You Have To Have A Plan For Your Future By Brain Power 2177
Photo by Startup Stock Photos from Pexels
Kung gusto mong magtagumpay, dapat magsakripisyo ka. 'Wag kang umasa na may magbago sa buhay mo kung ayaw mong magsakripisyo. Gumising ka, bumangon ka na handang harapin ang lahat. G'ano man kahirap, dapat handa ka ng labanan 'yon. 'Wag kang umasa na mananalo ka sa larong sinasalihan mo, 'wag kang umasa na tataas ang record mo, kung wala kang sakripisyo, wala kang makukuha.
Hindi ka yayaman kung wala kang pinaghirapan. Hindi ang kayamanan ang pupunta sa 'yo. Hindi ka maging masaya kung hindi ka masaya sa pinagagawa mo. Hindi mahuhulma ang katawan na gusto mo kung inaabuso mo ang iyong sarili. If you want to change the world, start first with yourself. Kung gusto mong makausad, ipakita mo ang pagkilos mo. Hindi pwedeng hanggang salita ka lang. Because everything is based off activity.
Hindi pwedeng ganito ka na lang palagi. Hindi pwedeng bibig lang ang umaandar sa 'yo. Dapat paghirapan mo ang bawat bagay. Walang madali sa buhay. Kung madali man 'yan, hindi 'yan worth it. Malalaman mo ang halaga ng isang bagay kung pinagpawisan mo 'to. Imposibleng hindi ka magtatagumpay kung may aksyon ka. Sigurado akong makakaahon ka.
Nasa abroad ka, nagsasakripisyo ka, 'yan pa lang panalo ka na. Ba't ko nasabi? Kasi hinarap mo ang TAKOT mo. Hindi lang naman ito tungkol sa pera. Tungkol din ito sa pagmamahal mo sa pamilya mo. 'Wag mong sayangin ang bawat oras na nagdaan. Dapat may plano ka rin sa buhay.
Minsan kasi nagsasakripisyo tayo at akala natin ay 'yon na 'yon. Pero hindi pa d'on magwawakas. Minsan kasi nagsasakripisyo tayo pero hindi pa rin natin alam kung ano ang patutunguhan natin. It's in practicing, it's in eating right, it's in making good decisions that you look a certain way. It's how you practice, it's what you do that makes you look like you look. It's the process of the grind that shapes you and forms you. Hindi lang ito basta sabi-sabi na lang.
Nahihirapan ka sa 'yong buhay dahil palagi ka lang nagtatrabaho pero wala ka pa ring plano para sa kinabukasan mo. Palagi ka pa ring talo sa sitwasyon na 'yan. Iniisip mo kasi palagi na TRABAHO lang ng TRABAHO, kumusta naman ang PLANO mo sa buhay? I know you want more than that. Pinapagod mo lang ang sarili mo. Ayos namang magtrabaho. Ayos din ang magnegosyo. Ang problema lang kasi sa 'yo ay wala kang MAPA sa buhay para malaman mo kung saan ka papunta.
Photo by Startup Stock Photos from Pexels
Hindi tayo nilalang dito para gumanyan lang. Nilagay tayo ng Diyos sa mundong 'to kasi may kanya-kanya tayong pananaw at misyon. At gagawin natin 'yon kahit walang nakatingin sa 'tin. Magtatrabaho tayo kahit hindi tayo pinupuri. Magnenegosyo tayo kahit may naiinggit sa 'tin. That's the REAL GRIND. Kahit hindi nila alam ang pinagagawa mo, kahit nag-aaral ka mang mag-isa, 'yan ang tunay na sakripisyo. Pinaghirapan mo ang isang bagay kahit walang sumusuporta sa 'yo.
Alam kong inspired ka palagi kapag nanood ka ng videong kagaya nito. Pero alam mo, ang videong 'to ay gabay lang sa buhay mo. Hindi ito ang solusyon. IKAW ang SOLUSYON. May proseso tayong pinagdaanan. At ang pinagdaanan nating kahirapan ang nagpapatamis ng ating tagumpay. Kaya't dapat ay nakapokus lang tayo sa ating goal.
Wala na akong oras sa mga bagay na hindi makakapag improve ng buhay ko. 'Yang mga inuman, 'yang social media na 'yan, wala na akong oras para sa mga bagay na 'yan. Ginamit ko lang ang social media para ibahagi ang motibasyong 'to. Do what you're supposed to do. Hindi ka na bata para maglaro ng walang kwentang bagay. May seryosong buhay ka na.
Bakit mo ipagpalit ang dapat mong gawin sa mga bagay na panandalian lang? D'on ka magpokus sa TAGUMPAY. Paano makakamit 'yon? Magsakripisyo ka. Magplano ka. Tuldukan mo na ang toxic mong habits. Dahil toxic na ang habits mo, mas lalong lulubog ang buhay mo. Habang yumayaman sila, ikaw naman ay naghihirap. Maraming bagay ang mahahawakan mo kung i-execute mo lang ang mga plano mo.
Pero ang nakikita kong problema sa mga tao ngayon, hindi sila kikilos kung walang sumusuporta sa kanila. Kahit walang sumuporta, ipagpatuloy mo pa rin. Pangarap mo 'yan. Kagustuhan mo 'yan. Hindi mo na kailangan ng approval nila. If you're gonna have it, get up and make it happen. If you're gonna have it, rise and grind. If you're gonna have it, you're gonna have to do what I do and that's get up early so you can think what you wanna do in this day.
May oras tayong lahat pero ang pinagkaiba lang ay kung paano natin ito ginagamit. Gusto mo BUKAS na? Walang bukas. Ang bukas ay magiging ngayon. We only got today. Now I'm not putting my dream on anybody and I don't care what they think about my dream. It's my dream, nobody's gonna see it like I do. Nobody's gonna be as dedicated to it as I am. It's my dream and they don't have to understand and they don't have to like it. Kahit hindi nila ako maintindihan, kahit hindi nila ako magustuhan, PANGARAP ko pa rin 'to. And I've been given the take to make it happen, and I can't let anything stop me from doing what I was called to do.
Comments
Post a Comment