7 Benefits Of Being Single By Brain Power 2177



2 klase lang ng single. Ang taong nag-eenjoy sa kanyang SINGLE LIFE at ang taong nalulungkot sa kanyang SINGLE LIFE. Kung ikaw yung taong MALUNGKOT sa solong buhay, masasaktan ka talaga. Lalo na kung halos lahat ng taong nakikita mo ay may karelasyon na. Ngunit ang pagiging single ay maaaring maging isang pagpapala, kung 'yan lang ang iisipin mo.

Hindi rin naman natin maitatanggi na kapag may partner din tayo ay nakakapagpasaya rin sa atin 'yon. Lalo na kung healthy ang isang relasyon. Bihira lang nating maisip ang matinding problema dahil may katuwang na tayo sa ating problema. May partner ka man ngayon o wala, may benepisyo rin ang pagiging single at malalaman mo rin sa videong ito kung paano maging masaya kahit nag-iisa.


NUMBER 1
MAS MAKILALA MO ANG IYONG SARILI
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kung single ka, mas lalo mong mapagtuonan ng pansin ang iyong sarili. Kadalasan kapag nasa isang relasyon tayo, tinutulungan tayo ng ating jowa na palakasin tayo at ipaparamdam nila sa atin ang ating halaga. Ganyan naman talaga, 'di ba? Kaya sa oras ng break up, nawawala din ang ating confidence at iniisip natin na wala na tayong halaga. Wala na ang taong nagpapahalaga sa atin. Pero ang pagiging single ay nagbibigay sa atin ng isang pagkakataon upang maibalik natin ang ating pokus sa ating sarili. Matutunan natin kung paano palakasin ang ating sarili. Matutunan din natin na maging independent. Napakagandang pagkakataon ito upang malaman natin kung paano natin mahalin ang ating sarili.

Getting to know yourself is all about developing a real picture of who you are, including the parts you are proud of and the parts that you struggle with from time to time. Ilista mo lahat ng kalakasan at kahinaan mo. Isipin mo ang mga bagay na nagustuhan mo sa sarili mo. Dapat proud ka sa sarili mo. Natural lang naman na may kahinaan ka. Lahat naman tayo ay may kahinaan. Alamin mo kung saang banda ka mahina at i-improve mo.


NUMBER 2
MALALAMAN MO ANG IYONG GUSTO
Photo by Julia Avamotive from Pexels


Matutunan natin ang tunay na kagustuhan natin sa buhay. Ang dami nating matutunan kapag single tayo. Malinaw na ang paningin mo tungkol sa sarili mo at mag-eenjoy ka na rin habang nag-iisa. Kapag kasi may jowa ka na, nakakalimutan mo na kung ano ang gusto mo sa buhay dahil siya lang ang gusto mo, sa kanya ka lang nakapokus. Ang pagiging single ay nagbibigay sa 'yo ng space upang malaman mo talaga ang iyong mga hinahangad.

'Yan ang palagi kong naririnig sa mga kaibigan ko. A lot of people live their lives having no clue what they want. Madalas na lang sinusunod ang kagustuhan ng iba kasi nga wala silang alam kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay. That’s a pretty lousy way to live your life. Ipapaalala ko lang sa 'yo baka kasi nakalimutan mo na ISA lang ang buhay mo. Kaya't gawin mo na ang lahat-lahat ngayon. Gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo. Kung hindi mo alam kung ano ang gusto mo, 'wag kang mag-alala kasi hindi ka naman nag-iisa. Ang daming taong hindi alam ang kanilang gusto. Determine what makes you TRULY happy. There’s no waste to life if you’re happy living it. Your happiness is the root of your desires. So take a few moments and really think about what makes you happy.


NUMBER 3
MATUTUNAN MO
ANG PAGIGING RESPONSABLE
Photo by Dalila Dalprat from Pexels


Kung alam mo kung ano ang gusto mo at kung alam mo kung paano mamuhay ng tama, ibig sabihin na responsable ka na sa lahat ng bagay. Kapag ikaw ay single, may kakayahan ka na ring pumili kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo at ikaw na rin ang mananagot sa mga gawaing 'yon. Ibig sabihin na malayang malaya ka na. You learn to forge your own way, and that elevates inner confidence and resilience.

To take responsibility for your life, is to take responsibility for your powers of thinking, feeling, speaking and acting, because this is the structure of all human experience. You create your life with your thoughts, feelings, words and actions. Tama na ang paninisi, tama na ang pagrereklamo. Complaining is another form of blaming and playing victim as if you have no choice. It also shows that you focus on lack, you focus things going wrong, things happening to you. When you take responsibility for your life and experience, you step into a place of calm confidence. You feel calm because you know that you are consciously in charge of yourself and that you can choose how you respond.


NUMBER 4
MAS MAPALALIM MO ANG UGNAYAN MO
SA 'YONG MGA KAIBIGAN
Photo by Andre Furtado from Pexels


Siyempre kung may partner ka na, priority mo na siya, 'di ba? Wala ka ng masyadong oras sa mga kaibigan mo. Remember this, STRONG friendships are incredibly important. Kapag may oras at space ka upang pangalagaan ang pagkakaibigan ninyo, maaari din nilang pagyamanin ang iyong buhay sa gano'ng paraan at mas lalong tutulungan ka nilang pasayahin kapag hiniwalayan ka. Kapag single ka, talagang may posibilidad kang magkaroon ng mas maraming oras upang pagtuonan ng pansin ang iyong sarili at pagtuonan ang iba pang mahahalagang relasyon.

Friends keep us mentally and physically strong. Makakatulong ang mga kaibigan natin na mabawasan ang ating kalungkutan. Kaya't 'wag mo silang iwanan dahil lang may jowa ka na. Napakahalaga nila sa ating buhay. Sila ang malalapitan natin kapag sobrang down na natin. Napapatawa nila tayo sa panahong problema tayo. Friends can change our value system so we learn to inject more meaning into our lives.


NUMBER 5
MAGKAKAROON KA NG SAPAT NA ORAS
SA 'YONG SARILI
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kahit maliit na bagay pa 'yan o hobby mo man yan, may maraming oras ka na para magawa ang mga bagay na gusto mo. Lamang ka na sa mga taong in a relationship kasi pilit pa nilang pagbalansehin ang dalawang bagay. E ikaw marami ka ng oras para sa sarili mo at may oras ka para sa mga gusto mong gawin sa buhay. Bagaman sasabihin ng karamihan na may oras naman sila kahit in a relationship sila pero hindi talaga pareho kung single ka.

Palagi na lang natin inuuna ang ibang tao. Nakakalimutan na natin ang ating sarili. There are so many roles we have to play. The day is filled with different responsibilities and duties, and it's getting harder to find time for yourself. It's so easy to forget about yourself in daily rush. Being alone and doing something for yourself is a great way to stop the daily rush.

Kapag single ka, kalmado lang ang isipan mo. Nakaka-stress kasi kapag may karelasyon kasi may dapat kang asikasuhin. Pero kung single ka, malinaw mong maririnig ang positibong boses sa ulo mo. You have time to listen to yourself, to discover your dreams, to believe in yourself and focus on your beauty. 'Di ba't nakakagaan 'yon ng pakiramdam?


NUMBER 6
MALAYA KA NA
Photo by Matthias Cooper from Pexels


Malaya ka na kung saan ka magpunta. Lahat ng gusto mong puntahan ay mapupuntahan mo dahil wala ng pumipigil sa 'yo. Every relationship comes with a certain amount of compromise, but when you're single, you get to call the shots. Kahit mag travel ka pa, makipag-inuman ka sa mga barkada mo, wala ng problema. Kung gusto mong magpagabi, wala na ring problema. Go ahead. Masarap maging single dahil may sarili ka ng mundo.

Freedom is about the decisions of everyday life. When it comes to things like what to eat, what shows to watch, what music to play, when to sleep, how to spend money, singles mostly get to decide those things for themselves. That’s important, but freedom is also about even BIGGER things. Single people think about what really matters to them, and then they go for it. 


NUMBER 7
MAPAPALAGO MO
ANG IYONG SARILI
Photo by juan mendez from Pexels


Ang pagiging single ay bahagi ng ating buhay at makakatulong ito sa 'tin upang mapalago ang sarili natin. Mas lalo kasi nating mapagtuonan ng pansin ang ating buhay at mas maalagaan natin ang ating sarili, mental at pisikal. Kapag may karelasyon ka, dalawa ang iniisip mo. Pangangailangan mo at pangangailangan ng partner mo.

Ang pagiging single ay isa ng malaking pagkakataon upang matutunan mong maging komportable sa sarili mo. We generally have no choice but to open ourselves up to emotional discomfort and learn how to navigate rejection, disappointment, and uncertainty.

Palagi kasi nating nakikita sa TV na hindi tayo kompleto kapag single tayo. Pero hindi 'yan totoo. Alam mo kung bakit? Believe it or not, relationships are ‘MENTALLY’ EXPENSIVE. Intimacy and partnership takes up a lot of space in our heads. Even though much of this is happening unconsciously, there’s simply a lesser capacity for individually focused thought.

Pero paano kung lahat ng mga kaibigan mo ay may karelasyon tapos ikaw lang ang wala? Isa lang ang mararamdaman mo. Maiinggit ka sa buhay nila. Hindi ka komportable na sumama sa kanila. Parang mahihiya ka at magkaka anxiety ka na rin. Nakapokus ka na lang sa BAKIT WALA AKONG KARELASYON? BAKIT WALANG NAGKAKAGUSTO SA AKIN? Feeling mo parang FAILURE ka na. Natural lang na maiisip mo na hindi ka kamahal-mahal at hindi ka kanais-nais sa mata ng ibang tao pero sa totoo lang, ang iniisip mo ay HINDI TOTOO.





Kung hindi ka sanay maging single at hindi ka man matagumpay sa kakahanap ng kapares, ang emosyong maramdaman mo ay katulad ng emosyon na nawalan ka ng mahal sa buhay. 'Yon ay KALUNGKUTAN kaya halos lahat ng tao ngayon ay desperado ng humanap ng kapares. Kasi gusto nilang sumaya. Para sa karamihan naman, mayroon silang kagustuhan o type sa isang tao at malulungkot sila kapag hindi nila nakita ang gano'ng type na hinahangad nila.

Pero alam mo na magkaiba naman tayo ng type sa isang tao. 'Wag mo namang taasan lalo ang standard mo na mapunta ka na lang sa ilusyon. 'Wag ka na ring malungkot kung may karelasyon ang mga kaibigan mo dahil hindi naman ibig sabihin na pangit ka o wala kang kwenta, hindi pa lang siguro ipinanganak ang para sa 'yo. Learn to be OK with it.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177