If You Feel Life is DISAPPOINTING, Read This By Brain Power 2177


Photo by Ketut Subiyanto:
https://www.pexels.com/photo/stressed-black-male-entrepreneur-working-on-laptop-in-park-4560092/


Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko na nakakaranas ka ng pagkabigo at pagkadismaya sa buhay. Totoo naman na hindi natin palaging nakukuha ang kagustuhan natin. May mga plano tayong hindi natutupad. At ang mga pangayayaring 'yon ay sobrang nakakadismaya. Kahit gaano pa kataas ang ambisyon mo, kahit gaano ka pa kalakas, may mga araw talaga na kalaban mo ang panahon, minsan tao pa ang kalaban mo. May mga tao nga na may skills pero wala naman silang opportunity para magamit ang skill nila. May mga taong mapagmahal pero napupunta sa maling tao. May financially stable pero hindi naman maayos ang ugnayan sa pamilya. May mga ganyang sitwasyon na sobrang nakakadismaya. Kung pagkadismaya ang nararamdaman mo ngayon, sakto sa 'yo ang videong ito.


NUMBER 1
ANO ANG KAILANGAN MO?


'Yan ang unang gagawin mo. Ang magtanong sa sarili mo kung ano ba ang kailangan mo para masiyahan ka sa buhay. Alamin mo kung ano ang kailangan mo. Kung nadismaya ka na sa takbo ng iyong buhay, kailangan mong matukoy kung bakit ka nakakaramdam ng pagkadismaya. Basically, kailangan mong alamin kung ano ang iyong mga inaasahan. Sabihin na nating umaasa ka ng peaceful na buhay dahil 'yon ang nararanasan ng mga magulang mo noon at gusto mo ring maranasan 'yon ngayon. Pero hindi pwedeng gan'on ang expectations mo, na dapat pareho kayo ng buhay ng magulang mo. Kasi iba ang buhay sa modernong panahon at sa lumang panahon. Halimbawa noon, wala pang masyadong aplicante sa trabaho. Ngayon napakarami na ng nag-apply ng trabaho at mahihirapan kang makapasok dahil nag-aagawan na ang mga tao. Ang punto ko lang, sabi ko nga, alamin mo kung ano ang tunay na nakakapagpasaya sa 'yo. Hindi y'ong expectations vs. reality ka lang na mindset. O komparahan lang. Uulitin ko, alamin mo kung ano ang nakakapagpasaya sa 'yo. Ano ba talaga ang kailangan mo para sumaya ka? Alamin mo 'yan.


NUMBER 2
TANGGAPIN MO ANG REALIDAD


Ang dahilan kung bakit madali kang madismaya kasi napakataas ng expectations mo. Sa sobrang taas, hindi na kapani-paniwala. Minsan kasi, ang inaasahan mo ay hindi pala ang siyang makakapagpabago ng buhay mo. Tulad ng kaibigan ko. Gusto niyang maging dancer pero wala naman siyang talento sa pagsasayaw. Sumasayaw naman siya pero hindi naman gan'on kagaling. Pero sumasali pa rin siya sa contest at ang masakit dun, palagi siyang talo. Pero umaasa pa rin siya na mananalo siya balang araw dahil pangarap niya 'yon. Lahat ng sinalihan niyang contest sa barangay, talo siya. Di ba yung iba kapag pangarap nila, nakukuha nila dahil hindi sila sumuko. Pero iba sa kanya, palagi siyang taob. Pero sa paglipas ng ilang taon, na-realize niya na kailangan niyang tanggapin ang masakit na katotohanan na minsan ang kagustuhan natin ay hindi natin makukuha. Hindi ko ito gawa², storya ito ng kaibigan ko. At isang araw, tinanong siya ng kanyang mama kung ano pa ba ang gusto niyang gawin o ano ang pangarap niya sa buhay maliban sa pagsasayaw. Sabi niya,gusto niya maging guro. So he redirected his energies towards teaching his nephew. Nagpa-praktis siyang magturo sa mga pamangkin niya. At nag-aaral siya ng mabuti. At ngayon ay isa na siyang guro. Success, 'di ba? Therein lies the KEY to greater fulfillment: aim to discover the root of what it is you want to do, and then determine all the different ways you could make that a reality. Kung hindi ka nagtagumpay sa unang pangarap mo, baka may ibang misyon ka pala sa buhay. Gamitin mo kung anong kakayahan ang natitira sa loob mo. Alam kong may marami ka pang nakatagong talento at ilabas mo 'yon at mamamangha ka na lang sa resulta nito.


NUMBER 3
MAGPOKUS KA SA KASAGANAAN


Sa sobrang hirap ng buhay, hindi natin maiisip na masagana ang mundo. Kaya kung may magsasabi sa atin na magpokus tayo sa kasaganan, napakahirap talagang gawin. Sobra din akong nahihirapang gawin ito noon. Palagi ko lang naiisip noon ang mga kakulangan sa buhay ko at hindi ko man lang napapansin ang mga bagay na nasa akin na. Halimbawa, may gasgas ang phone mo, siyempre sa gasgas ka na lang nakapokus. Hindi mo naiisip na at least gumagana pa ang phone mo. Halimbawa rin luma na ang damit mo, siyempre nakapokus ka sa hiya na suotin 'yon pero hindi mo naiisip na nakakatulong pa rin ang damit mo dahil may nasusuot ka pa. Kita mo 'yan, 'yan ang dahilan kung bakit nadidismaya ka sa buhay dahil nakapokus ka lang palagi kung ano ang KULANG sa buhay mo. Hindi mo na pinansin ang positive side ng buhay. Things might feel crap right now but they could also be a lot worse, right? Kaya magpasalamat ka na lang dahil may nagagamit ka pa. Kapag nakapokus ka sa kasaganaan at sa pagpapasalamat, mas sasaya ka dahil papasok sa isipan mo na wala na palang kulang sa buhay mo. Kung may kulang man, hindi gaanong nakaka-distract sa isipan mo. Please do this right now, okay? Write down absolutely everything good going on in your life at this moment. May natitirhan ka ba ngayon na safe ka? Nakakakain ka ba ngayon? May tunay ka bang kaibigan? Seryoso ito. Write down all the abundance and goodness you are experiencing. Alam ko na marami kang mapapasalamatan sa buhay.


NUMBER 4
MAGTATAGUMPAY KA RIN


Minsan may mga delay sa buhay. 'Wag tayong mainip. Dapat habaan natin ang ating pasensya. Iba kasi ang ating expectations e. Ini-expect natin na madali lang pitasin ang bunga ng pinagagawa natin. Pero hindi 'yan totoo. Kailangan nating paghirapan 'yon. Kailangan nating maghintay. Kailangan nating magpatuloy. Ang mga pangarap mong nakakadismaya sa umpisa, minsan stepping stone lang pala. Minsan ang pagsubok ang naging dahilan kung bakit tayo lumalaban pa. So take the time to consider that what you think is a curse right now might work out better than you imagined. Magic happens when you allow space for the unexpected to step in.


NUMBER 5
MAGPOKUS KA SA KAYA MONG GAWIN


Ito lang ang masasabi ko, kung sa palagay mo ay hindi mo kaya, 'wag mo na lang gawin. Kung sa palagay mo kaya mo, gawin mo. Mas madali ang buhay kung nakapokus ka lang sa mga bagay na siguradong kaya mong gawin. Kung nalulungkot ka dahil ang lahat ng iyong mga pangarap at layunin ay tila hindi mo makakamit o napuruhan ka sa hindi inaasahang pagkakataon, pag-isipan mo kung ano ang maaari mong gawin ngayon. Pag-isipan mo 'yan, ngayon din. Na-stuck up ka ba sa letseng buhay mo ngayon? Sa palagay mo ba ay hanggang diyan na lang ang buhay mo? Tukuyin mo kung ano ba talaga ang plano mo sa buhay para makapag-isip ka ng mga next move mo. 


NUMBER 6
LUMAYO KA SA TOXIC NA TAO


Sobrang nakakadismaya ang buhay kung ang mga tao sa paligid mo ang isa sa mga dahilan kung bakit bumagsak ka. Ano pa ang gawin mo? Iwasan mo na sila. Pero hindi ko naman sinasabi na sisihin mo sila. Kasi hindi mo naman sila makokontrol. Kung alam mo ng toxic sila tapos nakadikit ka pa rin sa kanila, sarili mo na ang dapat sisihin mo. Just pay attention to how you feel when you are with them or right after spending time with them. Kung negatibo ang nararamdaman mo habang kasama mo sila, lumayo ka na. 'Wag ka ng sumama sa kanila. Lumayo ka sa mga taong minamaliit ka, sa mga taong hindi ka nire-respeto, sa mga taong walang pakialam sa emosyon mo, sa mga taong gumawa ng kasamaan laban sa 'yo, pero hindi lang 'yan. You also pay extra attention to how YOU make YOU feel. I mean, are you listening to yourself? Are you advocating for YOU? Are you respecting and holding your own boundaries? Do you make YOU feel safe? Are you resting enough? Bakit ko sinasabi 'to? Dahil gusto ko lang ipaalam sa 'yo na dapat kakampi mo rin ang sarili mo. Take into consideration how much you’re doing for yourself. Kung palagi ka lang nagbibigay ng atensyon sa iba para lang sumaya sila, hindi na balanse 'yon. You’re sacrificing your own happiness and fulfillment for the sake of keeping someone else happy, that’s really not okay. You won’t be happy until you change your circumstances, and the only way you can do that is to stay away from toxic people.


NUMBER 7
ANO BA ANG PUMIPIGIL SA 'YO


Kailangan mo talagang malaman 'yan. Ano ba ang gusto mong makamit sa buhay? At ano ba ang humahadlang sa 'yo o sino ba ang pumipigil sa 'yo na kamtin 'yon? Dapat alam mo para madali mong makamit ang tagumpay. Paano mo malalabanan ang mga hadlang kung hindi mo alam kung ano ang humahadlang sa 'yo? Pag-isipan mo 'yan ng mabuti.


NUMBER 8
GAWIN MO ANG DAPAT GAWIN


Nangangailangan ito ng matinding lakas ng loob. May iba kasi na takot silang gawin ang gusto nila. But you must sit down with yourself and be completely honest about what you really want in life, and what you will have to do to make it happen. Then, you will need to take the steps – and make the sacrifices – that are required to get you there. You must be willing to sacrifice what you have now if you truly want to achieve your dreams. Alam kong nakakatakot pakinggan pero kailangan mo talagang magsakripisyo. Katulad ko, iniwan ko ang trabaho ko noon dahil mas gusto ko na maging freelance writer kahit hindi pa ako sigurado noon kung mabubuhay ba ako sa trabahong ito. Pero ginawa ko pa rin ang dapat kong gawin. Paano ko malalaman na mabubuhay pala ako ng trabahong ito kung hindi ko susubukan, 'di ba? Mas lalong madidismaya tayo sa buhay kung hindi tayo aalis sa lugar kung saan alam na natin na hindi tayo magtatagumpay d'on. Iba kasi ang mindset ng tao e. Alam nila kung ano ang gusto nila pero hindi nila ginawa. Nag-eexpect lang sila na babagsak ang tala sa kanilang mga kamay, umaasa na lang sila sa swerte, umaasa sila na maging successful kahit wala naman silang ginagawa. O di kaya'y ginawa naman nila pero sumuko din sila kaagad. Pero gusto ko lang na tandaan mo, hindi nabuo ang bahay sa isang araw lang. Kaya 'wag kang madismaya sa buhay kung medyo natatagalan ka na makita ang pagbabago. Determination is everything, and you will get there. Trust God and trust yourself.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177