Top 10 Reasons Why You're Still Single By Brain Power 2177


Photo by T from Pexels


Alam ko ang iba sa inyo ay pinasok na ang dating apps. May iba rin na mga magulang ang naglalaan ng kanilang kapares. Minsan din nag-eeffort ka pa para magustuhan ng crush mo. Sa kabila ng lahat, nagtataka ka kung bakit single ka pa rin. Sasagutin ko 'yang katanungan mo ng diretso. May mga bagay ka kasing ginawa na wala sa formula ng attraction.

Kung bakit single ka ay dahil lang din sa pag-uugali mo. Ibig sabihin na ito'y nagsisimula lang din sa sarili mo. Ang unang hakbang patungo sa positibong pagbabago ay alamin mo kung ano ang ginagawa mong mali, at dapat responsable ka sa mga pagkakamaling 'yon. Narito ang posibleng mga dahilan kung bakit single ka pa rin at may 10 gabay na malalaman mo ngayon kung paano baguhin ang iyong ugali.


NUMBER #1
HINDI KA NAGHAHANAP
Photo by Christina Morillo from Pexels


Maniwala ka man o hindi, hindi ka makakahanap ng partner kung hindi ka naghahanap. Naniniwala ka kasi sa mga pinanood mong drama sa TV. Naniniwala ka na magkabalikan pa kayo ng ex mo. Naniniwala ka na makakatagpo ka ng mala-dramang relasyon sa kompanya. Kaya naghihintay ka na lang din. Hindi ka mapapansin ng crush mo kung nandiyan ka lang sa bahay niyo at nags-scroll sa Facebook. Lumabas ka at mag first move ka. Hindi ibig sabihin na babae ka ay hindi ka na pwedeng mag first move. Flirting is human nature. Aminin na natin, may flirty side din tayo. Hindi mo alam kung saan mangyayari ang tagpuan niyo, 'di ba? at mas lalong hindi mo malalaman kung hindi ka magpapakita ng interes. Kahit babae ka pa ay pwede kang mag first move sa sarili mong paraan. Sabi ko nga kanina may flirty side din tayo.


NUMBER #2
HINDI KA NAGPAPAKATOTOO

Sabi kasi ng iba, FAKE IT TILL YOU MAKE IT. Ito ang nangyayari sa mga taong single. Umaasta silang masaya, umaasta silang kaakit-akit sa panlabas na anyo, umaasta silang mabait pero sa kalooban nila ay may kamandag na itinatago at may mga kinikimkim pang pangyayari sa nakaraan na hindi pa naghihilom. Lahat ginagawa mo para magbago ang iyong panlabas na anyo dahil pilit mong maka-attract ng tao. At totoo may maa-attract sa 'yo pero naa-attract lang sila sa 'yong PEKENG pagkatao. At ang pag-uugaling ito ay maaaring makapinsala dahil hindi ka nagpapakatotoo sa sarili mo. Yung taong nililigawan mo ay na-in love sa taong hindi niya TUNAY na kilala. Hanggang sa unti-unting lumabas ang tunay mong kulay at unti-unti na rin silang lumayo sa 'yong buhay. Maitatanong mo, “Bakit hindi niya ako mahal?” Simple lang ang sagot, DAHIL HINDI NIYA MINAHAL ANG TUNAY MONG PAGKATAO. MINAHAL NIYA ANG TAONG PUNO NG PAGPAPANGGAP. Makipagkonekta kang muli sa sarili mo. Kilalanin mo ang sarili mo at mahalin mo ulit ang sarili mo. Work on that first. Be true to yourself, and you’ll soon attract true love.


NUMBER #3
NAGHAHANAP KA NG PERPEKTONG TAO
Photo by Marcus Aurelius from Pexels


Nag-ugat kasi ito n'ong ika'y teenager pa lamang. Sa kakapanood mo ng Fairytale Story, iniisip mo na may perpektong tao pala sa mundo. Kaya ika'y naghahanap ng gwapo at macho, maganda at sexy, matangkad at mayaman, matalino at charming. Tapos gusto mo pa yung taong tatanggapin ka ng buo. Isa lang ang masasabi ko sa 'yo, TANGGALIN MO ang paniniwalang 'yan dahil hindi 'yan totoo. Nag-iilusyon ka lang. Okay naman kung mayroon kang type sa isang tao pero hindi 'yan ang dapat mong hanapin dahil hindi mo 'yan mahahanap. May kaibigan ka bang nangangarap na doktor ang kanyang mapapangasawa tapos ang ending ay nahulog siya sa guro? Kasi ang pag-ibig ay hindi mo mahuhulaan. Love moves in mysterious ways. You have no idea what God has in store for you.


NUMBER #4
NANINIWALA KA SA TADHANA
Photo by Thought Catalog from Pexels


Sabi ko nga kanina, bunga ito sa kakapanood mo ng Fairytale. Walang tadhana. Ikaw ang bumubuo ng kwento mo. Akala mo na gan'on na lang ang pagmamahal. Wala namang masama kung naniniwala ka sa tadhana, ang masama lang do'n ay hindi ka na kumikilos dahil hinayaan mo na lang ang tadhana na magkontrol sa 'yo. Destiny becomes problematic when you start using it as an excuse to avoid getting out of your comfort zone. Just let your heart and mind do and act as they would normally and your fate will follow.


NUMBER #5
MAY KINIKIMKIM KANG SAKIT
Photo by Marcus Aurelius from Pexels



Sakit sa nakaraan na hindi pa naghihilom. Paano ka makakahanap ng bagong tao kung hindi mo pinakawalan ang luma? Kahit hindi ka na in love sa ex mo, kahit GALIT na lang ang natitira, makakaapekto pa rin ito sa 'yo. Dahil sa kanya ka pa rin nakapokus. Tanungin mo nga ang sarili mo,

“Naka move on na ba talaga ako?”

“Handa na ba akong magmahal ulit?”

May iba kasi na nagmamadaling makahanap ng iba hindi dahil gusto na nila, kundi gusto nilang makalimutan ang nakaraan. Nanggagamit sila ng tao para lang sumaya. Di ba ang selfish non? Hindi ka na nga masaya sa buhay mo, nandamay ka pa ng inosente.


NUMBER #6
INIISIP MO NA UNCONDITIONAL
ANG PAG-IBIG
Photo by mentatdgt from Pexels


Ganito naman ang palagi nating nakikita at naririnig, 'di ba? Yung tipong sa hirap at ginhawa ay magkakasama pa rin. Pero hindi lahat ng unconditional ay UNCONDITIONAL. Halimbawa abusado kang tao hindi ibig sabihin na mamahalin ka pa rin ng tao dahil unconditional, 'di ba? Someone will back out if you've taken them for granted. Lahat tayo ay tao lamang at tayo'y napupuno rin. Kung naghihintay ka na may magmamahal sa 'yo ng unconditional, baka tumanda ka na lang at wala ka pa ring makikita.


NUMBER #7
SOBRANG SERYOSO MO SA BUHAY


Sa sobrang seryoso mo, nai-stress ka na sa kakahanap ng tamang tao. Natatakot ka ng tumandang mag-isa. Atat na atat ka ng magkapamilya. Gusto mo ng mag-settle. Sa sobrang seryoso mo sa pakikipagrelasyon, lumalabas ang baho ng pagkadesperado. Ito'y negatibong enerhiya. Naaamoy ito ng taong ka-date mo. Kaya siya nagpupumiglas na makalabas dahil may napapansin siyang katakot-takot sa 'yo. Relax ka lang. Kumalma ka lang. Find your inner peace. Ang pakikipag relasyon ay para din 'tong laro. Palaging may matatalo at mananalo. Kaya kumalma ka upang makapag-isip ka ng maayos. 'Wag mong ibuhos lahat sa unang date pa lang. Masisira ang pormula ng attraction nito.


NUMBER #8
HINDI MO ALAM KUNG ANO
ANG GUSTO MO
Photo by Godisable Jacob from Pexels


Hindi mo alam kung ano ang gusto mo dahil hindi mo pa kilala ng lubos ang sarili mo. Madalas mong maririnig sa mga advice ng ibang tao na dapat bukas ka palagi para makapasok ang pag-ibig. Dapat makipaghalubilo ka rin sa ibang tao, hindi pwedeng dumikit ka lang sa mga taong kakilala mo. Pero ang pagiging bukas sa lahat ay HINDI SAPAT. Bukas ka nga sa lahat ng bagay pero wala ka namang standard sa buhay. Kaya ano ang resulta? Hindi mo alam kung ano ba talaga ang gusto mo. Dapat bukas ka sa bagong karanasan and at the same time, dapat may guidelines ka rin sa relasyon. Tanungin mo ang sarili mo,

“Sino ako?”

“Ano ba ang gusto ko sa buhay?”

“Ano bang klaseng tao ang kailangan ko sa buhay?”

Once you figure that out, you can figure out the general idea of your compatible partner.


NUMBER #9
HINDI MO ALAM KUNG ANONG
GUSTO NILA
Photo by Anna Shvets from Pexels

Kanina ay tungkol sa 'yo. Ngayon naman ay tungkol ito sa kanila. Kung babae ka na single pa rin dahil hindi mo alam kung ano ang gusto ng mga lalaki sa isang relasyon. Gan'on din sa mga lalaki. Magkaiba kasi ang kagustuhan ng babae at lalaki sa relasyon. Our brain are wired differently. Dapat alam mo rin ang love language niya upang madali mong makuha ang kiliti ng crush mo. Hindi mahuhulog ang crush mo sa 'yo kung hindi mo napindot ang tamang button niya. Kung gusto mong magkaroon ng partner, dapat alam mo na ang lalaki ay ang nagpoprotekta at ang babae yung pinoprotektahan.


NUMBER #10
HINDI MO MAHAL ANG SARILI MO
Photo by Anna Shvets from Pexels


Hinding-hindi ka makakatagpo ng pag-ibig kung wala kang pag-ibig sa loob mo. Kung handa ka ng magmahal ulit, dapat handa ka munang mahalin ang sarili mo. Kung hindi mo mahal ang sarili mo, sigurado akong naghahanap ka ng tao para makapuno ng kulang na 'yon. At 'yon ay napaka toxic. Aminin mo 'to at wala kang dapat ikahiya. Kung hindi mo mahal ang sarili mo, paano mo malalaman o paano mo ma-appreciate ang pagmamahal ng ibang tao?

In this day and age practicing self love is surprisingly hard. Itinuturo kasi ng lipunan sa 'tin na nasa labas ang ating kaligayahan. That the true path to happiness and fulfillment is to find love with someone else. Hindi 'yan totoo. Kung gusto mong mahalin ka ng tunay, ipakita mo sa lahat na mahal mo ang sarili mo.

In my experience, the missing link in any relationship is never sex, is never communication or going on romantic dates. All these things are important, but they are rarely deal breakers when it comes to the success of a relationship. The missing link is actually understanding what drives men and women.




Comments

Popular posts from this blog

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177