You Are BLOCKING God's Blessings (STOP Doing These 8 Things) By Brain Power 2177


Photo by Arina Krasnikova:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-orange-coat-with-black-and-brown-scarf-5418305/


Palagi ka bang nakatingin sa buhay ng iba at masasabi mo sa sarili mo na

“Bakit hindi ako nakikita ng Diyos?”

“Bakit hindi Niya ako pinapansin?”

“Bakit hindi Niya ako pinapaulanan ng blessings”

'Yan ang kadalasang natatanggap ko na message. Sabi nila, ginagawa naman daw nila ang lahat ng tama at mabuti pero parang wala pa rin daw pakialam ang Diyos sa kanila. Puro kahirapan na lang daw ang natatamasa nila. Pero alam naman nating lahat na ang Diyos ay isang MABUTING DIYOS na nagmamahal at nagpapala sa Kaniyang mga anak. Basahin natin ang Mateo 7:11,


Kita mo 'yan, magbibigay Siya ng mabubuting bagay sa mga humihingi sa Kaniya. At the same time, alam ng Diyos ang nilalaman ng ating puso, alam Niya ang ating kakayahan, alam Niya ang ating kagustuhan, alam rin Niya ang takbo ng ating buhay, nakuha mo ba ang punto? Kaya pinili ng Diyos na 'wag ibigay ang gusto mo dahil nakikita ng Diyos na hindi 'yon para sa 'yo. Ang gusto ng Diyos para sa 'yo ay hindi pareho ng gusto mo para sa sarili mo and that might even be a blessing in itself. Kaya heto na ang 8 rason kung bakit hindi binigay ng Diyos ang kagustuhan mo.


NUMBER 1
HINDI TAMA ANG PAGHINGI MO


Ito ang kadalasang nangyayari e. Hindi ka binigyan ng Diyos dahil hindi specific ang hiniling mo at hindi tama ang pagkahingi mo. Tapos magagalit ka pa dahil hindi ka napapansin. Pero alam naman natin na alam ng Diyos ang ating pangangailangan. Pero hindi lang tama ang pagkasabi natin. Pero hindi pwedeng humiling ka tapos wala kang pananampalataya. God wants a relationship with us in which we come to Him, in FAITH. Sabi sa Santiago 4:2,


O kung humingi ka man, hindi naman tama ang pagkasabi mo o hindi naman sang-ayon ang Diyos sa hiningi mo. Sabi ni Jesus sa Juan 16:24,


Kaya ngayon, dapat ipaalam mo sa Diyos ang tunay mong pangangailangan. Dapat specific. Dapat matuto ka kung paano humingi, kung paano magtiwala at kung paano magpasalamat.


NUMBER 2
WALA KANG TIWALA SA KANIYA


May ibang taong ganito e. Gusto nila humingi sila ngayon tapos gusto rin nila na bukas dapat mayroon na at kapag walang dumating, hindi na sila masyadong nagtitiwala kung talaga bang nakikinig o nagbibigay ang Diyos. Ito ang sinabi ni Jesus sa kanyang mga followers, sa Mateo 21:22,


at ituloy natin sa Marcos 11:24,


Jesus said that everything is possible to the one who BELIEVES, basahin natin ang Marcos 9:23,


Kung medyo tagilid pa rin ang paniniwala mo sa tekstong 'yan, panahon na siguro para manalangin ka para maibalik ang pananampalataya mo sa Diyos. Ano ang sinabi sa Marcos 9:24?



NUMBER 3
MASAMA ANG MOTIBO MO


Halimbawa, humihiling ka sa Diyos na sana'y manalo ka sa laban tapos matalo ang kalaban mo. Hindi nakikinig ang Diyos sa panalangin na 'yan dahil ang motibo mo ay pansarili lamang. Katulad ng panalo sa lotto, hindi nakikinig ang Diyos niyan. Ayaw mong maniwala? Ito ang sabi sa Santiago 4:3,


Ang mabuting gawin mo ay humiling ka sa Diyos ng sapat na lakas para may magagamit ka pa para paglingkuran Siya at makatulong sa iba. O di kaya'y ipagdarasal mo ang kalagayan ng iba. Unahin mo muna silang ipagdasal bago ang sarili mo. Mas matutuwa ang Diyos niyan. Ito ang sabi sa Awit 37:4,


Kita mo 'yan, if He is your DESIRE and your DELIGHT, it will delight His heart to grant your desires.


NUMBER 4
MAKASARILI KA


Ito na nga ang sinasabi ko sa 'yo kanina. Kung pansarili lamang ang kahilingan mo, hindi ka sasagutin ng Diyos kasi nga alam ng Diyos kung ano ang intensyon mo. Ang iba nga ay nanlalamig na dahil sa pabalik-balik nilang pananalangin pero wala pa ring blessings na dumating. Nawalan ka na rin ba ng gana? Kasi nga, puro lang sarili mo ang iniisip mo. Hindi mo man lang naiisip kung paano pasayahin ang Diyos. Gusto mo lang na ikaw lang ang sumaya. Hindi ba't makasarili 'yon? Mas maraming beses pang nagrereklamo ka kaysa sa nasisiyahan ka. Ni minsan ba'y nagpasalamat ka sa mga kagandahang nangyari sa buhay mo? O naiisip mo lang kausapin ang Diyos kapag nahihirapan ka na? Tandaan mo, ang Diyos ay hindi katulad ng pinaniniwalaan ng mga bata na si Santa Claus. At hindi rin obligasyon ng Diyos na magbuhos na lang ng blessings kada hingi ng tao. Kaya kung nakikita ng Diyos na makasarili ka, hindi ka niya pakikinggan. Totoo 'yan. Ito ang sabi sa Lucas 9:23,


Dapat hindi tayo makasarili. Dapat unahin nating pasayahin ang Diyos dahil ito ang sabi sa Galacia 2:20,


Kaya 'wag kang magpokus kung gaano ka ka-blessed, magpokus ka kung paano ka maging blessing sa Diyos.


NUMBER 5
MAKASALANAN KA


Yun bang hingi ka ng hingi pero hindi ka man lang nagsisisi sa pinagagawa mong kalokohan. Halimbawa, humingi ka ng blessing sa Diyos tapos lasinggero ka, adik ka, hindi ka Niya matutulungan. Apektado talaga ang relasyon mo sa Diyos. Dapat linisin mo ang iyong pagkatao. Mag confess ka, humingi ka ng tawad sa Kaniya. Basahin natin ang Santiago 4:7-10,






NUMBER 6
HINDI MO PA PANAHON


Iba kasi ang panahon ng Diyos at panahon nating mga tao. Halimbawa gusto mo ng mag-asawa pero nakikita ng Diyos na hindi pa ito panahon mo dahil medyo tagilid pa ang sitwasyon mo financially. Kung pipilitin mo, doon na magkakaproblema ang buhay mo. Mas lalo kang lulubog. Mapupunta ka sa maling tao. Bakit? Kasi wala kang pasensya. Wala kang tiwala sa Kaniya. Basahin natin ang Ecclesiastes 3:1,


Pero dito nagkakamali ang iba. Iniisip nila na hindi na sila kikilos kasi naghihintay sila ng perpektong timing ng Diyos. Hindi dapat gan'on ang mindset. Kumilos ka pa rin kahit wala ka pang pagpapalang natatanggap dahil wala rin namang mangyayari sa buhay mo kung hingi ka lang ng hingi tapos wala ka namang ginagawa. Patience ang pinag-uusapan dito. Tinitignan ka lang ng Diyos kung handa ka na bang tanggapin ang blessings. Perpekto ang Diyos at perpekto ang mga plano Niya para sa atin.


NUMBER 7
MAGSIKAP KA SA BUHAY


Gusto ng Diyos na magpatuloy ka lang sa iyong paglalakbay at magpatuloy ka lang sa iyong panalangin at paghingi. Kung nakita ng Diyos na sumuko ka na, susukuan ka na rin Niya. Dahil sinabi ni Jesus sa Lucas 18:1,


Gusto ng Diyos na hindi masisira ang relasyon nating lahat sa Kaniya kaya gusto Niya tayong palapitin sa Kaniya. Persist in prayer. Don't give up. Hindi mo lang alam na malapit ka na palang biyayaan ng Diyos.


NUMBER 8
ANG DIYOS MISMO ANG BLESSING


Alam nating may Diyos na buhay, 'yon pa lang BLESSING na 'yon para sa atin. Hindi mo lang 'yan napapansin kasi ang palaging nasa isip mo ay kayamanan at kasikatan. 'Yon ang kinonsider mong blessing. The fact that you have life, that you're still breathing, and that you have someone in your life who loves you are all blessings that He's given that you may have been taking for granted. Basahin natin ang Efeso 1:3,


Kita mo 'yan, napakalaking blessing na 'yan pero hindi lang natin nakikita. Kaya magpasalamat tayo araw-araw dahil hindi natin alam na sobra-sobra na pala ang ating natatanggap.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177