If You Feel Life is DISAPPOINTING, Read This By Brain Power 2177

Gawin mo ang 8 bagay na ito Photo by Ketut Subiyanto: https://www.pexels.com/photo/stressed-black-male-entrepreneur-working-on-laptop-in-park-4560092/ Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na nakakaranas ka ng pagkabigo at pagkadismaya sa buhay. Totoo naman na hindi natin palaging nakukuha ang kagustuhan natin. May mga plano tayong hindi natutupad. At ang mga pangayayaring 'yon ay sobrang nakakadismaya. Kahit gaano pa kataas ang ambisyon mo, kahit gaano ka pa kalakas, may mga araw talaga na kalaban mo ang panahon, minsan tao pa ang kalaban mo. May mga tao nga na may skills pero wala naman silang opportunity para magamit ang skill nila. May mga taong mapagmahal pero napupunta sa maling tao. May financially stable pero hindi naman maayos ang ugnayan sa pamilya. May mga ganyang sitwasyon na sobrang nakakadismaya. Kung pagkadismaya ang nararamdaman mo ngayon, sakto sa 'yo ang videong ito. NUMBER 1 ANO ANG KAILANGAN MO? 'Yan ang unang gagawin mo. Ang magtanong sa sarili mo kun...