8 Life Lessons To Learn Before It's Too Late By Brain Power 2177


Photo by Manoj Bisht: https://www.pexels.com/photo/person-sitting-on-hill-755401/


Handa ka na bang matutunan ang ilan sa mga pinakamahalagang aral sa iyong buhay? Napakabuti kung OO ang sagot mo dahil ang mga sumusunod ay magsisilbing isang wake-up call mo upang tingnan ang iyong buhay nang may pagpopokus at muling suriin ang iyong mga priyoridad. Dapat malaman mo na ito ngayon. Kasi kung huli na ang lahat, halimbawa kung sasabihin ng doktor na malapit ng matapos ang buhay mo, ano kaya ang mapapasok sa isip mo? Kung tunay kang masaya ngayon, siyempre masaya kang lilisan. Pero paano kung hindi ka masaya ngayon? Siyempre ang maiisip mo ay puro pagsisisi. Pagsisisi kung bakit hindi mo ginawa ang kagustuhan mo, kung bakit sinayang mo ang iyong oras, kung bakit wala kang nagawang kakaiba, at marami pang iba. Pero hindi mo na maibabalik ang dati. Ang nangyari ay nangyari na. Tumatakbo ang oras. Ang oras ay isang RESOURCE na hindi kailanman ma-recover kung ito'y nawawala na. Pero nakakalungkot lang na maraming tao ang walang pakialam sa kanilang oras at na-realize na lang nila kung gaano ito ka-importante kung kailan huli na ang lahat. Kung nanonood ka man sa videong ito, gamitin mo kung ano ang matutunan mo sa videong ito dahil makakatulong ito sa 'yo. Apply them to your life today and enjoy a more fulfilling existence. 'Wag mong hintayin na huli na ang lahat.


NUMBER 1 
MAY MATUTUNAN KA SA KABIGUAN


Kung alam mong may matutunan ka sa kabiguan, bakit ka natatakot? 'Yan ang pinakaimportanteng tanong. Bakit ka natatakot mabigo? Takot ka bang mapahiya sa ibang tao? Takot ka bang mahusgahan? Dahil ba maaapektuhan nito ang iyong confidence? Dahil takot kang makaramdam na wala kang kwenta? Kasi ako, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin ng iba. Kung malugi man ang negosyo ko, kung mawalan man ako ng pera, kung maghihirap man ako, I don't care a lot about what people think in terms of how I might be judged. Kasi palagi kong iniisip, kung hindi ko gagawin ang dapat kong gawin dahil lang sa takot akong mabigo, dahil lang sa takot ako sa negatibong opinyon ng lahat, hindi ako mag go-grow, hindi ako matututo, that's always my MOTIVATION to keep on going after new things. Bahala na kung mabigo, haharapin ko 'yon. Learn to embrace your failures instead of letting them weigh you down. Ang buhay ay parang sugal din 'yan. Minsan mananalo. Minsan matatalo. Sumugal ka. Lumayo ka sa comfort zone mo. Sumubok ka ng panibagong bagay. Ang kabiguan ay regalo 'yan. Failures teach us to accept ourselves as we are. They teach us to face our fear. And they teach us integrity. Our failures are the reasons we are able to grow into great people. Learn to love your failures. Remember this, without failure, you don't learn important life lessons.


NUMBER 2
MAGPOKUS KA SA NGAYON


Hindi ko naman sinasabi na hayaan mo na ang iyong kinabukasan. Ang ibig kong sabihin, NGAYON ang pinakaimportanteng oras. Kung ano ang ginagawa mo ngayon, makikita mo ito sa kinabukasan mo. Madali lang ipayo ito pero sa totoo lang, isa ako sa mga nahihirapan i-apply ito sa aking buhay. Kasi noon, palagi kong iniisip ang aking kinabukasan. Natatakot ako kung ano ba ang buhay ko sa hinaharap. Maghihirap ba ako, masaya ba ako, ang dami kong katanungan at nalilimutan ko ang aking buhay sa kasalukuyan. Pero ngayon ay natuto na ako. As they have said, doing the obvious is very difficult. Because we are DRIVEN by our THOUGHTS. May mga taong hindi pa naka-move on sa kanilang nakaraan. May mga tao ring palagi na lang nag-aalala sa kanilang kinabukasan. When your time runs out in this life, you will realize that it is only the present that matters. Wala na ang nakaraan at wala pang kaseguruhan kung ano ang mangyayari bukas. Ang tanging makokontrol mo lang ay kung paano ka mag react sa sitwasyon mo ngayon at kung paano mo gagamitin ng tama ang oras mo ngayon. Isara mo na ang pintuan ng kahapon mo. 'Wag mong tignan ang mga bagay na tapos na dahil hindi mo naman mati-twist ang pangyayari. Process the things you learned, apply the lessons to your current life and then never look back. Magplano ka para sa kinabukasan mo pero 'wag ka naman masyadong mag overthink. The NOW is vital. It is what you pass through, every moment.


NUMBER 3
MAGPOKUS KA SA BUHAY MO


Bago ko ipaliwanag ito, sagutin mo muna ito: Ano ang mangyayari kapag dinidiligan mo ang bulaklak ng sobra? Obviously mamatay ito. May mga tao kasi na nakapokus ng sobra sa buhay ng iba. Sobra ang pagki-care nila sa iba, sobra ang pagmamahal nila, dahil umaasa sila na sasaya ang tao sa ginagawa nila. But chances are, you might start being TAKEN FOR GRANTED. Lahat ng sobra ay masama. May iba din ginagawa ang kagustuhan ng iba. Para bang wala na silang sariling buhay. Wala na silang sariling kagustuhan. Living for yourself means LIVING THE LIFE that YOU WANT FOR YOURSELF, regardless of the opinions of others. It's living a life you feel aligned with, a life you love, and a life you are proud of. Tama na sa kaka-please ng ibang tao. Tama na sa kakahabol ng validation at approval nila. Tama na sa kakaisip kung ano ang iniisip nila tungkol sa 'yo. Hindi ko naman sinasabi na dapat maging madamot ka dahil nakasentro lang ang pag-iisip mo sa sarili mo. Ibig kong sabihin, dapat alam mong may sarili ka ring kagustuhan at pangangailangan na dapat mong unahin. Kung gusto mo namang tumulong, wala namang problema. Pero 'wag ka namang tumulong kung pressure na ang nagtutulak sa 'yo na gawin ito. Understand that your life is in your hands. If you give away that power to anyone else, you are taking away from your own. Isa lang ang buhay natin. Kaya mamuhay tayo ng tama. Why live it for someone else? Have the courage to be true to your deepest desires. Alamin mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay at gawin mo 'yon.


NUMBER 4
'WAG MONG PAGURIN ANG SARILI MO


Noon, naniniwala talaga ako sa salitang "WORK HARD" pero noong ina-apply ko ito sa buhay ko, wala akong nakikitang resulta. Sobrang napagod ako. Trabaho ako ng trabaho pero wala pa rin akong pera. Naranasan mo 'yan, 'di ba? Sa totoo lang, hindi naman work hard lang ang ipasok mo sa 'yong isipan. It is about WORKING with the RIGHT STRATEGY. Hindi ko naman sinasabi na hindi importante ang HARD WORK pero hindi rin naman 'yan ang pinakadahilan ng pagtagumpay ng isang tao. Paano ka magtatagumpay kung ang pinaghihirapan mong trabahuhin ay wala namang kwenta? Hindi naman kasali sa priority mo? Ang mga taong mayayaman at ang mga taong mahihirap, pareho tayong may 24 hours. Pero bakit sila ang yumayaman kahit wala naman silang ginagawa masyado? Because they understand NOT ALL WORK is created EQUAL. Some tasks will give you the most progress, while some tasks will only take away your time and give you no results. Halimbawa na lang natin ang pagnenegosyo at pagtatrabaho sa ibang kompanya. Kung nagtatrabaho ka, fixed na ang income mo. Kahit ano pang hard work mo, 'yan na ang income mo. Kung nagnenegosyo ka, ang earning ability galing sa negosyo mo ay flexible at scalable. This is why I suggest you don't just rely on working on a job. You need to start a side business too. Kapag sobra-sobra na ang pagtatrabaho mo, mababawasan ang iyong productivity. Pagod na ang katawan mo e. Apektado na rin ang iyong mental health. At isa pa, isa ito sa mga pinagsisisihan ng mga taong nasa huling hantungan na dahil hindi nila binigyan ng panahon ang mga mahal nila dahil naubos sa kaka-WORK HARD. Importante naman ang pera sa ating buhay pero dapat balanse lang ang ating pagkilos. Bigyan mo rin ng oras ang pamilya mo, mga kaibigan mo, at ang sarili mo.


NUMBER 5
'WAG MONG SAYANGIN ANG ORAS


Napakahalaga ng oras. Nagtatagumpay ako sa buhay, nagkakapera ako, dahil ginagamit ko ang bawat segundo ng tama. Kapag gala ang usapan, hihindian ko 'yan. Kung wala naman akong ginagawa, sasama ako. Time is a PRECIOUS RESOURCE. Ang kailangan mong gawin ngayon, gawin mo ngayon. 'Wag mong ipagpaliban hanggang bukas. 'Wag kang maghintay ng bukas dahil hindi mo na maibabalik ang panahon ngayon. Sa mga negosyanteng Chinese, hindi sila nagko-close ng kanilang tindahan, Monday to Sunday bukas 'yan. May iilan namang nagko-close pero karamihan ay nagbubukas araw-araw, bakit? Dahil ang KITA sana nila sa mismong araw na 'yon na naka-close sila ay hindi na makikita bukas. Kita mo 'yan? Hindi mo maibabalik ang araw na 'yon. It doesn't matter what you've done in the past. It doesn't matter how low or unworthy you feel right now. The simple fact that you're alive makes you WORTHY. Maikli lang ang buhay. 'Wag kang mag settle sa buhay na 'yan. 'Wag mong hayaang lumipas ang panahon na wala kang nagawa. Simulan mo na ngayon. Kung hindi ka sigurado sa mga gagawin mo, subukan mong manahimik at pakinggan mo ang bulong ng iyong puso.


NUMBER 6
GAWIN MO


Hindi pwedeng puro salita ka lang. Wala namang mangyayari kung bibig lang ang ginagamit mo. Ang mga pangarap mo, ang mga plano mo, ang mga goals mo ay walang kwenta kung wala kang aksyon. Simulan mo kaagad. There's no other way around it. Mag proceed ka na ngayon. I-execute mo na 'yan ngayon. Kapag gutom tayo, automatic maghahanap tayo ng pagkain, 'di ba? Sana naman ay gan'on din tayo sa ating pangarap. Dapat inaaksyonan natin kaagad kapag gutom tayo sa tagumpay. Tandaan mo, may mga taong walang resources kung ikokompara sa 'yo, walang pagkakataon, naghihirap, pero grabe ang pagpupursige para lang makamit ang tagumpay. How dare you complain? How dare you be ungrateful? Get real. Time is passing. And death won't hold the door for you to be ready.


NUMBER 7
GUMAWA KA NG MABUTI


Gumawa ka palagi ng mabuti, okay? Bakit napakaimportante ito? Dahil hindi mo alam na ang taong nakakasalamuha mo ay may mabigat na problema. Kaya tratuhin mo ang mga tao ng mabuti para naman maibsan mo ang bigat sa kanilang dibdib. Ang buhay ay parang echo. Bumabalik kung ano ang ginagawa mo. Tinatawag din natin itong The Law of Reciprocity. Your small acts of KINDNESS will not only have a positive impact on the people that surround you but they will also impact your life in positive ways. Hindi ko sasabihin ito kung hindi ko napatunayan sa sarili ko. Kapag nagbibigay ako sa mga tao, ng atensyon, oras at pera, kapag nakikita ko silang masaya na tumanggap, 10x din ang saya ko. Kaya nga sinabi ko sa 'yo na hindi lang sila ang natutuwa, babalik din ang positibong impact sa buhay mo. Learn to give more than you receive. Lalong lalo na sa panahon ngayon. Importante talagang magpakita ng kabutihan sa ating kapwa. Pero hindi pwedeng napipilitan ka lang gumawa ng mabuti. Dapat alam mong galing sa puso mo at para ito sa mga taong tinutulungan mo, hindi sa mga taong tumitingin habang tumutulong ka. Hindi mo na ito kailangang ipakita sa social media na mabuti kang tao. Kapag tumutulong ka nang hindi ipinagsigawan, 'yan ang tunay na kabutihan. Not only does kindness make a world of difference to those around you, it will also change your life. When you focus on being kind, you will bring so much positivity into each and every day. By helping others, you help yourself.


NUMBER 8
MATUTO KANG MAGPASALAMAT


Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayan nang maraming pakinabang—sa pisikal, mental, at emosyonal. Kaya dapat itong gawing bahagi ng buhay ng bawat isa. Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakakatulong ito para magkaroon ng POSITIBONG DAMDAMIN, para MASIYAHAN SA MAGAGANDANG KARANASAN, para BUMUTI ANG KALUSUGAN, para MAHARAP ANG MAHIHIRAP NA PROBLEMA, at para MAGKAROON NG MALAPIT NA KAUGNAYAN SA IBA. Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. “Ipakita ninyong kayo ay mapagpasalamat,” 'yan ang isinulat ni apostol Pablo sa Colosas 3:15. Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging mapagpasalamat. Tutulong ito sa atin para maiwasang magmataas, mainggit, at maghinanakit, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan tayo ng kagalakan. Kapag taimtim tayong nagpapasalamat—sa regalo man 'yan, sa mabait na pananalita, o sa praktikal na tulong—naipadarama natin sa nagbibigay ang ating pagpapahalaga. Kahit nga mga strangers ay natutuwa kapag pinasalamatan sila dahil sa kanilang mabait na paggawi. 

Kung ano man ang nasa sa 'yo ngayon, pasalamatan mo 'yan. Pahalagahan mo 'yan. 'Wag kang magpokus sa mga bagay na wala pa sa 'yo. Marami man ang hindi mo nakamit pero marami din naman ang nakakamit mo. Hindi mo lang napapansin dahil nakapokus ka sa wala. Establishing the habit of gratitude is the true key to happiness. With true appreciation, you will be enlightened in life. So start taking the time today to appreciate everything you have. May bahay ka, may kinakain ka, may iniinom ka, may hangin kang nilalanghap, may pamilya ka, may kaibigan ka, pasalamatan mo lahat 'yan. Hindi dapat pagsisisi ang maisip natin sa huli. Ayokong magsisi sa huli kaya gumawa ako ng tama sa buhay.

Nagbibigay sa atin ng mahusay na payo ang Bibliya sa Filipos 4:8,


Muli, ipinakikita ng mga salitang “patuloy na isaisip ang mga ito” na kailangan natin ang regular na pagbubulay-bulay para maging mapagpasalamat.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177