10 Reasons Why You Are Not Happy By Brain Power 2177


Photo by Pixabay:
https://www.pexels.com/photo/portrait-of-a-young-woman-in-forest-326603/


Ayon kay Jim Rohn,


Karamihan sa mga tao ngayon ay hindi masaya sa buhay nila. Marami ang tumatawa, marami ang ngumingiti, pero totoo bang masaya sila? Ikaw, masaya ka ba? May asawa ka man, buo pa ang pamilya mo, may maayos kang trabaho, pero parang may kulang pa rin sa buhay mo. Nararamdaman mo 'yon, 'di ba? Bakit kaya?


NUMBER 1
SOBRA KANG NAG-AALALA


Dahil sa sobrang pag-aalala mo, hindi ka na masaya sa buhay. Maaaring ang kinabukasan ang isa sa pinakanakababalisang mga bagay para sa isang tao. Nag-aalala ka tungkol sa 'yong sarili. Dapat na ba akong bumukod? Dapat ba talaga akong mag-aral? Dapat na ba akong mag-asawa? Napakarami mong pagpipilian anupat ito’y nakakatakot.

Maraming tao ang nag-aalala, at sa iba’t ibang kadahilanan. Tandaan mo, kahit anong pag-aalala mo, hindi mawawala ang problema. Ang mga PROBLEMA​ ay BAHAGI NA NG ATING BUHAY. Maganda sana kung makapamumuhay tayo nang walang mga ĂĄlalahanĂ­n, 'di ba?. Pero hindi mangyayari 'yon. Gayunman, sinasabi ng Bibliya, sa Job 14:1,


Samakatuwid bahagi na ng buhay ang mga problema​ at bahagi rin ang mga pagkabahala na kaagapay ng ating mga problema. Subalit kung hahayaan mong mangibabaw ang mga pagkabahala at mga kabalisahan sa 'yong pag-iisip, mapipinsala mo nang husto ang iyong sarili. Ang Kawikaan 12:25 ay nagbababala,


Ang isang paraan upang maiwasan ang di-kinakailangang pag-aalala ay supilin ang iyo mismong paggawi. Tandaan mo, hindi lahat ng iyong problema ay maaaring maging napakaliwanag o napakadaling lutasin.

From my personal experience, meditation has helped me. I don't mean to get spiritual on you but the ability to calm your thoughts is the key to many awakenings in personal development. Sobra kasi akong mag analyze noon. Sobra rin akong mag-alala. Kahit maliliit na bagay, iniisip ko 'yon. My mind loves to circle around issues over and over again. Hindi ko pa nga alam kung ano ang magiging resulta, nakikita na ng utak ko ang posibleng mangyari. Lumilikha lang ng anxiety. This can be draining at times, especially when your thinking processes take you to undesirable and frustrating conclusions. Biktima talaga ako ng ganitong kaisipan. So meditation helped me with mental focus. Hindi naman ako master sa ganitong bagay. Pero nakakatulong ito sa akin. I simply finding pause in my day to focus on one thing. And one thing only. Subukan mong mag meditate. Pumikit ka at dahan-dahan kang mag inhale at exhale. Nakakagaan ito ng loob. Pero alam mo, ang mga taong hindi masaya ay yung mga taong bukas ang kaisipan. Kasi kung wala kang masyadong alam, hindi ka masasaktan, hindi ka malulungkot. Kung malawak kasi ang kaalaman mo, doon na papasok ang pag-oover-analyze mo kasi may alam ka e. Naririnig mo na ba ang kasabihang, ‘Ignorance is bliss’. Totoo naman, 'di ba? Kung wala kang masyadong nalalaman, wala ka ring pakialam, at kung wala kang pakialam, siyempre masaya ka. Kung over-analyzer ka, mamili ka na lang ng topic na pwede mong analisahin. Use your over-analyzing skills to your benefit. Pero hindi naman masama ang mag analyze ng mga bagay-bagay. May good side naman 'yon. If you over-analyze everything then you can see all angles, you can see all possibilities, all potential problems. Pero ang katotohanan, nakakapagod mag over analyze. Kaya sabi ko nga kanina, mamili ka na lang kung ano ang paglaanan mo ng oras sa kakaisip. Kasi kung sa jowa ka na lang nag over-analyze, walang kwenta. Sayang lang ang oras. Mas mabuti pang mag analyze ka tungkol sa entrance exam mo, o sa job interview, kung kailan ang kasal mo, o saan ka bibili ng bahay at lupa. Mas mabuti pang 'yan ang analisahin mo, mas makakatulong pa 'yan sa 'yo.


NUMBER 2
KOMPARAHAN SA BUHAY


Kung ikokompara mo ang buhay mo ngayon sa buhay mo kahapon, mas lalo kang mag-iimprove. Pero kung ikokompara mo ang buhay mo sa buhay ng ibang tao, hindi ka makokontento. At hindi ka magiging masaya. Para saan pa ang pagkokompara e hindi naman tayo pareho ng pangyayari sa buhay. Everyone starts at his own point in life and has their own journey towards success. Lalo na ngayon na umusbong na ang social media, marami tayong nakikitang nakakainggit na pangyayari. Dito na mabubuo ang komparahan. Minsan masaya tayo dahil lamang tayo sa iba. Minsan nalulungkot tayo dahil mas malakas sila, mas mayaman, mas magaling kaysa sa atin. Hindi maganda ang magiging epekto ng komparahan. Maging dahilan din ito ng pag-iinggitan at kompetisyon.​ Kaya mas mabuti pang 'wag mo ng i-follow ang mga taong kinaiinggitan mo. I-follow mo na lang yung mga taong nag mo-motivate sa 'yo. Ang daming motivational speakers sa Facebook at YouTube. I-follow mo sila. Fill your news feed with positivity. And also, spend more time thinking about yourself. Kung palagi ka na lang nakapokus sa mga nakamit ng iba, siguradong malulungkot ka. Lalo na kung hindi mo pa alam kung anong gagawin mo sa buhay tapos sila nakukuha na nila ang kanilang kagustuhan, madidismaya ka talaga sa buhay. Try to take some time to think about what you want to achieve. Ano ba ang gusto mong mangyari sa kinabukasan mo? How do you want to grow? What kinds of activities do you want to engage in? Little by little, you'll start to make it more about you and LESS ABOUT THEM.

Tingnan mo ang iyong sarili gaya ng pagtingin sa 'yo ng Diyos. Matutulungan ka nito na pahalagahan ang iyong sarili. Sinusukat ng Diyos ang iyong halaga, hindi sa pamamagitan ng paghahambing sa 'yo sa iba, kundi sa pamamagitan ng pag-alam sa laman ng iyong puso​. Sinusuri Niya ang iyong kaisipan, damdamin, at mga intensiyon. Inuunawa ng Diyos ang iyong mga limitasyon at gusto Niyang tanggapin mo ang mga ito. Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, puwede kang maging mayabang o di-kontento. Kaya maging mahinhin, o mapagpakumbaba, at tanggapin mo na hindi ka magiging angat sa lahat ng bagay.​


NUMBER 3
SOBRANG TAAS NG EXPECTATIONS MO


Lahat naman tayo ay may expectations sa ating sarili at sa ibang tao. May mga taong magme-message sa akin, hihingi ng advice at umaasang maayos ko ang problema nila. Ako naman, nagbibigay ng advice at umaasa na gagawin nila 'yon. Kita mo na ang cycle, 'di ba? Pero ang tanong, makakatulong ba sa atin ang sobrang taas ng expectations? HINDI. Madi-disappoint ako kung hindi nila ina-apply sa kanilang buhay ang advice ko na sila naman ang humihingi. Madi-disappoint din sila kung hindi ko nabasa at hindi ako nagre-reply dahil sa dami ng message o hindi ako magaling mag advice. Kita mo naman ang pattern, 'di ba? Nakakadismaya ang sobrang pag-eexpect. Kaya binago ko na ang takbo ng isipan ko. Simpleng halimbawa lang, ini-expect ko na darating ang kaibigan ko ngayong alas 7. Siyempre kung hindi siya darating sa oras na inaasahan ko, magagalit ako. Ma-disappoint ako. Kaya ang alternative expectations ko ay hinati ko sa 3.

1. Darating ang kaibigan ko ng mas maaga pa sa inaasahan ko.
2. Darating ang kaibigan ko ng late.
3. Hindi siya pupunta dito.

Expected ko na 'yang tatlong 'yan. Kung mapasok man siya sa tatlong 'yan, wala na akong negatibong emosyon na mararamdaman. By breaking down your expectations and acknowledging alternative outcomes, you can start training your brain to be less rigid and more flexible in all situations.


NUMBER 4
HINDI MAPAGPASALAMAT


Isa ito sa mga rason kung bakit hindi ka masaya. Nakakalimutan mong pansinin ang mga blessings mo araw-araw. Hindi mo nakikita ang blessings mo kasi iba ang hinahanap mo. Gusto mo yung malaking bagay. Gusto mo ng materyal na bagay. Palagi mo na lang iniisip na may kulang pa sa 'yo. Maraming beses ko ng sinasabi na ang materyal na bagay ay nakakapagpasaya naman pero sa panandalian lamang. At isa pa, hindi ka na rin makontento sa mga nakamit mo. Sa oras na makuha na natin ang ating kagustuhan, may hinahanap na naman tayong bago. Kung nakapokus ka lang sa kakulangan sa buhay mo, babagsak ang kaligayahan mo. Sabi ni Robin Sharma,


Sanayin mong magsabi ng salamat sa Diyos dahil sa buhay na ibinigay Niya sa 'yo. Sa paggising mo pa lang sa umaga, isang malaking blessing na 'yon. Kung mapagpasalamat ka, makikita mo ang positive side ng buhay. Hindi ka made-depress. Mararamdaman mong wala ng kulang sa 'yo. Mararamdaman mo ang iyong kahalagahan. Magiging confident ka na rin. Gratitude is a positive feeling and if you practice it in your life, it would make your life fulfilled. Walang libre sa mundo. Kaya kung may tao mang gumawa ng kabutihan sa 'yo, kung may nagpapasaya sa 'yo, nagco-comfort sa 'yo, pasalamatan mo sila. Maliit man 'yan para sa 'yo pero malaking bagay na 'yan para sa mga taong pinasasalamatan mo. Halimbawa, gumraduate ka ng walang natanggap na medals, magpasalamat ka dahil pumasa ka pa rin. Hindi ka ba na-promote sa trabaho mo? magpasalamat ka dahil may trabaho ka pa rin. Hiniwalayan ka ng taong mahal mo? magpasalamat ka dahil single ka na at may oras ka na para makapag-isip ng maayos. Gratitude has formed my attitude. My way of looking towards life has changed and has emerged stronger than ever.


NUMBER 5
SOBRANG HIGPIT MO SA 'YONG SARILI


Unang una sa lahat, alam natin na walang perpektong tao. Tanggapin natin kung ano tayo. Tanggapin natin ang ating imperfections. Be nice and gentle with yourself. I used to be guilty when I was not being “PRODUCTIVE”. Kapag nagre-relax ako, gusto ko ng bumangon para magtrabaho na naman. Napagtanto ko na sobrang toxic ko na pala sa sarili ko. Sobrang strikto na ako sa sarili ko. Kahit nga makina ay kailangan ng maintenance, 'di ba? Sa sobrang strikto mo sa sarili mo, bumabagsak na rin ang kaligayahan mo. Madalas mong maiisip ang iyong pagkakamali. 'Wag mo ng pahirapan ang sarili mo, okay? Ang isipin mo na lang ay ang goal mo sa buhay. Pero tanggapin mo rin kung mabibigo ka. Kung mabibigo ka man, matuto ka at kalimutan mo na ang nangyari. 'Wag mong sisihin ang sarili mo. Allow yourself to move on from past mistakes and failures. Instead of focusing on the past, turn your attention towards your future goals or ambitions.


NUMBER 6
NANANATILI KA SA BUHAY NA AYAW MO


Sino ba ang magiging masaya na nasa kalagayan siya na hindi naman niya gusto? Masarap naman mamuhay sa comfort zone, pero hindi ka nga lang mag go-grow. Malaki ka na, kayang-kaya mo ng lumabas sa lungga mo. May nagustuhan ka bang babae? Sabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Kung ayaw niya sa 'yo, at least nalaman mo ang totoo kaysa naman nagsasayang ka ng oras sa kakaisip sa kanya. Takot ka bang lumangoy o sa heights? Subukan mong harapin ang takot mo at ma-realize mo na emosyon lang pala ang nagkokontrol sa 'yo. Kung nakasakit ka ng tao, humarap ka sa kanya at mag sorry ka. Tanggalin mo ang iyong ego. Mga halimbawa lang 'yan na mahirap gawin pero makakaya mo kung gagawin mo lang. 'Wag kang manatili sa komportableng sitwasyon mo dahil hindi ka matututo niyan. Most of us try to always play safe in our lives. Alam ko naman na lahat tayo ay may pangarap na gustong gusto nating kamtin pero hinayaan lang natin dahil may kinakatakutan tayo. Siguro iniisip mo na bata ka pa, marami ka pang oras o iniisip mo na wala ng panahon dahil matanda ka na. Siguro iniisip mo na hindi pa ito ang tamang pagkakataon. Siguro sobra mong iniisip na paano kung mabibigo ka. The lack of courage to come out of their comfort zone makes people unhappy about their lives.


NUMBER 7
NAKAPOKUS KA SA KAHAPON
AT SA KINABUKASAN


Paano ka sasaya kung iniisip mo ang mga bagay na hindi na umiiral at hindi pa umiiral? Na-stranded ka na sa buhay. Wala ka ng pakialam sa NGAYON mo dahil sa kakaisip ng PAANO KUNG ganito o ganyan? Kung hindi ka lalabas sa mentalidad na ito, hindi ka talaga sasaya. Tandaan mo lang palagi, hindi mo mababalikan ang iyong nakaraan at hindi mo na 'yon mababago. At hindi mo rin mahuhulaan ang iyong kinabukasan. The only place you can act is the PRESENT moment. It is only your present which will take the shape of past and tomorrow. And also your future will come only in the form of today, to act upon. Kung gusto mong iwan ang nakaraan, kung gusto mong maayos ang iyong kinabukasan, magpokus ka sa buhay mo ngayon. Kung palagi kang nakapokus sa nakaraan mo, made-depress ka. Kung palagi kang nakapokus sa kinabukasan mo, mababalisa ka. Kung nakapokus ka sa kasalukuyan mo, magiging payapa ang buhay mo.


NUMBER 8
MALING TAO ANG KINAKASAMA MO


Paano ka sasaya kung palagi kang nakarinig ng ingay sa paligid, mga reklamador na tao at negatibong tao? Palagi na lang silang nakapokus sa kanilang problema. Gusto ka nilang sumama sa kanila para maging masaya sila. Pero ang epekto, ikaw pala ang hindi masaya. Kapag palagi kang nasa tabi nila, mahihigop ka ng kanilang negatibong mundo. Makakawala ka lang sa kanila kung lalayo ka na. Simpleng halimbawa lang: Kung may taong naninigarilyo, tatabi ka ba sa taong 'yon at sisinghutin ang second-hand smoke? Siguradong hindi, 'di ba? I'm sure you would distance yourself and you should do the same with negative people. You should strive to surround yourself with people who inspire you, people who make you want to be better, and you probably do. Yung mga taong nanghihila sa 'yo pababa, layuan mo na sila. Lahat ng mga tao na walang respeto sa 'yo, lumayo ka na sa kanila. Life is too short to associate with people like this. Cut them loose.


NUMBER 9
MAHILIG KANG MANISI


Hindi ka magiging masaya kung sisi ka lang ng sisi sa iba. It is the most common habit of most of us, right? Dahil mas madaling manisi di ba? kaysa sa harapin ang sitwasyon. Learn to take RESPONSIBILITY. OWN your mistakes. And seek to learn the truth about it. If someone, especially your loved ones, has messed up then you can let them know that the actions they have taken have had negative consequences. To fix a mistake that has arisen, you need to look at how you can improve yourself. The idea is to learn from the mistake and not punish the person in question. You open up an opportunity for that person to grow.


NUMBER 10
PALAGI KANG NAGREREKLAMO


Paano ka sasaya kung puro ka reklamo sa buhay? Lahat na lang ng nakikita mo ay negatibo. Imbes na magreklamo ka, magsikap ka sa buhay. By constantly talking about how bad things are, you reaffirm your negative beliefs. Sigurado ka bang wala kang nakikitang magandang pangyayari sa buhay mo? Mayroon naman, 'di ba? Bakit hindi mo ma-appreciate 'yon? Nagrereklamo ka sa sobrang init ng panahon, magpasalamat ka dahil natutuyo ang mga damit mo. Nagrereklamo ka dahil palaging umuulan, magpasalamat ka dahil nadidiligan ang ating mga pananim. There's always a positive side of everything. Ang mas masaklap, kung palagi kang nagrereklamo, lalayuan ka ng mga tao.

Hindi natin makokontrol kung ano ang problemang darating sa buhay natin pero makokontrol natin kung paano tayo mag react sa ating problema. 'Yan lang ang tandaan mo para sumaya ka naman.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177