You Will LOVE Your Parents More After Reading This (3 Ways To HONOR Your Parents)


Photo by Emma Bauso:
https://www.pexels.com/photo/family-of-four-walking-at-the-street-2253879/


Diretsuhin na kita, kung malaman mong mamamatay na ang mga magulang mo bukas, ano ang sasabihin mo sa kanila? Siyempre magso-sorry ka dahil marami kang nagawang kasalanan. At siyempre sasabihin mong mahal na mahal mo sila. Pero alam naman natin, na mahal ng mga anak ang kanilang mga magulang, at mahal din ng mga magulang ang kanilang mga anak. Pero kahit gusto ng mga magulang at anak na maging malapít sa isa’t isa, may mga panahon talaga na minsan ay nahihirapan silang mag-usap. Pero ito ang sinasabi ng Bibliya sa Efeso 6:2, 3,



Ephesians 6:2, 3,



Paano mo ba mapaparangalan ang iyong Ama at Ina? Magagawa mo ito sa 3 paraan:


NUMBER 1
PAHALAGAHAN MO SILA


Pinararangalan mo ang iyong ama at ina kung tumatanaw ka ng utang na loob sa lahat ng ginawa nila para sa 'yo. Maipakikita mong mapagpasalamat ka kung pinahahalagahan mo ang ibinibigay nilang patnubay. 'Yan din ang sinasabi ng ating Ama sa langit. Basahin natin ang Kawikaan 7:1, 2,



Kita mo 'yan, hinihimok ka ng Bibliya na ituring ang mga magulang mo bilang iyong “KAGANDAHAN,” ibig sabihin, ipinagmamalaki mo sila. Basahin natin ang Kawikaan 17:6,


Gusto kong maipadama mo NGAYON sa mga magulang mo kung gaano mo sila kamahal. Kahit simpleng gestures lang tulad ng PAGYAKAP at pagsabi sa kanila na MAHAL KITA, it instantly makes them feel special. Kasi hindi lang naman IKAW ang nangangailangan ng kalinga e. Your parents too feel the need to be pampered. It lets them know that you value them and appreciate the things they do for you. Kahit simpleng pagtanong lang sa kanila kung kumusta ang buong araw nila, malaking bagay na 'yon sa kanila. Kahit nga pagsabihan mo sila na masarap ang kanilang niluluto. Hindi na matutumbasan 'yan ng salapi. They would really like it if you enquired and cared about them. It will make them feel extra special.


NUMBER 2
RUMESPETO KA SA KANILA


May autoridad sila. Respetuhin mo 'yon. Lalo na habang bata ka pa, pinararangalan mo ang iyong ama at ina kapag kinikilala mo ang autoridad na ibinigay ng Diyos sa kanila. Sinasabi ng Colosas 3:20 sa mga kabataan:


Kahit nga si Jesus ay handang sumunod sa kaniyang mga magulang noong bata pa siya. Basahin natin ang Lucas 2:51,


Sa paggalang mo pa lang sa mga magulang mo, ay nagpapakita na ng respeto sa kanila, sa salita at sa gawa at pagkakaroon ng mataas na pagtingin sa kanilang posisyon bilang mga magulang. Ang salitang Griyego sa "paggalang" ay nangangahulugan ng "PAGPIPITAGAN AT PAGPAPAHALAGA." Halimbawa, may ilang Pilipino na maaaring tumutol sa desisyon ng presidente, ngunit dapat na mayroon pa rin silang paggalang sa kanyang posisyon bilang lider ng bansa. Gayundin naman ang mga anak sa lahat ng gulang ay dapat na igalang ang kanilang mga magulang kahit na ang kanilang mga magulang ay hindi "KARAPATDAPAT" sa kanilang paggalang. Kasi utos 'yan ng Diyos e. Inuutusan tayo ng Diyos na igalang ang ating ama at ina. Binibigyan Niya ng kahalagahan ang paggalang sa mga magulang na sapat upang isama niya ito sa Sampung Utos Basahin natin ang Exodo 20:12,


at hindi nawala ang bisa niyan. Mababasa mo pa rin 'yan sa Bagong Tipan sa Efeso 6:1-3,




Ang paggalang sa ama at ina ang tanging utos sa Kasulatan na may kasamang pangako ng pagkakaroon ng mahabang buhay bilang gantimpala. Ang mga gumagalang sa kanilang mga magulang ay pinagpapala. Sa kabaliktaran, ang mga taong may "MAKASALANANG PAG-IISIP" at mga taong "NAGPAPAKITA NG KAWALAN NG TAKOT SA DIYOS" ay kinakikitaan ng pagsuway sa kanilang mga magulang. Dapat nating pagsikapan na igalang ang ating mga magulang kung paanong nagsisikap tayo na makapagbigay luwalhati sa Diyos sa ating pagiisip, sa salita at sa gawa. Para sa isang maliit na bata, ang pagsunod sa magulang at paggalang ay laging magkasama. Kasama sa paggalang ang PAKIKINIG, PAGSUNOD, at PAGPAPASAKOP sa kanilang kapamahalaan. Kapag lumaki na ang bata, ang pagsunod na natutunan nila noong bata pa sila ay tutulong sa kanila upang igalang din naman ang mga may kapangyarihan tulad ng mga may tungkulin sa pamahalaan, pulis at pinagtatrabahuhan. Pero hindi naman ibig sabihin na porket inuutusan tayo ng Diyos na igalang ang ating mga magulang, ay susundin pa rin natin sila kahit mali na ang kanilang ginagawa. Hindi natin dapat na gayahin ang kanilang mga makasalanang gawa. Basahin natin ang Ezekiel 20:18, 19,



Kung pinapagawa ng isang magulang ang kanyang anak ng isang bagay na malinaw na sumasalungat sa utos ng Diyos, nararapat na sundin ng batang iyon ang Diyos sa halip na ang kanyang magulang.


NUMBER 3
MAG PROVIDE KA SA KANILA


Kapag tumanda na ang iyong mga magulang, baka kailanganin nila ang praktikal na tulong. Mapararangalan mo sila kung gagawin mo ang iyong buong makakaya para mailaan ang mga pangangailangan nila. Basahin natin ang 1 Timoteo 5:8,


Seryosong usapan na 'yan. Bibliya na ang nagsabi. Hindi ko 'yan gawa-gawa. Kaya kailangan mo silang paglaanan ng praktikal na tulong. Isipin mo ito ng mabuti, noong nasa sinapupunan pa lang tayo, mahal na mahal na tayo ng ating ina at pati na rin ang ating ama. They will take care of everything about us. TRUE and UNSELFISH LOVE. Kung hindi mo kayang magbigay ng malalaking halaga, wala namang problema. Kasi ang mga magulang natin, hindi naman nag-eexpect ng ganyan e. The main worry of parents is their child's happiness. They sacrifice their own life for us. At ngayong matanda na sila, isa lang ang gusto nila, MAHALIN mo sila dahil ang ang tunay na pagmamahal sa ngayon, ay unti-unti ng nawawala. Mabigat sa kanilang dibdib 'yon kung makikita nila na wala ka ng paki sa kanila. Masakit 'yon para sa kanila. Matitiis mo ba 'yon? You see, everyone is busy in making their own life not caring about the person who is supportive throughout their life. May iba nagkakaroon na ng sariling pamilya, kinalimutan na nila ang kanilang mga magulang. They would expect only love from us nothing more than that. But sadly, we don't have time for them. Noong una, tayo ang mga bata nila. Ngayong matanda na sila, sila na dapat ang mga bata natin. 'Yan ay malaking regalo na natin para sa kanila. Mahalin natin ang ating mga magulang, naumpisahan na natin noon at ipagpatuloy pa rin natin ngayon. Kung ngayon mo pa lang napagtanto, panahon na para simulan mo na silang GALANGIN at MAHALIN ngayon.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177