisa, kahit sa ating pang-araw-araw na pangangailangan, ay makagagambala sa atin na unahin muna ang Kaharian. Basahin natin ang Mateo 6:33,



NUMBER 10
NAGHIHINTAY NG TIMING


May mga tao kasing naniniwala na itinadhana silang magtagumpay, hinihintay na lang daw nila ang tamang panahon. Sa kakahintay ng tamang pagkakataon, ang pagkakataon ay dumaan na sa kanilang harapan. Wala silang nagawa sa buhay. Noong nakaraang taon, plano nilang kamtin ang goal nila ngayong taon. Ngayon malapit ng matapos ang taon, wala pa silang naumpisahan. 'Yan ang mangyayari sa buhay mo kung hintay ka lang ng hintay. Masasayang talaga ang oras mo. Naniniwala kasi ako na walang nakakaalam sa tamang pagkakataon. Ano ba 'yon, may senyales ba? I believe that there is only NOW. Whatever moment you choose, if things work out, it will always remain in your memory as the perfect moment. Hindi pa naman huli ang lahat. Pwede ka pang magsimula ngayon. Remember this, the less time you waste on struggle, the more time you gain enjoying life.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177