Believe It Will Happen By Brain Power 2177


Photo by Nilina from Pexels


Madalas ko ng naririnig 'to,

“Kung magtiwala ka lang, makakamit mo”

Totoo naman 'yon. Pero ang problema lang sa 'yo, hanggang tiwala ka lang. Wala ka pa ring ginagawa. Kailangang sabayan mo ng malupitang aksyon. Dapat may gagawin ka. Simpleng pormula lang 'yan pero may hatid na pagbabago. Kailangan mong magtiwala at kailangan mong gawin. Alam mo ba kung ba't marami ang hindi nagtatagumpay? Alam nila ang kanilang goals, pero hindi nila ramdam kaya sumuko na lang sila dahil nagsasawa sa ginagawa. Karamihan din ay malapit na sanang magtagumpay kaso lang nag-aalinlangan sila. Hindi nila ramdam ang tunay nilang layunin sa buhay. Umaaksyon sila pero ayaw mapagod. Gusto lang nila na madali lang ang buhay. Hindi nila alam kung ipagpatuloy pa ba ang misyon o ibigay na lang sa iba. Tama ba ako? May iilang araw na pagod ka ng bumangon? Parang ayaw mo na? Pagod kang gigising na may utang. You're gonna wake up most days and not feel like doing it. Kahit g'ano ka pa kapagod kung babangon ka pa rin, may magbabagong positibo sa buhay mo.

Bilang tao, may kanya-kanya tayong layunin sa buhay. Y'ong mga bagay na gagawin mo ay makakapagpa-improve ng iyong buhay. Ayaw mo ba 'yon? Siyempre gusto, 'di ba? E di gawin mo ang mga dapat mong gawin. May mga bagay din na makakasira ng iyong buhay? Gusto mo bang masira ang buhay mo? E di gawin mo 'yon. You see, you have the freedom to choose to do good and evil. Wala akong kontrol sa buhay mo. Pero isa lang ang masasabi ko, piliin mo ang positibong bagay upang positibo rin ang resulta. Gumising ka ng maaga, mag ehersisyo ka, kumain ka ng masustanyang pagkain, maglinis ka. Make a list of things you're supposed to do in your life and then wake up in the morning and do those things. Oo hindi 'yan madali pero DISIPLINA ang nakataya dito. Walang gagawa ng mga bagay na 'yan para sa 'yo. Gagawin nating lahat 'yan para sa ikakagaan ng ating sarili. Do you think things are gonna just go your way? They're not gonna just go your way. You gotta make them go your way. You think things are gonna just happen for you? They're not just gonna happen for you. You gotta make them happen. Lahat ay nag-iisip na may tutulong sa kanila, na sasaluhin sila ng gobyerno, HINDI. 'Wag mong iasa sa gobyerno ang lahat. Nobody owes you.

Kung may gusto ka, lumabas ka at habulin mo 'yon. 'Yan lang naman ang gawin mo. Tama na sa kakawelga, tama na sa kakaiyak, ibalik mo ang katinuan mo. Please do something about it. Isa lang ang humahadlang sa 'yo, ang NARARAMDAMAN mo. Kapag magaan ang pakiramdam mo, saka ka narin kikilos. 'Yan ang problema mo. P'ano kung masama na lang ang pakiramdam mo sa lahat ng oras? Magpapatalo ka ba? Where there's a will, there's a way. Kung makakahinga ka pa, wala ka ng dapat i-dahilan pa. Baguhin mo naman ang pananaw mo. Gusto mo nalang na habang buhay ka lang ganyan? Kung nakaupo ka lang diyan umiiyak, nagrereklamo, nag-iisip kung bakit hindi mo kaya, ayos lang ikaw lang naman ang nagpili niyan. Hindi ako at lalong hindi sila. Ikaw ang pumili sa buhay na 'yan kaya panindigan mo. 'Wag kang umasa na may hahawak sa problema mo. Please do something about it. Stop talking shit. You can win if you choose to learn the things that you need to do and then do them. 'Yan ang katotohanan ng buhay.


Photo by Lukas from Pexels


Ba't hindi mo matanggap ang realidad? Ayaw mo bang maging responsable sa buhay mo? Wala kang nararating kasi wala kang kinikilos. Oo masakit 'yan pero kailangan mong malaman. Once you accept that truth, you are able to then move forward with the actions required to get you to where you wanna go. Disiplina lang sa sarili. Palayain mo ang iyong isipan. Upang mabuksan din ang iyong pananaw. Get after it and you will become the person you wanna be. Gusto kong makitang nagbago ka na.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177