No One Is Going To Save You By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/man-holding-a-silver-tablet-listening-to-music-3782183/


May bad news ako sa 'yo at may good news rin naman. Unahin natin ang bad news, kapag ikaw ang mangangailangan ng tulong, walang tutulong sa 'yo. Swerte ka na kung mayroon. May mabubuting tao rin naman na bukas palad pero marami ang walang pakialam sa 'yo. Alam ko noong bata ka pa, naniniwala ka na kailangan mo ng tao sa tabi mo para sumaya, na kailangan mong umasa sa iba, pero ang katotohanan, ang mga tao lang din ang magpapabagsak sa 'yo.  Oo kahit pamilya mo. Hindi ko naman nilalahat. Pero may mga pamilya rin kasing sobrang toxic. Kahit mga kaibigan mo. Pero ito ang good news, magiging okay rin ang lahat kung tanggap mo ang katotohanang 'yan at ikaw na lang ang magsalba sa sarili mo. You have the capability to do anything. You have the potential to be your own knight in shining armor. Siguro na hypnotized ka na sa kakapanood ng mga movies, sa kakabasa ng mga libro, sa kwento galing sa mga kaibigan mo. Siyempre sa kakapanood mo ng TV, mai-inspire ka rin naman. Pero habang lumalaki ka na, na-realize mo na hindi pala gan'on kapareho ang kwento at realidad.

Tandaan mo, IKAW LANG ANG MAKAKAPAGPABAGO NG IYONG BUHAY

Walang ibang tao ang makakapagpabago ng buhay mo. IKAW lang. Siguro na-stuck ka ngayon sa buhay na hindi mo gusto. Siguro gusto mo ng magbago. Hindi ko alam kung bakit gusto mong baguhin ang iyong buhay. I don't know how BIG of a change you are looking for. But if you can be living a more intentional life, it would be a shame for you to miss it. Tandaan mo lang na ikaw lang ang makakapagpabago ng buhay mo. Ginagabayan ka lang ng ibang tao. Ginagabayan ka lang ng Diyos. Nasa sa 'yo pa rin ang desisyon. Naniniwala na kasi tayo na may taong tutulong sa atin. Tutulong para tayo'y makaahon sa kahirapan. Tutulong para maibsan ang ating sakit na nararamdaman. Tutulong para tayo'y makabangong muli. When in reality, nothing comes until we acknowledge that change must occur within ourselves if we desire different results in our life. Hindi naman ibig sabihin na napakanegatibo kong mag-isip. Totoo talaga ang mga sinasabi ko na walang makakatulong sa 'yo kung hindi mo tutulungan ang sarili mo. Today is the day to shape our lives. Let's spark our lives. We are responsible for our own thinking. Kahit may mga taong naninira sa 'yo, nasa sa 'yo pa rin 'yan kung magpapaapekto ka ba o hindi. Hindi naman ibig sabihin na ayaw mo ng magpaturo kung anong dapat gawin at hindi dapat gawin. You should be open minded to the teachings of others, and then make up your own mind about what is right for you, and it's up to you if you will make the move to change or not. Mapapahamak kasi tayo kung palagi na lang tayong umaasa ng tulong. Paano tayo makakaahon kung naghihintay lang tayo ng pagbabago? Dapat tayo ang gumagawa ng pagbabago. You and ONLY YOU are responsible for your life. Kung hindi ka nasisiyahan sa buhay mo ngayon, baguhin mo. Improve yourself and be happy. Hindi ka puno na hindi makagalaw. Tao ka na pwedeng makagawa ng kahit ano. Humanap ka ng ibang trabaho kung gusto mo. Hindi ka naman alipin na walang ibang option sa buhay. You are free and you can do anything you want. Minsan matatagalan ka sa pagbabagong ninais mo. Pero kung uumpisahan mo lang ngayon, makikita mo rin ang resulta niyan. Nobody is responsible for your happiness and your satisfaction in life. IKAW lang. Kasi ikaw lang ang lumilikha ng sarili mong tadhana. Only you can change your life. No one can do it for you.

So, LEARN TO TAKE RESPONSIBILITY

Responsibility is required for a better life. Kahit magsimula ka sa maliit na responsibilidad. Halimbawa, plano mong mag grocery kada Lunes at kada Miyerkules naman ay maglilinis ka ng bahay. Dapat mag stick ka sa responsibilidad mo na 'yan. Ito y'ong commitment mo. This may sound trivial but small wins are the key to becoming good at anything. As Jim Rohn has said,

“You must take personal responsibility.
You cannot change the circumstances,
the seasons, or the wind, but you can change yourself.”

Ibig sabihin, hindi natin masisisi ang ating mga magulang kung bakit ipinanganak tayong mahirap. Hindi natin masisisi ang pangyayari kung bakit tayo pa ang nagkaganito. Hindi natin masisisi ang lugar natin kung saan tayo lumaki. Mas lalong hindi natin isisi sa Zodiac Sign kasi para sa akin, wala namang kinalaman 'yan sa ating buhay. If you want to truly increase your life in all areas, we have to point the finger at ourselves. Ipinanganak kang mahirap, wala kang kasalanan. Pero kung mamamatay kang mahirap, kasalanan mo na 'yan. Taking 100% personal responsibility for your life takes some vulnerability, but vulnerability is the first step to change because when you can admit that your current behaviors are not conducive to your future self – that’s an expression of psychological strength. Sabi ko nga, ikaw lang ang nagkokontrol ng buhay mo. Kaya ikaw ang responsible kung ano ang kahihinatnan mo. Halos lahat kasi ng tao ngayon, they think that everything is someone else's fault. Tama na ang paninisi mo. Tama na ang pagdadahilan mo tungkol sa kabiguan mo, tungkol sa palpak na buhay mo ngayon. Mas lalo kang madudurog ng pagsubok kung ganyan ka kahina. People who take complete responsibility for their lives experience joy and control of circumstances. They are able to make choices because they understand that they are responsible for their choices. Ang sakit kasi ng mga tao, feeling nila biktima sila ng panahon, jina-justify pa natin ang ating pagdadahilan, kung bakit hindi nagwo-work ang mga bagay-bagay, which further contributes to the terrible results we don’t want in our lives. It takes someone strong to shine a light onto themselves and apply some introspection.

May halaga ka sa mundong ito. May halaga ang mga choices mo. May halaga ang mga ginagawa mo. Lahat ng aksyon mo ngayon, negatibo man 'yan o positibo, may bunga 'yan. Tanungin mo nga ang sarili mo, ano ba ang dapat kong baguhin sa buhay? Ano bang mga habits na kailangan kong tanggalin sa buhay ko? Ano ba ang dapat kong gawin para matanggal ko ang negatibo sa isipan ko? Kapag marami kang katanungan, magbubukas rin ang isipan mo. Natatandaan ko pa noong mga araw na hindi pa ganito ang buhay ko, noong lugmok pa ako sa kahirapan, gusto ko talagang baguhin ang takbo ng buhay ko. Gusto kong makausad pero hindi ko alam kung saan ako magsimula at kailan ako magsimula. May mga bad habits ako noon, lalong lalo na ang katamaran, napakahirap tanggalin sa buhay. Wala akong sapat na motibasyon para gawin 'yon. Gusto ko talagang may isang tao na tutulong sa akin. Pero walang dumating. It wasn’t until after a few weeks of introspection within myself that I realized no one was going to come and rescue me and lay out the red carpet for the better life I desperately craved for. Kaya ako na lang ang naghanap ng paraan para mabago ang buhay ko. Binago ko ang script ng aking buhay. And I take full responsibility. Napagtanto ko na kung gusto ko talagang magbago ang buhay ko, kailangan ko munang baguhin ang mga kinikilos ko, kailangan kong tanggalin ang negatibong habits ko, ang mga excuses ko, at ano pa man 'yan. Kahit pa-isa-isang hakbang lang, tagumpay na 'yon sa akin. Noong nagdesisyon na akong magbago, siyempre may nagbago din sa resulta. Tandaan mo ito, kung palagi mong ginagawa ang parehong bagay, parehong resulta rin ang makikita mo. Kaya kung gusto mong magbago ang iyong buhay, baguhin mo rin ang iyong ginagawa.

Nothing changes unless you do first. You have to take full responsibility, then that’s when life starts working for you.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177