10 Simple Ways To Be Happy by Brain Power 2177


Photo by Jill Wellington from Pexels


Kaligayahan. Lahat tayo deserve natin maging maligaya. Gusto nating sumaya, 'di ba? Wala sigurong tao na ayaw nun. Pero alam mo, hindi lahat tayo ay masaya. Tinitingnan natin ang kaligayahan bilang kahulugan ng ating buhay at layunin ng ating buhay at bilang punto na rin ng ating pag-iral. Aminin na natin, lahat tayo, iisa lang ang ating layunin, gusto nating sumaya. Sa kabila nito, marami sa atin ang malungkot at marami ang may negatibong kaisipan at negatibong damdamin tulad ng stress at pagkabalisa sa halip na maging masaya. Paano tayo magiging mas masaya araw-araw? Paano tayo mamuhay sa buhay na gusto natin? Paano tayo magiging masaya at masiyahan sa buhay na ibinigay sa atin ng Diyos? Narito ang 10 simpleng paraan upang matuklasan ang mga sikreto sa 'yong kaligayahan at mabuhay nang mas masaya.


NUMBER 1
MAGPOKUS KA LANG SA POSITIBONG BAGAY
Photo by Bahaa A. Shawqi from Pexels


Ano ba ang dahilan kung bakit kailangan nating magpokus sa positibong bagay? May makukuha ba tayo dito? Kapag malaman mo ang kadahilanan, siguradong mas hihimukin kang gamitin ang attitude na ito. A positive attitude awakens happiness. 'Wag mo ng hintayin na maging mayaman ka o makamit ang iyong goal sa buhay bago ka maging masaya. Pwede ka pa ring sumaya ngayon. IT IS A MATTER OF ATTITUDE. When you adopt a positive frame of mind you become HAPPY. Ang kaligayahan ay hindi nakasalalay sa panlabas na mga bagay o sitwasyon. Galing ito sa loob mo. Having a positive outlook on life will make you happy, while being negative will make you unhappy.

Ang positibong pag-iisip ay makakatulong sa 'yo na makamit ang mga pangarap mo, layunin mo at ang mga gawain mo ay mas madaling matupad. Bakit? Kasi positibo mong ginawa ang mga 'yon. Mas lalong namo-motivate tayong gawin ang mga bagay. Motivation is a positive quality and a wonderful trait to have. It pushes you forward, encourages you, and helps you overcome obstacles. Kapag positibo ang pananaw natin, tataas din ang level ng ating self esteem. Choose to look at yourself in a positive light. See what is positive and good in you. This will automatically increase your self-esteem.

Ito ah, paano ka sasaya kung nakapokus ka lang sa kadiliman? Hindi ka sasaya kasi wala kang makikitang kulay do'n. Madilim nga, 'di ba? Kung nag-iisip ka ngayon ng negatibo, bigkasin mo 'to:

“Ang sarap ng araw ko ngayon”

“Ang swerte ko pa rin sa buhay”

Gamitin mo ang phrase na 'yan o gumawa ka ng mas related sa buhay mo upang ma-remind mo ang iyong sarili na tumuon lang sa mga bagay na ikakasaya mo.


NUMBER 2
GAWIN MO ANG GUSTO MO
Photo by Porapak Apichodilok from Pexels


Gawin mo lahat ng gusto mo basta't 'wag lang 'yong ikakapahamak mo. Alam mo naman siguro kung ano ang mga bagay na 'yon, 'di ba? Do what you love and love what you do. That's a catchy tagline. Sobra pa 'yan sa tagline lang, it's a WAY OF LIFE. And it’s our single most important piece of advice to share with the world. Do what you love. That means action. Do what you love not SAY what you love. Kung gusto mong mag boxing, gawin mo 'yon. Gusto mo maging singer, gawin mo 'yon. Lahat ng gusto mong gawin, GAWIN MO. We are physical creatures. Nakakalimutan na kasi natin ang ating pisikal dahil digital na ang nasa paligid natin e. But know this, our bodies were made to MOVE.

Love what you do is about PRIDE in one’s actions – in other words, living in such a way that when you look back on your actions, you feel satisfaction. That view requires a wide-angle lens. It’s about living a fulfilling life, a life with purpose. Kung gusto mo ang ginagawa mo, bawat araw ay magiging isang masayang pakikipagsapalaran. Kung hindi mo gusto ang iyong ginagawa, ang buhay ay parang isang puno ng pangit na gawain. The best way to achieve success is to design a life you love and live it every day. Magsimula ka sa maliit na bagay.


NUMBER 3
MAGING MAPAGBIGAY
Photo by Angela Roma from Pexels


There is a Chinese saying that goes:


Bakit tayo pa ang nagbibigay tapos tayo pa ang sasaya? May mga tao kasi na magsasabi,

“Paano kung wala akong maibigay?”

Palagi kang may maibibigay. Bakit? Dahil ang pagbibigay ay hindi lang mga materyal na bagay. Pwede mong bigyan ng ORAS ang ibang tao, ng ATENSYON, ng BULAKLAK, at iba pa.

Never forget that we are social creatures. Nakikipaglaro tayo, nakikipag-usap tayo, nagtutulungan tayo sa isa't-isa. Magiging masaya ka lang kung nagbibigay ka sa tao nang hindi napipilitan. Kung nagbigay ka tapos mabigat naman sa kalooban mo, talagang hindi 'yan magdudulot ng kaligayahan. Bakit naman tayo magbibigay? Dahil likas na ito sa katauhan natin. Minana natin ang katangian ng Diyos. Ang Diyos ay mapagbigay kaya dapat tayo ay mapagbigay rin.


NUMBER 4
NGUMITI KA
Photo by Lina Kivaka from Pexels


Malamang sasabihin mo, mahirap ngumiti kapag may problema ka. Tama nga naman. Pero mas mahihirapan ka ng sobra kung ayaw mong ngumiti. Alam naman natin na ang ngiti ay may malaking benepisyo sa atin. RELEASE THE ENDORPHINS, my friends. Ito ang natutunan ko, kapag ngumiti ka, naglalabas ang iyong utak ng maliliit na mga molecule na tinatawag na neuropeptides upang makatulong na labanan ang stress. Pagkatapos ang iba pang mga neurotransmitter tulad ng dopamine, serotonin at endorphins ay tumutulong din. Ang mga endorphin ay kumikilos bilang isang pain reliever, samantalang ang serotonin naman ay kumikilos bilang isang antidepressant. Smiling really can make people feel happier.

Charles Darwin was one of the first people to suggest facial expressions may actually intensify feelings. This theory is commonly known as the 'feedback loop'. A smiling expression feeds our mood and makes us feel happier. Bakit ayaw mong ngumiti? Libreng therapy ito. Not only can smiling make you feel happier and more positive, but it can also lead to higher rates of productivity.


NUMBER 5
MAGPASALAMAT KA PALAGI
Photo by Monstera from Pexels


Mahirap magpasalamat kapag wala ka namang nakikitang magandang nangyari sa buhay mo, 'di ba? Ganyan talaga ang buhay. Minsan mahihirapan tayo. Kahit nga hindi naman natin inaano ang buhay, sinusubok pa rin tayo. Madalas nating kinakaharap ang mga hamon na hindi natin inaasahan at ito pang nagdudurog sa atin. Hindi dahil sa napakatindi ng mga paghihirap na ito, ngunit dahil nakapokus lamang tayo sa sakit at mga sugat na iniiwan nila sa atin. Do'n tayo matatalo. Nakakalimutan kasi natin na bawat hamon na ibinibigay sa atin ng buhay ay may dalang mga aral. Gaano man kahirap ang lahat, hindi natin dapat kalimutan na magpasalamat sa kung ano ang mayroon tayo at magpasalamat kung sino tayo.

Kapag bumabagsak kasi tayo, kasama pati magagandang pangyayari. Nakakalimutan nating magpasalamat sa pinakadakilang regalo na ibinigay sa atin ng Diyos. Ano 'yon? Ang ating magandang buhay. Nalanghap natin ang sariwang hangin, nakikita natin ang nakakaakit na paglubog ng araw, at naririnig ang mga kamangha-manghang tunog ng kalikasan. Do'n pa lang panalo na tayo e. We need to be grateful for all of the things we usually take for granted.


NUMBER 6
BIGYAN MO NG ORAS ANG SARILI MO
Photo by Eugene Shelestov from Pexels


Kahit ikaw yung tipong lakwatsera na tao ay alam kong nangangailangan ka pa rin ng kaunting oras para sa sarili mo kahit sandali man lang. Kung ikaw man ay extrovert o introvert, kahit maliit lang na oras ang igugol mo sa sarili mo ay makakapagpasaya sa 'yo. Alam kong mahalaga rin na may mga taong tumutulong sa 'yo na umunlad pero wala pa ring tatalo sa benepisyo na matatamasa natin sa pagbigay ng oras sa ating sarili.

Why is having some alone time really good for you? It allows you to RECHARGE. Cellphone nga kapag nag cha-charge iiwan mo, 'di ba? Ganyan din tayo. Kung gusto nating bumalik ang ating lakas, mag SOLO muna tayo. Tandaan mo 'to, hindi sa lahat ng oras ay UMAANDAR ka. I mean yung ON ka. May mga oras din na BLANKO ka, 'di ba? Kaya dapat lang na bigyan mo ng oras ang sarili mo para naman makapag-isip ka ng maayos. Para mapag-isipan mo kung ano na ang nangyayari sa 'yo, sa relasyon mo, sa pamilya mo, sa paligid mo. Time to make yourself a priority and embrace your independence.


NUMBER 7
BISITAHIN MO ANG NATURE
Photo by Luis del Río from Pexels


Sa nature mo kasi maramdaman at makikita ang mga nilikha ng Diyos. Do'n pa lang magiging masaya ka na. Over 100 studies have shown that being in nature—or even watching it in videos—benefits our brains, bodies, feelings, thought processes, and social interactions. Nakakabawas din ng ating stress. Alam naman natin na halos lahat ay nakadikit na sa ating cellphone, sa ating computer, sa ating tablet, time out ka muna. Tumambay ka muna sa nature. Being in nature can help clear your head and bring you into the present moment, and is a great way to de-stress and relax. Tingnan mo ang pagsikat o paglubog ng araw. Pwede kang pumunta sa park o sa garden. Sa tabi ng ilog o dagat. Mag picnic ka. Mag meditate ka sa labas. Trust me you'll feel happier.


NUMBER 8
MATUTO KANG BUMITAW
Photo by Tara Winstead from Pexels


What do I mean by that? Bumitaw ka sa galit at poot na kinikimkim mo sa ibang tao. Patawarin mo na ang mga taong nananakit sa 'yo. Patawarin mo na rin ang sarili mo. Kung kinikimkim mo ang sama ng loob, IKAW ang magdurusa hindi ang ibang tao. Hinahadlangan nito ang iyong tunay na damdamin, GALIT ang nangungupahan sa puso mo. Hindi ibig sabihin ng pagpapatawad ay nakakalimutan mo na rin ang ginawa ng tao. Aminin mo man o hindi, alam kong hindi mo makakalimutan 'yon. Kahit hindi mo makakalimutan 'yon, piliin mo na lang ang bumitaw sa mga bagay na nakakalunod sa 'yo. 'Yan ang pagpapatawad.

May benepisyo ba tayong makukuha sa pagpapatawad? Mayroon.

#1 Healthy Relationship
#2 Mabuti na ang ating mental na kalusugan
#3 Nakakabawas ng anxiety at stress
#4 Nakakapagpababa ng blood pressure
#5 Fewer symptoms of depression
#6 A stronger immune systems
#7 Healthy heart
#8 Tataas ang iyong self-esteem


NUMBER 9
TANGGAPIN MO ANG REALIDAD
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Mahirap sumaya kung nag-iilusyon ka lang o palagi kang tumatakas sa realidad. Hindi madaling tanggapin ang realidad na puno ng problema kaya ano ang ginawa ng karamihan? Gumawa sila ng kanilang sariling bersyon na strategy. Ang TUMAKAS. Minsan ang pagharap sa realidad ay hindi madaling gawin, ngunit ang pagtanggap sa iyong kasalukuyang sitwasyon ay magpapasaya sa 'yo at humantong sa isang mas mahusay na hinaharap. Ang pag-unawa at pagtanggap sa realidad ay parehong praktikal. Acknowledging your reality will help you choose your dreams wisely and then help you achieve them.


NUMBER 10
'WAG MONG IKOMPARA
ANG SARILI MO SA IBA
Photo by nappy from Pexels

Hindi ka maging masaya kung palagi ka na lang nakapokus sa iba. Ninanakaw nito ang kaligayahan mo. Ganyan tayong mga tao, 'di ba? Palagi nating ikinokompara ang ating pananalapi, ang hubog ng ating katawan, ang ating talento, ang bahay natin, remember this, there are no winners in the game of comparison. Here's the thing, nobody is forcing you to play this comparison game, that means, pwede kang tumigil sa kakahambing. Pasalamatan mo kung anong nasa sa 'yo. Pahalagahan mo ang pagkatao mo. Mamuhay ka ng maayos sa panuntunan mo. Itigil mo na ang pagkokompara.

HAPPINESS IS A STATE OF MIND. When I speak of experiencing happiness in life, I'm not thinking of short-term emotions at all. I think of the quality of living—a much longer-term view of the word.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177