10 Bad Things That Happen When You’re Too Nice By Brain Power 2177


Photo by Mikael Blomkvist:
https://www.pexels.com/photo/woman-with-beaded-necklace-covering-her-mouth-with-her-hand-8689920/


Sabi ng karamihan, work hard and be nice and everything will go just fine. Pero hindi naman 'yan gagana sa totoong buhay. Lalo na kung SOBRANG NAPAKABUTI mong tao. Take note sa word na SOBRA. Hindi masama ang maging mabuti sa kapwa. Pero kapag sobra na ang ipinakita mong kabutihan, doon na papasok ang masasamang tao sa buhay mo. Sobrang buti mo bang tao? Halos lahat ba ay ginagawa mo para sa iba at kinalimutan mo na ang iyong sarili? Real talk, marami ang negatibong mangyayari sa buhay mo kung sobrang napakabuti mong tao.


NUMBER 1
MASASAYANG ANG ORAS MO


Oo, masasayang ang oras mo sa walang kwentang bagay. Kapag sobra kang nice, ikaw ang pupuntahan ng mga tao para bagsakan ng maraming problema. Maraming tao ang pupunta sa 'yo para ibahagi ang negatibong issue nila sa buhay. Umaasa sila na matutulungan mo sila. Wala namang masamang makinig sa mga problema ng iba. Wala namang masamang tumulong. Ang masama lang ay kung sobra ka na ring nakikinig ng maraming problema. Lahat ng negatibo ay papasok na sa 'yong utak. Hindi ka makapagsabi ng HINDI sa kanila kasi ayaw mong magtampo sila sa 'yo. Palagi mo silang binibigyan ng oras pero wala ka ng ibinibigay na oras para sa sarili mo. Mag relax ka muna sa kakapakinig ng mga problema ng mga tao. Dapat balanse lang. Dapat asikasuhin mo rin ang buhay mo. 'Wag mong ibuhos lahat ng oras mo sa kakapakinig ng negatibong issue sa buhay ng tao.


NUMBER 2
MADALI KANG MALOKO


Kapag sobrang buti mong tao, madali ka ring maloko. Ang mga kaibigan mong napaka inosente ng mukha, akala mo lang inosente, pero sasakyan ka nila kung ikaw ang pinakamabuti sa grupo. Maniwala ka man sa akin o hindi, kokontrolin ka nila. Kapag madali kang pumayag sa mga request nila, kapag sobra mong lambing, kapag sobra mong open, madali silang makapasok sa buhay mo. 'Wag kang basta-bastang magtiwala sa kahit sino. 'Wag kang magtiwala sa mga sinasabi nila. 'Wag kang matakot umayaw, 'wag kang matakot humindi. Don't let people push you or force you to make an immediate decision. If there is any reason you don't want to do something, don't do it. Kung may tao man na hindi ka na nirerespeto, putulin mo na ang ugnayan mo sa kanila. Sabi ko nga kanina, hindi naman masama ang maging mabuting tao pero dapat alam mo rin ang mga hindi dapat gawin at dapat alam mo rin ang mga pwedeng gawin.


NUMBER 3
TATAPAKAN KA NILA


Kapag nalaman ng mga tao na sobrang nice mo, madali ka nilang magamit at madalas tatapakan ka nila na parang trapo. Masakit man isipin pero totoo ang sinasabi ko. Kung may tumatrato sa 'yo ng ganyan, 'wag ka ng sumama sa kanila. 'Wag mo silang imbitahan sa buhay mo. Hindi mo kaibigan ang mga ganyang tao. Para silang mga linta, sumisipsip ng iyong lakas. Wala silang respeto sa 'yo. Sobra mong nice dahil mababa ang pagtingin mo sa 'yong sarili. Sobra mong nice dahil iniisip mo na dumadami ang kaibigan mo kung gan'on ka. Please learn how to assert yourself. Also make it clear what you want or need, and tell people what your boundaries are. Hindi mababasa ng mga tao ang iniisip mo kaya kailangan mo itong sabihin ng direkta sa kanila. Sabihin mo sa kanila ang mga ayaw mo at gusto mo. Hindi ka rerespetuhin ng mga tao kung umaasta ka na parang santo. Nabubuhay na tayo sa mapanganib na mundo. Maraming tao ang mapagsamantala. People will respect you more when you assert yourself. They will see then that you don't have a hidden agenda and that you are someone who respect yourself. Kung magagalit man sila sa 'yo dahil sobrang strikto mo na sa buhay, ibig sabihin na tama nga ang hinala mo. Hindi mo sila tunay na kaibigan. Alam kong mahirap baguhin ang ating nakasanayan, mahirap mahalin ang ating sarili, mahirap respetuhin ang ating sarili, mahirap makitang lalayuan tayo ng mga tao dahil sa pagbabago natin pero alam ko rin na kaya mong gawin ito. I know you have so much potential. All you need now is to let people know that you deserve better. Kung may mga taong manggagamit, may mga tao rin namang mababait.


NUMBER 4
MAIIWAN KA


Kapag sobra mong nice, para mo na ring iniwan ang sarili mo. Kasi palagi mo na lang inuuna ang pamilya mo, mga kaibigan mo, ang asawa mo, pero ni minsan ba ay may ginawa ka para sa sarili mo? o pagod lang ang ibinibigay mo sa 'yong sarili? Tao ka lang. Alam kong may pangangailangan ka rin. Kailangan mo rin ng pagmamahal. Ibigay mo rin 'yon sa sarili mo. Pasayahin mo naman ang sarili mo. Hindi ko naman sinasabi na magdamot ka. Ang punto ko lang, dapat balanse lang ang ginagawa mo sa buhay. Kapag hindi mo inuuna ang sarili mo, mas lalo kang mabibigatan sa buhay. Alam kong ramdam mo 'yan. You need to realize, deep down, that you don't always have to come to everybody's rescue. Sa bawat problema naman ay may solusyon. Ang mga taong tinutulungan mo, hindi naman ikaw lang ang inaasahan nila. Nagsasara kasi ang isipan nila kasi bigay ka lang ng bigay. Hindi na sila kumikilos, hindi na sila tumatayo sa sarili nilang mga paa kasi nandiyan ka para sa kanila. Give them a chance to step up. Kung nauubos na ang pasensya mo, pwede mo naman silang pagsabihan na TAMA NA. Kung magagalit sila sa 'yo, tanggapin mo na lang. It's okay for people to get mad at you, that's part of life sometimes.


NUMBER 5
WALANG TUTULONG SA 'YO


Ang mga taong inuuna mo, swerte ka na kung may isa diyan na tutulungan ka kung ikaw naman ang mangangailangan. Ito ang masakit na katotohanan sa buhay. Hindi lahat ng tinutulungan mo ay tutulong sa 'yo kung ikaw naman ang nangangailangan. Kaya ngayon pa lang, magtira ka para sa sarili mo. Dahil kung mauubusan ka na, saan ka pupulutin? saan ka pupunta? Wala kang mapupuntahan. Umiiral ka nga pero nagiging invisible ka na sa mata ng karamihan. Wala ka ng silbi sa kanila, mahina ka, wala kang halaga, hindi ka nila pupulutin, ano ang resulta? Made-depress ka. Ayokong mangyari sa 'yo ito. Kaya binabalaan na kita. Nangyari na sa akin ito. Ayokong maranasan mo. Even though I reached out to others all the time and cared about their lives, I was still on my own. It took years to realize I was putting all my power outside of myself instead of focusing on what was in my control first. Kapag sobra mong nice, malulungkot ka and at the same time, magagalit ka. Ayon nga sa kanta, kung sino pa ang marunong magmahal, siya pa ang madalas maiwan. Totoo naman, 'di ba?


NUMBER 6
DIDIKIT ANG MGA MASAMANG TAO


Alam mo ba kung bakit? Sa sobrang nice mo, marami kang pwedeng maialay sa mundo at gustong gusto 'yon ng mga masasamang tao. Didikit sila sa 'yo dahil nakikita nila na ikaw ang solusyon sa kanilang problema. Ang mas malala, mahuhulog ka sa bitag nila. Ano ang ibig kong sabihin sa bitag? Kung mai-in love ka na. So you have to set reasonable standards for yourself and you have to figure out what it is that you want. Kung wala kang standards, lahat ng uri ng maling tao ay makakapasok sa buhay mo. May mga taong puro hingi na lang, may mga narcissist, may mga taong judgemental, at marami pang iba. Magpokus ka sa sarili mo. Don't ignore your feelings. Nakikita mo ba ang gamu-gamo na sobrang nakadikit sa liwanag? Ganyan ang mga nice na tao. Ikaw ang liwanag, ang mga maling tao ay na-aatract sa liwanag mo. Because wrong people don't have a light of their own. Typically, they are deeply miserable, hopeless, joyless people. They need to be around the people with the light to feel better and to feel important. Hindi mo naman dapat patayin ang liwanag mo. Just be yourself and be the light but also be aware of the qualities that might make you vulnerable to toxic individuals, learn to set some boundaries with difficult people, and always listen to your gut. In other words, don't listen to the words they say, listen to how they make you feel.


NUMBER 7
WALA SILANG TIWALA SA 'YO


Parang baliktad, 'di ba? Kung nakikita kasi ng tao na sobra kang nice, iniisip nila na baka umaasta ka lang na mabait dahil may hinihintay kang timing para umatake. Gan'on ang papasok sa isip natin, 'di ba? Kahit wala ka namang iniisip na masama, negatibo pa rin ang mga iniisip nila tungkol sa 'yo. Kasi nga, hindi mo mapi-please ang lahat ng tao. 100% nice ka man, hindi lahat maniniwala sa galawan mo na 'yan. Sa mata ng iba, nakakatakot ka, baka may maitim kang binabalak. Kasi sa dating world, iniisip ng mga babae, "ano kaya ang balak ng lalaking ito, bakit sobra niyang nice sa akin?" Ang nasa isipan naman ng mga lalaki, "Ano kayang tinatagong kadramahan ng babaeng ito?" May ganito kasing tao e na ginagamit ang kabutihan para makagawa ng masama. Sana'y hindi ka gan'on.


NUMBER 8
UMU-O KA KAHIT AYAW MO


Kapag sobra kang nice, agree ka na lang ng agree kahit ayaw mo naman. Bakit? Takot kang magalit sila sa 'yo. Kung nahihirapan kang magsabi ng AYAW MO o HINDI, sabihin mo na lang, "PAG-ISIPAN KO MUNA ITO" o "TITIGNAN KO KUNG MAKAKAYA KO BA ITO" hindi harsh na sagot, 'di ba? Ayos lang na hindi ka sumang-ayon, na ayaw mo, na hindi mo magagawa ang hiling nila. Saying YES to everything is a surefire way to spread yourself way too thin. You don't owe an explanation for why you're saying no. Kasi totoo naman, na hindi lahat ng gusto nila ay magagawa mo. Lalo na kung ayaw mong gawin ang isang bagay tapos napipilitan ka lang dahil takot ka na baka magalit sila. Napakalaking mali. There's no point in wasting your time and energy on something you don't care that much about. Lalo na kung sobrang busy mo tapos ini-insert lang nila ang ideya nila. Hindi pwede 'yon. Know your limits. Ikaw ang matataranta kung umu-o ka sa lahat ng bagay. Kung may makikipag-inuman tapos ayaw mo, sabihin mong ayaw mo. Kung pagsabihan kang KILL JOY, bahala na. Buhay mo ito at dapat ikaw ang magkokontrol, hindi ang ibang tao.


NUMBER 9
SORRY KA NG SORRY


Ito ang mangyayari kung sobrang napakabuti mong tao. Kahit hindi mo kasalanan, ikaw pa rin ang nagso-sorry para lang magkaayos kayo. Paano ma-acknowledge ng isang tao ang kanyang kamalian kung sinasalo mo na ang lahat? Parang sinasabi mo na rin na mali mo pa rin kahit hindi naman. Siguro nagso-sorry ka kasi natatakot kang iwanan. Mababa kasi ang pagtingin mo sa 'yong sarili. Palagi mo bang iniisip na kapag palagi kang nagso-sorry ay madali kang magustuhan nila o respetuhin? Kabaligtaran ang makukuha mo. Bago ka mag sorry, isipin mo muna kung may nagawa ka bang mali? Kung wala, 'wag kang mag sorry. Hayaan mo ang ibang tao ang gagawa ng aksyon. Every time that you’re saying sorry there’s a part of you on some deeper level that’s basically apologizing for your existence and the space you take up. This is not modest or wise, it’s self-destructive, and it can often bring out the worst instincts in other people. Don’t devalue yourself and don't apologize all the time. You belong here in this world and you are worthy of a good life.


NUMBER 10
MAPAPANSIN NILA NA MAHINA KA


Kapag sobrang buti mong tao, hindi na kalakasan 'yan. Kahinaan na 'yan. Ginagawa mo na ang sarili mo na trapo. Kita mo naman ang mga leaders, 'di ba? Hindi 'yan basta-bastang makontrol ng mga mahihinang nilalang. Napakatibay ng mga mindset niyan. At ang mas malala pa, magiging needy ka. Sa panahon natin ngayon, palagi tayong nag-eexpect. "Sobrang nice ko dapat maging nice din sila sa akin" pero hindi 'yan mangyayari. Paano mo makukuha ang inaasahan mo sa iba e hindi mo nga pinahalagahan ang sarili mo. When you are not meeting your own needs, you will subconsciously seek to get those needs met in other places. This can result in CLINGY and NEEDY behavior in relationships, as well as constantly seeking validation. Ganito kasi ako noon e. Bago ko natutunan ito, palagi akong nagbibigay ng atensyon, oras, lakas, pera, halos lahat ibinuhos ko dahil umaasa ako na tatratuhin ako ng maayos ng mga tao pero hindi ko pa rin 'yon nakukuha at nararamdaman. Useless ang sobrang nice, 'di ba? But when I learned to value myself, it stopped.

Wala namang problema kung nice kang tao. Kailangan ng mundo natin ang katangiang ito. Pero 'wag mo namang pasobrahan. Dahil sabi ko nga palagi, ang lahat ng sobra ay masama. Life is about balance. May mga oras na hindi pwedeng maging nice lalo na kung maiipit tayo sa sitwasyon o kung madadamay natin ang ating personal space, ang ating peace of mind, at ang ating kaligayahan. We could all strive to be nice and put that kindness into the world, but we must also balance that with ensuring we don't get treated poorly in the process. Tandaan mo palagi na ang sobrang nice ay makakaakit ng masasamang tao sa buhay mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177