NOW Is Your Time by Brain Power 2177

NGAYON NA KAAGAD Source Kung gusto mong baguhin ang buhay mo, kahit saang banda mo baguhin, may isang katotohanan na dapat mong malaman, hindi mo magugustuhan ang hirap ng pagdadaanan mo bago mo mabago ang takbo ng buhay mo. Maraming tao ang hindi umaangat sa buhay dahil ginusto nila ang buhay na 'yan. Nakuntento na sila sa ganyang buhay. Nakuntento na sila sa kakareklamo. āNa-late ako dahilā¦ā āHindi ako nakapagtapos dahilā¦ā ang daming DAHILAN . Sa sobrang dami ng dahilan, walang napuntahan. Bakit hindi mo ginawa? Bakit hindi mo tinapos? Bakit hindi mo sinundan ang pangarap mo? Bakit hindi mo tinupad ang mga sinasabi mo? Sabi mo magda-diet ka na? Ba't hanggang 10 araw lang? Walang nagbago dahil wala ka namang ginawa. Isipin mo nga kung ano ang mga pinagsasabi mo noon. Hindi mo pa ba na-realize na ang tanging gusto mo lang ay ang buhay na madali? Sabi mo wala kang oras, walang sumusuporta sa 'yo, hindi mo alam kung paano gawin, sobrang busy mo, napapagod ka na, masakit kata...