What Is The Importance Of Forgiveness By Brain Power 2177
Photo by Brett Jordan from Pexels
Lahat naman tayo ay magkakamali. Pero hindi lahat tayo ay may kakayahang magpatawad. Uulitin ko, lahat tayo ay nagkakamali at magkakamali pa ng paulit-ulit. Kahit maliit man na pagkakamali ay pareho lang 'yon. Ang pagkakamaling 'yon ay hahantong sa hindi pagkakasundo, pagtatalo, at kalungkutan. Natural lang na magkamali kasi tao lang tayo, hindi tayo perpekto. Pero dapat magpatawad din tayo kasi tao lang naman din tayo. Siguro iniisip mo na Diyos lang ang madaling magpatawad. Pero alam mo, lahat naman tayo ay may kakayahang magpatawad. Kapag nagpapatawad ka, mawawala na rin ang pagkabitter mo sa buhay at mawawala na rin ang sama ng iyong loob. May punto lang akong ipapaliwanag sa 'yo.
Ang pagpapatawad ay HINDI nangangahulugan na kinunsinti mo ang maling ginawa ng isang tao. HINDI ibig sabihin na OKAY ka lang sa ginawa ng tao sa 'yo kahit hindi naman. Hindi rin ito nangangahulugan na kalimutan mo na lang dahil IMPOSIBLENG makakalimutan 'yon. Kung gayon, ano ba ang kahulugan ng pagpapatawad? 'Yon ay ang pag-alis sa negatibong resulta ng pananakit ng isang tao. Bakit dapat tayong magpatawad? Bagaman makakatanggal ito ng bigat sa ating kalooban, pero gusto ko lang malaman mo ang katotohanan. Hindi tayo magpapatawad para lang sa taong nakagawa ng kasalanan. Magpapatawad tayo para makalaya na tayo sa sakit na ating nararamdaman.
Forgiveness is for our own growth and happiness. Kapag hindi tayo bibitaw sa sakit na 'yan, sa galit na 'yan, 'yan ang magpapabagsak ng ating buhay, hindi ang taong nananakit sa 'tin. Doble ang paghihirap natin. Naghihirap tayo dahil sa resulta ng kanilang ginawa at naghihirap tayo dahil sa resulta ng ating ginawa sa sarili natin. Tayo ang nagkikimkim ng negatibong enerhiya. Ang pagpapatawad lang talaga ang makakapaghilom ng ating sugat. Kapag palagi nating bitbit ang pait ng kahapon, ibig sabihin na nakatira ka pa sa nakaraan mo, hindi ka pa nakapag move on. Hindi mo mapapansin ang tamis ng buhay mo ngayon dahil sa KAHAPON ka na lang nakapokus. That's the reason why it's hard for you to move on. Forgiveness allows us to move on without anger or without contempt or without seeking revenge. Kapag palagi ka na lang nag-iisip ng paghihigante, para ka na ring naghukay ng libingan. Talo ka sa kahit anong anggulo. Nag-iisip ka pa lang ng paghihigante, TALO ka na kaagad. Tapos kinikimkim mo pa ang GALIT mo, TALO ka pa rin kahit anong mangyari. Kahit hindi mo talaga kayang maghigante, ang GALIT mo pa rin ang dudurog sa 'yo.
Kapag kasi nagpapatawad ka, kinukuha mo pabalik ang iyong tamang kontrol. Ang galit mo, ang panghihinayang, ang poot, o sama ng loob sa isang tao ay nangangahulugang hinayaan na lang natin na kontrolin tayo ng taong 'yon. Para ka kasing nakagapos ngayon sa kadena tapos ang taong nananakit sa 'yo ang may hawak sa kadenang 'yon. Hangga't hindi ka pa rin nagpapatawad, hindi mo masisira ang kadenang 'yon. At 'yan ang magpapa stress sa 'yo. Forgiveness brings you back to good physical and mental health. The systems of the body respond to negative emotions, affecting the immune system in ways that would blow your mind. That's why releasing those emotions is a good idea.
Kapag nagpapatawad ka, para mo na ring nilinis ang nakabarang sapot sa 'yong mga mata upang makita mong muli ng malinaw na may maganda pa ring sitwasyon na nangyayari sa buhay mo. At ang nakakagaan pa ng loob, mas makikita mo na ang positive side ng taong nananakit sa 'yo. Tayo kasing mga tao ay sobrang judgemental natin. Kapag sinaktan tayo, iniisip natin kaagad na masama na ang taong 'yon. Hindi pa lang natin nakikita ang positive side ng tao dahil binubulag tayo ng GALIT natin.
Paano ba magpatawad? Halimbawa na lang natin na may karelasyon ka tapos nasaktan ka, kailangang mag-usap muna kayo ng maayos bago maghiwalay. Alam kong mahirap itong sundin pero dapat mo 'tong gawin para kung magkahiwalay man kayo, madali mo na lang i-proseso ang lahat. Take your time to process your anger and hurt. Kung gusto mo pang magpatuloy ang inyong relasyon, hintayin mo muna ang kanyang aksyon bago ka magdesisyon. Dapat obserbahan mo siya ng mabuti kung may nagbago ba sa kanya pagkatapos mong pinatawad. Kung walang nagbago, do'n ka na magdesisyon. 'Wag mong hayaan na tatapakan ng ibang tao ang emosyon mo. Sabihin mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman. Walang masama do'n kasi nga nasaktan ka. 'Wag mong lunurin ang buhay mo sa sakit. Pwede kang magtanong sa kanya at siyempre kailangan mo rin ang iyong kasagutan. May karapatan kang malaman ang gusto mong malaman.
Photo by freestocks.org from Pexels
Kapag sinasabi na niya ang lahat, mag set ka ng boundaries. Pero hindi ibig sabihin na gano'n na lang 'yon. Kailangan mo ring ipaliwanag sa kanya na mas pinili mo na lang ang magpatawad kaysa mabaon ka sa epekto ng kanyang ginawa. If the hurt took place in a past relationship and you can’t seem to get out from under the anger, resentment, or heartache that it caused, then your process will be an INTERNAL one. Pwede kang makipag-usap sa mapagkakatiwalaan mong kaibigan mo tungkol sa kapatawaran at pwede mo ring isulat na lang kung ayaw mong magsalita. Be sure you understand your feelings and express them.
Pero bago ang lahat, ilagay mo muna ang sarili mo sa taong nananakit sa 'yo. Step into their shoes. Unawain mo kung bakit sinaktan ka niya. Kung bakit winasak niya ang relasyon ninyo. Mahalagang malaman mo kung anong motibo niya. Hindi ibig sabihin na konsintihin mo ang mga nagawa ng taong 'yon, pero ang PAG-UNAWA ang unang hakbang para makapagpatawad. Forgive yourself for your contribution to what happened. Ang nangyari sa 'yo ngayon, hayaan mo na hanggang sa ito'y lilipas na rin at mapunta na lang sa NAKARAAN. Find the beauty in your present life. Forgiveness is not reserved for our romantic partners. We can all find renewed richness in our relationships if we can learn to forgive.
Uulitin ko na naman, kapag pinatawad mo ang isang tao, pinatawad mo rin ang iyong sarili. Paulit-ulit mo na 'tong naririnig mula sa 'kin at mula sa ibang tagapayo. Bearing a grudge against someone who has hurt you is not just about what they have done to you. It’s about what you have allowed to happen to you. Hindi mo kasi mapipilit ang mga tao na 'wag kang saktan. May sarili din silang pag-iisip. Hindi mo sila kontrolado. Kahit ano pa ang gawin mo, kahit gaano ka pa kabait, may tao pa ring mananakit sa 'yo. Alam mo man o hindi, may mga tao diyan na galit sa 'yo, naiinis sa 'yo, naiinggit sa 'yo, maliban lamang kung sasabihin nila 'yon ng harapan. Kahit hindi man nila sabihin 'yan ngayon, lalabas pa rin ang katotohanan. At dapat handa ka ng magpatawad sa mga taong 'yon kahit sila pa man ang nagkamali. When you forgive them, you forgive yourself. And when you forgive yourself, you allow resentment and hurt to be replaced by healing.
Ang pagpapatawad ay makakatulong sa 'yo na mailabas ka sa pagkabiktima. Parang tinanggal mo ng literal ang sarili mo sa kadenang nakagapos sa 'yo. Kahit hindi mo makakalimutan ang ginawa ng tao sa 'yo, pwede ka pa ring magpatawad. Sabi ko nga kanina, hindi na natin mabubura ang nagawa nila sa 'tin. Ang nangyari sa 'yo ay nangyari na. Kahit ano pa ang galit mo sa tao, hindi na 'yon maitutuwid pa. Hindi natin 'yan maitatanggi. And you should not try to pretend that everything is back to normal. It isn’t. You may forgive someone and never choose to see them again. That’s your choice after all is said and done. It’s a matter of whether or not you can ever trust that person or set of circumstances again. No longer a victim, no longer controlled by negative energy, you can focus on becoming stronger, on establishing your own integrity, on building your own character so that you know yourself well enough to never allow yourself to be caught in a situation of terrible compromise and pain.
Ito pa ang nagustuhan ko sa pagpapatawad. Pinapalaya tayo nito mula sa mundong puno ng pasakit. It allows us to take our power back. Ang na-invest mong pagmamahal sa maling tao ay mapupunta na 'yan sa taong deserving. Hindi ka na kasi nakagapos ng kadenang puno ng negatibong enerhiya. Kapag wala na ang negatibong epekto nun, mawawala na rin ang anxiety, depression at overthinking. We breathe a sigh of relief. Forgiving helps you move forward on your spiritual path. Forgiveness encourages compassion. You are able to relate to others as part of the human experience. You feel for others as you do for yourself. Emotionally and psychologically unencumbered, you can begin to put the past behind you. Forgiveness is an act of kindness and goodness. It is a path to peace.
Ang pagpapatawad ay hindi lang applicable sa relasyon, pwede rin ito sa ibang sitwasyon. Inihalimbawa ko lang ang relasyon para mas madali nating maunawaan.
Maging mabait kayo sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit,
at lubusan ninyong patawarin ang isa’t isa,
kung paanong ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo
ay lubusan ding nagpatawad sa inyo.
—Efeso 4:32
We are called to forgive as we have been forgiven. This is an opportunity to glorify God by extending forgiveness, out of the abundance of the forgiveness we have already received. Furthermore, the forgiveness we received was at the cost of Jesus. While it is freely given to anyone who chooses to receive the gift of eternal life, the death of Jesus was the cost. The appropriate response is full devotion. Full devotion includes obedience. Offering forgiveness to others is part of that obedience.
Comments
Post a Comment