Posts

Showing posts from July, 2021

You Have To Have A Plan For Your Future By Brain Power 2177

Image
Dapat may plano ka sa buhay Photo by  Startup Stock Photos  from  Pexels Kung gusto mong magtagumpay, dapat magsakripisyo ka. 'Wag kang umasa na may magbago sa buhay mo kung ayaw mong magsakripisyo. Gumising ka, bumangon ka na handang harapin ang lahat. G'ano man kahirap, dapat handa ka ng labanan 'yon. 'Wag kang umasa na mananalo ka sa larong sinasalihan mo, 'wag kang umasa na tataas ang record mo, kung wala kang sakripisyo, wala kang makukuha. Hindi ka yayaman kung wala kang pinaghirapan. Hindi ang kayamanan ang pupunta sa 'yo. Hindi ka maging masaya kung hindi ka masaya sa pinagagawa mo. Hindi mahuhulma ang katawan na gusto mo kung inaabuso mo ang iyong sarili. If you want to change the world, start first with yourself. Kung gusto mong makausad, ipakita mo ang pagkilos mo. Hindi pwedeng hanggang salita ka lang. Because everything is based off activity. Hindi pwedeng ganito ka na lang palagi. Hindi pwedeng bibig lang ang umaandar sa 'yo. Dapat paghirapan m

What Is The Importance Of Forgiveness By Brain Power 2177

Image
Napatawad mo na ba siya? Photo by  Brett Jordan  from  Pexels Lahat naman tayo ay magkakamali. Pero hindi lahat tayo ay may kakayahang magpatawad. Uulitin ko, lahat tayo ay nagkakamali at magkakamali pa ng paulit-ulit. Kahit maliit man na pagkakamali ay pareho lang 'yon. Ang pagkakamaling 'yon ay hahantong sa hindi pagkakasundo, pagtatalo, at kalungkutan. Natural lang na magkamali kasi tao lang tayo, hindi tayo perpekto. Pero dapat magpatawad din tayo kasi tao lang naman din tayo. Siguro iniisip mo na Diyos lang ang madaling magpatawad. Pero alam mo, lahat naman tayo ay may kakayahang magpatawad. Kapag nagpapatawad ka, mawawala na rin ang pagkabitter mo sa buhay at mawawala na rin ang sama ng iyong loob. May punto lang akong ipapaliwanag sa 'yo. Ang pagpapatawad ay HINDI nangangahulugan na kinunsinti mo ang maling ginawa ng isang tao. HINDI ibig sabihin na OKAY ka lang sa ginawa ng tao sa 'yo kahit hindi naman. Hindi rin ito nangangahulugan na kalimutan mo na lang dahil

7 Benefits Of Being Single By Brain Power 2177

Image
May benepisyo ang pagiging single Source 2 klase lang ng single. Ang taong nag-eenjoy sa kanyang SINGLE LIFE at ang taong nalulungkot sa kanyang SINGLE LIFE. Kung ikaw yung taong MALUNGKOT sa solong buhay, masasaktan ka talaga. Lalo na kung halos lahat ng taong nakikita mo ay may karelasyon na. Ngunit ang pagiging single ay maaaring maging isang pagpapala, kung 'yan lang ang iisipin mo. Hindi rin naman natin maitatanggi na kapag may partner din tayo ay nakakapagpasaya rin sa atin 'yon. Lalo na kung healthy ang isang relasyon. Bihira lang nating maisip ang matinding problema dahil may katuwang na tayo sa ating problema. May partner ka man ngayon o wala, may benepisyo rin ang pagiging single at malalaman mo rin sa videong ito kung paano maging masaya kahit nag-iisa. NUMBER 1 MAS MAKILALA MO ANG IYONG SARILI Photo by  Andrea Piacquadio  from  Pexels Kung single ka, mas lalo mong mapagtuonan ng pansin ang iyong sarili. Kadalasan kapag nasa isang relasyon tayo, tinutulungan tayo ng

Believe It Will Happen By Brain Power 2177

Image
Tiwala + Aksyon = Tagumpay Photo by  Nilina  from  Pexels Madalas ko ng naririnig 'to, “Kung magtiwala ka lang, makakamit mo” Totoo naman 'yon. Pero ang problema lang sa 'yo, hanggang tiwala ka lang. Wala ka pa ring ginagawa. Kailangang sabayan mo ng malupitang aksyon. Dapat may gagawin ka. Simpleng pormula lang 'yan pero may hatid na pagbabago. Kailangan mong magtiwala at kailangan mong gawin. Alam mo ba kung ba't marami ang hindi nagtatagumpay? Alam nila ang kanilang goals, pero hindi nila ramdam kaya sumuko na lang sila dahil nagsasawa sa ginagawa. Karamihan din ay malapit na sanang magtagumpay kaso lang nag-aalinlangan sila. Hindi nila ramdam ang tunay nilang layunin sa buhay. Umaaksyon sila pero ayaw mapagod. Gusto lang nila na madali lang ang buhay. Hindi nila alam kung ipagpatuloy pa ba ang misyon o ibigay na lang sa iba. Tama ba ako? May iilang araw na pagod ka ng bumangon? Parang ayaw mo na? Pagod kang gigising na may utang. You're gonna wake up most da

Top 10 Reasons Why You're Still Single By Brain Power 2177

Image
Bakit single ka pa rin? Photo by  T  from  Pexels Alam ko ang iba sa inyo ay pinasok na ang dating apps. May iba rin na mga magulang ang naglalaan ng kanilang kapares. Minsan din nag-eeffort ka pa para magustuhan ng crush mo. Sa kabila ng lahat, nagtataka ka kung bakit single ka pa rin. Sasagutin ko 'yang katanungan mo ng diretso. May mga bagay ka kasing ginawa na wala sa formula ng attraction. Kung bakit single ka ay dahil lang din sa pag-uugali mo. Ibig sabihin na ito'y nagsisimula lang din sa sarili mo. Ang unang hakbang patungo sa positibong pagbabago ay alamin mo kung ano ang ginagawa mong mali, at dapat responsable ka sa mga pagkakamaling 'yon. Narito ang posibleng mga dahilan kung bakit single ka pa rin at may 10 gabay na malalaman mo ngayon kung paano baguhin ang iyong ugali. NUMBER #1 HINDI KA NAGHAHANAP Photo by  Christina Morillo  from  Pexels Maniwala ka man o hindi, hindi ka makakahanap ng partner kung hindi ka naghahanap. Naniniwala ka kasi sa mga pinanood mon