Do These 5 Practical Tips RIGHT NOW By Brain Power 2177


Photo by Quintin Gellar:
https://www.pexels.com/photo/person-wearing-red-hoodie-sitting-in-front-of-body-of-water-636164/


So ang buhay mo ngayon ay tagilid na. Siguro 'yon na nga ang nangyari. Kasi kung hindi, hindi mo na kini-click ito. Malalaman mo sa videong ito ang 5 BAGAY na dapat mong gawin kung nalulunod ka na sa mga problema mo.

Maraming tao ngayon ang may matinding pinagdadaanan sa buhay. May iba umaahon na. May iba din, sumuko na. Kaya, ang gagawin natin ay tingnan ang ilang praktikal na tips para mabawasan natin ang emotional damage at para makontrol din natin ang ating pag-iisip at para makontrol din natin ang ating emosyon habang pinagdaraanan natin ang hirap ng buhay. Kahit hirap na hirap ka na, pwede ka pang mag bounce back, pwede ka pang bumawi, as long as buhay ka pa at hangga't may natitira ka pang lakas. Sinasabi ko 'yan sa 'yo dahil alam kong nakakadepress ang malugmok sa kahirapan. Pero ito ang tandaan mo, 'wag mong isiping permanente ang isang temporaryong bagay. Ang mga kahirapan sa buhay, mga problema, kahit ano pa 'yang negatibong sitwasyon na 'yan, pansamantala lang 'yan. That's the good news. Namatayan ka ng mahal sa buhay, hiniwalayan ka ng partner mo, nawalan ka ng trabaho, nagdu-druga ka, anuman ang pinagdadaanan mo ay maaaring maging sanhi ng mga negatibong kaisipan na mananatili sa loob ng ulo mo at napakahirap tanggalin. Ang video kong ito ay isang gabay lang. Kung dark thoughts na ang laman ng ulo mo, humingi ka ng tulong sa mga professional mula sa isang kwalipikadong therapist kung maaari. That being said, simulan na natin.


NUMBER 1
HINDI 'YAN PERMANENTE


Itatak mo palagi sa isipan mo na lahat ng nangyayari sa mundo, positibo man o negatibo, lahat ng problema, mawawala rin 'yan, magbabago rin 'yan. Hindi 'yan mananatili sa buhay mo. Ilang beses na akong sinubok ng panahon. Ang inakala kong mahirap solusyonan na problema, nasosolusyonan pala. Sigurado ako na may mga tao ngayong naiipit ng matinding problema na akala nila panghabang buhay na problema na 'yon. Pero hindi, nababagsak ka ngayon para ma-realize mo na kailangan mong kumilos. Sa baba mo simulan ang solido mong pundasyon. Uulitin ko, lugmok na lugmok ka man ngayon sa buhay mo, pansamantala lang 'yan. Magbabago rin ang iyong sitwasyon balang araw. Magtiwala ka lang. Lahat ng klaseng problema ay nakakadismaya. Pero ang problema din ang dahilan kung bakit naging matatag tayo sa buhay. Kung bakit may natutunan tayo. Matatapos rin ang mga problema mo. Kapag natapos na ang problema mo, may darating na namang bagong problema. Another problem, another lesson. 'Yan ang buhay e. Pero maiahon mo pa ang sarili mo kung handa ka na ring harapin ang hamon ng buhay.


NUMBER 2
KUMALMA KA LANG


Alam kong napakahirap kumalma lalo na kung problematic ka. Pero kapag hindi ka kumalma, may mga bagay kang magagawa na mas lalong magpapalubog ng buhay mo. Kita mo naman ang ibang tao, may matindi silang problema, umiinom sila ng alak dahil akala nila maiibsan ang bigat sa kanilang dibdib, yung iba'y nagdu-druga. Pero hindi ba't mas lalo nilang pinalala ang problema? Iniisip kasi nila kapag nagdu-druga sila, kakalma na sila. Oo kakalma ka nga pero sa panandalian lamang. Bago mo palalain ang iyong sitwasyon, pwede bang tanungin mo muna ang sarili mo, “Ito bang ginagawa ko ay magpapala sa sa aking sitwasyon o hindi?” Kung oo ang sagot, 'wag mong ituloy. Simple lang naman, 'di ba? Pero hindi ko sinasabing madali lang gawin. 'Wag mong i-ignore ang problema mo. 'Wag mong iwasan. Mas lalo mo lang pinalala ang problema. Tanggapin mo na may problema ka at maghanap ka ng solusyon. Kung iwas ka ng iwas, mas lalong lumalaki ang problema mo. Halimbawa, kapag ba may nasusunog, iiwasan mo ba? Iiwan mo ba? Hindi, 'di ba? Siguradong maghahanap ka ng tubig para patayin ang apoy. Gan'on din dapat tayo sa mga problema natin. 'Wag nating balewalain kasi nandiyan na 'yan e. Sabihin na nating nawalan ka ng trabaho. Sobrang pait ng sitwasyong 'yan lalo na kung unang beses ka pa lang nawalan. Pero kumalma ka lang. Ipakita mo sa boss mo na professional kang tao. Lumabas ka sa kompanya na kalmado lang. 'Wag kang magdadabog. Siyempre ang sarap magalit pero masisira ang karakter mo kung gagawin mo 'yan. At hindi mo alam, magbabago pala ang isip ng boss mo.

Isa pang halimbawa, ang taong pinakamamahal mo ay may mahal palang iba at nakikita mo pa silang nagsasama. Sobrang nakakadurog ng emosyon, 'di ba? Gaya ng sinabi ko, kumalma ka lang. Baka magdilim ang paningin mo at may magagawa ka pang ikakabilanggo mo. Alam kong masakit 'yon. Pero sabi ko nga kanina, pansamantala lang ang sakit. Kaya 'wag ka ng maghigante, baka pagsisihan mo pa sa huli kung anong nagawa mong hindi maganda. Baka hahantong ka pa sa civil damages or criminal charges, at mas lalong lumala ang sitwasyon. 'Yan ang ibig kong sabihin ng KUMALMA ka lang. 'Wag mong palalain ang sitwasyon. Don’t give in to the urge to lash out. Don’t give in to the urge to avoid. Instead, look at it directly so you can handle it. It’s yours to own and deal with. Embrace it, as difficult as that might be.


NUMBER 3
TANGGAPIN MO ANG NANGYARI


Tandaan mo, hindi natin makokontrol ang pangyayaring darating sa ating buhay. Hindi natin mahuhulaan kung ano ang mangyayari. Kaya para sa akin, 'wag kang humiling sa Diyos na sana'y wala ka ng problema kasi magkakaroon ka pa rin ng problema. Manalangin ka sa Diyos ng lakas para malabanan mo ang problema mo. Madalas ang ginagawa ng mga tao, lulubog na lang kasama ang problema nila. Yung iba din, nagagalit sa kanilang sitwasyon, sumisigaw, kahit ano pa ang reaksyon mo, may problema ka pa rin. Ang pag-ayaw mo sa mga bagay na hindi maiiwasan ay isang malaking katangahan. Imposibleng iwasan 'yan. Ang problema ay hindi pagkain na maaayawan mo. Darating 'yan handa man tayo o hindi. Minsan magugulat na lang tayo na may nangyari sa atin. Again, fighting the inevitable will only worsen the situation and the heartbreak.

Halimbawa, sabihin nating matagal ka na palang niloko ng partner mo. Madaling sabihin na hiwalayan mo kaagad, madaling sabihin na patawarin mo na lang but that's hard to do. Mapapatawad mo man pero hindi na maibabalik ang dati. Yung iba ay umaasa na maaayos pa ang kanilang relasyon, umaasa na hindi na siya manlokong muli. Yung iba ay hindi nila matanggap ang nangyari. Para sa akin, mas mabuti pang umalis ka sa sitwasyong 'yan at tanggapin mo ang nangyari upang makapag move on ka ng maayos. Opinyon ko lang naman 'yan. Depende pa rin 'yan sa desisyon mo.


NUMBER 4
'WAG MONG TAMBAYAN
ANG NEGATIBONG EMOSYON


Damhin mo lang ang negatibo mong emosyon pero 'wag mong tambayan. Embracing your feelings is an important part of managing emotions and healing, pero dapat balanse lang. While you want to embrace your feelings, it’s important to not set up a permanent place of residence in those feelings. At some point, you spend some time feeling them, and when you feel them start to recede, you GET UP and FOCUS on something else.

Ibaling mo ang iyong pokus sa ibang mga bagay. Sa mga positibo at nakakasaya na mga bagay. Hindi rin naman ibig sabihin na gumawa ka ng ibang bagay para umiwas sa negatibong emosyon. Ibig kong sabihin, dapat moderate lang ang pag-isip mo sa mga negatibong bagay. Balance is key. Feel your feelings for a while, then engage in a healthy coping mechanism like journaling, meditation, exercise, doing housework, doing work for your job, reading a book, watching some funny videos on social media, or just doing something that will take your mind off of those emotions for now. Kasi kung nakapokus ka lang sa negatibo, mas lalo kang babagsak. So, while it is important to feel your feelings, you want to do it in as much of a controlled fashion as you can so you don’t just crash and burn.


NUMBER 5
'WAG KANG MAGPAPATALO


Napakahirap ng buhay. Galing na ako sa pagkalugmok. Alam ko ang feeling nun. Alam ko na may mga trahedya at matinding pagsubok ang makakawasak ng ating buhay. May mga traumatic experience, may kadilimang nangyayari, may nakakatakot, may pangyayaring hindi natin maiintindihan. Iba-iba ang ating nararanasan at mararanasan pa. Hindi ko nga alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Ang maipapayo ko lang sa 'yo, makipag-usap ka sa mga taong nakaka-experience na rin ng pinagdadaanan mo. Hindi ka maiintindihan ng mga tao na hindi nakakaranas sa naranasan mo ngayon. Yung iba din simple lang mag advice kasi hindi nila ramdam e. Kaya d'on ka makipag-usap sa mga taong may karanasan na. Hindi man 100% pareho kayo ng pinagdadaanan but it can certainly be better. And remember, if you’re thinking about hurting yourself or hurting someone else, magpatulong ka na sa mga propesyonal kasi hindi na normal 'yang iniisip mo. 'Wag kang mahiyang magpatulong. Komon na ngayon ang mental health issues. Kaya 'wag kang matakot. Lagi mong tandaan, ALL IS WELL.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177