4 Reasons Why Some People Prefer to Remain SINGLE By Brain Power 2177


Photo by Craig McKay from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/man-sitting-on-brown-wooden-bench-1998156/


Normal lang naman sa atin na maghanap tayo ng long-term relationship. Pero may mga tao rin na negatibo ang pagtingin nila sa mga taong single. May mga single rin na sobrang desperadong makahanap ng karelasyon. Ang madalas nating nakikita sa social media, pino-portray nila na ang single ay malungkot at hindi fulfilled yung buhay. Ngunit kung totoo man na malungkot ang pagiging single, bakit maraming tao ang patuloy na pinipili ang pagiging single? Kasi ang totoo, maraming benepisyo ang pagiging single. May benepisyo rin naman kung may karelasyon ka. The only difference is which benefits a person values more. Kasi ang taong gustong unahin ang kanilang sarili at ang kanilang pangarap ay maaaring mas gusto na manatiling maging single muna. Narito ang 4 na rason kung bakit mas gusto ng ibang tao na manatiling single.


NUMBER 1 
MAY KALAYAAN KA


Kung walang commitment, siyempre may kalayaan ka. Hindi ko naman sinasabi na mali ang mag commit. Pero mas magaan ang buhay kung mag-isa ka muna, wala munang commitments, lalo na kung hindi ka pa handa sa mga commitments. Kasi kung ako ang tatanungin mo, mas gugustuhin ko pang mag-isa muna. Darating din ang panahon na mag-aasawa na ako pero sa ngayon, mas gusto ko pa ng kalayaan. Marami pa kasi akong pangarap na kailangan kong tuparin at ayokong may sagabal sa buhay ko. May mga tao rin naman na kagaya kong mag-isip when it comes to this topic. Many people focus on enjoying their freedom until they are ready. Kasama na sa kalayaan ang iyong ORAS. Kapag kasi may karelasyon ka na, yung oras sana na magagamit mo sa iyong pag-iisa, ay mailaan mo na sa 'yong partner. Ginagamit mo ang iyong oras para sa makipag text sa jowa mo o magcha-chat kayo, mamamasyal, magdi-date, at gagawa pa ng anumang bagay. Pero wala namang masama diyan. Pero mas masarap pa ring makapaglaan ka ng oras sa sarili mo. Kung may karelasyon ka na at wala ka ng oras sa sarili mo, doon mo mararamdaman na parang nasasakal ka na. Kaya napaka-importante pa rin na may oras ka para sa sarili mo kahit in a relationship ka na, dapat may ME-TIME ka pa rin. Kung masaya pag may jowa, mas masaya rin kung single kasi hindi mo na kailangang magpaalam kung saan mo gustong pumunta. Makakagawa ka ng anumang gusto mo para sa sarili mo, para sa mga hobbies mo, para sa mga kaibigan mo at para sa pamilya mo. Tandaan mo, kung single ka, hawak mo ang iyong oras. Ang isa pang dahilan kung bakit nananatili ang iba na maging single ay ayaw nila ng may kahati sa desisyon. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin? Yun bang kailangan mo pang tanungin ang partner mo kung ano ang gusto niyang panoorin, kung ano ang gusto niyang kakainin, kung saan niya gustong mamasyal, kasi magkakaiba tayo ng panlasa sa mga bagay-bagay at magtatanong ka pa kung ano ang gusto nila, sinusunod mo ang lahat ng 'yon. Pero ang mga single, they appreciate that they don’t need to compromise to keep everything peaceful. Sa pag ta-travel rin, siyempre masaya naman kapag kasama mo ang mahal mo. Pero mas masayang mag travel ng mag-isa. Bakit? Hindi doble ang magagastos. Praktikalan na lang tayo. At isa pang sagabal, pwede ka namang mag-travel mag-isa kahit in a relationship, yun nga lang ay mami-miss mo ang partner mo dahil hindi mo siya kasama. 'Yan ang sagabal, nakapag travel ka nga pero malungkot ka pa rin dahil iniwan mo ang jowa mo. So being single allows you to be more spontaneous and you can travel with no hesitation. Paalala lang mga viewers ko, hindi ko sinasabi na pangit ang buhay kapag may karelasyon. Wala akong sinasabing gan'on. Ang ibig kong sabihin, iba't-iba kasi tayo ng pagdala o paghawak ng ating buhay. May iba gusto ng makipagrelasyon, may iba din gusto na manatiling single muna, at ipinapakita ko lang kung ano ang mga benepisyo ng single life.


NUMBER 2
MALAKI ANG TSANSA NA UUNLAD KA


Life is all about learning and growing . Napapansin mo naman, may mas matutunan ka sa buhay kapag hiniwalayan ka. Doon magfa-function ang utak mo kung nag-iisa ka na. Kung may karelasyon ka pa, komportable ka. Puro emosyon na lang ang gumagana. Wala kang masyadong maisip kung ano ang dapat mong i-improve sa sarili mo kasi nga, masaya ka na e. Kapag mag-isa ka na, lalo na kung galing ka pa lang sa break up, mabi-build mo lalo ang experience mo at marami kang matutunan. Kapag kasi mag-isa tayo, marami tayong maiisip na gusto nating gawin. Uulitin ko, hindi ko sinasabi na walang kwenta ang takbo ng buhay kung in a relationship ka. Pero hindi natin maitatanggi na mas maraming oras at pagkakataon ang mga single. Sabi ko nga kanina, marami kang matutunan sa buhay o marami kang mabago kung single ka pa. Kaya 'wag kang magmadali. Idaan mo sa tamang proseso ang buhay mo. Hindi pwedeng atat na atat kang magkarelasyon dahil naiinggit ka sa may jowa. Magpokus ka muna kung ano ang dapat mong i-improve sa buhay mo, tsaka ka na maghanap ng partner. Ayusin mo muna ang sarili mo. Magpokus ka muna sa trabaho mo. 'Wag kang gumaya sa iba na may jowa nga pero nganga naman kasi walang hanapbuhay. Dapat balansehin mo muna ang sitwasyon. Magsikap ka sa buhay. Sanayin mo munang mag-isa ka. Sanayin mong maging independent. I want you to know, that there’s a lot of power in being fully self-sufficient. You can learn to be autonomous while in a relationship, but it is much easier to develop that skill when you are single.


NUMBER 3
MAS MALUSOG KA


Siguro maitatanong mo, hindi ba malusog ang mga taong in a relationship? Malusog din naman pero madalas sila ang nai-stress, naiirita, nalulumbay, lalo na kung toxic ang partner nila. Pero kung nasa healthy relationship naman sila, healthy din ang kanilang buhay. Ito ang mga parte ng buhay na healthy kung single ka:

Una, makakapag-exercise ka. Dahil single ka e, kontrolado mo ang iyong oras. Kung may partner ka, kailangan mo pa siyang tanungin kung gusto ba niyang mag exercise sa labas, at kung ayaw niyang mag exercise baka ayaw mo na rin, 'di ba? Gan'on y'ong senaryo minsan e. At isa pa, napakamotivating mag exercise kapag single. Kasi naiisip natin na attractive tayong tingnan. Kapag in a relationship ka na, hindi ka na masyadong nag-iisip tungkol sa sarili mo, kung attractive ka pa ba kasi may partner ka na e. Iba pa rin yung mindset mo n'ong single ka pa lang, 'di ba? At siyempre, hindi ka na masyadong mai-stress. Anyone can experience stress, whether single or in a relationship. But being single often comes with fewer stressors than a relationship does. Bakit gan'on? Kasi wala kang pag-aalala tungkol sa commitment, tungkol sa responsibilidad mo sa ibang tao, walang away na mangyayari kahit maliit na dahilan lang. Walang mga gan'on sa buhay mo kung single ka. At ang pinaka-importante, ang PERA. Kung single ka, ang pera mo ay sa 'yo lang. Hindi mo na kailangang magbayad para sa partner mo. Hindi ko naman sinasabi na kailangang magpokus ka sa pera. Ang ibig kong sabihin, 'wag ka munang pumasok sa relasyon kung tagilid ang financial status mo.


NUMBER 4
MAKAKATULONG KA SA IBA


Isa ito sa mga nakikita ko in real life pero hindi ko naman nilalahat, okay? May ilang mag partner kasi na nag-aaway dahil ang asawa niyang lalaki ay nag-abot ng tulong sa ibang tao. Nagalit ang asawa dahil kukulangin daw ang kita nila. Pero noong single pa lang si lalaki, kilala na siya bilang matulungin sa lugar nila. Nakuha mo ba ang punto? Yung mga dati mong ginagawa ay hindi mo na magagawa dahil may hahadlang na sa 'yo. Kung OK naman ang partner mo sa desisyon mong 'yan, walang problema. Smooth pa rin ang daloy ng relasyon ninyo. Pero bihira lang mangyari 'yon. At isa pa, limitado lang din ang pakikipag-ugnayan mo sa iba kasi may magseselos na. 'Yan ang isa sa mga hadlang ng mga taong in a relationship. You are less likely to explore and make friends from different backgrounds. Wala ka ng panahon para makipagkwentuhan sa ibang tao. Mag-aalinlangan ka na ring gumala kasama ang mga kaibigan mo baka magalit ang partner mo. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakahiwalay kayong magkakaibigan kasi sobrang nakapokus ka na sa partner mo. Pati pamilya mo ay nabalewala mo na. Being single means, you can focus much more on your friendships and creating better bonds overall. And you will also be more willing to focus on maintaining those connections.

Staying single can be the perfect option for many mature individuals! You should not feel pressured to enter a relationship just because that’s the social norm. It’s up to you what you do with your life and what direction you want it to take. If the benefits of being a single appeal to you much more than a relationship ever could, your preference is perfectly valid!




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177